SPECIAL EDITED CHP1: Quiet Scenario

“Hey, Acx, what’s up!” sigaw ng kung sino. May medyo maingay ’tong pananalita, at parang nanglalandi na hindi maintindihan.

        Napalingon naman siya rito sa gulat. Agad itong umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. “Ano iyan?” Nguso nito sa hawak niya.

        Sa halip sagutin ang tanong nito. “Ano ba? Bigla ka na lang sumusulpot,” hiyaw niyang medyo napalakas. “Papatayin mo ata ako sa nerbiyos!” angil pa niya.

        “Wow, ha, Acx, O.A na ’yan. Nabigla talaga?” nang-uuyam na sagot nito. Nakataas pa ang isang kilay. “May dalaw ka ba?”

        “Ha?” nakakunot-noo na tanong niya. Pilit inintindi ang sinabi nito.

        “Kako, may dalaw ka ba?” ulit nitong nakataas pa rin ang isang kilay.

         “A-Ano bang sinasabi mo?” tanong niya matapos bahagyang maunawaan ang tinutukoy nito. “Ano'ng akala mo sa akin, Buwanang Dalaw?” aniyang natatawa.

         “H-Ha?” tanong nito nang medyo naguluhan sa tinutukoy niya. “W-wait, Ano iyan?” ulit nito sa hawak niya. “Libro? Saan galing?”

         Tuluyan naman siyang napatingin sa hawak at medyo ninerbyos nang mahagip ng isip ang nais nitong isabuhay sa utak niya. Naloko na. Wala siyang maisip na rason para dito.

         “H-Ha? Ito. . . w-wala,” sagot niyang nakangiwi, medyo naglabas pa siya ng ngipin.

          Pilit winawala ang atensyon nito rito kaso mukhang talo na siya. Bahagya pa nga niyang iwinagayway ang kanang palad, simbolo na huwag nitong intindihin ang hawak niya.

         “Gano’n ba?” Halukipkip nito. “Talaga lang ah,” hindi naniniwala anito.

         Sa halip na sagutin ito, iba ang sagot niya. “T-tigilan mo nga ako. Hindi, Acx ang pangalan ko. Acxel po, nagmumukha akong lalaki sa ginagawa mo.”

         “Ay, wow! Ang lapit ng topic,” sarkastikong anito. “Hanep, ang bilis mag-isip parang naka-360 degrees twist, ah. So, What? Acx nga gusto ko. Bakit ba?” wika nitong hindi na maipinta ang pagmumukha. Nakadepensiv mood na rin ito. 

         “B-Bakit ba kasi ang hilig mo akong tawagin, Acx? Ilang beses ko bang ipapaalala na it’s Acxel. I’m Acxel,” hindi papatalong aniya kahit nagkakandautal na.

         Kinakabahan din siya ta mukhang nababasa nito ang iniisip niya. Kahit anong pilit niyang ibahin ang usapan talagang matinik ito sa pag-obserba.

         “Whatever,” anitong mukhang ayaw ng makipagtalo pa sa kaniya. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil dito.

          Kaya din naman, pasimple niyang kinuha sa likuran ang bag at handa ng itago ang hawak. Pahapyaw rin niyang inilayo ang upuan sa tabi nito na sobrang inilapit pa kanina ng maupo ito.

          Hindi rin kasi siya komportableng naiipit sa mga upuan na katabi kahit pa wala naman siyang katabi sa kaliwa dahil nasa mismong sentro siya. Wala lang, parang nasasakal kasi siya kapag gano’n.

         “Sige, itago pa, parang nanakawin ko naman ’yan,” komento nito na mukhang napansin ang ginagawa niya.

          Mas humalukipkip pa itong sumandal sa upuan, dahilan upang mapalinga siya rito. Nakataas pa rin ang isang kilay nitong may nanlilisik na mga mata; animo’y anumang oras susunugin na siya.

         Bagamat, kinakabahan siya sa ekspresyong pinapakita nito, kinausap pa rin niya ito sa mahinahon na pananalita. “Nagawa mo na ba ’yong assignment mo?”

         Pilit niyang iniiba ang umiinit na usapin na mukhang papunta na sa ibang dimensyon. Iba kasi ito kapag galit, parang ayaw na hindi napagbibigyan palibhasa bigay lahat ng luho.

         “W-wait, mayroon iyong assignment ko rito kopyahin mo na lang,” pagpapatuloy niya sabay bukas ng bagpack, ngunit sa kasawiang palad sumabit ang zipper sa himulmol nito.

         Shit! Ano ba? Bakit ngayon pa nagluko ’to,” bulong niyang pilit itong binubuksan gamit ng kanang kamay.

         “Actually, madali lang sanang buksan ’yan kung dalawang kamay gamit mo. . . Sana. . . . kaso mukhang may tinatago ka.” Nakahalukipkip pa rin na angil nito. Nginuso pa nito ang hawak niyang libro sa kaliwang palad.

        “Ha? Wala ah,” nag-uumiecho na halakhak niya ng matauhan sa ibig nitong sabihin. “Wala ’to. Nabili ko lang diyan. Akala ko maganda, pangit pala,” paliwanag niyang pilit pa rin inaayos ang pagkakasiksik ng himulmol ng zipper.

        “Eh ’di kung pangit pala, tapon na lang. Hindi na kailangang itago pa. Useless din kasi,”  sarkastikong komento nito. “Can I?” Sabay lahad nito ng kaliwang palad. “Ako na ang magtatapon.”

         Seryoso at mukhang handa itong tumayo upang itapon ang librong hawak pa rin niya. Napanganga naman siya sa narinig at bahagyang napaawang ang labi. Maging siya nabigla sa reaksyon nito. Ngayon lang niya nakita na may ganito pala itong pag-uugali.

         “Ano na? Alas-kuwatro na, matagal ka pa bang makakapag-isip bago itapon ’yan? O, sadyang mahirap itapon ang bagay na bagong bili lang. Grabe kasi, obvious naman na mabilis ka pa kay ‘The Flash' sa pagiging atentibo, Acx,” nang-uuyam na banat nito.

         Napahalakhak naman siya sa narinig. “Wow! Grabe, ang lalim, Alice, may pinaghuhogatan? Kailan ka pa naging hugotera. . . kanina, kahapon o ngayon lang?” komento niyang nagbibiro.

         Masyado na kasing mainit ang usapin ayaw na niyang dagdagan pa dahil baka mas lumala lang. Sinabi niya sa sariling hindi hahayaang makita ng kaibigan ang binabasa pero dahil sa ganda ng nilalaman hindi niya namalayang dumating na pala ito. Pag minamalas nga naman, hindi lahat ng suwerte nasa atin, madalas give and take lang.

        “Patingin lang, Baby Acxel. Please,” anitong biglang nanlalambing. Pumikit-pikit pa ang pekeng eyelashes nitong blue.

         Hinimas nito ang braso niya dahilan upang matigil siya sa paghalakhak at mapatingin dito. Ito ang hindi niya maintindihan sa dalaga, madalas at mabilis itong magbago ng emosyon at iniisip, parang may duality sa katawan.

        Nang matauhan siya sa naiisip. “Hindi naman ’to importante. Promise, kapag natapos ko ipapahiram ko sa ’yo. Nextime na lang,” nanlalambot na aniya. Pilit niyang ipinapaintindi rito na huwag muna ngayon though iba-iba na ang rason niya. Halata na talaga siya sa mga pinaggagawa niya.

        “Ano ba kasi ’yan? Patingin lang ako” wika nitong mukhang nadala sa pagiging kalmado niya.

         Pero, agad din bumalik sa realidad ang isip niya nang mabigla sa ginawa nito. Nakaupo itong iniabot ang hawak niya dahilan upang tumaas at bumilis ang pintig ng dibdib niya. Dahil sa bilis ng mga pangyayari agaran din niyang itinaas muli ang libro. Kamuntikan na kasi nitong makuha. Mabuti na lang tamad itong tumayo kapag nakaupo na.

        “Ano ba, Alice! Bakit ang kulit mo! Sinabi ng wala ’to, e!” hesterikal niyang napataas na ang boses. Talagang hindi na niya nagugustuhan ang asta nito. Puno na siya sa kakulitan nito.

         Hindi naman masamang mangulit sa isang tao. Ang nakakasama ay iyong pinipilit na mangwasak ng limitasyon ng iba. Iyong hindi na makatarungan iyong pamamaraan upang makuha ang gusto kahit matapakan na ang iba. Walang mabilisang pagkuha ng gusto dahil lahat naman dumadaan sa proseso at lahat kailangang umapak sa bato.

         “Oh my, Acxel. Kaibigan ba kita, naglilihim ka na?  Bakit ka ganyan? Sinisigawan mo na ako?” anitong kunyaring nasasaktan. Umayos pa ito ng upo bago pinagsalikop ang mga palad at inilagay sa tapat ng puso. “Ang sama mo!”

         Napanganga siya sa reaksyon nito ngunit wala siyang pagpipilian kundi ipilit ang nais niya at para sa kaniya'y tama. Mali o hindi man ayon sa gusto nito walang siya dapat ikatakot o ikasisi sa nangyari. Sa huli, siya pa rin ang pipili ng bawat desisyon niya at mananatiling nabuhay siya hindi para umaktong ibang tao para lang matanggap ng iba.

         “Hindi ako naglilihim sadyang O.A ka lang mag-isip. Huwag ka kasing magprokastinasyon. Masyado mo lang pinapakomplikado ang buhay mo. Relaks ka lang, huwag mong dibdibin ang lahat ng bagay, Alice,” pagpapaliwanag niyang medyo nangangaral pa.

         Pilit niyang pinapakalma ang sarili upang hindi makapagsalita ng hindi maganda. Lalo pakiramdam niya sasabog na siya dahil sa kahit anong gawain niya, hindi ito makaintindi sa pinupunto niya.

        “Ang damot mo, ’pag ikaw may kailangan nagbibigay ako pero bakit ’pag ako, hindi mo mapagbigyan?” hinaing nitong animo’y nagtatampo.

        “Hoy, Alice, Huwag mo nga akong sumbatan. Kung ganyan pala ang iniisip mo sana hindi ka na lang nagbigay. Sana hindi mo na lang pinipilit gawin ang mga bagay na hindi ka pala masayang ginagawa,”  banat niya sa pagmamaktol nito.

        “Ano bang sinabi ko? Sinabi ko lang naman ’yon, walang masama roon, Acx!” hindi papatalong anito, dahilan upang sumigaw ang isang kaklase nila ng 'Quiet' hindi lang kayo ang nandito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top