Chapter One
Chapter One
"'Di ba nga ito ang iyong gusto? O ito'y lilisan na ako..."
BLUE
Love can really make you crazy, huh?
Tatawa tawa ka kahit gusto mo na lang umiyak. Magpapakabayani ka sa kanya kahit wala ka namang monumento sa Rizal Park. Paiikutin mo ang buong mundo mo sa kanya kahit alam mong wala naman talaga siyang pakielam sa'yo.
Siguro kung makakausap ako ng younger self ko, malamang ginulpi na ako nun.
Simple lang naman plano ko dati eh, makatapos sa kolehiyo, magtrabaho at kumita ng pera. Tinanggap ko na nga na hindi na ata ako magkaka girlfriend kahit kailan eh. Masaya na akong maging third wheel sa mga tropa ko o guluhin ang buhay ng bespren ko na wala ring jowa.
Pero nakilala ko siya.
Si Love.
Love can really make you crazy indeed.
When did I start liking her?
Nung time na hinatak niya ako sa bar against my will? After she showed me her vulnerable side? Or maybe that very first moment I talked to her?
I don't know. I can't remember. Ang alam ko lang, kada kasama ko siya, mas lalong lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.
I never knew I can love someone as intense as this. My heart literally hurts for wanting to hold her tight.
Pero ang masakit, kahit katabi ko siya, hindi ko magawa yun.
Because she's not mine.
Alam kong mataas ang pangarap ko sa buhay. Pero hindi ko inexpect na siya ang magiging pinaka mataas na pangarap ko. Sa sobrang taas, parang imposible nang abutin.
Nakakabadtrip.
Tanda ko pa kung paano siya pumasok sa buhay ko at ginulo lahat.
~*~
"So bakit bigla bigla kang nagyayaya kumain sa mcdo?" tanong ko kay Vanna habang palabas kami sa subdivision. Siya, nakasakay sa bike, nakasukbit sa likod niya ang gitara niya. Ako naman sa scooter.
"Wala, nag crave lang ako!" sabi naman niya. "Libre naman kita kaya wag ka nang umangal."
Nilingon ko si Vanna. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at hinahangin ito patakip sa mukha niya kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang hawiin ito.
"Wait nga lang," sabi ko at hinawakan ko ang handle ng bisikleta niya para pahintuin ito.
"Bakit?" taka naman niyang tanong.
"Maaksidente ka sa ginagawa mo, eh." Hinubad ko ang cap na suot ko at inabot ko sa kanya. "Isuot mo para hindi humaharang yung buhok mo."
Sinunod naman niya ako at isinuot niya ang cap ko.
"Tara na bilisan na natin," sabi niya. "Paunahan. Ang mahuli, siya manlilibre," at bigla niyang pinaharurot ng takbo ang bike niya.
"Oy ang daya mo sabi mo libre mo!" natatawa tawa kong sigaw sa kanya at muli kong pinaandar ang scooter ko.
~*~
"Asul I'm so sorry!!" sabi ni Vanna sa akin the moment na makaupo kami sa mcdo dala ang mga inorder namin. Magkadikit ang dalawang palad niya in a prayer form at nangungusap ang mga mata na wag akong magalit.
Sabi ko na nga ba, eh. Hindi basta bastang nanlilibre ang babaeng 'to nang walang dahilan. Sabi ko na nga ba't may atraso sa akin 'to.
"I can't bail out sa mga band practice namin. Hindi ko naman inakala na magkakasabay yung Battle of the Bands at yung cooking contest, eh."
"Kaya ba nilibre mo 'ko kasi aatras ka na sa cooking contest?" sabi ko sa kanya. Hindi ko maiwasan mapasimangot, after all, she promised me.
She smiled at me guiltily habang ibinababa niya ang nakasukbit na gitara sa likod niya at inilapag sa gilid ng lamesa.
"Sorry na, wag ka nang magalit. Alam mo naman kung gaano ka-importante sa akin 'yung battle of the bands 'di ba? Tsaka may mga mag i-scout na talent agents doon. Ayaw mo bang makitang sumikat ang best friend mo?"
Napatawa na lang ako at napailing.
"So paano 'yan? Wala na akong partner sa cooking contest. Hindi pa man din nag sisimula, disqualified na 'ko," I said as I took a piece of her fries and dip it on my coke float.
"Syempre hahayaan ba naman kitang ma disqualified? I got you bro. May nahanap akong kapalit ko," sabi naman niya sabay kuha ng tatlong fries sa harapan ko pambawi sa ninakaw kong fries niya.
"Babae?" tanong ko.
Nakita kong napataas ang kilay ni Vanna sa tanong ko at sinimangutan niya ako.
"Does it matter kung anong gender niya?"
Nag kibit balikat ako, "just asking." Nginitian ko si Vanna, "maganda?"
She rolled her eyes, "bakit pag panget ba hindi na makakatulong sa'yo?"
"I can handle the competition by myself. Pag maganda, at least mas inspired ako."
Bigla niyang inangat ang gitara na nasa gilid niya at amba niyang ihahampas sa akin. Napatakip tuloy ako sa ulo.
"Uy wag!"
"Simpleng harot ka rin talaga Mr. Blue de Guzman! Kung maganda naman pala ang hanap mo bakit ako nang ako niyayaya mong sumali diyan sa mga cooking contest na 'yan?"
I smile at her widely, "sarap na sarap ka kasi palagi sa luto ko. Nakaka boost ng ego."
Ibinaba niya ang gitarang hawak niya at inirapan ulit ako. Nginitian ko lang siya at naglagay pa ako ng tatlong pirasong fries sa plato niya bilang peace offering.
"So, sino nga yung papalit sa'yo?" I asked her again.
"Yung isa kong ka-blockmate sa Asian cuisine class. Si Anya. Magaling mag luto 'yon. Tamad lang mag aral kaya hindi pumasa pasa sa mga written exams. Need niya sumali sa competition for extra points para makagraduate."
Napatango na lang ako, "okay. Maganda?"
Tinignan ulit ako nang masama ni Vanna. Napatawa na lang ako.
"Oo maganda! Happy ka na ha? Happy?"
Mas lalo akong napatawa, "ba't ka nagagalit? Mamaya isipin ko nagseselos ka sige ka," pagbibiro ko sa kanya.
Ibinaba niya ang burger na kinakain niya at tinignan ako ng masama, "wag kang nagsasabi ng nakakadiring mga bagay. Nawawalan ako ng gana kumain."
"Vanna, may question ako."
"Ano 'yon?" she asked as when she's about to sip on her coke float.
"Bakit wala kang boyfriend?"
Bigla siyang nasamid at halos maibuga niya sa akin yung iniinom niya.
Napatawa naman ako habang inaabutan ko siya ng tissue.
"Gago ka ah," sabi niya habang pinupunasan niya ang labi niya. "Mga tanong mo nakakabanas."
"Curious lang ako!" natatawa tawa kong sabi. "Wala bang nag a-attempt na manligaw sa'yo?"
"'Di ba meron kaso tinakot mo?" inis niyang sabi.
"Ahh.. si Coward ba yun?"
"Howard!"
"Ayun. Howard. Babaero yun, eh. Lolokohin ka lang nun. I just save you from a heartbreak."
Napangiti siya habang iiling iling, "talo mo pa tatay ko 'no? Pero 'di ko rin naman yun type so keri lang."
"Sino ba kasi ang type mo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit ba kasi pinaguusapan natin ang lovelife ko eh ikaw nga wala rin jowa?"
Napatawa na lang ako.
"Ewan ko ba. Hindi na ata ako ma-i-inlove."
"So plano mo tumandang binata?" tanong niya.
"Ewan. Pero sayang kagwapuhan ko 'no kung walang pagmamanahan? Pag matanda na tayo pareho tapos single pa rin tayo, tayo na lang pakasal dalawa," pag bibiro ko ulit sa kanya at nakita kong muntikan na naman siya mabilaukan. Napatawa na lang ako.
"Alam mo ikaw, mga suggestions mo nakakabanas talaga!"
"Ayaw mo nun? Kukwento natin sa mga anak natin, sumali tayo sa cooking competition at nanalo tayo. Ay kaso nga lang i-indianin mo pala ako dito."
Napatawa naman siya, "ikaw naman masyado kang clingy sa akin. Itong isang beses lang na 'to. After this, sasamahan na kita sa lahat ng competition na gusto mong pasukin."
"Oo na sige na. Galingan mo din sa battle of the bands. Alam mo minsan iniisip ko bakit ka nag HRM? Parang hindi ka naman interesado sa field na 'to. Mas magaling ka pa nga kumain kesa mag luto."
Nag kibit balikat siya at ngumiti, "bakit nga ba? 'Di ko rin gets sarili ko, eh. Siguro dahil wala masyadong math."
Napatawa na lang ako sa kanya.
"Punta ka sa gig namin bukas?" yaya niya.
"Sagot mo beer?" tanong ko.
"Oo na! Pati sisig!"
"Yown!"
Vannesa Ana Torreja. Vanna kung tawagin namin. Eversince elementary, kasama ko na siya sa lahat nang bagay. She's my childhood best friend and probably the only person who knows me so well. Minsan iniisip ko, mas kilala pa niya ako kesa sa sarili ko.
Kung may isang taong hindi ko maimagine ang future ko na wala siya, it's Vanna. I always imagine myself growing old with her. Not in a romantic way though. Just keeping this friendship until the day we die.
But I did not expect that our friendship can be ruined in a single snap.
And it all started with a girl named Maria Anya Love dela Torre.
The next day, I went to meet Anya to talk to her about the competition.
It's a Saturday afternoon. Walang pasok but she agreed to meet with me sa isang coffee shop near our school.
Late siyang dumating.
As in sobrang late.
Nag-intay ako sa kanya ng tatlong oras. Gusto ko na lang umalis at mag DOTA sa bahay kung hindi lang talaga importante itong competition na 'to.
Nakakabadtrip. Ayoko pa naman sa mga taong walang paki sa oras ng iba.
Pag dating niya, wala man lang hi or hello or sorry I'm late.
"Ano lulutuin natin?" ayun agad ang pamgbungad niya while she take the seat in front of me.
Pansin ko basa pa ang mahaba niyang buhok. Mukhang halos kakaligo lang niya samantalang three hours ago niya pa sinabi sa akin na on the way na siya.
Pero oo nga, maganda nga siya like what Vanna said.
Late nga lang. At galit ako sa late.
Nag contemplate ako kung aawayin ko ba siya dahil late siya, manghihingi ako nang apology o hahayaan na lang?
In the end, hinayaan ko na lang. If we're going to work together, ayokong may inisan sa pagitan naming dalawa. Tsaka ko na lang gagantihan 'to ng pangaasar.
I inhaled, trying to control my temper, then inabot ko sa kanya yung menu ng complete course meal na naisip kong pwede naming lutuin.
"Check mo 'to," sabi ko then kinuha niya ang papel na inaabot ko. "Since Japanese cuisine ang napunta sa atin, I was thinking---"
"Okay," sabi niya without even looking at the menu I gave her.
"Okay?" tanong ko.
"Oo okay lang sa akin."
I cleared my throat, "may iba ka bang suggestion?"
"Wala. Kaya nga okay na, eh," mabilis niyang sagot.
Interesado ba talaga siya dito?
"Pero hindi mo pa tinitignan yung menu...?" takang taka kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan yung papel na ibinigay ko sa kanya. Pinadaanan niya lang ng tingin at humarap na ulit siya sa akin.
"Nakita ko na. Okay na. Tapos na tayo?"
Okay... I'm not liking this girl.
"Pero---"
"Ano ba gusto mong mangyari?" tanong niya. "Mag susuggest ako? In the end ikaw rin naman ang masusunod kasi mas maalam ka sa mga ganyang bagay. So why bother asking me? Susundin ko lang yung gusto mong gawin. So take the wheel, captain."
Masungit siya ha? Mas ten times ang sungit niya kesa kay Vanna. Pero may punto sita. At least hindi na siya mangungulo.
Tumango ako, "okay then, tapos na tayo."
She smiled at me and for a moment, it felt like my heart suddenly stopped beating.
Okay, mas maganda siya pag nakangiti.
"Good! So shall we?" tanong niya then she stood up.
Nagtaka naman ako, "saan?"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako patayo.
"Magsasaya," she said with a wink at bago pa ako maka-angal, hinila na niya ako palabas ng coffee shop.
Doon nag simulang magulo ang buhay ko.
Minsan iniisip ko, tama bang sumama ako sa kanya ng gabing yun? Tama bang naging malapit ako sa kanya? Tama bang hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko?
Pero naisip ko, kahit pag bali-baliktarin man ang mundo, pipiliin ko pa rin na makilala siya at mahalin siya nang sobra.
Kahit pa masaktan ako nang paulit ulit.
To be continued....
#KathangIsipWP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top