Chapter Seventeen


Chapter Seventeen

VANNA

Hindi ako nakatulog.

Kahit anong pikit ko at pilit na i-blangko ang utak ko, hindi ko magawa. My thoughts kept me awake.

Anya opened up to us about her boyfriend. Matagal na niyang alam na he's cheating on her. Iba't ibang babae, hindi lang sa isa. But she never confronted him. Ang dahilan niya, alam niyang hindi okay ang boyfriend niya.

But still...

Minsan aabot ka sa point na sa kakahawak mo sa isang bagay na sira, unti-unti ka na rin nasusugatan hanggang sa hindi mo na kayang hawakan pa.

That's what happened to her.

She clarified na she didn't try to commit suicide. Her wounds are from an accident na sa sobrang heighten ng emotion niya, nabasag niya yung malaking salamin na nakasabit sa pader niya. But then, may mga moments na sumasagi sa isip niya ang self harm.

Kita ko ang pag aalala ni Asul sa sinabi ni Anya. He assured her na she's not alone. Na he's here for her, willing makinig. He made her promise na everytime maiisipan ni Anya yun, tatawag siya kay Asul.

Asul is always like that sa akin at pati na rin sa mga kaibigan namin. It is no surprise to me na ganito ang level ng pag-aalala niya kay Anya because that is him as a person. And I know Anya needs someone na makakausap.

At alam ko ang selfish selfish na ng thought ko.

Pero nag se-selos ako.

Nung gabi, lahat kami sa living room natulog. Kami ni Anya, sa sofa bed. Si Uno at Asul naman ay sa airbed na inilatag nila. Doon ako pumwesto sa dulong bahagi ng sofa bed at si Anya naman ay sa may inner part. Pumwesto si Uno sa dulong side ng airbed samantalang si Asul naman ay sa may inner part din—katabi ni Anya.

Dahil few inches lang ang layo ng sofa bed at airbed, halos magkadikit na si Anya at si Asul.

The whole night nakatalikod lang ako sa kanila. Ayokong isipin, ayokong i-imagine. Ilang beses ko nang sinabi na matutulog na ako. I tried to sing a song in my head para wala na akong maisip na iba pero bumabalik at bumabalik pa rin ang thoughts ko kay Asul at Anya. Iba't ibang scenario ang pumapasok sa isip ko pag naging sila na. I have this feeling na magiging iba 'to as compared doon sa mga naging girlfriend ni Asul. Biglang pumasok sa imagination ko ang sibahan, Anya in a wedding dress, Blue waiting for her at the end of the aisle. And me? Grinning from ear to ear, trying my best to look happy for my best friend but deep inside, I am dying.

I tried to erase that thought from my head pero ayaw mawala. Paulit ulit nag r-replay sa utak ko na para bang sinasanay na ako sa sakit.

Mga past midnight, narinig ko ang boses ni Blue.

"Why are you still awake?" he said with a whisper. I thought he's talking to me but then I heard Anya's voice.

"Di ko makatulog," she answered softly.

"Iniisip mo ba siya?"

Hindi ko narinig ang sagot ni Anya pero naramdaman ko ang bahagya niyang pag galaw.

"Pwede mo bang hawakan ang kamay ko?" I heard her asked Blue.

Hindi sumagot si Asul, but I'm pretty sure he's already holding Anya's hand.

At dahil doon, tuluyan nang nagising ang diwa ko. Iniwan na ako ng katiting na antok na nararamdaman ko.

Bumangon ako ng mga around five AM. Napagod na kasi ako sa pag papanggap na natutulog ako. Hindi ko nilingon si Anya and si Asul nung bumangon ako. Mamaya magkahawak pa rin sila ng kamay---or worst, baka magka-hug sila. Baka finorehead kiss din ni Asul si Anya katulad nung sa'kin. Ewan. At least ngayon one hundred percent sure na akong walang meaning ang forehead kiss na 'yon.

Dumiretso ako sa kitchen at nag timpla ng hot choco. After that, naupo ako sa stool doon, pinasakan ng headset ang tenga at nag patugtog ng upbeat na kanta. I set the music in full volume. Pumikit ako at pinakinggan ko maigi yung tunog ng bawat instruments na ginamit. Electric guitar, acoustic guitar, keyboard, bass, drum. Sa pre-chorus may violin.

I always do this to clear my head. To drown all the unnecessary thoughts.

I don't want to think about him. I want to stop thinking about him.

Biglang pumasok sa imagination ko ang mukha ni Asul. His beautiful smile. His hand gently tapping the top of my head whenever I'm not okay. His warmth.

"V..."

His voice. The way he looks at me whenever he calls my name.

"V..."

Why the hell am I hearing his voice? Please, I want to stop thinking about you. Kahit saglit lang. Kahit ilang segundo lang.

Napadilat ako nang may biglang nag tanggal ng headset ko at binulungan ako sa tenga.

"V!"

"Ay pusang gala!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pag sulpot ni Asul sa tabi ko at nakita ko naman siyang tumatawa.

"Ayan, kape ka kasi nang kape kaya magugulatin ka na," pang aasar niya.

Umirap ako, "epal ka. Tsaka hot choco 'to!" sabi ko sabay taas ng mug na iniinom ko.

He chuckled, "aga aga init ulo."

Di ko siya kinibo at ipinako ko ang tingin ko sa iniinom kong hot choco.

Alam niyo 'yung nakaka bwisit? When you're trying so hard to get someone off your mind tapos bigla siyang susulpot sa harap mo.

Badtrip.

Naramdaman kong naupo si Asul sa stool na katapat ko.

"Ba't ang aga mo nagising?" he asked sabay kuha ng mug ng hot choco na iniinom ko at naki-inom siya.

Inagaw ko sa kanya yung mug, "mag timpla ka nga doon nung sa'yo hindi yung nang buburaot ka."

"Painom lang!" sabi niya. "Pero ba't nga gising ka na? Tsaka ba't mainit ulo mo? May nangyari ba?" there's a hint of concern on his voice.

Napa-iwas ulit ako nang tingin at bahagyang umiling.

"Wala naman," mahina kong sagot. "Hindi lang ako makatulog."

"Is something bothering you?"

Hindi ako umimik.

"Si Anya?"

Napa angat bigla ang tingin ko kay Asul. I was not expecting that.

Nahahalata na ba niya...?

"Alam ko na a-awkward-an kang patuluyin siya dito when you're not that close. I'm sorry..." he said.

Medyo nakahinga ako nang maluwag.

Buti na lang manhid ka.

I took a sip of my hot chocolate then I answered him, "ayos lang 'yon. Willing naman akong tumulong, eh."

Nakita kong napangiti nang malawak si Asul then he reached out for my head and patted the top of it. "Kaya the best ka, eh," he said.

I tried to calm my heart. Madalas niyang gawin sa akin 'to at sanay na ako. That's how comfortable I am with him. Pero lately, everytime na lalapit siya at gagawin niya ang mga small gestures na 'to, parang may pumipilipit sa puso ko. There's this overwhelming feels that made me want to cry. Out of joy or out of pain, hindi ko sigurado.

Napatitig ako sa nakangiting mukha ni Asul and I can see how grateful he is.

Eto na naman yung pakiramdam na parang pinipilipit ang puso ko.

He cares for Anya so much. And I know Anya's hurting right now pero eto ako, ang unang pumapasok sa isip ko is what if she takes Blue away from me. Nung narinig kong nasa ospital si Anya, ang unang naramdaman ko ay nasaktan because it seems like pinag sisisihan ni Asul na ako ang pinuntahan niya and not Anya.

I feel so selfish.

"Asul... sorry," I choked at naramdaman ko bigla ang pangingilid ng luha ko.

"Hey, what's wrong?" Blue asked habang sinisilip niya yung mukha ko. "Anong problema?"

"Kung hindi ako inatake nung araw na yun, you could've prevented Anya from being hurt. She needed you that night pero umepal ako. I'm so sorry, Blue."

Yumuko ako while trying to calm myself. Hinga nang malalim. Pilit kong nilalabanan ang mga luhang gustong bumagsak sa mga mata ko.

"Why are you saying that?" tanong ni Asul. Then naramdaman ko ang braso niya sa balikat ko as he pulled me near him. "Para kang sira. Alam mo naman kahit anong mangyari pupuntahan at pupuntahan kita."

"Sorry ganito 'ko," I said with a whisper.

"Tigilan mo nga yan. Wala naman mali sa'yo, eh. Tsaka wag mo na isipin 'yun. Yung nangyari kay Anya, it's not your fault so you shouldn't blame yourself for that." Bahagyang lumayo si Asul sa akin, "I'm sorry if I made you feel that way. Nag alala lang talaga ako kay Anya. But if that thing happened to you, you know that I won't be able to forgive myself, right?"

"Bakit?" I blurted out of nowhere.

And I instantly regretted it.

"Anong bakit?" tanong niya. "Malamang bestfriend kita!" natatawa tawa niyang sabi.

Best friend.

At siya, gusto mo kaya ganyan ka sa kanya?

I forced myself to smile at tumayo ako.

"Tama na ang dramahan. Mag luluto ako ng breakfast."

"Wag!" mabilis na sagot ni Asul. "Ako na lang ang mag luluto."

"Maka-wag. Hindi ko naman susunugin ang kusina namin!"

Hindi siya sumagot. Tinignan lang niya ako na parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Sinimangutan ko siya.

"FYI lang ha, HRM student din ako. 'Di man ako kasing galing mo mag luto, pero marunong pa rin ako!"

Nag walk out ako at nag start i-prepare yung pang breakfast namin. Sa totoo lang wala naman talaga akong planong mag luto ng breakfast dahil alam kong mag v-volunteer si Asul. But I just have to get away from him for a while kasi feeling ko para na akong sasabog. Baka mamaya umiyak na lang ako sa harapan niya at mag confess. Sobrang overwhelming ng nararamdaman ko ngayon, kailangan kong pakalmahin.

Isinalang ko yung teflon sa ibabaw ng gas stove at nilagyan ng mantika. After nun nag lagay ako ng hotdog sa pan.

Huminga ako nang malalim. Ayoko na nang ganitong pakiramdam. Para na akong sasabog.

"V ako na," dinig kong sabi ni Asul from my back at inagaw niya ang hawak kong sandok.

Nilingon ko siya and I was surprised he's so close to me na halos bumangga ang ulo ko sa dibdib niya.

"Lutang ka," sabi niya.

Kinunutan ko siya ng noo, "huh?"

"Nag lagay ka ng mantika at hotdog pero di mo naman binuksan ang kalan. Paano maluluto 'yan?"

Ay tanga. Ay bobo. Ay gaga.

Mamaya mag papasabunot ako nang malala kay Dawn I swear.

"Yung totoo anong problema?" he asked seriously.

Hindi ako makaimik. Nakatitig na lang ako sa mukha niya. Sa mata niya. Nakakatunaw yung tingin. Yung puso ko, natutunaw. Para akong sasabog. Gusto ko nang umamin. Ang hirap nang dalhin.

No.

No no no no.

You're gonna ruin your friendship so just shut your mouth, Vanna. Don't be stupid.

Huminga ako nang malalim.

....and I hugged him tight.

"Uy.. bakit?" tanong niya.

"Wala. Pa hug lang saglit," sabi ko.

I can feel his hesitation. Alam kong gustong gusto na niya akong tanungin but he didn't. Instead, binitiwan niya ang hawak niyang sandok and he hugged me back.

Parang gusto kong maiyak.

Blue is warm. I really like the feel of his arms around me. It felt like warm blanket on a cold night.

Hanggang kelan mo kaya ako pwedeng yakapin nang ganito?

"Kayo na ba?"

Bigla kaming naghiwalay ni Blue nang marinig namin ang boses na 'yon.

Then we saw Uno leaning on the threshold with a lopsided grin on his face.

"G-gago!" sagot ni Blue sa kanya.

While me, I forced a laugh.

"So nahuli mo kaming nag d-dramahan," sabi ko kay Uno. "Pero gago ka, paanong magiging kami? Yuck!"

Napatawa rin si Uno.

"Nililinaw ko lang kasi aamin na ako," nakangiti niyang sabi.

"Ano na naman yang aaminin mo ha? May jowa ka na naman?" tanong ko. "Di ka talaga nababakante 'no?"

Napatawa si Uno.

"Hindi. Aamin na ako gusto kitang ligawan."

Napatawa ulit ako.

"Ulol mo. Lakas mong mangasar, mag sama kayo ni Asul."

"Seryoso ako."

"Ewan ko sa'yo---"

Natigilan ako.

I saw Uno's expression and he's fucking serious.

"Uy Uno, 'di nga?" tanong ni Asul sa kanya.

"Oo nga. Seryoso ako. I want to court Vanna."


To be continued....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #alyloony