Unang Kataga

“Hey, Acx, what’s up?” tanong nito pagkaupo sa tabi niya.

     “Ano ba! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Papatayin mo ata ako sa nerbiyos, e,” reklamo niyang agad isinara ang libro bago lumingon dito.

      “Ang sungit mo, Acx. May dalaw ka ba?—sandali. Ano’ng libro ’yan?” anito nang mapansin ang nakatiklop na libro.

     “Ah, e, ito ba? Wala—pati puwede ba tigilan mo nga ko sa kakatawag na Acx, ginawa mo akong lalaki. Acxel ang pangalan ko. At ilang beses ko bang ipapaalala sa ’yo ’yan?” sa halip na aniya upang mapagtakpan ang pang-uusisa nito.

    Ngunit sa halip sumagot humalukipkip itong sumandal sa upuan upang titigan siya nang matalim habang umiiling.

   “Sandali, nagawa mo na ba iyong assignment mo?” tanong niya nang hindi pa rin ito sumasagot. “Wait, mayroon iyong assignment ko rito kopyahin mo na lang,” pagpapatuloy niya sabay bukas ng bagpack ngunit sa kasawiang palad sumabit sa himolmol ng bag ang zipper.

   “Shit! Ano ba, ngayon pa nagluko ang zipper na ito,” bulong niyang pilit itong binubuksan gamit ng kaliwang kamay. 

    “Madali sana ’yang buksan kung dalawang kamay ang pangbukas mo, kaso mukhang may tinatago ka.” Nakahalukipkip na nguso nito sa kanang kamay niyang nakaharang sa librong nasa mesa.

     “Ha? Wala ah,” nag-uumiecho na halakhak niya nang matauhan sa ibig nitong sabihin. “Wala ito. Nabili ko lang diyan, akala ko maganda, pangit pala,” pagpapatuloy niyang pilit pa rin inaayos ang pagkakasiksik ng himolmol ng zipper.

     “Bakit mo pa lang itinatago kung pangit pala?” sarkastikong anito. “Can I?” Sabay lahad nito ng kaliwang palad.

     Dahil sa reaksyon ng kaibigan, agad niyang kinuha ang libro at itinaas sa kaliwang kamay habang ang kanan naman ang nagbubukas sa bag.

    “Grabe! Mabilis pa sa alas-kuwatro ang bilis. Hanep! Hindi halatang may tinatago, Acxel.” Halukipkip nitong nang-uuyam.

    “Shit!” hiyaw ng isip niya. Sinabi niya sa sariling hindi hahayaang makita ng kaibigan ang binabasa pero dahil sa ganda ng nilalaman hindi niya namalayang dumating na pala ito. “Buwisit!”

    “Patingin lang, Baby Acxel. Please,” anitong nanlalambing ng hinihimas ang braso niya dahilan upang mapatigil siyang mapalingon dito.

    “Hindi naman ito importante. Promise, kapag natapos ko ipapahiram ko sa ’yo. Nextime na lang,” nanlalambot na aniya upang maintindihan nito.

    “Ano ba kasi ’yan? Patingin lang!” naghehesterikal na hiyaw nito dahilan upang mapangangang mapapitlag siyang mapalingon dito. 

    Pero agad din bumalik ang wisyo niya nang nakaupo pa rin nitong inaabot ang libro dahilan upang mas mabilis pa sa alas-kuwarto niyang itaas muli ang libro. Kamuntikan na kasi nitong makuha. Mabuti na lang tamad itong tumayo kapag nakaupo na.

   “Wala ’to, Alice. Bakit ba ang kulit mo?” hesterikal na niyang sumbat nang ayaw pa rin nitong maniwala.

   “Oh my, Acxel. Kaibigan kita, naglilihim ka na. Bakit ka ganyan? Sinisigawan mo na ako,” kunyareng nasasaktang anito bago muling sumandal. “Ang sama mo!”

   “Hindi ako naglilihim sadyang O.A ka lang mag-isip.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili upang hindi makapagsalita ng hindi maganda.

   “Ang damot mo, ’pag ikaw may kailangan nagbibigay ako pero bakit ’pag ako hindi mo mapagbigyan?” nakahalukipkip nitong hinaing bago kinalkal ang hawak na puting plastik sa mesa.

    “Hoy, Alice! Huwag mo nga ’kong sumbatan ng ganyan. Hindi sa lahat ng ibinibigay mong tulong nangangailangang ibalik sa ’yo ng tinulungan mo. Kung ayaw mong tumulong, ’di huwag. Hindi iyong tutulong ka tapos isusumbat mo rin. At ano na naman ang plastik na ’yan?” pahapyaw niyang tingin dito. Naglalaman na naman ito ng limang paboritong Apple juice. Kumuha ito ng isa bago tinusok ng straw ang puwetan.

     Bakas ang nangangalit nitong mga mata at ang umaarkong nagtataasang mga kilay habang sumisipsip ng juice. Gaya kahapon, nakasuot na naman ito ng kulay puting damit na kita ang balikat habang naka-Leggings ng dilaw. “Okay, galit na naman po siya.”

     “Ewan ko ba sa ’yo, Acxel. Mahirap bang pagbigyan ang kahilingan ng iba kung puwede mo namang ibigay sa abot ng makakaya?” makahulugang turan nito matapos maubos ang juice na iniinom.

     “Excuse me, Alice. Hindi lahat ng humihiling dapat mong pagbigyan. Minsan kailangan mong tumanggi kung kinakailangan,” banat naman niyang puno ng kasiguraduhan.

     “Ewan ko ba sa ’yo. Hindi ko alam kung kaibigan kita o kasama lang. Hindi ko alam kung pinagkakatiwalaan mo ba ako o ginagago mo lang,” iritableng anito bago tinanggal ang pagkakasuot sa katawan ng bilog na Ratan bag. 

     Hindi niya ba alam kung bag ba iyon o palamuti. Kasya lang kasi ang tinuping papel, gamit na makeup maging ang notepad nitong notebook na para dito.

     “Hindi ko ba alam kung bag pa ba ’yan o makeup kit?” pang-iiba niya ng usapan.

     “Huwag mo ngang ibahin ang usapan,” anitong nagtaas ng isang kilay. “Hindi u-obra sa akin ang panglilinlang mo sa katotohanan,” anitong nakangisi.

     “Hays,” napabuntonghininga na lang niyang sagot bago napailing. May pagkaisip bata kasi ito minsan kaya pakiramdam niya hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin niya ito kilala; kahit pa huling taon na nila sa kolehiyo.

    “Hindi kasi sa ganoon. Ano, kasi—”

    “Oh my!” napuno ng nag-uumiecho na sigawan ang buong klasroom nang sumigaw ang grupo ng kababaihan sa kaliwang bahagi ng upuan.

    “Shit!” Nanlalaking matang bigkas ni Alice dahilan ng pagkunot-noo niyang titig dito.

    “Alice, okay ka lang ba?” natatarantang tanong niya nang parang nakakita ng multo ang kaibigan. “Alice—”

    “What the! Shit!” malutong na mura mula sa isang tinig dahilan upang manlaki ang mga mata niya.

    “Hey, Pier. Problema mo?” magordong bigkas naman ng may pagka-atentibong boses.

    Dahil sa nangyari biglang napuno ng kaba ang dibdib niya. Nanlalaki rin ang kaniyang mga mata habang napapapikit-pikit na nakatitig kay Alice na ngayo’y mas nanlalaki pa ang mga matang nakatitig sa harap niyang ayaw pang lingunin.

     “Bestfriend—”nagkandautal na turan nito habang nakatuon pa rin ang pansin sa kung saan.

     Bagamat isang lingon na lang tuluyan na niya itong masisilayan pero natatakot siya at hindi makapagsalita. Nananatili siyang nakatingin kay Alice na halatang takot na takot para sa kanya. Pakiramdam niya mas nanlalaki pa ang mga mata at bunganga niya sa sobrang kaba.

    “Shit! Pier. What happened?”Hindi makapaniwalang boses ng nagsasalita. Malayo sa atentibong boses kanina.

    Dahil sa narinig tuluyan nanumbalik ang wisyo niya at dahan-dahang huminga ng malalim bago pumikit ng isang beses.

    “The Fuck!” nanlalaking boses muli sa likuran dahilan upang mapalingon na siya ng tuluyan.

     Dahil sa kaba at takot na maaring maganap, sa ibabang bahagi muna siyang tumingin. At tumambad nga sa kaniya ang kulay Grey Converse shoes na may pula at itim na sintas. 

    Gayon din, agaw pansin ang nagkalat na kulay malamlam na kayumangging likido mula sa ibaba ng sapatos nito. Nakikita rin niya ang kulay itim na plastik cup na isang dangkal ang laki sa ’di kalayuan ng kaliwang bahagi; nakaitsang walang laman.

    Nang mapagtanto ang naganap unti-unti siyang napalunok na animo’y may iniinom din na tubig mula sa bungangang nakasara.

    “Panonoorin mo na lang ba ang mga 'yan pagkatapos mong gumawa ng kalukuhan? Titingnan mo na lang ba ang mga mangyayari at hindi ka gagawa ng paraan para maisaayos ang mga bagay-bagay?” basag nito sa katahimikang namamayani sa loob ng silid-aralan. Parang ni-isa sa mga kasama’y walang humihinga at tanging ang mabilis na pintig ng dibdib na lang ang kaniyang naririnig.

     Dahil din dito, mas nakaramdam siya ng takot na lumalamon sa kaibuturan ng kaniyang puso. Hindi siya maaring magkamali. Kilala niya ang mga iyon. Isa pang pikit ang kaniyang ginawa bago unti-unting itinataas ang tingin mula sa sapatos hanggang sa pantalon nitong nakukulayan ng bughaw na itim na bumagay naman sa hugis ng mga binti at hita nito.

    “Ang mahirap sa inyo masyado kayong maingat sa mga bagay na ginagawa ninyo, pero pag nahuli sa akto akala mo Santang hindi makabasag pinggan,” huling banat nito bago umalis sa harapan niya, hindi pa man niya nakikita ang mukha nito.

     Dahil sa narinig mas lalo siyang nanghina at nahiya sa mga nangyari. Batid niya ang mga salitang narinig, hindi siya puwedeng magkamali. Ang mga katagang iyon ay nagmumula sa librong binabasa pero, ganoon pa man, halu-halo na ang kabang nararamdaman. Bagamat nakaalis na’ng lalaki pakiramdam niya nakagawa siya ng pagkakamaling pagsisisihan ng panghabambuhay.

    “My God! Bestfriend. Ano’ng ginawa mo?” basag ni Alice sa katahimikang nabuo kani-kanina lang.

     “Shit! Si Pier ’yon ’di ba? Sa dinami-rami ng babanggain niya ang sikat na Editor-in-Chief pa. Kung ako iyon, maglulupasay talaga ako. Akalain mo iyon, bumangga lang naman ang hawak nitong librong sa hawak nitong kape. Mukhang hindi pa ata naiinuman iyon, e. Kawawa naman si EIC, mukhang pagod na pagod pa iyon.”

    “EIC nga?”

    “Gaga ang slow mo, Editor-in-Chief, shinorcut ko lang hindi mo pa nakuha. Bobita,” usapan ng kung sinong mga klasmate niya. Hindi na niya matukoy kung sinong nagsasalita sa mga ito.

     Gayon din, dahil sa narinig pakiramdam niya pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Tama nga siya. Hindi siya nagkamali. Ang lalaking iyon ang nakabangga niya.

     “Shit! Bumili ka ng libro ni Pier?” walang pasabing ani Alice na siyang ikinanlaki ng tingin niya rito.

     “Alice!” napatayo niyang hiyaw. Hindi siya maaring magkamali. Hawak na nito ang librong ayaw niyang ipakita at malaman nito. Ang masama pa ibinulgar pa nito sa naglalakasang tinig.

     “Shit! Bumili siya ng libro ni Pier? Wow! Yayamanin, ang mahal kaya ng libro ni EIC," sumbat ng babaeng medyo may kaliitang boses.

    “Kaya mo naman bilhin iyon, Coz. Marami ka namang pera,” banat naman ng babaeng may magordong boses.

     “Hindi ako fan ng pagbabasa ng libro. Thank you na lang,” sagot naman ng may kaliitang boses.

     “Akalain mo ’yon, may nangangarap din pa lang nerd na mapansin ni Pier,” bigkas naman ng may maarteng tinig.

     “Girls, ano ba kayo. Napansin na nga siya, e. Natapunan lang naman niya si Pier ng mainit-init na kape,” nang-uuyam na bigkas ng may magordong boses.

    “Hays, pagminamalas ka nga naman,” bigkas naman ng isa pang lalaki na siyang ikinalingon niya rito.

     Nakasuot ito ng red converse na may parihong sintas ng naunang lalaking hindi pa niya nakikita ang mukha kahit kailan. Alam niyang Editor-in-Chief ito ng University pero hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Kapag nakikita kasi nila ito lagi itong nakasuot ng red-black Mask.

     Tanging ang mga Admin at Professors lang ang nakakita na ng mukha nito, pero dahil na rin sa angking talino hindi alintana ng mga matataas na opisyales ang itsura nito kapag pumapasok; nasanay na sila sa postura nitong ganoon.

    Gayon din, pagdating sa mga Acads, programs at sports laging itong nangunguna. Kaya hindi niya akalaing ngayon nasa huling bahagi na siya ng pag-aaral sa Business Adminstration saka pa niya ito magiging kaklase sa Business Management subject niya.

   “So! Bumili ka nga talaga ng book ni Pier. Kaya pala ayaw mong ipakita. Paano mo naman ito nabili. Acxel ang mahal nito, 9.92 to 9.99$ lang naman ito sa Amazon. Tapos ikaw, mayroon na. Himala.” 

    Hindi siya makapaniwalang kailangan nitong ipangalandakan ang lahat. Kaya nga wala siyang sinasabi dahil alam niyang ganito ang mangyayari. Oo, kaibigan niya ito pero maraming bagay ang nagpapakita ng senyales para hindi ito niya ito pagkatiwalaan. Ngayong pang nasa huling taon na sila saka pa ito magbabago. Kaya naman tuluyang uminit ang dugo niya sa ginawa nito.

     “Kaibigan ba kita o ano? Oo, bumili ako ng libro niya. Hindi naman ibig sabihin na bumili ako ng libro gusto ko na ang sumulat. Hindi ba puwedeng gusto ko lang basahin ang libro? Masyado kayong judgemental,” hindi niya napigil na hiyaw bago inagaw ang librong hawak nito at tuluyang tumayo. Nabangga pa niya ang lalaking nasa harapan pa pala at hindi pa rin umaalis, dahilan upang mahulog ang bagpack niyang walang alinlangang pinulot bago tuluyang lumabas.

     “Acxel, sandali—”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top