Chapter21 Surprisa
"Happy Birthday Ariela!" (Ang bating nakangiti ni Gino.)
Ariela: Maraming salamat Gino! Halika, pasok ka rito! Nasaan pala sina Sonia at Merilyn?
Gino: Di ko alam eh. Pasensya kana nahihiya kasi akong dumaan sa kanila.
Ariela: Ah gano'n ba? Ayos lang yon. At pagpasensyahan mo na kung ito lang ang aming handa.
Gino: Nako! Ayos lang Ariela. Hindi naman importante saakin kung marami o konti lang ang handa eh.
Basta ang mahalaga ay maidiwang mo ang debu mo na isang beses lang mangyari sa buong buhay mo.
Ariela: Maraming salamat talaga Gino!
Mabuti ka ngang kaibigan.
(11:57 in the afternoon)
Gino: Ariela, pasensya kana sa gagawin ko ah? Utos lang 'to ng Itay mo. Huwag kang mag-alala hindi ito masakit.
Ariela: A,e bakit ano ba to?
(Ang tanong ng kinakabahang si Ariela)
Ariela: Ah, kala ko kung ano na, blindfold lang pala.
Gino: Halika! May ipapakita lang ako sayo.
(At dinala nga ni Gino si Ariela sa bahay ni Mang Kiko, dahil napagpasyahan nilang doon na magdiwang ng kaarawan ni Ariela habang si Antonio naman ay agad-agad dinala ang kaonting handa sa kanila ng bahay papuntang bahay ni Mang Kiko para madagdagan ang mga handang inihanda nila ni Mang Kiko sa bahay nito. At mas dumami pa nga ang kanilang handa sa kaarawan ng dalagang sirena. May pritong mga tilapia, ginataang gabi, pinangat, biko, binignit, pansit na may halong gulay na repolyo at dalawang kilong manok, pritong manok at siyempre adobo at tinola rin.)
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy birthday! Happy Birthday to you! (Ang masayang pag-awit ng lahat kay Ariela.)
Ariela: Marami pong salamat sainyong lahat!
Hindi ko po inaasahan ito! Ang alam ko lang kasi ay pansit lamang ang handa ko sa araw naito.
Antonio: Walang anuman anak! Basta mag-aral ka ng mabuti ah? Para maabot mo na ang mga pangarap mo sa buhay. Basta huwag muna mag jowa ah? Hmmm...
(Biglang tawanan ng lahat)
Ariela: O Gino, kumain kana! Huwag kang mahiya. Sige tabi nalang tayo.
Gino: Sige salamat!
___**____**_____**____
Gino: Ariela maraming salamat ah?
Ariela: Walang anuman Gino! Mag-eengat ka ah?
Gino: Oo, ako pa! Hehe! Happy Birthday ulit! Sige alis na ako.
*Ang sumunod na araw*
Ariela: Sonia,Merilyn ba't di kayo pumunta sa bahay kahapon?
Sonia: Eh di mo naman kami in- invite eh! Ba't di mo rin kami pinuntahan sa bahay kahapon?
Ariela: Ay sorry! Busy kasi ako kahapon eh. Tinulungan ko lang si Itay sa paghahanda sa kaarawan ko.
Merilyn: Alangan namang pupunta agad kami sa bahay niyo nakakahiya kaya! Siyempre dapat sinundo mo kami.
Ariela: Ba't naman kayo mahihiya eh tayo tayo lang naman do'n eh? Si Gino nga nandon eh. Atsaka ininvite ko naman kayo noon pa eh. Di ko lang kayo nasabihan sa klasrum nitong mga nakaraan dahil nahihiya ako sa mga kaklase nating bully.
Sonia: Tumigil kana nga Ariela! Kung pinuntahan mo lang sana kami sa mga bahay namin para malaman mo kung anong mga nangyari sa'min.
Ariela: Nangyari? Bakit ano bang nangyari sainyo Sonia at Merilyn?
Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonLarongFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top