Ikalimang Kataga

       Nang marinig ang naglulumakas na sigaw mula sa nakabukas na pintuan ng sasakyan. Tuluyan silang napalingon dito at tumambad sa kanila ang abot-langit na ngiti ni Aling Percy.

     "Mama? Ano pong ginagawa ninyo rito?" natatarantang tanong ni Axcel habang nanlalaking nakatingin sa inang nakangiti pa rin.

     Hindi siya makapaniwalang nasa harapan na niya ito. Huli na para tumakas pa. Nakita na nito ang lalaking kasama.    

    "Magandang Gabi po sa—"naputol na sabi ni binata.

     Nanlalaki ang mga mata nito habang nakahawak ang kaliwang kamay sa manubela. Ganoon din, mas nanlalaki ang mga mata nilang dalawa sa gulat habang nakatingin kay Percy.

    "Mama? Ano iyang hawak mo?" pukaw na nagkandautal at hindi makapaniwalang tanong ni Acxel habang nanginginig sa kaba't takot sa inang nasa harapan niya.

    "Ano'ng ginawa mo sa anak ko? Bakit ngayon lang siyang umuwi? Taga saan ka? Pangalan mo, Edad, Tirahan, Senomar, Doble, Single," mabilisang tanong ni Percy habang pinapalo ng batuta ang kamay.

     Mababasa sa pagmumukha nitong nakangiti ng mapait at halatang galit na galit sa mga nasasaksihan. Ganoon din, napatulala ang binata sa mga tanong na isinambulat ng ginang, maging si Acxel napapapikit at napapalunok sa sobrang gulat sa pinagsasabi ng ina.

     "Mama! Ano ba! Itigil mo nga 'yang kabaliwan mo, jusko po," nagsusumigaw na sabi niya nang mahimasmasan habang 'di makapaniwala sa pinagsasabi ng ina.

     "Bakit? Ano'ng sasabihin mo? Alam mo bang kanina pa kami naghahanap sa 'yo. Tapos kasama mo itong lalaking ito na parang holdaper!" nagsisigaw na sabi ni Percy habang hinahatak siya pababa ng sasakyan.

      Mas nanlaki ang mga mata ni Axcel sa itinuran ng ina, pakiramdam niya tumigil ang tibok ng pahinga niya sa sinabi nito. Ganoon din, napatingin ang binata sa harapan ng sasakyan na mababakas sa mga mata nito ang panlilisik habang hindi makapaniwala sa naririnig.

    "Ma, easy lang. Dumating naman si Acxel. Nakakahiya sa bisita ng anak natin. Antayin nating makapagpaliwanag siya," pigil na sabi ni Alexander na kakarating lang sabay hawak sa dalawang braso ng asawang si Percy.

    "Hindi, Alexander! Dapat malaman nila ang oras. 8:00 o' clock na ng gabi tapos ngayon pa lang sila uuwi? Uwi ba ng matinong kabataan iyan? Virgin pa ang anak natin, for God seek!" nagsisigaw at hindi mapigil ni Percy ang emosyon habang nagpapaliwanag sa asawa.

     "Ma! Shit! Shit! Tumahimik ka!" nagsusumigaw na sabi ni Axcel habang sasabog ang galit sa sinabi ng ina sa harapan pa niya.

     "Ma, ano ba? Huminahon ka nga. Ano bang pinagsasabi mo?" pilit ngiting sabi ni Alexander habang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ng asawa.

     Mababakas sa pagmumukha ni Alexander ang pagkabalisa sa sinabi ng asawa. Pero, pilit nitong winawala ang lahat sa pagbibigay paumanhin sa binatang nanlalaki ang mga mata kahit naka-Mask pa ito. Ganoon din, parang sasabog na bomba ang pagmumukha ni Axcel sa galit na hindi mailabas. 

     "Hindi ako makakapapayag, Alexander. Inalagaan natin ng mabuti ang anak natin tapos ganito. Oo, gusto kong mag-uwi ng lalaki ang anak natin dito, pero, ang may mangyari sa kanila ng hindi ko alam. Hindi ako papayag, Alexander. Papatayin ko ang lalaking ito," naghehesterikal na sigaw ni Percy.

      Dahil sa narinig mas naging bilugan ang mga mata ni Axcel, Alexander maging ng binata sa gulat sa sinabi ni Percy. Mababakas sa pagmumukha nila ang hindi makapaniwalang mga salita.

     "Bumaba ka riyan, Axcel. Bilis. Papatayin ko ang lalaking iyan," matalim na sabi ni Percy habang hinahatak palabas ng sasakyan ang anak.

     "Huminahon ka nga, Percy. Nakakahiya ka. Ano'ng papatayin? Madadala ito sa usapan. Pakinggan muna natin ang sasabihin nila. Utang na loob," natatarantang sabi ni Alexander habang patuloy na hinihigpitan na ngayon ang kapit sa mga braso ng asawa na nakahawak sa anak habang pinapababa ito sa sasakyan.

    "Hindi! Papatayin ko ang lalaki—"

    "Ano ba, Ma! Nakakahiya ka! Huminahon ka nga. Para kang bomba na sasabog na hindi mo pa sinusubukang alamin kung saan mo itinapon! Hindi mo alam kung ano'ng pinunta rito ng kasama ko tapos kung ano-ano ng pinagsasabi mo. Tapos, ano? Papatayin mo 'to? My goodness, Ma. Mag-mature ka nga!" naghehesterikal na sigaw ni Axcel sa inang gulat na gulat sa binigkas niyang mga salita.

    "Iha, kalma lang. Mapag-uusapan ninyo 'to ng mama mo. Pumasok muna tayo sa loob utang na loob. Nakakahiya sa mga kapit-bahay," nakandautal na bigkas ni Alexander habang palingon-lingon sa paligid.

    May pa-ilan-ilang ng mga tao ang nakadungaw sa labas ng balkonahe ng mga bahay, nakasilip sa bintana, maging ang mga nasa daan napapahinto na para tingnan kung anong nangyayari.

    "Nahihiya kayo! May goodness! E, nahihiya ba kayong ibugaw ako? Ma, hindi ako nag-aral para lang mag-asawa o manlalaki. Hindi ninyo ba ako maintindihan! Ayoko ng lalaki sa buhay ko. Bakit hindi ninyo maintindihan! Lagi ninyong sinasabi sa aking magdala ng lalaki sa pamamahay na ito. T*ngyna, Ma. Huwag ninyong diktahan ang gusto ko. Hindi kayo ang makikisama sa lalaki kaya sana bigyan ninyo ako ng privacy para sa sarili kong buhay!" sigaw ni Axcel bago bumaba ng sasakyan habang umiiyak.

      Muntik pa niya mabangga ang ina na agad naman naiwas ni Alexander. Samantalang hindi naman makauma si Percy sa sinabi ng anak. Pakiramdam niya sobrang sama niyang ina para maramdaman ng anak ang ganoong bagay. Kaya sa huli napaiyak na lang ito sa bisig ni Alexander na napapabuntong-hininga.

      Hindi naman makapaniwala ang binata sa mga nangyayari. Napapapikit at napapailing siya sa mga nasasaksihan. Kaya sa halip makialam nanahimik na lang ito. Doon niya napagtanto kung bakit ayaw siyang papuntahin ng dalaga sa bahay nito. Pakiramdam niya kasalanan niya ang lahat ng mga nangyayari. Napapahimas noo tuloy siya habang nakapatong ang kaliwang kamay sa manubela.

     Patuloy namang umiiyak si Percy habang nasa bisig na ng asawa. Gayon, din nakikita ng binata ang pagiging sweet ng mag-asawa. Hanggang balikat lang ni Alexander ang asawa. Ganoon din, makikita ang mapupungay na mga mata ni Alexander habang may singit itong mga mata at matatangos na ilong. Para itong lahing European-American base sa ayos nito, nasa 5'11 pa ata ang tangkad nito habang nakasuot pa ito ng coat. Maputi rin ito na may kunting balbas.

    "Pasensiya ka na, Iho," biglang bigkas ni Alexander na nagpaalis ng pagmamasid ng binata.

    "Okay lang po, Sir," nauutal na sabi ng binata na hindi agad nakahuma sa sinabi ni Alexander.

    "Papasok na kami ng asawa ko sa loob, gumagabi na rin kasi. Pasensiya kana sa mga nasaksihan mo. Mahabang kuwento, Iho. Pasensiya ka na rin kung hindi na kita maaaya sa loob. Kailangan kong pakalmahin ang asawa ko. Umuwi ka na at mag-iingat ka. Nextime na lang tayo mag-usap," mahabang paliwanag ni Alexander habang inaalalayan ang asawa.

      "Pasensiya na rin po kayo, Sir—sa mga nangyari. Kasalanan ko po ata ang nangyari. Salamat po and pasensiya na po talaga, Sir," sinserong sabi ng binata habang nakatungo.

      Napangiti naman si Alexander, "It's tito. Just called me Tito Alex. Huwag kang mag-alala abnormal lang ang pamilya ko. What's your name, by the way?" Halatang natutuwa si Alexander sa kinikilos ng binata.

      "Pier Latther po, Sir este Tito Alex," nauutal na sabi ng binata bago tumungo ulit.

      "It's okay. Masasanay ka rin, Pier. Nice meeting you, Son," nakangiting sabi ni Alexander bago hinatak ang asawa papunta sa harapan ng sasakyan niya bago pumasok ng gate.

     "Shit! Son? Damn it," anang binata bago hinawakan ang dibdib. "What happened to me? Grabe, ibang klaseng babae." Naiiling na lang siya bago iniangat ang sarili para hatakin ang nakabukas na pintuan ng sasakyan sa kanan.

     Nang maisara na ito ng binata. Agad na nitong pinasabad ang sasakyan habang napapailing. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Patuloy na nagbabalik sa kaniya ang mga alaala ng mga nangyari.

      Samantala, nakadapa naman si Axcel habang suot pa rin ang buong kasuotan nito, maging ang sapatos niya'y 'di pa natatanggal. Patuloy lang itong umiiyak dahil sa sama ng loob sa ina na wala ng ginawa kundi pilitin siyang makakuha ng lalaking ipapakilala sa mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kinikilos ng mga ito. Pero, sana mintindihan nilang ayaw niya ng lalaki sa buhay niya. Pakiramdam niya lahat sila manluluko. Base na rin sa mga napapanood niya sa telebisyon. Kaya simula pagkabata hindi na siya nanonood ng mga ganoong palabas. Mostly pinapanood niya mga Cartoons, Patayan at iba pa. Huwag lang about sa istoryang pagmamahal dahil ayaw niya ng mga temang ganoon. 

      "Anak, kumain kana. Dinalhan ka ni papa ng hapunan. Pagpasensyahan muna ang mama mo. Maiintindihan mo rin ang lahat, Anak. Mahal na mahal ka namin ng mama mo. Kaya sana huwag kang magkaroon ng sama ng loob sa mama mo," putol na sabi ni Alexander sa mga iniisip niya.

      Mababakas ang pagka-makahulugan at puno ng pag-aalong tinig nito. Bagamat hindi sobrang lakas ng boses ni Alexander pero sapat iyon para marinig ni Axcel ang hinaing ng ama. Alam niyang nasasaktan ito sa mga sinabi niya kanina, pero, gusto lang niyang maintindihan nito ang nararamdaman niya sa pagko-kontrol nila sa buhay niya. Hindi sa ayaw niyang sumunod sa mga ito. Pero, iba nang usapan pag patungkol sa mga lalaki.

      "Hindi po ako nagugutom, Pa." Bagamat galit siya sa mga ito, pero, sinagot pa rin niya ang ama sa boses na namamaos sa kakaiyak.

      "Anak. Kailangan mong kumain," nalulungkot na sabi ng ama. Pero hindi na siya sumagot pang muli at patuloy na umiyak.

      "Sige, iiwan ko na lang dito sa pinto. Kumain ka pag okay kana. Mahal na mahal ka namin, Anak," malungkot na tinig ng ama.

       May patungan kasing hindi kataasan sa gitna ng kuwarto ng mga magulang. Kung saan doon pinapatong ang pagkain pag ayaw pa niyang kumain. Simula pagkabata lagi na siyang ganito. Kaya nasanay na rin ang mga magulang sa kinikilos niya. Palibhasa't nag-iisang anak lang siya. Kaya naman dahil sa pag-uugali niyang ganito. Naisipan na ng mag-asawa na palagyan siya ng patungan ng pagkain sa labas ng silid upang kahit papano hindi siya nagugutuman pag ganitong nagtatampo siya.

      Ganoon pa man, dahil sa bigat ng nararamdaman tuluyang napagod at bumagsak ang talukap ng kaniyang mga mata,  hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin niya. Hindi na rin siya nakapagpalit pa tanging iyon at iyon pa rin ang suot niya hanggang sa makatulog siyang nakadapa dahil sa patuloy na bigat ng dibdib na nararamdaman para sa mga magulang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top