SDChp 2: Blaming the Give and Take
“Ikaw kasi. . . kung makapangaral ka, akala mo kung sinong perpekto,” sumbat ni Alice sa kaniya. Itinuro pa siya nito na animo’y kasalanan niya talaga ang lahat.
Napanganga siya sa narinig at napangisi na lang. Hindi niya gusto ang naririnig sa kasalukuyan. Masyadong mababaw. Nagugulat talaga siya na ganito ito mag-isip. Unbelievable, angil ng utak niya.
Wala naman sanang masama sa pagiging isip-bata dahil lahat naman dumadaan sa posisyong iyon. Hindi naman tayo nabuhay na mature agad mag-isip. Everything is under the process of learning and creating something brand new.
Wala rin siyang magagawa kung hindi nito maintindihan ang punto niya. Hindi naman niya hawak ang isip nito at mas lalong hindi niya hawak kung paano ito gagalaw sa kung anong gusto. Third-year college na sila and yet parang batang-paslit pa itong bago lang natututo sa buhay.
Ika nga nila, it's a process of living. It's a way of understanding and it's an open book for another chapter of creating destinations along the chaotic mind of every individual. We lived in the process of not choosing the direction of what we wanted. We can't control things in our hands and yet things may control us to choose the best decision for it. Simple pattern yet difficult to understand if our mind is under our own judgement and not letting anyone to help us.
Hindi rin siya umaasang makakaintindi o maiintindihan nito agad pero anong magagawa niya kung iba ang dating ng pag-unawa nito sa pamamaraan niya. Magkaiba sila ng daan at patuloy na mag-iiba depende sa kung paano at ano ba nabuhay ang isang tao.
“Huwag na nating pag-usapan kung hindi rin natin maiintindihan. Sinasayang lang natin ang mga laway natin kung ipipilit nating ipaunawa sa kausap natin ang mga bagay na hindi nila maunawaan,” komento niya. Ayaw na niyang makipagtalo pa.
Nakakapagod iyong isip ka nang isip ng kung paano, ano at gaano ng kausap natin mauunawaan ang mga bagay pero sa huli parang tambutso sumipsip lang ng hangin tapos inilabas din. Kumbaga sa pinto, lumabas at pumasok lang.
“Ano’ng hindi maintindihan? Ikaw itong ang hirap intindihan. Nakakabagot ka at nakakatanga. Simple lang sana ang mga bagay, ibibigay mo lang ang libro, titingnan ko and that's enough. Wala ng usapan, tapos na,” banat nitong ayaw pa rin patalo, tumaas na rin ang pananalita nito.
Napangisi naman siya sa narinig. “Ano bang pinupunto mo? Paano ko ba ipapaliwanag ang mga bagay kung ikaw hindi makaunawa sa paraan ng pag-i-explain ko. Paano ko ba ipapaintindi sa iyong maliit na bagay sa akin pero masyadong malaki sa isip mo?. . . Hindi tayo makakaintindihan kung patuloy tayong magpapataasan ng pride na dapat sabon lang; hindi ginagamit pamukpok sa ulo na hindi makaintindi,” paliwanag niya pang humuhugot.
“Paano ko rin ba ipapaintindi sa ’yo ang punto ko kung paulit-ulit ka sa salitang 'wala ’to' .” Napa-Quote pa ito sa mga daliri. “Simple lang kasi ang sinasabi ko. Hindi mo lang naiintindihan dahil sarado isip mo. Kumbaga sa laway, naglabas ako tapos linunok mo dahil sa sayang,” anitong humuhugot din. Nakataas pa ang isang kilay nito.
“Laway na linunok ulit?” hindi makapaniwalamg ngisi niya. “Ano iyan, suka na gustong lunukin ulit? Bakit, dahil uhaw at kailangan ng tubig? Kung simple sagot hindi natin masagot how much more pa kaya kung nasa complicated situation na. Para tayong umupong nakataas ang mga paa dahil walang disiplina. Kumbaga sa stop-dance, siniksik ang sarili para manalo sa laban, in the end talo pa rin dahil mahina ang pagkakahubog ng diskarte. Ganoon din ang limitasyon, one clear communication is enough to understand things yet we always make things complicated just for the sake of hoping to control things that we can't control,” banat din niya.
“See, you always complicate things. It's just a book yet you think of a lot of different scenarios. Hindi ba p’wedeng simplehan lang natin ang mga bagay? Hindi ba p’wedeng relaks lang tayo?” anitong medyo naguguluhan na sa kaniya.
“Simple lang din ang mga bagay, masyado lang tayong kumakain ng salita just to makes things played like a chess of knowing a lot of things. If we let one word 'Nextime', maybe it's enough for us to understand na hindi ko gustong ipabasa ngayon ’to kahit kanino, yet masyado kang mapilit na wala sa lugar. Ano rin ang gagawin ko kung hindi ka makaunawa?” banat ulit niya. Ayaw patalo sa punto niya. Nakakapagpataas ng dugo ang mga pinagsasabi nito. Ewan niya, iyon ang nararamdaman niya sa puntong kaharap ito.
“Ang sama mo sa akin, kapag ako nagbibigay tapos kapag ikaw. . .simpleng bagay lang hindi mo pa ako mapagbigyan?” bahagyang laylow ng salita nito.
Napanganga naman siya sa narinig at pilit inintindi ang sinabi nito. At nang maunawaan ang sinabi nito. “Okay, bumabalik tayo sa sumbatan na iyan.” Napangisi siya sa narinig.
“Bumabalik na?” medyo napaisip ito. “So, what? Ano lang? Totoo naman, madamot ka, selfish, makasarili,” sumbat nito parang isip-batang inagawan ng kendi.
“Wow, hanep,” nang-uuyam na aniya. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig nito. “Okay, fine. Ako na ang masama. Everything is my fault. Lagi naman ikaw ang tama.” Napangisi pa siya sa narinig. “Unbelievable.”
“B-Bakit t-totoo naman, ah. Talag—”
“Huwag mo nga akong sumbatan. Hindi lahat ng ibinibigay na tulong ay nangangailangang ibalik din sa ’yo ng tinulungan mo. Madalas ibang tao ang nagbabalik. Kung patuloy kang maghihintay ng pagsauli ng iba sa nahulog na pitaka matatalo ka sa pamasahe. Kumbaga sa nangyari, sumobra ka na nga ng binayad nagbigay ka pa ng tip,” aniyang nakangisi. Kulang na lang sumabog na siya sa galit dito. Pinipigilan lang niya.
“Kung ayaw mong tumulong, ’di huwag. Hindi iyong tutulong ka tapos isusumbat mo rin. Uulitin ko ulit kung hindi ka masaya sa ginawa mong pagtulong kuno,” napa-Quote rin siya. “Huwag mo ng gawin. Ginagawa mo lang katawa-tawa ang sarili mo. Nasaktan ka na nga kasi umasa ka, na-murder ka pa ulit dahil hintay mong magbalik iyong murderer para patayin ka ulit.”
“A-Ano bang pinagsasabi mo,” anitong nagkandautal. Mukhang iniintindi pa nito ang ibig niyang sabihin.
“Ayun oh, pang-Fliptop Battle. Ang galing. Go, sige pa. Banat pa, Mate,” sigawan ng mga ka-klase nilang nakikinig na pala sa kanila.
Napabuntonghininga naman siya sa narinig samantalang kumaway pa si Alice na parang tuwang-tuwa pa sa banatan nila. Iba rin ito. Ginawang katatawanan ang nangyayari.
“Okay, Mates, banat ko,” anitong nagpa-Introduction pa. “Ano naman sa ’yo? Bakit ba? Dapat lang kapag tinulungan ka tumulong ka rin. Give and take lang, Acx!” pagpapatuloy nito.
Napangisi siya sa narinig, exactly, tama rin ito sa word na Give and Take. Ngunit iba ang aspeto ng Give and Take sa Love sa any environment lalo sa realidad. Love must be in a give and take process yet in real world: sa school, workplace and church and in everything was not a fairytale look-like.
Napasigaw naman ang mga ka-klase nila at napasabing boo. Nakangisi naman si Alice na sinasabi sa kaklase nilang lakasan pa ng mga ito. Isip-bata talaga. Magaling mang-asar.
“Yeah, your right in a way of Give and Take process.” Mas nagsigawan ang mga ka-klase nila ng boo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top