Ikalawang Kataga

        "Waahhh! What? 7:30 na?" sigaw ni Acxel pagkatapos tumunog ang orasang nasa tabi ng higaan.

         Napasarap kasi siya ng tulog kagabi dahil na rin sa sobrang kapaguran. Nang umalis kasi siya sa klase kahapon nagtungo siya sa Gym ng university. Nagpakapagod at nagpapawis siya para lang mawala ang sobrang pagkayamot niya kay Alice. Hindi niya alam kung bakit umaasta ito ng ganoon. Natatandaan din niyang wala naman siyang ginawang ikakagalit o ikapagbabago nito ng pag-uugali. Kaya hindi niya maintindihan ang mga ikinikilos nito ng mga nakaraang araw.

         "Hoy, Acxel. Hindi ka ba papasok?" sigaw ni Aling Percy sa kaniya pagkabungad nito sa pintuan ng kuwarto. 

         Napatingin siya rito ng pandalian bago pinasadahan ng tingin ang buong silid. Katamtaman lang ang kuwarto niya. Nasa kaliwang bahagi ang kama niyang punong-puno ng mga Teddy bear na halo-halong malamlam na puti at bughaw, maging ang kabuuan ng kama: kumot, unan maging ang mga picture frame na nakasabit sa dingding ay siya rin ang kulay nito.   

         Sa kanan naman niya makikita ang aparador na kulay kayumanggi at ang mesang patungan ng mga gamit. Nasa gilid naman ng aparador ang elektrikpan niyang kulay malamlam na bughaw rin. Sa tapat naman nito ang pintuan ng kuwarto kung saan nakatayo ang ina.

         "Yes, Ma. Pupunta na po ako. Wait lang," natatarantang niyang turan nang mahimasmasan sa pag-oobserba sa paligid.

          Kasabay nito ang pag-alis niya sa pagkakatakip ng kumot sa kaniyang katawan. Muntik pa siyang masubsob nang sumabit ang kumot sa kaniyang paa.

        "What the heck! Kung kailan nagmamadali ka saka ka tatamaan ng ganitong kabagal na sitwasyon. Hindi ba puwedeng makisama na lang ang orasan sa taong tumitingin dito?" bulong niyang naiirita bago nagtungo sa aparador at kinuha ang towel na kulay bughaw. 

        "Ewan ko ba sa 'yong bata ka. Minsan kailangan mong sumunod sa agos ng orasan hindi iyong ikaw ang susundan nito. Halika na kumain na tayo," sagot ng ina na 'di nakaligtas sa pandinig niya.

        "Haynako, Ma. Pati ba naman bulong ko narinig mo pa. Samantalang pag may hinihingi ako sa 'yo parang hindi mo ako naririnig," nangingiting sabi niya habang nagmamadaling patakbo sa pintuan kung saan naroon ito.

          "Magdahan-dahan ka ngang bata ka. Muntik mo pa ako mabangga tapos inunahan mo pa akong bumaba. Ang mahirap sa 'yo, ang aga-aga mong nagising tapos ngayon magagahol ka sa oras," pa-insultong anito sa kaniya habang naiirita.

         "Sorry, Ma. Mamaya na lang po tayo mag-usap. Late na po ako," aniya habang nagmamadali pa rin.

         "Hoy, Axcel. Ano iyong sinabi mo kanina? Ah, natatandaan ko na. Minsan kailangang magbingi-bingihan sa taong nanghihingi sa 'yo ng mga bagay-bagay lalo't wala ka at hindi mo alam kung paano mo ibibigay kung wala kang maibigay," bulong na pagkakasabi nito na narinig pa rin niya.

         Kaya pagkababa niya sa hagdan na gawa sa kahoy na Narra. Agad siyang nagtungo sa banyo ng kusina na naiiling-iling. Mukhang namana niya rito ang kahiligan niyang maging makata sa mga salita. Napapangiti na lang tuloy siya. Kaya pagkapasok sa banyo agad niyang ginawa ang daily routine sa pagligo. Samantala, hindi pinalagyan ng ina ng banyo ang silid niya dahil sa kadahilanang mas gusto nitong nalalaman ang mga nangyayari sa kanya.

        Nag-iisa lang kasi siyang anak kaya todo bantay-sarado ang mga ito sa kanya. Gayon din, nang matapos siyang makapaligo sa loob ng 30 minuto agad-agad siyang nagtatakbo sa kuwarto niya. Muntik pa siyang masubsob ulit sa pag-akyat sa hagdang may anim na baitang.

      "Magdahan-dahan ka nga, Acxel. Iyan ang mahirap sa 'yo, e. Magtatagal kang matulog sa gabi tapos pagdating ng umaga lulugo-lugo kang nagmamadali," puna na naman ng ina nang mapansin ang nangyari sa kanya—mahilig din kasi itong mag-obserba.

      "Oo, na po, Ma. Mamayang pag-uwi ko na lang ulit," sagot na lang niya bagong nagmamadaling umakyat muli.

       Ayaw na niyang makipagtalo rito lalo't late na talaga siya. Kaya hinayaan na lang niyang bumanat ang ina ng mag-isa. Mas importante kasi sa kaniyang makapasok ng eskuwelahan kaysa makipagsagutan pa rito. Ganoon din, kailangan niyang makaabot sa klase kundi malalagot siya sa Financial Management subject niya.

       Kaya pagdating niya sa loob ng kuwarto. Kinuha niya ang itim na jeans at sweatshirt na puti na hanggang siko. Nang tuluyang maisuot na niya ito agad niyang kinuha ang itim na medyas at puting highcut converse na paborito niya. Nagsuklay rin siya ng mabilisan na siyang mas kinainisan niya nang sumabit ang nabuhol niyang buhok sa suklay na kulay kalimbahin.

       "Anak ng—ang sarap mong putulin. Makisama ka naman, utang na loob. Kahit ngayon lang, hindi ko na alam ang gagawin ko," naiiyak niyang turan bago hinugot ng malakas ang suklay na sumabit sa buhok na siyang dahilan para mapa-aray siya. 

       Napakamot pa siya sa parte ng ulo na sumakit sa paghatak niya. Nakita rin niya ang buhok na naputol na nakapulupot sa suklay.

      "Acxel, 8:10 na!" tinig muli ng ina na siyang naririnig niya sa ibaba.

      "Yes, Ma. Wait lang," sigaw niya pero sapat ito para marinig ng ina.

 
      Kaya naman, dahil sa itinuran nito  nagmadali siyang makababa ng hagdan. Pero, bago iyon hinablot muna niya ang eyeglasses sa mata na nakapatong sa mesang naroon katabi ng backpack niya. Pagkababa niya sa hagdan sukbit na niya ang bag sa kanang balikat. Nakalugay rin ang buhok niyang lagpas balikat ang haba habang may malamlam na lipstick sa labi.

       "Okay ka na sa ayos mong 'yan?" Ganyan na ba iyan? Hindi ka na mag-aayos pa?" bungad ng ina nang tuluyang nasa panghuling baitang na siya pa-ibaba ng hagdanan.

       "Ma! Nakakainis ka, okay lang naman ako sa ayos ko, ah. Sanay ako sa pagiging simple na walang iniisip kung may masama ba sa itsura ko. Kung ayaw nila sa akin wala akong pakialam. Nag-aral ako hindi para maging maganda kundi para may matutunan at magkaroon ng magandang kinabukasan. Ano'ng masama rito?" Napapakamot sa ulo na reaksyon niya habang nakabusangot ang pagmumukha.

       "Hindi ko sinabing mas maging maganda ka pa. Ang sinasabi ko lang ayusin mo 'yang buhok mo. Tingnan mo sa dulo hindi pa maayos ang pagkakasuklay. Dapat maging presentable ka pa rin kahit simple ka lang manamit," pagpapayo pa rin nito sa kaniya habang naghahain ng pagkain.

        "Naku, Ma. Halatang-halata ka sa mga palusot mo. Ang sabihin mo, gusto mong magkaroon na ako ng boyfriend na ipapakilala ko sa inyo ni Papa. Ang masasabi ko lang, "Ayaw ko, puro lang sila manluluko at magaling magpaikot ng babae. Tapos sa huli iiwan ka rin pag nakuha na ang gusto," makahulugang turan niya habang nakabusangot ang pagmumukha.

        "Tumahimik ka nga. Paano mo malalaman ang mga bagay na iyan kung wala ka pang karanasan, aber?" naninigaw na sabi nito sa kanya.

        "Ma, ano ba? Masyado kang hard sa akin. Ang sakit noon, ah," reklamo niya nang tumama ang unan sa ulo niya.

        Akala niya sigaw lang ang gagawin nito iyon pala may pahabol pang bato. Napangiwi tuloy siya sa sobrang inis bago kinamot-kamot ang ulo.

       "Tigil-tigilan mo nga ko, Acxel. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend. Masyadong malalim ang pangbababa mo sa mga lalaki. Hindi naman ganyan ang tatay mo,"  naiiritang sabi nito sa kaniya habang may hawak na naman itong unan na kulay bughaw sa kaliwang kamay.

       "Ma, iba si papa sa mga lalaki. Mabait si papa. Iyong mga lalaki sa university. Hindi matitino, wala pa akong nakitang deserving sa kanila. Puro sila, "Fuck, bulshit, shit," reklamo na naman niya habang sinusuklay na ang buhok gamit ang kamay.

         Nakatayo na siya ngayon sa ibaba ng huling baitang ng hagdanan habang nasa tapat niya ang ina na nasa pintuan ng kusina. Sa magkabilang gilid naman ng pinagtatayuan nito naroon ang dalawang sofa na mahahaba. Nakukulayan ito ng abuhin at itim habang may parihong unan na rektanggulong pagkakahugis ang mga nakasandal doon.

        "Aray! Mama, ano ba? Ang sakit na. Putiks," Iritable na naman niyang sabi nang tumama muli ang unan sa kanya.

        "Itigil mo 'yang kaartehan mo. Bente anyos ka na, pero, never ka pang nagdala ng lalaki rito sa bahay. Gusto mo bang tumandang dalaga? Mamamatay na lang ata kaming wala ka pang asawa," banat na naman ng ina.

       "Ma, itigil mo iyang kaka-emote mo. Diyos ko naman, Ma. Hindi ako nag-aral para maghanap ng lalaki. Hindi ka ba masaya na sumusunod ako sa gusto ninyo. Na nagiging masunuring anak ako, Ma? Tapos ngayon hahanapan mo ako ng mga lalaki sa buhay ko? Mama! Utang na loob. Tama na ito. Wala na akong ibang naririnig kundi 'yan. Naku naman, Ma," nanggigil ng turan niya habang napapapadyak sa mga paa.

        Dahil sa edad niya, lagi usapan nila sa hapag kung kailan siya magkaroon ng kasintahan na maipapakilala sa kanila. Ni sa ayaw pa rin niya ang magkaroon ng lalaki sa buhay, pero, mapilit ang mga ito. Para kasi sa kaniya gusto muna niyang magkapag-isip at planuhin ang buhay sa mga darating na panahon. Kaya naiinis siya sa pamimilit ng mga ito. Every may nakikita silang mga ka-klase niya noong elementarya sinasabi nilang paglaki raw nila ligawan daw ang anak nila—sabay turo sa kaniya. 

        "Tumigil ka! Oras na may pumuntang lalaki rito. Wala kang magagawa. Naiintindihan mo ba?" sigaw ng ina na siyang nagpaputol ng mga iniisip niya at siya rin na nagpalaki ng mga mata niya.

         Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng ina. Ganoon na lang ba ang pagiging desperada nitong magkakilala ng lalaki sa buhay niya.

         "Mama! Ano ba? Nababaliw ka na ba? Diyos ko po, Ma. Ano na naman bang binabalak mo? Hindi ko maintindihan kung nanay ba kita o bugaw ko," sigaw niya at saka nagmamadaling lumabas ng bahay na nasa kanang sulok lang niya.

        "Hoy, Acxel! Bumalik ka rito. Gagawin ko iyon. Humanda ka," sigaw ng nanay niya sa nakakarinding ingay.

         Nagpatuloy lang siya sa paglalakad ng hindi alintana ang orasan. Malamang galit na galit ito sa mga sinabi niya, pero, alam niyang totoo ang sinasabi nito. Never itong bumali sa usapan kaya iyon ang ikinatatakot niya. Kaya kung anuman iyon dapat niyang paghandaan ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Gayon din, alam niyang hindi na siya makakaabot pa sa klase. Kaya mamayang 10:00 to 1:00 am na lang siya papasok sa ikatlong subject niya. Sa loob ng isang araw anim na units na ang nawala sa kanya, pero, wala siyang magagawa.

       "Putiks! Nanay ko ba iyon? Grabeng magbantay sa akin tapos ibubugaw lang pala 'ko. Nakaka-badtrip," bulong-bulong niya habang naglalakad.

       Nakalayo na rin kasi siya sa bahay nila ng 'di niya namamalayan dahil sa sobrang inis sa ina. Ganoon pa man, medyo malayo-layo lang ng kunti ang university kaya puwede lang lakarin. Kaya halos nilalakad na lang niya ito para makatipid sa perang mayroon siya.

        "Miss! Miss! Miss!" nagsisigaw na tinig mula sa likuran niya.

         Sa sobrang pagkataranta niya hindi niya alam kung magpapatuloy, hihinto o tatagilid. Pero, sa huli napagpasyahan niyang dahan-dahang lumingon na umaatras para makaiwas sa pararating, pero, na-sprain ang paa niya sa biglang pagtaliwas kaya napapikit siya sa paghahandang babagsak na siya ng tuluyan.

        Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon naramdaman niya ang pagbilis ng kabog ng dibdib nang maramdamang hindi siya tuluyang bumagsak. Ganoon din, dahil sa nangyari parang tumigil ang tibok ng puso niya maging ang pagdaan ng orasan. Kaya sa unti-unti pagmulat ng mga nakapikit niyang mga mata.

        Tumambad sa kaniya ang nakaawang na maninipis nitong labi habang naniningkit ang mapupungay nitong mga mata. Matangos din ang ilong nito na bumagay sa makakapal nitong mga kilay. Ang buhok nito'y itim na itim na medyo magulo. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nagkatitigan na dalawa habang hawak ng kaliwang kamay nito ang kanang kamay niya habang nakaangkla ang kaliwang paa nito sa kanang binti niya para hindi siyang tuluyang mahulog.

    Wala siyang ibang naririnig ng sandaling iyon kundi ang mabilis na pintig ng puso na sa unang pagkakataon nararamdaman niya. Parang may kung anong kumukuti sa tiyan niya habang pati ang mga mata niya'y ayaw na rin pumikit man lang dahil sa pakiramdam na nananaginip lang siya ng mga sandaling iyon. Ang kabuuan ng mukha nito ang nakikita niya na parang nagiis-slow motion sa paningin niya, maging ang mga nasa kapaligiran niya'y parang mga batong hindi gumagalaw man lang na mas lalong hindi niya maintindihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top