Chapter26 Ang Wakas

" Mga walang puso!" Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa buong pamilya ko! Darating din ang araw na magugutom kayong lahat! At isa-isang mamamatay ang inyong mga angkan! Sumpa man!

(Sabay taas ng hawak na kabibe ng biglang kumulog at kumidlat ng malakas.)

*Ang sumunod na araw*

Aling Gloria: Pareng Kiko! Pareng Kiko! May pagkain ka ba diyan? Wala na kasi akong maibigay sa mga taong humihingi saakin e.
Mang Kiko: Patawad Mareng Gloria! Pero sapat lang ito para sa pang araw-araw ko.
Aling Gloria: Ah gano'n ba? Alam mo bang marami ng namatay sa gutom dito sa ating bayan dahil pinabayaan narin tayo ng gobyerno?
Mang Kiko: Walang kasalanan ang gobyerno, ako dapat ang sisihin dahil sa aking mga nagawa...
Aling Pina: Bakit? At paano?
Mang Kiko: A,e huwag niyo na pong isipin 'yon. Kalimutan niyo na po ang sinabi ko.

(Isang taon nga mahigit na nangyari ang delubyong iyon sa bayan ng Sta.Elena. Daan-daang mga tao ang pumanaw dahil sa gutom at dahil rin dito kaya nabuo ang isang epidemyang hindi inaasahan ng lahat. Habang si Mang Kiko naman ay nagpatiwakal na lamang Dahil sa konsensya sa masasamang nagawa niya sa pamilya nina Antonio.)

"Magandang araw po!" Ang bati ng binatang lalaki.
"Magandang araw rin sa'yo anak!"
(Ang sagot naman ng babaeng kausap.)

"Nasaan poba dito ang Ilog ng Biniyayaan?"

"Iyang makikita mo sa malayo'yan iyon, nako mag-iingat ka do'n anak ha?"

"Sige! Maraming salamat po! (Ang sagot naman ng binata at agad pumunta sa paroroonan.

Nang makarating na ay agad tumapak sa Ilog at biglang naging buntot ng isda ang kanyang mga paa.)

Gino: Ariela, maghintay ka lang magkikita rin tayo. Patawad kung di ko rin nasabi saiyo na pati inay ko'y isinumpa rin nila at naipasa nga rin sa akin ang sumpa. At sila rin ang pumatay sa aking ama at quits na kami ngayon. Dahil pinatay ko na sila!

(At biglang lumangoy palayo ng Ilog si Gino...

" At hanggang ngayon ay wala paring niisang isdang nahuhuli ang mga tao at takot ng lumapit pa ng Ilog ng Biniyayaan. At ayon sa alamat ay nagkita nanga sina Ariela at Gino at nagkaroon nanga daw ang mga ito ng mga anak at dumami ng dumami pa nga ang kanilang mga lahi. At ang iba'y nakatira sa dagat ang iba naman ay sa ilog,sapa,talon at iba pang parte ng tubig na maaaring tirhan ng mga kataw. Habang ang iba'y natuto ng mamuhay bilang tao gaya nina Ariela at Gino sa tulong ng "mahiwagang korona" na ngayo'y marami na ang bilang.)

"Pare itapon mo na ang lambat! Subukan ulit natin!

" Sige pre!"

.......

"Diyos ko po! May mga isda nanga!

" Siguro napatawad na tayong lahat ng pamilya ni Antonio. Maraming salamat Antonio at patawad kung nasaan man kayo ngayon ng pamilya mo! Sana payapa na kayo dyan."

At doon nagtapos ang Alamat ng mga Sirena at ang kuwento ng Kataw na si Ariela.😊❤❤❤

Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonLarongFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top