Ikaapat na Kataga

       "Ma, asan na si Acxel? Ano'ng oras na, ah," bungad na tanong ni Alexander habang papasok ng pintuan.

       "Diyos ko, dumating ka na pala, Pa. Hindi ko ba alam sa batang iyon. 6:30 na, e. Nagkasagutan kasi kami kanina," paliwanag ni Percy habang nagluluto ng hapunan sa kusina.

      "Ano na naman bang sinabi mo sa anak mo, Ma? Naku!" naiiling na sagot ni Alexander na nagpapahinga na ngayon sa kanang sofa—malapit sa pintuan.

     "Sinabihan ko lang na mag-ayos ng sarili tapos ayon," paliwanag ni Percy habang naglalagay ng mga pinggan sa lamesa.

     "Huhulaan ko, Ma. Sinabihan mo na naman siyang magdala ng boyfriend dito," nangingiting sabi ni Alexander habang nagtatanggal ng itim na sapatos.

      "Malamang, sinabi ko nga iyon," walang alinlangang sabi ni Percy habang dala-dala nito ang isang tasang kape na ipinatong sa lamesa.

      "Ma, huwag mo naman kasi ipilit kay Axcel iyan. Alam mo namang pihikan ang batang iyon. Bigyan mo siya ng panahon para diyan," nangingiting sabi ni Alexander habang humihigop na ng mainit na kape galing sa lamesang nasa harapan.

      "Alexander, natatakot lang ako na baka hindi na makapag-asawa 'yang anak mo. Paano kung wala na tayo—ako? Gusto kong makita man lang ang anak mo na maging masaya bago man lang ako mawala," makahulugang sabi ni Percy habang naiiyak na nakatayo.

       "Ma, tama na. Huwag mo muna isipan iyan. Baka marinig ka ng anak mo. Alam mo naman iyon," seryosong sabi ng asawa bago napabuntong-hininga ng malalim.

       "Natatakot lang ako para sa anak natin, Alex. Gusto kong makilala ang kahit isang lalaki sa buhay ng anak ko bago ko maramdamang hindi ko na makikita iyon. Gusto kong makita ang mga bagay na magpapasaya kay Axcel. Iyong makikita kong may dadalaw dito para sunduin ang anak ko. Iyong makikita kong masaya silang nakaupo rito sa sofa na nakangiti. Iyong makikilatis ko pa ang lalaking iyon na at mapagsasabihang huwag niyang saktan ang anak ko," mahabang paliwanag ni Percy habang patuloy na tumutulo ang mga luhang walang tigil sa pag-alpas.

       Sa kabila ng pinapakitang kasiyahan ng mga mata, pananalita at kilos ng ginang. Isang masakit na kapalaran ang hindi kayang pigilan ng kahit ano'ng oras para hindi mangyari. Gayon din, dahil sa inasta ni Percy tuluyang napaiyak si Alexander dahil sa itinuran ng asawa. Nakatayo na ito habang yakap ng mahigpit ang asawang humahagolgol.

      "Alam kong darating ang panahon na makikita rin nating nasa ganoong sitwasyon ang anak natin, Percy. Bigyan lang natin siya ng panahon para makita ang mga bagay na iyon. Sa ngayon hindi pa niya ito natatagpuan sa buhay niya," makahulugang sagot ni Alexander habang napapapakit na pinipigil ang pagluha.

     "Hanggang kailan, Alexander. Pag wala na ako? Pag hindi ko na puwedeng makita, at pag hindi ko na mararanasan ang mga bagay na gusto kong gawin para sa anak ko?" Walang tigil na nagpapatakan ang mga luha ni Percy habang yakap ng asawa.

      Masakit para kay Alexander na makitang nasasaktan ang asawa, pero, mas masakit makita at malamang bumibitiw na ito sa pakikipaglaban sa mga bagay na mangyayari pa lang.

     "Saan ba kasi ang bahay ninyo? Kanina pa tayo paikot-ikot dito, ah," iritableng sagot ng binata habang  patuloy na nagmamaneho gamit ang sasakyan nitong Izuzu-D Max. 

     "Akala ko normal na kotse lang itong sasakyan mo. Nagkamali pala ako," paunang bigkas niya habang nakasimangot.

      "Ano bang problema mo sa sasakyan ko? Pupunta tayo sa bahay ninyo hindi magbebenta ng sasakyan. Kaya, huwag mong pakialaman ang sasakyan ko," nakataas na kaliwang kilay nitong sabi habang patuloy na luminga-lingang nagmamaneho kung saan ito liliko.

     "Paano'ng hindi ko mapapansin 'to. E, hiyang-hiya ang bahay namin sa sasakyan mo," nakataas na kilay na sabi niya bago humalukipkip.

     Napa-preno tuloy ang binata sa sinabi niya. "A-no'ng sinabi mo? The Fuck! Huwag mo sabihin nalagpasan na natin ang bahay ninyo. A-at ano pa kamo? Nahiya ang—ang bahay ninyo sa sasakyan ko? T*ngyna! Sinasayang mo ang gasolina ko. Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin at nang makarating na tayo roon at ng matapos na," nangangalit na sigaw nito sa kaniya habang pinaghahampas ang manubela.

      Napatulala na naman tuloy siya sa inaasta nito. Hindi siya makapaniwalang ang sama pala ng ugali ng Editor-in-Chief na kasama. 

      "Bakit ka ba nagmumura nang nagmumura? Hindi ba puwedeng magsalita sa maayos na paraan? Tinagurian ka pa namang King of Hearts author tapos ganyan ka magsalita," insultong sabi niya bago ibinaling ang tingin sa kanang bahagi ng sasakyan.

      Kung saan nakikita niya ang walang sawang pagsibad ng mga sasakyan sa magkakabilang dako. Gayon din, nakikita rin niyang marami pa rin na mga tao ang naglalakad sa kung saan habang may bitbit na supot sa mga kamay.

     "Wow! Nagbabasa ka nga talaga ng libro ko o kaya nagse-search tungkol sa akin," hindi makapaniwalang sabi nito na nagpalingon sa kanya.

     "Oo, bumili ako ng libro mo at binasa ko, pero, hindi ako nagse-search ng tungkol sa 'yo, ah. Naririnig ko lang," walang alinlangang sabi niya saka muling ibinaling ang tingin sa dating tinitingnan.

     "Well, thank you for buying my book." Hindi tumagos pusong pasasalamat nito.

     "Okay lang kahit 'di mo ma-appreciete. Hindi ko pinangangalandakang bumili ako," sabat niyang naiirita habang nakakunot-noo.

      Inis na inis pa rin siya sa kayabangan ng lalaki. Kaya sa halip na madagdagan ang pagkairita niya, ipinagpatuloy na lang niya ang  pagmamasid sa paligid.

     "Well, fine. Akala ko magpapa-Autograph ka, e" tagos-tagusang kayabangang sabi nito habang nagmamaneho.

     Sasagutin pa sana niya ang pang-aalaska nito. Pero, mas pinili na lang niyang manahimik at huwag ng patulan ang lalaki. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagmamasid muli. Ngunit, nagulantang siya nang matanawang malapit na sila ng isang katamtamang two-storey na bahay na nakukulayan ng maitim na bughaw.

      Nakikita rin niyang may dalawang magkalayong bintana sa itaas na bahagi habang diretsong parihaba naman ang bintana sa ibaba. Gayon din, nakikita niya ang isang motorsiklo na Honda XRM 125 na nakaparada sa katamtamang ipasyo roon. Samantalang nakasara naman ang rehas na 'di kataasang gate na may kulay indigo.

      "Patay!" nanginginig na sabi niya habang napapapikit sa sobrang kaba.

      "Welcome home, Miss palaban," nakangising sabi nito na mas ikinainis niya.

      "Dito na lang ako, ibaba mo na ako. Bilis," natatarantang sabi niya bago kinuha ang bag at saka hinawakan ang bukasan ng sasakyan.

      Sa kasawiang-palad ayaw mabuksan ng pinto ng sasakyan.

     "Easy, wala pa tayo sa bahay, masyadong kang nagmamadali. Hindi lahat ng bagay minamadali, dapat alam mong maghintay ng tamang panahon para masabing handa ka ng harapin 'yon," banat nito bago binarurot ang sasakyan hanggang sa tumapat sa pintuan ng bahay nila.

     "Bulsshit! Shit! Bakit dito?" malulutong na mura niya habang pilit na kinakalikot ang hawakan ng sasakyan. 

     "Dahan-dahan lang masisira mo ang sasakyan ko," iritadong sabi ng lalaki bago tinapik ang kamay niya.

     "Ano ba! Ang sakit noon, ah. Nananakit ka na, ah," sigaw niya sa sobrang irita.

     "Maghintay ka nga. Bakit ba kasi nagmamadali ka? Atat ka na bang makilala ko ang parents at mga kapatid mo?" nang-uuyam na sabi ng binata kasabay ang pagpindot nito sa button ng sasakyan.

     "Aaahhh! Shit!" sigaw niya nang muntikan siyang sumubsob sa biglang pagbukas ng pintuan ng sasakyan.

      Sa sobrang kakalikot niya biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan na siyang dahilan ng muntikan niyang pagsubsob pa-ibaba.

     "Magdahan-dahan ka nga. Madidisgrasya ka pa sa ginagawa mo," pagalit na sabi ng binata habang nakayapos ang kanang kamay nito sa baywang niya.

     "Bakit mo ba biglang binubuksan? Papatayin mo ata ako, e. Sabihin mo lang," nangangalit at nauutal niyang sabi sa sobrang inis.

     Hindi niya inaasahang bubuksan nito agad ang pintuan sa pamamagitan ng kung ano bang ginawa nito. Kaya naman, sobrang gulat at kabog ng dibdib niya nang makitang lupa na ang babagsakan niya.

     "Oh, ano'ng kasalanan ko? Para nga akong aatakihin sa 'yo, e. Kalikutin mo ba naman iyan! Hindi ka makapaghintay. Akala mo hindi ka na makakauwi kong 'di ka makakalabas agad," taas kilay nitong sabi habang nakakunot-noo na naiinis na sa inaasta niya, bago tinanggal ang pagkakakapit sa baywang niya.

      "E, kanina ko pa nga sinasabing buksan mo, tapos marami kang sinasabi. Malay ko bang binuksan mo na?" sigaw niya na siyang nagpangisi sa lalaki na hindi makapaniwala sa pinagsasabi niya.

      "Fuck! Kasalanan ko ba ngayon kung tatanga ka. Putik!" nakangising naiiling na sabi ng binata sa kanya.

     "Oo, kasalanan mo. Kaya umalis ka na at baka hindi kita matanya," bigkas niyang nagbabanta at pakiramdam niya nanalo siya sa pagkakataong iyon.

     "The fuck—"

    "Ohmeyged! Dear, Honsome!" Mga salitang nagpagulat sa kanilang dalawa dahil sa biglang pagsulpot ng kung sinuman sa harapan nila—sa nakabukas na pintuan ng sasakyan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top