Chapter Fourteen

Chapter Fourteen

VANNA

I woke up with the distant sound of the children playing outside. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at ang una kong nakita ay ang mukha ni Asul na natutulog sa harapan ko.

Holy shit.

Automatic na nawala ang antok na nararamdaman ko nang makita ko ang pwesto namin.

Magkatabi kami sa sofa bed sa sala. Nakatulog kami habang nag kukuwentuhan. Nakapatong ang ulo ko sa braso ni Asul at nakaharap kami sa isa't isa. Kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon ay hindi ko alam.

Ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Sobrang lapit ng mukha ni Asul sa akin. Tulog na tulog pa siya.

Alam kong dapat akong dumistansya. Pero hinayaan ko muna ang sarili ko na titigan siya. Saglit lang. Ilang segundo lang.

Hahayaan ko muna na mahalin siya nang ganitong kalapit.

I stared at his sleeping face. Madalas, napaka pilyo ng expression na madalas niya ipakita sa akin. Palagi akong nasa pagitan ng gusto ko siyang tawanan o gusto ko siyang sapakin kada may ginagawa siyang kalokohan. Pero ngayong natutulog siya, he looks so...calm.

Natatamaan ng sinag ng araw ang mukha niya making his eyelashes turn into golden brown. I traced my fingertips on his nose down to his upper lip. Napahinto ako at inilayo ko ang kamay ko sa mukha niya. I stared at his lips and I can feel my heart beating fast.

I've never been this close to him before.

He's sleeping.

Should I just...?

Bahagyang gumalaw si Asul kaya naman napapikit ako bigla.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ano ba yung naiisip kong gawin?! Gaga ba ko?! Bakit pumasok sa isip ko yon hayop!! I hate myself so freakin much.

Naramdaman ko ang pag galaw ni Asul sa tabi ko habang inaalis niya ang braso niya sa ulunan ko. I pretended to be asleep kahit ang init init na ng mukha ko sa kahihiyan.

He gently placed my head on top of a pillow as a replacement sa braso niya.

Ayun ang dapat kong ginawa kanina. Ang humiwalay. Pero ako si gaga tumitig pa at kung anu-anong kagaguhan pa ang naisip kong gawin.

Naramdaman ko ulit humiga si Asul sa tabi ko but this time, I know he's farther from me.

Pero nagulat ako when I felt his fingertips lightly brushing my forehead habang hinahawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha ko.

My heart skipped a beat.

Okay.. what the hell?

I felt him moved beside me. Mas malapit to the point na I can smell his scent. A combination of mint and aftershave.

What he did next surprised the hell out of me.

I felt him leaned forward and planted a kiss on my forehead.

WHAT. THE. HELL????????

Sa sobrang gulat ko I almost opened my eyes, buti na lang napigilan ko. I tried my best to pretend na I'm still sleeping kahit gusto nang mag wala nang buong pagkatao ko.

Naramdaman ko ulit siyang dumistansya sa akin hanggang sa bumangon na siya at tumayo.

I can hear his footsteps na naglalakad papalayo. Probably papunta sa bathroom---or sa kitchen. I had no idea.

Nung safe nang wala na siya sa tabi ko, ibinaon ko ang mukha ko sa unan at impit akong tumili.

What the hell. What the hell. What the hell.

What. The. Hell.

Why did he do that?!

~*~

"Wow buti naman gumising ka na," pambungad na bati sa akin ni Asul nang magpunta ako sa kitchen after almost half an hour kong pagpapakalma sa sarili ko dahil sa ginawa niya.

Naupo ako sa stool sa may bar counter ng kitchen namin habang nakatingin kay Asul na busy mag luto ng breakfast.

"Ako na nag luto kasi mamaya maka sunog ka na naman ng hotdog," sabi niya sabay bigay ng mapang-asar na tingin.

Sinimangutan ko siya. Chill na chill lang siyang nag luluto na parang wala siyang ginawa kanina. Samantalang ako, gulong gulo ang buong pagkatao ko?!

Hustisya naman!

O baka wala lang kasi talaga sa kanya 'yon?

May malisya ba ang forehead kiss? Pwede naman mag forehead kiss ang mag bestfriends 'di ba?

'Di ba???

Oo. Ako lang 'tong naapektuhan. Ako lang 'tong nag bibigay ng meaning.

Tama. Ako lang yun. Walang ibig sabihin 'yun kaya dapat tigilan ko na ang pag a-assume.

"Huy!" sigaw ni Asul at halos mapatalon ako sa gulat.

"Ano?!" irita kong tanong.

"Sabi ko kung anong gusto mong luto ng itlog? Scrambled or sunny side up?" tanong niya at tinaasan niya ako nang kilay. "Ba't nakakunot noo mo?" Lumapit siya sa akin at sinilip ang mukha ko. "Ano iniisip mo?"

My heart skipped a beat. Biglang pumasok sa imagination ko ang itsura namin nung kiniss niya ako sa forehead. Nag init ang mukha ko.

Bwisit!!

Lumayo ako sa kanya at tumayo.

"Wait, na-tatae ako," sabi ko sa kanya at nag walk out ako paalis.

Shit.

Ang delikado na masyado nitong nararamdaman ko.

~*~

"Vanna, ano nganga ka na lang ba?" tanong ni Dawn sa akin habang nasa karinderya kami sa tapat ng university at kumakain ng meryenda. Nagpapalipas oras na lang kaming dalawa rito bago pumunta sa practice ng banda.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung pa-forehead kiss ni Asul. Buong araw ko siyang iniisip.

Kada maalala ko yung feel ng labi niya sa nook o, halu-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Una, napapangiti ako sa kilig. Pangalawa, mayayamot ako sa sarili kasi bakit ako kinikilig? Pangatlo, ma-co-confuse ako kasi bakit niya ginawa yun? Pang-apat, i-co-convince ko ang sarili ko na wala lang yun.

Tapos back to start na naman.

I hate myself.

"Huy," tawag ni Dawn sa akin, snapping me back to reality. "Kanina ka pa wala sa sarili. Yung itsura mo para kang hinalikan ni Blue."

Napalingon ako sa kanya sa gulat. Napatingin din siya sa akin at nanlaki ang mata niya.

"Wait---hinalikan ka nga ni Blue?!" gulat niyang tanong. "Truly? As in real?!"

Tumango ako. "Pero---"

"OMG!" sabi niya with matching takip pa ng bibig at hindi muna ako pinatapos sa pag e-explain. "Paanong kiss? Gaano katagal? Smack? One second? Two seconds? Three seconds? Or laplapan levels?"

Hinampas ko siya.

"Sa noo lang!"

"Oh," sabi niya at nawala ang excitement sa mukha niya. "Nu ba yan. Noo lang pala."

Huminga ako nang malalim, "right. Noo lang. So ibig sabihin wala lang 'no? I mean, normal lang sa magkaibigan 'yun?"

"Depende," sabi ni Dawn sabay inom ng softdrinks na hawak niya. "Ganun ba kayong klase na friends? Clingy ba siya sa'yo?"

Tumango ako, "oo clingy yun. Mahilig mang akbay at yakap."

"Pero eto ang first time niyang i-kiss ka sa forehead?"

Napaisip ako then I nod.

"Eversince elementary magkakilala na kayo at ngayon ang first time na kiniss ka niya sa forehead," sabi ni Dawn.

Dahan dahan ulit akong tumango. Tinignan ko si Dawn at nakita kong pinanlilisikan niya ako nang mata.

"Ibig sabihin hindi normal 'yon!" sabi niya.

"Eh ba't niya ginawa yon?" tanong ko.

"Aba malay ko. Either type ka niya o tingin niya lola ka niya."

Pinanlisikan ko rin siya ng mata.

"Pero sobrang close namin! Parang kapatid na close---"

"Weh? May malisya yung sa'yo, wag ako."

"Okay fine! Yung akin hindi. Pero yung kanya? So posible na wala lang yun 'di ba? Posible na ginawa lang niya yun kasi..."

Natigilan ako.

Bakit nga ba niya yun ginawa?! Habang natutulog ako?! Anong dahilan?!

I am soooo confused.

"Mamshie bago ka mag isip," sabi ni Dawn sabay tingin sa bandang lingon ko. "I think kinakawayan ka nung pogi doon."

Napalingon din ako sa tinitignan ni Dawn and I saw a guy walking towards us. He's quite tall, maganda mag dala ng damit, naka suot ng shades at may killer smile.

Napangiti ako.

"Uno!" masigla kong bati sa kanya and he enveloped me into a hug.

"Namiss kita," sabi niya. "Kahit nagkita tayo kagabi."

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Ba't nandito ka?"

"Balita ko may band practice ka, eh. Pwede maki-nuod."

"Oo naman pogi," sabat ni Dawn. "Pwedeng pwede."

Nagkatinginan kami ni Uno at pareho kaming natawa.

"Nga pala, si Dawn yung drummer namin," pakilala ko. "Dawn, si JT nga pala, friend ko."

"Hi JT, friend ni Vanna," sabi ni Dawn sabay lahad ng kamay.

Uno took it at nag shake hands sila.

"Hi Dawn, nice to meet you," he said while flashing her one of his killer smile.

I tried my best not to roll my eyes. Umaatake na naman kasi ang pagka babaero ni gago.

"Daming friend na pogi ni Vanna ha?" sabi ni Dawn. "Kaya pala ganyang karupok si friend.."

Siniko ko siya.

"Aray!" sabi nito sabay himas sa tagiliran na siniko ko.

Irita eh. Minsan talaga pasmado bibig ng babaeng 'to.

Bigla naman nag ring ang phone ko at nagulat ako nang makita kong tumatawag si Asul.

"Anong problema nito?" bulong ko habang nakatingin sa screen.

"Sino?" tanong ni Uno.

Pinakita ko na tumatawag si Asul.

"Baka miss ka agad," nakangising sabi ni Uno.

"Loko!" natatawa tawa kong sabi. "Wait sagutin ko lang."

I answer the call.

"Ano kailangan mo?" pambungad na bati ko sa kanya.

"V..."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses Asul. Nanginginig ang boses niya at doon pa lang, alam ko na agad na something's wrong.

"Hey. Anong nangyari?"

"Sorry pero pwede mo ba akong puntahan?"

"Sige. Nasaan ka?"

"Nandito ako sa ospital malapit sa village..."

"What?!" gulat kong tanong. "Anong ginagawa mo diyan?! Anong nangyari?!"

"V... si Anya.. I shouldn't have left her last night..." and his voice started to broke.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #alyloony