Chapter Four


Chapter Four

"Mga alaala'y ibabaon.

Kalakip ng tamis ng kahapon"

VANNA

"Vanessa Ana Torreja, gaano ka pa ba katagal mag-aayos?" dinig kong sabi ni Blue mula sa kabilang linya ng phone.

I set my phone in a loudspeaker at tinuloy ko ang pag p-plantsa ng buhok ko.

"Malapit na ako!" irita kong sagot. "Ba't ba madaling madali ka? May date ka ba ha?"

"Usapan kasi natin, 2PM tayo aalis. 2:15 na hindi ka pa rin tapos mag ayos? Baka masyado ka nagpapaganda diyan ha? Sa grocery lang ang punta natin, V."

Natigilan ako sa pag p-plantsa ng buhok. Ginulo ko na lang ang buhok ko and I tie it in a bun. Bwisit.

"Alam mo, ikaw na nga nagpapasama, ikaw pa demanding!" inis ko na sabi sa kanya. "Lumabas ka na sa inyo, pababa na ako!"

I ended the call at lumabas na ako ng kwarto.

Nung palabas na ako ng gate, nakita ko si Blue na binubuksan na ang gate ng bahay nila—which is katapat ng bahay namin.

He's just wearing a plain black shirt, a khaki shorts and a white cap, but it's already making me feel a lot of things.

Napatitig ako sa kanya. Blue is really tall. Around 5'10 or 5'11. He got a lean body, pero yung sakto lang, hindi masyadong payat. The plain black shirt he's wearing was fitted nicely kaya naman kahit ang simple lang ng suot niya, ang lakas pa rin ng dating.

To be honest, dati hindi naman ako na g-gwapuhan kay Blue kahit na ang daming nagsasabi sa akin na cute siya at malakas ang charm. His simplicity and chill vibe is what makes him attractive.

Naalala ko nung highschool kami ang daming nag kaka crush diyan. Ang bait din kasi ni gago. Masyadong matulungin sa lahat kaya yung ibang girls na f-fall. Natatawa na nga lang ako dati. Gusto kong ilabas yung mga pictures niyang hubad at dugyot nung bata pa kami at ipakita sa mga nagkaka crush sa kanya noon.

Tawa tawa pa ako noon, mahuhulog din pala ako.

Napalingon si Blue sa pwesto ko at nang makita niya ako, ngumiti siya nang malawak at kinawayan ako.

"V!" masayang tawag niya at tumakbo siya papalapit sa akin. "Taralets?"

Nginitian ko rin siya at tumango, "tara na."

Maglalakad na sana ako papunta sa koste nila nang hawakan niya ako sa braso at hilahin pabalik.

"Saglit lang," sabi niya at bahagya niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at tinitigan ako. Napaatras ako bigla kasi para akong malulunod sa tingin niya.

"B-bakit?"

He smiled widely and he brushed the tip of her fingers lightly on my lips. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko and I feel my blood rushed up to my face.

What the hell is he doing?!

"Naka lipstick ka!" sabi ni Asul sa akin.

Napairap ako bigla at tinabing ko ang kamay niya. Bwisit. Kailangan pa talaga niya ilapit ang mukha niya sa mukha ko at hawakan ang labi ko? Nakakainis!

"Pake mo? Inggit ka? Mag lipstick ka rin!" yamot kong sabi sabay irap at iwas ng tingin.

"Taray naman. Napansin ko lang," sabi naman niya. "Umamin ka na kasi sa akin."

Napalingon ulit ako sa kanya at parang biglang huminto yung puso ko.

"H-ha? Anong aaminin?" kabado kong tanong.

May alam ba siya? Nahahalata na ba niya? Masyado na ba akong obvious? Hindi ko na ba maitago? Bakit ba kasi ako nag lipstick ngayon?!

"Umamin ka na na inlove ka," pagpapatuloy ni Asul.

At tuluyan na ata akong nawalan nang hininga. Parang gusto ko na lang humiga at maging lupa.

"G-gagu!" sabi ko sabay tawa at hinampas hampas ko pa siya. Mukhang napalakas pa ang hampas ko kasi napa-aray siya at hinimas ang braso niya. "In love ako sa'yo? Kapal mo rin," sabi ko sabay tawa ulit ng malakas.

He gave me a confused look at pinitik niya ako sa noo. It's my turn para mapa aray at hinawakan ko ang noo ko. Ang sakit ha!

"Sinabi ko bang sa akin?" natatawa tawang sabi ni Asul.

"Eh kanino ba?!" yamot kong sabi.

"Malay. Meron ba? In love ka na ba? Sino yun?" sunod sunod niyang tanong.

Napairap na lang ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis na napaka manhid ng best friend ko.

"Secret," sagot ko. "Hindi ko sasabihin."

At dire-diretso akong sumakay sa kotse nila.

~*~

"So... kanino ka nga inlove?" tanong sa akin ni Asul habang nag g-grocery kami.

Kanina pa niya ako ayaw tigilan. Pati yung pag susuot ko ng dress ngayon pinuna niya. May crush daw ba akong nagtatrabaho dito sa grocery at grabe ako mag ayos samantalang dati daw shirt, shorts at tsinelas lang ako. Ngayon may pa-doll shoes pa.

Gusto ko siyang sungalngalin sa totoo lang.

I admit, I dolled up myself a bit kasi gusto kong magandahan siya sa akin. Pero mukhang pang-aasar lang ang inabot ko rito sa hayop na 'to.

Kinuha ko yung upo sa harapan namin at inamba ko sa kanya.

"Isang asar pa hahampasin na kita!" pagbabanta ko.

Tumawa siya nang malakas with matching hawak pa sa tyan na kulang na lang eh mamatay na siya.

Ibinaba ko yung upo at ibinalik sabay tingin ng masama sa kanya.

"Sorry na," sabi niya nang matigil siya sa pag tawa. "Hindi lang talaga ako sanay na nag aayos ka. Tapos babaeng babae pa? Eh macho ka eh."

At muli siyang tumawa.

Nanggigigil ako.

He never see me as a woman. Ever.

"Makes me wonder kanino ka inlove para mag effort ka ng ganito," sabi niya in between laughs.

Manhid mo gago.

"Never kong sasabihin sa'yo," I said as I rolled my eyes at him. Nag walk out ako at pumunta ako sa part na bilihan ng mga prutas. Humabol naman sa akin si Asul habang kaladkad niya yung grocery cart.

"Ang daya! Kailangan mo ipakilala sa akin 'yan para makilatis ko!" pag rereklamo niya.

Kumuha ako ng isang pack ng strawberry at inilagay ko sa cart niya. "Pasabay. Bayaran ko na lang mamaya."

"Mabait ba?" tanong niya sa akin habang sinusundan niya ako.

I just shrugged. Masyado siyang curious. Naiinis ako.

Kasi baka mag assume ako na nag seselos siya.

"Magugustuhan ko ba siya para sa'yo?" tanong niya.

Nilingon ko siya at kinunutan ng noo, "so bakit hindi si Anya ang kasama mo mag grocery ngayon?" pag iiba ko ng topic. Tinignan ko yung cart niya, "di ba para yan sa dry run niyo bukas?"

Napakamot sa ulo si Blue, "eh hindi ako comfortable na iba kasama mamili. Gusto ko ikaw," he said with a smile.

Inirapan ko siya, "arte mo talaga."

Tinalikuran ko siya and I immediately break into smile.

Hay masama na talaga sa puso 'to. Naglakad ako paalis. Humabol naman ulit siya.

"Uy wait, kailangan ko bumili ng ingredients for Japanese pancake."

Pumunta kami doon sa mga dry goods.

"V, may question ako," sabi niya habang namimili ng flour na bibilhin.

"Kung tungkol na naman yan sa crush ko manahimik ka na," pangunguna ko.

"Hindi!" mabilis niyang sagot. "Actually about kay Anya..."

Natigilan ako bigla. For some reason parang nanikip ang dibdib ko.

"Ano 'yon?" tanong ko habang nakapako ang tingin ko sa mga baking goods na nasa harap ko.

"Curious lang ako," sabi niya. "May boyfriend ba si Anya?"

My heart sinks.

Bakit? Interesado ka na ba sa kanya? Ganun kabilis? Samantalang ako nasa tabi mo na ng ilang taon....

I tried my best to hide my emotions. Kunyari hindi ako affected sa tanong niya.

I shrug, "ewan. Di naman kami close so hindi ako aware sa lovelife niya," I said nonchalantly. "Bakit? Type mo 'no? Ikaw ata 'tong may crush!" pagbibiro ko sabay tawa.

Heto na naman tayo...

"Sira, hindi!" natatawa tawa niyang sabi. "Natanong ko lang.

Tumango ako, "ah, okay." Nakakita ako ng chocolate syrup at inilagay ko sa cart ni Asul. "Pasabay ulit."

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," sabi niya. "Magugustuhan ko ba yung crush mo?"

I heave a sigh and look at him.

"Feeling ko hindi."

Napa kunot ang noo ni Asul sa sagot ko.

"Bakit hindi? Babaero ba 'yon? Maangas? Masama ugali?" pag i-interrogate niya.

Umiling ako, "hindi. Medyo sira lang pero mabait naman."

"O eh ba't hindi ko siya magugustuhan?"

Ipinako ko yung tingin ko sa mga paninda sa harapan ko.

"Bakit nga ba?" sabi ko without looking at him. "Siguro kasi hindi niya ako type kaya hindi mo siya magugustuhan."

Muli ko siyang nilingon. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Hindi ka niya type? Sino yung gagong 'yon? Napaka walang taste naman!" he said with mock anger.

Napatawa na lang ako.

"Sobra. Napaka walang taste."

To be continued...

A/N

I love reading your comments! Keep 'em coming <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #alyloony