Chapter Eighteen

Chapter Eighteen

VANNA

"Oo nga. Seryoso ako. I want to court Vanna."

Katahimikan. Wala ni isang umimik after sabihin ni Uno 'yon. Tinignan ko siya I swear I'm waiting for his punchline. Iniintay ko na tumawa siya nang malakas at sabihing biro lang ang lahat.

But instead, he just stared at me seriously.

Parang gusto kong mag hyperventilate?

It's been a while since someone told me he likes me. Sa totoo lang hindi ko alam ang ire-react ko? Hindi ko alam ang dapat sabihin.

Mas lalo na dahil hindi ko in-e-expect na kay Uno manggagaling 'to.

He's been my friend since highschool. Hindi ko in-expect na....

Napalingon ako kay Asul. He's also staring at Uno pero hindi rin siya makapag salita. Maybe he's as shocked as I am.

But I wonder what's going on inside his head?

"Vanna.."

My heart almost jump out my chest nang banggitin ni Uno ang pangalan ko. Napabalik bigla ang atensyon ko sa kanya ang I saw him walking towards me.

I'm starting to panic. Hindi ko alam kung aatras ako o hahayaan ko siyang lumapit sa akin. I don't know what he's going to say or what he's going to do next. Sobrang nabigla ako sa sudden confession niya at mas nakakaloka na sa harap pa ni Asul niya sinabi.

Uno stopped walking right in front of me. Tinignan niya ako ng diretso sa mata and then he place his hand on top of my head.

"Vanna," he said again before breaking into a smile. "Relax. You don't have to say anything. I'm just saying I want to court you. I've been meaning to for a long time actually. Pero hindi mo naman kailangan pumayag right away. Gusto ko lang malaman mo."

I gave him a nod as an answer. He chuckled at ginulo niya ang buhok ko.

"Relax. Wala naman akong gagawin," natatawa tawa niyang sabi. Then lumingon siya kay Asul. "'Di ba, Blue?"

Napatingin ako kay Asul. At sakto, nakatingin din siya sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero hindi ko maipinta kung ano ang iniisip niya.

Tumalikod si Asul sa amin at bumalik sa harap ng kalan.

"Sige na umupo na kayong dalawa, magluluto lang ako ng breakfast," sabi niya.

My heart sinks.

I was not expecting this kind of reaction from him.

Hindi man lang ba niya tatanungin si Uno kung seryoso siya? At least man lang bilang sa best friend niya ako?

Does he even care?

"May kape kayo?" tanong ni Uno sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko kay Asul at ibinalik ko ito kay Uno. I forced a smile.

"Wait mag b-brew lang ako."

~*~

"Kumain ka nang marami!" Asul said habang ipinaglalagay niya ng garlic rice sa plato si Anya.

Gusto kong mag wala. Kanina ko pa ino-observe si Asul pero wala akong makuhang reaction from him. Eto yung nakakainis sa kanya, eh. Alam kong matagal na kaming magkaibigan, pero meron talagang mga pagkakataon na ang galing galing niyang mag tago ng reaksyon. Hindi ko malaman kung apektado ba siya sa sinabi ni Uno? Nagulat ba siya? 'Di rin ba niya inexpect? Anong thoughts niya? Tropa namin si Uno pero ngayon gusto niya na ako ligawan. Anong masasabi niya doon? Wala ba siyang planong kausapin si Uno?

WHY IS HE IGNORING ME?

Hindi niya ako tinitignan sa mata. Kakausapin niya ako pero iwas ang tingin.

Ano 'to? Bakit ganyan?!

"Thanks Blue," Anya told him with a smile. Nginitian din siya ni Asul.

Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor ko. Then nilingon ko si Uno.

"Gusto mo ng hotdog?" tanong ko sa kanya. Bago pa siya makapag salita, tumusok na agad ako ng hotdog mula sa serving plate. Medyo napadiin kasi naramdaman kong tumama sa plate yung dulo ng tinidor ko.

Inilagay ko yung hotdog sa plato ni Uno. Napatingin naman siya rito.

"Naawa ako doon sa hotdog," sabi niya. "Nahati sa gitna."

"Anya hotdog?" tanong naman ni Asul kay Anya.

"Yes please," nakangiting sabi nito. At ipinaglagay siya ng hotdog sa plato.

Wala ba siyang kamay? Hindi ba niya kayang ipaglagay ang sarili niya?!

Huminga ako nang malalim at diretso kong ininom yung juice na nasa baso ko. Ayokong magalit kay Anya. Hindi dapat ako mainis sa kanya dahil wala naman siyang mali na ginagawa. I'm being unreasonable.

I hate myself for acting like this.

Habang kumakain kami, hindi ko na rin tinitignan si Blue. Kahit nung magpaalam kami sa isa't isa, halos hindi kami nagpansinan.

Anya and Blue is going to do a dry run of their dishes para sa competition kaya naman pumunta yung dalawa sa bahay ni Blue. Ako naman naka commit na aattend na ng practice. Uno offered na ihahatid na niya ako since weekend naman at wala naman daw siyang gagawin.

I said yes right away. I didn't even dare to look at Blue's expression dahil alam ko naman na wala siyang magiging reaksyon. Mamaya masaktan lang ako.

The whole ride going to the studio kung saan kami nag p-practice ng banda, hindi ako umiimik. Hindi rin naman nagsasalita si Uno. I kinda feel bad kasi kakaamin lang nya and yet I'm treating him this way. Pero sa totoo lang, hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Kailangan ko munang i-organize ang thoughts ko at hayaang mag sink in sa akin ang sinabi niya.

Bakit kasi si Asul ang lagi kong iniisip?!

"We're here," nakangiting sabi ni Uno nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng studio.

Nilingon ko siya at bahagyang nginitian. "Uno, salamat ah?"

"No problem."

"Tsaka pala---"

"Hep," he said with his palm raised in front of me, silencing me. "Sabi ko nga, you don't have to say anything. Gusto ko lang umamin sa'yo."

Napayuko ako, "sorry..."

Hindi umimik si Uno. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita kong napabuntong hininga siya. Inalis niya ang tingin niya sa akin, instead, he look ahead with a sad smile on his face.

"Wag kang mag sorry. Feeling ko tuloy, hindi pa ako nanliligaw, basted na ako agad."

"Uno..."

Muli niya akong nilingon.

"Instead of saying sorry, how about samahan mo na lang ako bukas. Dinner tayo somewhere?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung tama bang um-oo ako agad o masyado pang maaga? Hindi ko alam kung gusto ko o hindi.

Hindi ko alam.

And Uno seems to felt my struggle. He tap my head and smile.

"Sabihan mo lang ako kung game ka," sabi niya. "I'll wait for you."

Tumango ako at bumaba sa kotse niya matapos magpaalam.

Habang papasok ako sa studio, gusto ko na lang gulpihin ang sarili ko.

~*~

"May gusto sa'yo si pogi?!" gulat na sabi ni Dawn habang kumakain kami ng meryenda. Agad ko siyang sinubuan ng pandesal para manahimik.

We're on break at naisipan muna namin na mag meryenda. Hinila ko sa isang gilid si Dawn at ikinuwento ko sa kanya lahat ng mga nangyari starting sa pag punta namin sa ospital hanggang sa pag amin sa akin ni Uno.

Kinagat ni Dawn yung pandesal at dali daling ngumuya.

"Nakakaloka sister!" sabi niya. "May Blue ka na, may JT ka pa? Aba beke nemen gusto mo mag share diyan?"

Tinignan ko siya nang masama.

"Seryoso nga kasi! Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang bigyan ng chance o hindi. Alam mo naman kung sino ang gusto ko 'di ba?"

"Ang tanong, gusto ka ba nung gusto mo?"

Minsan may mga kaibigan ka na ang sarap sabunutan kasi pasmado ang bibig.

Napahinga nang malalim si Dawn.

"Eto mamshie, seryosong tanong, feeling mo ba may gusto si Blue sa'yo?"

Yumuko ako at umiling.

"Gusto niya si Anya."

"Ikaw ba may plano ka ever na umamin sa kanya about your feelings?"

Umiling ulit ako.

"Hindi ko kaya..."

"Eh paano kung naramdaman mong may gusto siya sa'yo?"

"Wala siyang gusto sa akin..."

"Paano nga eh! What if!" irita niyang tanungin at dama kong gusto na niya ibuhos sa akin ang coke na hawak niya.

"Edi... magpapanggap ako na hindi ako aware..."

Napa facepalm si Dawn.

"Kung ganyan edi tigilan mo nang magkagusto sa kanya. Wala ka naman palang balak mag risk, eh!"

Napahinga ako nang malalim at hindi ko alam kung bakit parang sinasaksak ako ng mga salita ni Dawn.

"Vanna, seryoso, kung hindi mo kayang mag risk kay Blue, hindi rin pwedeng forever mo na lang siya mamahalin. Torture 'yan friend. Kung ako sa'yo, give JT a chance. Malay mo siya na pala ang susi para makapag move on ka kay Blue."

Napaisip ako sa sinabi ni Dawn.

"Pero kung ayaw mo kay JT, akin na lang siya."

Napatawa ako habang i-iling iling.

"Ewan ko sa'yo!"

Dawn has a point, though. Hindi ko naman pwedeng itali kay Asul ang buhay ko. Ayoko naman ma stuck sa one sided love habang buhay.

If I can't risk to lose him then might as well free myself from what I feel for him.

Inilabas ko ang phone ko and I send Uno a message.

~*~

BLUE

He likes V.

Buong araw ayan lang ang tumatakbo sa utak ko.

JT likes V at hindi ko sigurado kung gaano ka seryoso ang mokong na 'yon sa best friend ko.

Hindi mawala sa utak ko kung paano niya sinabi. Sobrang easy lang. Yung way nang pagkakasabi niya na gusto niya si V parang nagsasabi lang siya na gusto niya ng kape. Ganun ka-smooth.

Paano nangyari 'yon? Walang utal utal? Parang hindi man lang kinabahan?

'Di ba pag may gusto ka sa isang tao at aamin ka na sa kanya mararamdaman mo yung parang nahihilo ka? Tapos manlalamig ka? Pagpapawisan? Pakiramdam mo parang natatae ka na na ewan?

O baka ako lang 'yon?

Alam ko naman hanep pumorma yung tropa namin na 'yan sa mga babae. Pero iba si V, gago ba siya? Paano niya nakuhang umamin eh tropa niya 'yon?

O hindi siya masyadong seryoso?

Tangina naman nitong si JT, eh. Parang gago. Aamin nang ganun ganon na lang? Hindi ko tuloy malaman kung seryoso ba siya o hindi.

At si V, hindi ko alam kung gusto niya ba o hindi. Parang one moment tropa lang ang turing niya, tapos nung umamin biglang ipinag lalagay na niya ng hotdog sa pinggan.

So ano? May pag asa ba si JT sa kanya? Magiging sila na, ganun? Kakaamin lang, pinag sisilbihan niya na agad. Baka matagal na rin siya may gusto kay JT, tapos ngayong umamin, ang saya saya na niya.

Edi ayos. Pakasaya silang dalawa.

Napa hinga ako nang malalim. Hindi ko maintindihan ba't nayayamot ako. Dahil ba sa hindi ko maintindihan ang motibo nitong si JT? Dahil hindi ko mabasa ang nararamdaman ni V?

O dahil sa...

Pilit kong inalis sa isip ko ang bagay na 'yon.

Hindi. Hindi na 'yun ang dahilan. Matagal na 'yon. Pinilit kong patayin ang nararamdaman ko dahil alam kong ayaw ni V. Nalagpasan ko na 'yon. May iba na akong gusto ngayon.

Oo tama. May iba na. May pumalit na.

Kaibigan na lang talaga.

"Ayos ka lang ba?"

Napalingon ako kay Anya na katabi ko habang naglalakad kami papasok ng subdivision. Kakatapos lang namin mamili ng ilang gagamitin namin para sa competition. Naubos na kasi ang ingredients namin kaka-dry run kaya need na namin mag restock ulit.

"Kanina pa parang ang lalim ng iniisip mo," sabi niya sa akin.

"Ha? Ah.. wala medyo pagod lang," sabi ko.

"Ah..." sagot naman ni Anya. "Akala ko may iniisip kang ibang babae, eh."

Napalingon ako sa kanya, "ha? Anong babae?"

Huminto si Anya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at nginitian ako.

Hindi ko mapigilang mapangiti. For some reason, nakakahawa ang ngiti niya at may kakaibang saya akong nararamdaman kada nakikita ko ito.

Siya na ang gusto ko. Kasi sa kanya, hindi ako takot. Sa kanya, malakas ang loob ko na iparamdam na gusto ko siya.

"Blue..." she called my name.

And I was surprised nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.

"Salamat..." she whispered.

"Anya..." I said as I placed my hand on the small of her back. I can feel her breath on my neck.

Anya's so tiny, and fragile. Yet, I know how strong of a woman she is. It was not easy bearing all those pain pero nakikita ko palagi sa kanya ang will na lumaban.

This makes me want to protect her.

Naramdaman ko ang pag higpit nang yakap ni Anya sa akin.

"Blue..." she whispered once again. "Hindi na ako matutulog kina Vanna."

Napahiwalay ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Huh? Bakit naman? Gusto mo na ba bumalik sa apartment mo?"

Umiling si Anya.

"Payag na 'ko."

"Payag saan?" I asked, confused.

"Doon muna ako sa inyo mag i-stay."

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #alyloony