Chapter Six
Chapter Six
"At sa aking bawat pag hinga, ikaw ang nasa isip ko, sinta."
ANYA
Ang bilis ng lakad ni Blue habang hatak hatak niya ako. Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya but his grip is too strong.
How come a soft person like him have so much strength?
"Blue ano ba! Bitiwan mo nga ako!"
Hindi niya ako pinansin. Binuksan niya ang pinto sa may fire exit at hinila ako papasok doon. Isinandal niya ako sa pader at iniharang niya ang braso niya sa gilid ng ulo ko.
He glared at me. "What the hell are you doing?" he asked. Sobrang seryoso ng boses niya and to be honest, medyo kinakabahan ako. He was so cool this entire time tapos bigla siyang pipitik ng ganyan. Nakakagulat.
But of course I didn't let him notice.
I glared back at him at itinulak ko siya papalayo sa akin.
"Mind your own business," I hissed.
"Bakit kailangan mong gawin 'yon? He's not even our prof!"
"Paki mo ba? Bakit? Isusumbong mo 'ko?"
Huminga siya nang malalim, "that's cheating you know."
"Like what you said, he's not even our prof."
"Then that's stealing. Pwede ka ma-expel sa ginagawa mo. Graduating ka na tapos gagawa ka pa nang kalokohan?"
Wow, he's too righteous.
Disgusting.
"Edi isumbong mo!" I dared him. "Ma-expel kung ma-expel. Pero tandaan mo, the contest is just around the corner. Good luck finding a new partner!"
Hindi siya nakapag salita sa sinabi ko. Knew it. In the end, isasalba pa rin niya ang sarili niya.
Gano'n naman talaga ang mga tao. Masyado tayong selfish.
I walk past him at palabas na ako ng fire exit nang bigla ulit siya mag salita.
"I saw you with him," he said. "Yung lalaking tinaguan mo sa convenience store."
Napahinto ako bigla at napalingon sa kanya. My eyes wide open.
What the fuck?
"May kasama siyang ibang babae sa convenience store and clearly she's his girlfriend. Kaya ka ba nagtago kasi..." he trailed off. "Are you by chance a..." he trailed off again.
Pero hindi na niya kailangan ituloy ang sasabihin niya dahil alam ko na naman ang gusto niyang i-punto.
"Third party?" I said nonchalantly. Ako na ang nagtuloy sa gusto niyang sabihin.
He nods.
I can feel a pain in my gut because of the insult.
Of course. Pare-pareho lang naman sila, eh. Wala siyang pinagkaiba.
Mabait, oo. Pero ganun pa rin tulad ng ibang tao---mapang-husga.
"I said mind your own business," sabi ko sa kanya at tuluyan na akong umalis.
Wala na akong ganang bumalik sa kitchen laboratory. Wala na rin akong gana na pumasok sa lahat ng subjects ko ngayon. Dumiretso ako sa girl's restroom para makapag palit ng damit.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
Ano ba 'ko rito?
Unwanted child. Ayon ang tawag nila sa akin eversince. My mom got pregnant by someone she doesn't know. Supposedly i-papa-abort na raw ako kasi my mom was too young back then. Nung nabuntis siya, she's only twenty-one years old. Pero nakonsensya siya kaya hindi niya ginawa.
Konsensya---ayon ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon. Hindi dahil sa mahal niya ako kundi dahil nakonsensya siya.
Pero nauubos din ang konsensya ng isang tao. Eventually she regretted her decision na buhayin ako. Umalis siya. Nagpapadala ng pera pero sa opinyon ko sustento na lang yun sa pag a-abandona niya sa akin. Kung saan saan akong kamag-anak tumira. Pasa pasa sila kasi wala naman talagang may gustong mag alaga sa akin, eh.
Unwanted child nga. Pabigat. Palamunin.
Akala ko dati, pag mabait ka, magugustuhan ka nila. Unwanted man ako sa bahay, baka sa school makahanap ako ng mga taong tatanggap sa akin.
But I was wrong. The more na mabait ka, the more na aabusuhin ka at kakayan-kayanin ka. That's why I got bullied a lot nung elementary at highschool. Para akong tangang sunud-sunuran sa mga kaklase kong inaabuso ako. Akala ko they really care for me. Wala akong kamalay-malay na pinagtatawanan na pala nila akong lahat kasi ang uto-uto ko raw.
So I stopped being kind. I fought back. Eventually, they stopped bullying me. They still hated me though but at least hindi na nila ako binubully.
Third year highschool nung naulit na naman ang bullying. Naalala ko noon, nawalan ng gadget yung isa naming kaklase. Unang pinagbintangan na nag nakaw ay ako. Nakakatawa kasi ang layo ng pwesto ko doon sa pwesto ng nanakawan pero lahat sila iniisip na ako ang kumuha. Umabot pa ako sa principal's office kahit wala ni-isang ebidensya na ako ang kumuha. Just because lahat sila gano'n ang iniisip sa akin.
Sanay naman akong nahuhusgahan ng mga tao.
But it doesn't mean na hindi na masakit.
Naalala ko kung paano nila ako paaminin sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Hindi ako umiiyak non. Nakatingin lang ako sa kanila, blanko ang expression. But deep inside, I was so scared.
Wala ba talaga akong kakampi dito?
And then he came.
Si Grant.
Hatak hatak niya sa principal's office yung kaklase kong nanakawan ng gadget. Pareho silang may pasa dalawa. Ang sabi, nag suntukan daw sila.
It turns out, naiwan lang pala sa bahay yung gadget at hindi nanakaw. Pero since nagkagulo na ang lahat, ayaw na lang sabihin ng kaklase namin sa teacher na nahanap na ang gadget. Ang dahilan? Most likely magnanakaw naman ako so hindi malabong mangyari na gawin ko 'yon. Nagalit daw si Grant at sinuntok ang kaklase namin.
After that, he dragged him sa principal's office para paaminin. They cleared my name.
Pero nakarinig ba ako ng apology mula sa kanila? No. Kasi wala naman silang pakielam sa nararamdaman ko.
At mas nakakatawa, si Grant ang humingi ng tawad sa akin on their behalf.
After that, na suspend si Grant ng dalawang araw dahil nakipag suntukan siya.
Nag sorry din ako sa kanya, but with a big bright smile, he said na ayos lang. Wala akong kasalanan.
Si Grant. He's the class president. Laging kasama sa top students. Mabait, magalang, gusto ng lahat ng teachers. He's full of positive aura that's why I don't like him at first.
No, actually, more like I envy him.
Nakita ko sila ng pamilya niya tuwing Family Day, eh. He's the only child. Sobrang close nila at halatang mahal na mahal siya ng mga magulang niya.
Kaya siguro ganyan siyang kabait. He got a happy family.
After that day, dikit na nang dikit sa akin si Grant. Lagi ako tinatabihan, kinakausap, sinasabayan mag lunch at umuwi. Naiinis ako. I always push him away. Ayoko ng kaibigan, I told him. Wala akong gustong pagkatiwalaan na tao.
Pero kahit gaano ko siya tarayan, sungitan o i-push away, hindi siya tumigil na kausapin ako. He has been so patient with me. And for the first time, naramdaman kong may taong may pakielam sa akin.
I slowly opened up to him. We became close. And for the first time, I felt happy.
He's sweet and kind. Sobrang maalaga at responsable. Gusto ko yung dedication niya sa lahat ng bagay. Masarap siyang kausap. Malalim mag isip. At alam mong genuine ang care na pinapakita niya.
Fourth year prom, I am his date. He asked me to be his girlfriend. I said yes.
That was the happiest day of my life.
Pero nung second college na kami, doon nag bago lahat.
His mom caught his dad cheating. Nag hiwalay ang parents niya. After that, his mom died. Tumira siya kasama ang dad niya, pero hindi niya makasundo ang bagong pamilya ng dad niya.
That's when he started to be came more rebellious.
Naging pala-inom. Hindi nagpapapasok sa klase. Ang dami na niyang bagsak. Ilang beses ko siyang kinausap pero parang hindi niya ako naririnig. Parang hindi na umaabot sa kanya ang boses ko.
Then I saw him with other girls. Ilan na ba sila? Hindi ko na mabilang. Alam ko namang wala lang 'yon. Alam kong by the end of the day, sa akin pa rin siya bumabalik.
Pero ang sakit sakit pa rin.
I want to confront him about it pero hindi ko magawa.
Because I know he's way too broken.
Pain can really change a person.
Ilang beses kong binalak umalis. Gusto kong tapusin na ang relasyon na 'to kasi hindi ko na siya kilala. Pero kada gagawin ko 'yon, lagi kong naalala yung time na hindi niya ako sinukuan. Nung time na lahat nang tao iniiwan na ako, siya nag stay pa rin.
He took my side.
Hindi ko siya pwedeng iwan. He's all I have.
Naalala ko nung isang linggo, umiiyak sa akin si Grant. He's failing another subject again. Kung hindi siya g-graduate ngayon, hindi na siya pagaaralin ng tatay niya.
I got scared for his future. He promised me na after nito, mag titino na siya.
Kung maayos 'to ng isang kasalanan, then I'm willing to take the risk.
Basta maging okay na siya. Basta bumalik na siya sa dati.
Kasi miss na miss ko na siya.
~*~
VANNA
"Mangungutang ka ba? O may atraso ka sa'kin?" tanong ko kay Asul habang pasakay ako sa loob ng kotse niya.
Nagulat ako sa kanya. Sinundo niya ako sa last subject namin at biglang nag offer na ihahatid niya ako ngayon sa bar kung saan may gig ang banda namin.
Ginagawa lang niya ito pag may atraso siya o may kailangan siya sa akin.
"Judger ka!" sabi niya sa akin as he started the engine. " Pwede bang bumabawi lang?"
"Sa pang i-indian mo nung isang araw dahil nalasing ka?" I asked habang pinanliliitan ko siya nang mata.
Natawa si Blue at bigla niyang kinurot ang ilong ko, "mga babae ang tagal mag move on."
Hinampas ko ang kamay niya. "Aray naman ang sakit!" reklamo ko habang hinihimas ko ang ilong ko.
Napalingon ulit sa akin si Blue at napangiti.
"Ang cute mo Vanna..."
My heart skipped a beat.
"Mukha kang clown," pagpapatuloy niya.
Hinampas ko siya nang malakas sa braso.
"Aray ko!" sabi niya. "Ang liit liit mong babae ang lakas mong manghampas."
"Epal mo," yamot kong sabi.
"Pogi ko?" nakangisi niyang tanong.
Oo, sobra. Kabadtrip.
"Hindi. Yuck. Asa," sagot ko. "So... musta naman ang dry run niyo?" tanong ko.
And I immediately want to kick myself.
Sabi ko hindi ako magtatanong sa kanya about sa dry run. Mamaya may marinig na naman akong ikakaselos ko kahit na wala akong karapatan mag selos.
Pero sobrang na c-curious ako.
"Ayos naman. It went well," matipid niyang sagot then biglang bumaba ang energy niya.
Mas na curious tuloy ako.
Sobrang kilalang kilala ko na si Asul kaya alam ko instantly may hindi okay na nangyari.
"Musta kayo ni Anya?" tanong ko ulit.
Bahagya niya akong nilingon and gave me a smile bago niya ibalik ang tingin niya sa kalsada, "ayos lang din."
Silence....
"V, may question ako," sabi niya.
"Ano 'yon?"
"About Anya..."
Natahimik ako. Ilang beses pa ba niya ako tatanungin about Anya?
"Close ba kayo?" tanong niya.
Umiling ako, "casual lang kami sa isa't isa. Bakit?"
"Wala natanong ko lang."
"Sobrang curious mo kay Anya ha?" sabi ko. "Ikaw, nakakaramdam na ako sa'yo."
"Ano na naman 'yang nararamdaman mo na 'yan."
"Umamin ka na. Crush mo 'no?" pagbibiro ko with matching tawa kahit parang may tumutusok na karayom sa puso ko.
Umiling si Asul, "hindi. But I admit she intrigues me."
I don't know what to feel.
"Bakit naman?"
"I don't know. I just feel like... she's really sad. I wonder what makes her sad?"
Natahimik ako. Napahinga nang malalim.
Ang unfair naman. Ako na nasa tabi mo hindi mo napapansin na nasasaktan na. Ganoon ba ako kagaling magtago? Should I be proud of myself?
"Sana all," I whispered.
He gave me a confused look, "sana all what? Malungkot?"
I just smiled at him at tumingin na lang ako sa side mirror ng kotse. Nakita ko sa reflection ng mirror na papalubog na ang araw. It makes me sad.
Sana all hindi ka manhid.
To be continued...
Thank you for reading this chapter! Lablab <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top