Chapter Nine

Chapter Nine

VANNA

Ilang beses na ba nangyari 'to? Once nung elementary, twice nung highschool, tapos ngayon na lang ulit college.

Naalala ko nung grade five kami, nagka crush siya doon sa school muse namin. Well, half naman ng klase may crush sa kanya kaya hindi na ako nagulat. During School Feast, binilhan pa niya yun ng chocolate lollipop na heart shape. Kaso nung nakita niya na anim na ata ang nagbibigay doon sa kaklase namin na 'yon, sa akin na lang niya pinakain yung chocolate lollipop.

Then during sophomore, may isa na naman siya na tripan. Kaklase din namin. Naalala ko nag bunutan for the exchange gift sa Christmas party, ako nakabunot doon sa crush niya. Nakipag swap siya sa akin ng nabunot. Ako naman, dahil dakilang best friend, pumayag. Nagpatulong pa siya sa akin mamili ng magandang gift sa Blue Magic para doon sa crush niya.

After Christmas party, niligawan na ni gago. Ang tyaga niya nun, hatid sundo niya sa bahay. He also showered her with gifts. Ako ang dakilang taga tulong sa panliligaw. Ako ang messenger, taga abot ng mga regalo, taga gupit ng pusong papel para sa pa surprise niya, at taga kuha ng picture nung sinagot na siya.

She was Blue's first girl friend.

That was my first heartbreak.

Siya ang nagmistulang wake up call ko nun. At first akala ko nag seselos lang ako dahil feeling ko inaagaw sa akin ang best friend ko. I tried na ibaling ang atensyon ko sa ibang tao.

May naging "crush" kuno ako nun. Si Nick. Matangkad, gwapo, magaling sumayaw, mabait. Syempre unreachable din. Dami rin nag kaka crush sa kanya kaya naniwala naman si Blue na crush ko si Nick.

Pero by the end of the day, sarili ko rin lang pala ang pilit kong pinapapaniwala. Kasi lagi ko siyang na-co-compare kay Blue. At sa comparison ko na 'yon, laging lamang si Blue.

Si Blue na mukhang lampayatot nung highschool.

Si Blue na best friend ko.

Wow. Paano nangyari na naging crush ko siya? Tinry ko naman pigilan eh, pero the more na ini-ignore ko ang feelings ko sa kanya at sinasabing wala lang 'yon, the more na nag g-grow ito.

Nag break si Blue at yung first girlfriend niya. Ang tagal kong inintay na mangyari 'yon. Pero nung nakita kong wasak ang gago kong best friend, hindi ko makuhang maging masaya kasi pakiramdam ko nawasak din ako.

Ganun pala ang feeling?

Nagkaroon ulit siya ng girlfrieng nung senior highschool kami. Naalala ko nung prom namin, biglang hindi makakapunta ang girlfriend ni Blue so he asked me kung pwede ako ang maging date niya. I declined hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil naka oo na ako sa isa naming kaklase nun, si Howard.

But still, I gave my last dance to Blue that night.

The next day, I found out na nag break si Blue at yung girlfriend niya. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw niyang sabihin sa akin.

After nun, never na ako ulit nakarinig na may nagustuhan siyang babae—not until he met Anya.

"I think I'm starting to like her."

Napahinga ako nang malalim. Sa totoo lang hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Masakit, syempre. Nakakainggit? Nakaka selos? At the same time, I want to hate myself kasi ako naman ang dahilan kung bakit sila nag meet ni Anya. If only I joined that stupid cooking contest with him, edi sana hindi niya nakilala si Anya.

Pero may magbabago ba?

I have zero plans to tell Blue what I feel about him---may Anya man o wala.

How do I even stop myself from loving him without losing him?

"Nasusunog na yung hotdog."

Halos mapatalon ako sa gulat nang may mag salita mula sa likod ko. Nakita ko si Blue sa likod ko at nakasilip sa niluluto ko. Napatingin ako sa hotdog. Oo nga medyo maitim na.

"Wag ka na mag reklamo," sabi ko habang inaalis sa pan yung medyo sunog na hotdog. "Makikikain ka na nga lang," yamot kong sabi sa kanya.

I heard him chuckled at naupo siya sa stool sa may counter area. Binuksan niya yung jar namin na may lamang mga lollipop at kumuha siya ng isa doon.

"Penge ah," sabi niya. "Ang sakit ng ulo ko, eh."

Buti nga sa'yo. Lasing pa more.

Pumunta ako sa tapat niya at inilagay yung mga niluto kong hotdog at garlic rice.

"Ayan agad ang inuuna mo. Kumain ka muna ng breakfast, baliw."

Napangiti siya at kumuha ng tinidor.

"Nalasing ulit ako kagabi," sabi niya habang tumutusok ng hotdog sa plato na nasa harapan niya.

"Obviously," sagot ko naman habang pinaglalagay ko siya ng kape sa mug.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya and he look at me with a guilty smile on his face. Napakamot siya sa likod ng ulo niya.

"Anong sinabi mo kay mama?"

"Sabi ko nalasing ka kaya di ka makauwi."

Nanlaki ang mga mata niya at nakita ko ang taranta, "shit papagalitan ako nun. Patay ako pag uwi ko!"

Napatawa ako nang bahagya, "chill mama's boy, charot lang. Sabi ko ginabi ka sa pag gawa ng project."

Napahinga nang maluwag si Blue.

"Kinabahan ako. Pero alam ko naman na di mo ako ilalaglag, V. Mahal mo 'ko eh," natatawa tawa niyang sabi.

"Oo! Pasalamat ka talaga!" pag a-agree ko sa kanya.

Mas natawa siya.

Sige tawa lang. Kunyari nakikipag biruan ako sa'yo.

"So..." sabi ko. "Anong nangyari kagabi?"

Napatigil sa pagkain si Blue at binigyan ako ng pa-inosente look.

"Kagabi?" he said. Kunyari 'di niya alam ang tinutukoy ko.

Umiling na lang din ako at pinag patuloy ang pagkain. Ayoko na i-push. Ayoko na alamin o tanungin. Mas okay nang hindi niya sabihin sa akin. Iisipin ko na lang, lasing lang siya nung sinasabi niya sa'kin yung mga bagay na 'yun.

Narinig ko siya na napa buntong hininga nang malalim. Napatingin ako ulit sa kanya and he look bothered.

"V...what should I do?" tanong niya. "Si Anya... I'm really starting to like her."

I tried my best not to show any emotions. Kunyari hindi ako bothered. Kunyari hindi masakit.

Kunyari ayos lang.

"Bilis ha," pagbibiro ko. "Ilang araw pa lang kayo magkakilala. Ganda ba?"

"Yes she's attractive," pag a-agree niya. Kunyari hindi masakit. Okay lang naman ako. "Pero more than that, may unexplainable charm siya na nahahatak niya ako sa kanya. Dahil ba mysterious siya? Dahil curious ako sa maraming bagay tungkol sa kanya? Pero alam mo yun? Sa bawat salitang binibitiwan niya, tinatamaan ako. Tapos kada nakikita ko siya, parang gusto ko siyang pasayahin?"

Hinga malalim. Okay lang yan. Normal naman yan. Ganyan talaga. Hindi naman pwedeng forever single si Asul. Meron at meron talagang makaka kuha ng atensyon niya.

Pakshet ha? Masakit.

"Baka naman curious ka lang kaya ganun," sabi ko.

"V alam mo naman kung gaano ka-ikli ang interes ko sa mga bagay na nakakakuha ng curiosity ko. Pero sa kanya, iba talaga."

Uminom ako ng juice. Dineretso ko so as to prevent myself from choking.

"So anong plano mo?" tanong ko sa kanya after a while. "Liligawan mo na ba?"

Bahagya siyang napatawa, "hindi. Grabe naman bilis non pag niligawan ko siya agad."

"Parang kasing bilis din kung gaano ka na fall," pang aasar ko sa kanya. Kunyari joke pero sa totoo lang nababanas ako.

"Only shows na iba talaga si Anya."

Oo na paulit ulit eh!

"Pero no, hindi ko pa siya liligawan," dugtong niya. "Let's just see where my feelings take me. Hindi ko pa naman 100% sure kung ano 'tong nararamdaman ko. Baka crush nga lang. O baka katulad nga ng sinabi mo, curious lang ako. Ayoko magpa dalos dalos ngayon."

Medyo nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

Okay may grace period pa ako bago tamaan ng matinding heartbreak. I need to brace myself kasi nararamdaman ko ang paparating na delubyo.

"Ikaw naman," sabi niya sa akin. "Kailan mo sasabihin sa akin kung sino yung tinutukoy mo na crush mo."

Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Never."

Pinanlisikan niya rin ako ng mata. Yung itsura niya parang I betrayed him.

"Ang daya! Sobrang open ko sa'yo tapos ikaw hindi ka nagsasabi sa akin?! Share mo naman 'yan!"

Umiling ako.

"Wala naman sense kung sasabihin ko. Hindi naman ako gusto nun."

"Paano ka nakakasiguro?" paghahamon niya. "Sinabi niya sa'yo?"

"Hindi. Pero may iba na siyang nililigawan."

"So?"

"Anong so?"

Nagkibit balikat siya, "hindi pa naman sila. May pag asa pa."

Napailing na lang ako, "ewan ko sa'yo Asul."

Nag lagay ulit ako ng juice sa baso ko at uminom

"Sige dahil pinag luto mo ako ng breakfast, isasama ko sa prayers ko na sana wag siyang sagutin ng nililigawan niya."

Muntikan ko nang maibuga yung juice na iniinom ko. Agad naman akong inabutan ng tissue ni Blue.

"Anyare sa'yo?"

Hinampas ko siya ng mahina, "loko loko ka kasi."

"Bakit, ano masama sa sinabi ko?" natatawa tawa niyang sabi. "Ayaw mo ba nung prayers ko?"

Napatawa na lang din ako.

Pabor sa akin.

Pero sa'yo ba? Baka pagsisihan mo 'yan.

To be continued...

A/N

Sorry sa late na update and sorry maikli lang. Bawi ako next chapter. Salamat sa pag babasa! :D

Medyo slow burn pa yung pacing pero malapit na tayo sa mga exciting parts.


(Exciting o masakit? Char)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #alyloony