Ika-walong Kataga

        Pagkatapos na makaalis nina Acxel at Pier sa canteen dala ang supot na puti. Dumiretso sila sa Editor-in-Chief office nag-aaway pa nga sila kung bakit doon sila pupunta. Pero, sa huli napilitan pa rin ang dalaga na pumasok doon dahil na rin sa pamimilit ng binata. Pagkapasok nila tumambad sa kanya ang malawak na lugar. Nakikita niya ang malinaw na salamin kung saan makikita ang nasa loob nito. Mga mesang may kaunting agwat sa isa't isa na nakukulayan ng kayumanggi. Gawa rin ito sa makinis na kahoy na makintab habang pawang mga makakapal na papel, bondpaper, newspaper, maging ang maramihang ballpen na nagkalat na nakapatong doon. May apat pang patong na bookshelf sa bawat likod ng mga mesa kung saan pawang mga libro, magazine, yearbook at newspapers na nagkakapalan ang nakasalansang. Samantalang may mga kompyuter naman na nakapatong sa bawat lamesa na naroon na siyang nagpadagdag sa gulo ng mga naroon.

       "Pasensiya ka na, magulo pa rito. May mga tinatapos pa kasi mga newspapers at marami pa akong i-eksaminin na mga draft kaya magulo pa. Doon tayo," malumanay na sabi ng binata na mas nagpakunot-noo sa kanya habang itinuturo nito ang opisina sa kanang bahagi.

       Hindi kasi niya maintindihan ang lalaki at kung anong tumatakbo sa isip nito. Ayaw niyang isipin ang mga bagay na puwedeng magpa-gulo ng damdamin niya. Ayaw niyang nararamdaman na binibigyan siya nito ng importansya na siyang magpapahirap lang sa kaniyang kalimutan ang mga karanasang pinaparamdam nito. Bago lang sa kanya ang lahat kaya hindi niya alam kung paano haharapin ang mga bagong bagay na pinaparanas nito sa sandaling pagkakataon na nakakasama niya. Hindi man niya alam kung anong gusto ng lalaki, pero, natatakot na siyang mahulog sa unang pagkakataon lalo pa kung bibitiwan din siya nito kung hindi pa siya sapat para dito.

      "Halika na. Bakit natutulala ka na naman? Walang tao rito kaya huwag kang mahiya, Miss Takot masaktan," biro pa nito bago tuluyan na naman nawala ang mga mata.

       Samantala, nakatitig lang siya rito habang kinakabisa ang mga mata nitong naniningkit. Hindi niya alam kung bakit parang may nararamdaman siyang kakaiba tuwing malapit at lalapit ito sa kanya. Nakikita rin niya ang kulay bughaw nitong mga mata na siyang nagpapahina sa kanya. Hindi sila magkaibigan na talagang close na close kaya hindi niya maiwasang maramdaman na darating ang panahong magkakalayo rin sila at darating ang panahon na tatayo na lang siya sa malayo para titigan ang mga kilos, ngiti, pang-a-asar, pangungulit nito habang nakikitang may kasama itong pinapasaya. 

      "Ano na naman bang mukha 'yan? Nato-torete ka na naman ba? Baka dahil 'yan sa kakapanood mo ng mga palabas na may temang Lovestory, pati kasi eskpresyon nila gayang-gaya mo na," nakangiti sabi pa nito habang papasok sa pintuang transparent sa tapat nila.

       "Ayoko ng nararamdaman ko. Gusto ko na matapos ito. Ano bang kailangan mo, Pier? Sabihin mo na agad sa akin, bakit mo ako nilalapitan? Hangga't maari tapusin na natin ang mga bagay na maaring makapanakit sa nararamdaman natin. Gusto ko na kalimutan ang araw na nakilala kita kahit pa ilang araw pa lang tayong nagkakakilala. Hindi pa ako nagmahal sa kung sinong lalaki. Kaya sana sabihin mo akin kung ano pang kailangan mo sa akin para matapos na ito. Ayokong mahulog na sa huli masasaktan lang din ako. Utang na loob, Pier, habang maaga sabihin mo na sa akin," biglang sabi niya na hindi namamalayang tumutulo na ang ilang patak na luha sa mga mata.

      Unti-unti namang nawala ang mga singkit na mga mata ni Pier dahil sa narinig. Mula sa nagniningning na mga mata pumalit ang mapungay na namumulang mga titig na punong-puno ng kirot. Kung saan parang may kung anong sumasaksak sa dibdib nito dahil sa mga katagang sinabi ng dalaga. Lalo nang makitang pumatak ang mga takas na luha mula sa mga mata nito.

      "Ganoon ba? Gusto mo na matapos ang mga bagay na nagsisimula pa lang dahil sa takot mong masasaktan ka? Dahil sa natatakot kang mapaglaruan ka at maiwan sa huli? Bakit may mangyayari ba kung 'di mo susubukan? May magbabago ba sa 'yo? Paano ka mananalo kung hindi mo susubukang sumugal sa mga bagay na puwudeng mong malaman ang kasagutan. Oo, bago lang tayo nagkakilala, pero, puso ang nagdidikta sa nararamdaman hindi ang utak na marunong magsinungaling ng nararamdaman. Paano mo malalaman kung anong kakahantungan ng Tayong dalawa kung ngayon pa lang sumusuko ka na dahil sa katagang Hindi Tayo para sa isa't isa," sigaw ng binata na tuluyan na rin na bumagsak ang mga pinipigilang luha habang nakatitig sa kanya.

       Patuloy namang pumapatak ang mga luhang kahit pigilan niya hindi nakaligtas sa damdaming nag-uumapaw sa nararamdaman niya para sa binata. Nakikita niya ang patuloy na pag-agos ng mga luha nito sa mukha. Hindi niya alam kung bakit ganito ang pinapakita nito lalo at bago lang naman silang nagkakilala dahil sa librong hindi inaaasahang babangga rito upang matapunan ng kape ang damit nito.

        "Huwag mo na gawing mahirap ang lahat, Pier. Nabibigla ka lang! Bago lang tayo nagkakilala. Bakit kailangan mo pang magpanggap na nasasaktan ka. Pier, marami ibang babae na puwede mong magustuhan. Iyong sikat na gaya mo, may pera, mayaman, kilala, samantalang sino ba ako sa buhay mo? Isa lang ako peste sa buhay mo na dumating para wasakin ang pagiging King of Hearts mo. Wala akong maipagmamalaki sa'yo, Pier. Utang na loob. Huwag muna ako bigyan ng pag-asa na sa huli ako lang din ang maiiwan sa ere habang ikaw nahanap mo na iyong babaeng gusto mo talaga. Bago lang tayo nagkakilala, nakatagpo sa loob ng maikling panahon na siyang bago rin sa akin, kaya siguro madali akong na-attached sa 'yo. Kaya pakiusap, bigyan mo naman ako ng dahilan para mabuhay ng hindi ako nasasaktan sa kung sinong lalaki—lalo na sa tulad mo," sigaw niya habang hindi na mapigil ang mga luhang patuloy na umaagos sa mukha.

        Napangisi naman ng mapait si Pier habang naririnig ang mga katagang lumalabas sa bunganga niya. Mababakas ang hindi kapani-paniwalang mukha nito habang patuloy pa rin na umaagos ang mga luha nito na napapatingin sa taas at sa kanan. Nakatayo pa rin kasi ito sa pintuan ng Editorial Office. Hindi kasi nito naituloy ang pagpasok dahil sa sinabi niya.

     "Alam mo ba kung bakit ako tinawag na King of Hearts? Malamang hindi mo alam kasi sabi mo hindi ka nagse-search ng tungkol sa akin. Alam kong ganoon ka, kasi manhid ka talaga. Pero, dahil tinapos muna ang hindi pa nagsisimulang kabanata ng libro nating dalawa, wala na rin dahilan pa para malaman mo ang tungkol sa akin. Masakit, pero, hanggang dito na lang ang yugto ng damdaming unti-unti sanang mabubuo. Kumbaga nasa description pa lang tayo ng libro at hindi pa naisusulat ang kuwento nating dalawa pero bumitaw na iyong manunulat ng akda kaya walang nangyari kundi paghiwalayin ang mga character na hindi pinagtagpo para sa isa't isa," sigaw ng binata na humihikbi na bago umalis sa harapan niya at tuluyang pumasok sa pintuan ng opisina.

       Napatulala naman siya sa kinatatayuan at hindi alam kung paano pipigilan ang mga nag-uunahang mga luha sa bilugan niyang mukha. Tumagos sa dibdib niya ang sinabi ng binata. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto ng pamamaalam nilang dalawa sa isa't isa. Bakit ang sakit para sa kaniyang hindi maramdaman ang masakit na kinahantungan ng mga damdamin nilang dalawa. Bakit sobrang sakit ng dibdib niya at bakit sobrang bigat ng kalooban niya. Pakiramdam niya nakagawa siya ng malaking pagkakamali sa buhay na pagsisihan niya hanggang sa huling yugto ng buhay niya. Na parang pinakawalan niya ang isang bagay o tao na maaaring magpapasaya sana sa kanya sa kasalukuyan. 

      "Miss. Okay ka lang ba?" putol ng isang tinig mula sa gilid niya na siyang dahilan para mapalingon siya rito.

      Tumambad sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng puting damit habang mababakas ang pag-aalala sa mukha nito na nakatingin sa kanya. Pero, nang maalala niya ang itsura habang tinitingnan ang lalaki. Agad siyang tumakbo sa gilid na muntik pa siyang sumubsob habang pababa ng hagdan. Dahil sa nag-uumapaw na nararamdaman noong papunta sila rito ng binata hindi niya napansin na may hagdan pala rito.

     "Miss, dahan-dahan lang," sigaw ng kausap na lalaki kanina nang mapansin siguro ang muntik niyang pagsubsob paibaba ng hagdanan.

      Pero, dahil sa sobrang emosyong nararamdaman wala na siyang pakialam kahit pa ma-disgrasya sa puntong iyon. Ang bigat ng dibdib niya ng hindi niya maintindihan. Parang may gustong sumabog sa puso niya dahil sa pamamanhid at kirot, maging ang mga nakakasalubong niya pa-akyat ng hagdan ay 'di alintana. Basta ang gusto lang niya ay makaalis sa lugar na iyon para maibuhos ang sakit na nararamdaman sa unang pag-ibig na sumubok sa damdamin niya—kung pag-ibig nga ba ang tawag dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top