Chapter Seven

Chapter Seven

BLUE

"Pwede bang mag request ng kanta mamaya?" tanong ko kay Vanna habang naka-puwesto kami sa isang table dito sa bar kung saan sila mag gi-gig. Napaaga ang dating namin kaya naman naki-kain muna siya ng nachos sa akin.

Naki-kain equals to siya na halos umubos nung order 'to.

"Ayoko," mabilis na sagot niya as she took another piece of my nachos. Yung marami pang cheese sa ibabaw ang kinuha niya. "Puro kalokohan lang naman ang irerequest mo."

"Dali na, madali lang 'yung song request ko. Kayang kaya mong kantahin."

"Ano?"

"Stupid Love ng Salbakuta."

Tinignan niya ako nang masama. Napatawa na lang ako.

"Bakit ganyan ka makatingin?" I asked in between laughs. "Madalas kaya natin kantahin 'yon! Duet pa nga tayo, eh. Naalala mo?"

Vanna broke into a smile, "oo gagu. Mukha tayong tanga. Pero sa karaoke yun nung family outing. Ibang usapan ang gig ko kaya wag kang mag re-request diyan kundi tatadyakan kita!"

"Grabe yung tadyak. Inubos mo na nga 'yong nachos ko, sasaktan mo pa 'ko?" natatawa-tawa kong sabi.

"Ewan ko sa'yo!" sabi ni Vanna as she fix her things and check on the time. "Punta na akong backstage. Nandoon na mga bandmates ko."

"Okay," sabi ko. "Dinner tayo mamaya?"

"Pwede naman. Saan?"

"Sa bahay. Magluluto ako," sabi ko.

Napangiti si Vanna, "game!"

Nag wave siya sa akin at pumasok na siya sa loob ng backstage. Kinain ko naman yung natitirang nachos sa plato ko.

I love watching Vanna perform. There's this different glow in her whenever she's up on stage. She shines the brightest pag nag p-perform siya.

Ang saya niya tignan.

Sa totoo lang, magaling siya mag perform. Kung masaktuhan na may maka discover sa banda nila, for sure, malaki ang chance na sumikat sila. Sobrang saludo ako sa kanya, to be honest. She's really, really talented.

Pero minsan hind ko rin maiwasan mainggit. She's good on what she do.

Sana ako rin gano'n.

"Maaga pa para mag lasing, ah?"

Naputol ang chain of thoughts ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Napalingon ako and I saw Anya standing beside me. She's holding a bottle of beer on her right hand.

Napatingin siya sa plato ng nachos sa harap ko at sa watermelon shake na iniinom ko, "ay, hindi ka pala naglalasing." She then took the chair on my right.

Napatitig ako sa kanya. She's just wearing a black shirt paired with a ripped jeans. She just let her hair loose at sobrang chill lang na umiinom ng beer sa tabi ko.

"Maaga pa para mag lasing," paguulit ko sa sinabi niya.

Ibinaba niya ang beer na iniinuman niya at bahagyang ngumiti.

"So... nakapagsumbong ka na?" tanong niya sa akin.

She acts like she doesn't care but it must've bothered her a lot.

"Nakapagsumbong sa alin?" tanong ko, acting like I don't know what she's talking about.

"Yung... kanina..." she trailed off.

"May nangyari ba kanina?"

Pinanliitan niya ako nang mata.

"Ang natatandaan ko lang nangyari kanina, nag dry run tayo para sa cooking contest at natapos tayo nang matiwasy. And oh---you make a good kani salad."

Mas napangiti siya. For some reason, napangiti rin ako.

This girl, she rarely smiles, yet if she does, sobrang nakakahawa.

"Salamat," mahina niyang bulong while avoiding my gaze.

I pretend I didn't hear what she said, "ano?"

"Wala!"

Napangiti na lang ulit ako.

"So... ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya.

She just shrugged, "ikaw?"

Damn this girl. Why is she so mysterious?

She intrigues me.

Pero hindi ko na siya pinilit sagutin kung bakit siya naglalasing ng ganitong oras.

"Gig ni Vanna," sagot ko. "Have you heard her sing before?"

Umiling siya.

"She's amazing," proud kong sabi. "Pakinggan mo siya maigi mamaya."

"Type mo siya 'no?" biglaan niyang tanong sa akin.

Napangiti na lang ako at napailing. "Best friend ko si Vanna."

"So hindi mo type?"

"Parang kapatid ko na 'yun."

She shrugs, "paano kung hindi lang kapatid ang turing niya sa'yo?"

"Imposible."

Yeah, it's impossible. Sa tagal na naming magkasama?

Kaya nga pinigilan ko 'yong akin dati, eh. Kasi alam kong imposible. Alam kong malabo.

She shrugs again, "if you say so."

Napatingin ako kay Anya as she's sipping her bottle of beer. I don't know if I'm imagining things, pero mukha na naman siyang malungkot.

Naalala ko bigla 'yong sinabi ko sa kanya kanina. Tinanong kung siya kung third party ba siya nung lalaking nakita namin sa convenience store.

I want to kick myself after I asked her that question. Kitang kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa tanong ko.

I don't know the whole story so I shouldn't have judged her like that.

"Anya... 'y-yung kanina pala... 'yung sinabi ko? Sorry nga pala..." I trailed off.

Tinignan niya lang ako, her expression blank.

"Kanina? Anong nangyari kanina?" she asked.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Napailing na lang din si Anya habang nakangiti, "I owe you one. Sorry rin iniwan kita sa dry run kanina."

"Ayos lang, I understand. Masarap naman yung kani salad mo. May thirty percent chance na tayong manalo," pagbibiro ko. Napatawa naman siya.

Hindi ko ulit maiwasang mapangiti.

Bakit ang sarap pakinggan ng tawa niya?

"Bakit ba gustong gusto mong sumasali sa mga cooking contest?" tanong ni Anya. "Past time mo ba 'yan?"

Bahagya akong napatawa at umiling, "hindi. Never pa kasi akong nananalo kaya try lang nang try."

"May addiction ka ba sa pagka panalo?"

Mas napatawa ako, "paano ko ba i-explain?" Huminga ako nang malalim, "self validation siguro?"

Napatingin sa akin si Anya. There's a curious look on her face and I don't know why it makes me feel....happy....that she's curious about me.

"At sa pananalo lang sa contest mo makukuha ang self validation na hinahanap mo?"

Napahinga ako nang malalim.

"Both of my parents are surgeons," I said. "Tapos yung ate ko, resident doctor na rin. Sa father side ko, puro nasa medical fields yung family niya. Sa mother's side ko naman, yung nag iisa niyang kapatid ay architect. They're expecting me to be an engineer or a doctor. Tapos nag HRM ako."

Natigilan ako sa pag kukwento. Nakita kong may dumaan na waiter at tinawag ko.

"Kuya isang beer nga po," sabi ko.

Napangiti nang bahagya si Anya, "ala-MMK na ba ang ikukuwento mo?"

I smiled back, "hindi naman. Pero medyo dramatic din. Hold your beer—and your handkerchief, baka maiyak ka," pagbibiro ko.

"I don't cry often pero try me."

Napatawa ako sa kanya.

"Nag HRM ako, and siguro ramdam mo naman ang disappointment ng parents ko 'di ba? Apparently, pag grumaduate ka ng HRM, hindi siya kasing big deal nang pag grumaduate ka ng medicine o ng engineering. Pag naging chef ako, hindi ito kasing big deal ng pagnakakuha na ako ng lisensya bilang doktor."

"Kaya ka ba sali nang sali sa mga contest? Hindi dahil naghahanap ka ng self validation but because gusto mo makuha ang approval nila?"

Natigilan ako sa tanong niya. It hits me.

"Siguro parte na rin 'yun. Pero gusto ko rin malaman kung nasa tamang landas ba ako?"

"What do you mean?"

"Alam mo si Vanna, alam niya kung ano ang passion niya and she's really good at it. Ako? Ilang beses na akong sumali sa mga contest pero never ako nananalo. It's as if I'm always not good enough. Minsan ang lungkot ma-reality slap na marunong lang ako pero hindi ako magaling."

Dumating na yung beer na inorder ko. Agad ko itong ininom at sinilip ko si Anya. She's just staring at her half empty bottle of beer.

Bahagya ko siyang siniko at napatingin siya sa akin.

I gave her a smile, "naiiyak ka na ba?" pagbibiro ko.

"I said I owe you one," sabi niya. "Marunong din naman akong magluto, so that makes the two of us. At dahil pareho tayong marunong, baka pwede natin matulungan ang isa't isa maging magaling."

"Okay...?" I asked, confused.

"What I'm trying to say is... let's win that fucking contest," she said with full of determination.

I smiled widely at her. She smiled back.

Wow, I earned a lot of points today. Ilang beses ba siyang ngumiti?

"Cheers?" I said.

"Cheers."

~*~

VANNA

"So, nakita ko na sabay kayo dumating ni Blue," sabi sa akin ni Dawn—yung drummer namin—habang nag aayos kami sa backstage. "Mukhang hindi ka na inindian ng jowa mo today."

Nilingon ko siya, "gagu, 'di ko jowa 'yon."

Tumawa siya nang malakas, "girl, we all know na doon na rin papunta 'yon. Except nung sa last time, sobrang tyaga niya na lagi siyang uma-attend sa gig natin---walang mintis. Tapos naalala mo yung sumunod siya sa Tagaytay para mapanuod niya tayo? Kahit pagod siya sa family gath nila, nag drive siya papunta doon."

Napahinga ako nang malalim. Naiinis ako kasi naapektuhan ako sa sinasabi ng bruhang babaeng 'to. Gusto kong kiligin pero alam ko naman kung bakit ginawa 'yon ni Blue.

Dahil bestfriend niya ako---at wala nang iba.

"Dawn tumigil ka na nga," sabi ko. "Ayokong maging sawi ngayong gabi."

"Ba't ka naman magiging sawi eh nandyan yung baby mo?"

Binato ko siya ng tissue, "gagu ka!"

Tumawa lang siya nang malakas.

"Pero seryoso Vanna, umamin ka na kaya kay Blue 'no? Kung walang gagawa sa inyo ng first move, taguan na lang kayo ng feelings forevs."

Umiling ako, "wala naman dapat aminin."

Napairap na lang siya sa akin, "ewan ko sa'yo!"

Natawa na lang ako sa reaction niya kasi alam kong frustrated na naman siya.

Si Dawn---siya ang pinaka malapit sa akin dito sa banda. Alam niya lahat ng feelings ko for Asul at siya rin ang nag pupumilit na may gusto rin si Blue sa akin.

Kahit alam na alam ko naman na malabo pa sa sinag ng araw na mangyari 'yon.

Sa totoo lang, ilang beses ko rin naman naisip na umamin. Pero lagi akong bumabalik sa wag na lang.

It's a risk I'm not yet ready to take.

Blue's with me eversince we were young. Magkapit-bahay kami at kilala na namin ang parents ng isa't isa.

Madalas ako maiwan magisa sa bahay dahil sa trabaho ng mga magulang ko. I'm also an only child, kaya si Blue ang parati kong kasama.

We grew up together. I know our bond is strong and it's something na hindi ko kayang masira.

Let's say na umamin ako at wala siyang gusto sa akin. Anong assurance na walang mag babago sa amin dalawa?

Let's say na umamin ako at may gusto siya sa akin at naging kami. Paano kung bigla kaming mag break? Anong assurance na magiging mag best friend pa ulit kami?

No. I can't lose him like that.

So I decided na wag na lang aminin. I decided na okay na siguro 'to.... okay nang mag best friend kami. In that way, mas safe ang relationship namin with each other.

Kahit na minsan ang sakit.

"Guys on stand by na!" sabi ni Eunice—yung leader ng banda.

Isa isa kaming umakyat sa stage. Pagkarating ko sa pwesto ko, una kong tinignan ay yung table kung saan nakapwesto ni Blue.

Nakita ko siya, nandoon pa rin siya kung saan ko siya iniwan kanina. But he's not alone.

He's with Anya.

They are talking softly with each other. Pareho silang nakangiti sa isa't isa.

Kilalang kilala ko si Blue. Isang tingin lang niyan, alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

And the way he looks at Anya.... it's full of admiration.

Yung minsan na masakit parang napapadalas ata.

Napalingon si Blue sa stage at nang makita niya ako, napaayos siya nang upo at nginitian ako nang malawak. Then he waved at me.

"Vanna," tawag sa akin ni Eunice at bumalik ako sa ulirat.

"Magandang gabi!" I said at the audience. "Kami po ang Makata and this is our first song!"

We started playing.

I started singing.

Hindi ko alam kung nagkamali ba ako o ano, basta lutang ang utak ko. I tried my best na hindi mapalingon sa pwesto nina Blue. I tried my best na tapusin ang tatlong kanta na kailangan naming tugtugin.

Nung matapos ito, para na naman akong nakalutang sa ere.

"Nice one guys!" sabi ni Eunice.

Naramdaman ko naman ang pagtapik sa akin ni Dawn. Nilingon ko siya.

"Kain daw tayo dinner?" tanong niya.

"Ah, hinihintay ako ni Blue. Past muna."

"Okiee! Enjoy your date!" nakangiting sabi ni Dawn.

Nauna na sila umalis. Ako naman, dumiretso sa table kung saan nakapwesto si Blue.

Anya's still there.

"Yo! That was great!" salubong sa akin ni Blue at niyakap niya ako. "Kanina pa kita pinagmamalaki kay Anya."

Kumalas ako sa pagkakayakap at napalingon ako kay Anya. She greeted me. "Low!"

I smiled at her.

"By the way, I invited Anya to join us for dinner. I'll grill steak!" excited na sabi ni Blue.

I decided to be just his best friend so I can protect our relationship.

Matagal ko nang sinabi sa sarili ko, kapag may nagugustuhan si Blue, mag b-back off ako. Hahayaan ko lang. Susuportahan. Magiging masaya para sa kanya.

Kasi 'yon naman ang role ng best friend 'di ba?

Kahit masakit.

I forced a smile.

"Sorry Asul, nag yaya kasi yung banda mag dine out ngayon. Sasama sana ako."

Pinanliitan niya ako nang mata, "so ako naman ang ini-indian mo ngayon?"

"Sorry. Bawi ako next time."

Napangiti si Blue at ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Sinilip niya ang mukha ko.

I tried my best to hide my emotions.

Please wag mo sanang mapansin na gusto ko na lang umiyak.

"Joke lang," sabi niya. "Sige na mag enjoy ka na kasama sila!"

I forced another smile, "thanks. Enjoy din kayo!"

Nag wave ako sa kanila at tumakbo ako palabas.

At doon nagsimulang bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas.

To be continued....

A/N

Sabi ko hanggang 10-15 chapters lang 'to.. pero mukhang hahaba pa pala hahaha. Medyo kumapal yung story sa latest drafts ko lol.

Anyway, baka... ~ baka lang naman ~ sa mga succeeding chapters mas mag focus ako sa POV ni Vanna and Blue. So bihira lang lalabas ang POV ni Anya.

We'll see.

Lemme know what you think! How was the story so far? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #alyloony