Chapter12 Ang Bilin ni Cynthia
Mang Kiko: Walang anuman Tonio. Ano palang plano mo sa anak mo?
Antonio: Siguro po kailangan ko munang palakihin si Ariela bago kami lumipat ng tirahan.
Mang Kiko: Ah sige,kung yan ang nakabubuti sainyo. Ang ganda naman ng anak niyo kasing ganda ng ina niya.
Alam mo bang "Kapay" o "Kataw" ang tawag sa mga nilalang na gaya niya? Noong unang panahon kasi may mga nilalang ng gaya niya. Kaso bihira lang sila magpakita sa mga tao at kung kailangan lang. At sila'y pinaniniwalaang nakatira sa kailaliman ng "Ilog ng Biniyayaan" at sa mga kadagat dagatan sa siyudad. At ayon sa sabi-sabi ay nakakapag anyong tao sila gamit ang "Mahiwagang Korona".
Antonio: Korona? Saan naman po iyon mahahanap?
Mang Kiko: Ayon sa Alamat, nasa ilalim daw iyon ng Ilog ng Biniyayaan.
Antonio: Hmmm..... Mahiwagang Korona? Yan poba yong pang-gamot sa maysakit at pampaswerte sa negosyo?
Mang Kiko: Oo,at pano mo nalaman ang tungkol do'n?
Antonio: A,e narinig ko lang po Mang Kiko.
___**_____**______**_____
(Sa bahay)
Antonio: Mahiwagang Korona? Diba yon ang sinisid ko sa Ilog ng Biniyayaan ? At yun ang nagpawala ng sumpa ni Cynthia.
(Agad nagbalik sa isip ang sandaling may sinabi si Cynthia.)
Cynthia: Mahal,kapag kailangan na kailangan mo ang korona. Kailangan mo ulit itong sisirin sa Ilog gayong bumabalik ito kung saan siya nakokomportablehan na. Dahil bente kuwatro oras lamang ito sa kamay ng mga taong isinumpa,samantalang habang buhay na mananatili naman ito para sa mga normal na tao.
Antonio: Ah, gano'n pala yon?
Mang Kiko: Oo Tonio.
___**____**_____**______
Antonio: Mang Kiko maaari mo bang bantayan muna si Ariela? May mahalaga lang po kasi akong pupuntahan e.
Mang Kiko: Oo naman. Sige Antonio mag-eengat ka ah?
(At agad pumunta ng Ilog ng biniyayaan at sumisid sa kailaliman nito upang makuha ang koronang sagot sa pagtanggal ng sumpa ng kanyang Sirenang anak na si Ariela.)
Mang Kiko: Nasa'n na kaya si Antonio?
Aling Pina: Kiko! Kiko!
Nasaan si Antonio?
Mang Kiko: Umalis,may mahalaga daw kasi siyang pupuntahan.
Aling Pina: Ah kung gano'n, nasa iyo ang batang kapay (Sirena)?
Mang Kiko: Oo kumare. Ba't mo naman yan naitanong?
Aling Pina: Tara isali natin siya sa kasiyahang magaganap mamayang alas 6 ng gabi sa Perya. Malaki-laki rin ang perang matatanggap do'n pag maraming nagbibigay pera sa batang yon.
Mang Kiko: A,e nako! Baka magalit pa saakin si Tonio.
Aling Pina: Nako kumpare! Huwag ka ng mag-alala ako na ang bahalang magpaliwanag kay Antonio.
Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonLarongFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top