Ika-sampung Kataga

       Naalimpungatan ang dalaga nang marinig ang naglulumakas na tunog ng alarm clock sa tabi ng higaan. Nakapikit pa siyang kinakapa ng kanang kamay ang mesa sa tabi ng higaan. Napuyat kasi siya kagabi dahil na rin sa mahaba-habang kuwentuhan nina Pier at ng mga magulang habang pinagsasaluhan ang Bofis at Adobong manok na niluto ng ina para sa hapunan at ang panulak na Iced tea na paborito niya. Ayaw pa nga sana ni Pier na sumalo sa kanila sa pagkain dahil gumagabi na rin, pero, dahil na rin sa request ng papa niya. Napapayag din itong maghapunan kasama nila upang pagkauwi nito magpapahinga na lang.

        Nalaman din kasi niyang nasiraan ang kaniyang ama sa gitna ng kalsada. Tulak-tulak nito ang motor na ayaw ng gumana habang patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mabuti na nga lang daw at pauwi na noon si Pier na siyang nakakita rito. Agad itong huminto sa tapat at bumaba na walang kahit anong taklob sa ulo bago maagap na tinulungan ang papa niyang iparada muna sa gilid ang motorsiklo. Ganoon din, dahil na rin sa sobrang emosyong nararamdaman kanina hindi niya napansing umuulan na pala kaya naman gulat na gulat siya ng dumating silang basang-basa ng ulan.

      Palibhasa, bato ang kisame kaya naman hindi niya agad napansin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Tanging ang makapahindik balahibong kulog lang ang siyang nagpagulat sa kamalayan niya habang kausap ang ina. Bago rin kumain pinaligo muna ng mga magulang niya si Pier na siyang sinang-ayunan naman ng binata. Pero, pagkalabas nito sa banyo saka niya napansing gamit na nito ang damit ng ama na natatandaan niyang isa sa mga paborito nito noong pitong taong gulang pa lang siya. Ganoon din, habang nasa hapag-kainan sila pinilit siya ng mga magulang na tumapat sa puwesto ng binata habang nasa magkabilang dulo naman ng mga ito. Bakas na bakas nga sa mukha niya ang inis sa puntong iyon pero, tumahimik na lang siyang alang-alang sa kabutihang loob na ipinakita nito sa ama. 

       Nginisihan naman siya ng lalaki na mas ikinainis niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ayaw nitong tanggalin ang maskarang suot nito. Iba nga lang ngayon, dahil suot lang naman nito ang kulay pula at itim na mask kung saan saktong-sakto lang sa mga nakikita ang mga mata at bunganga nito. Hindi nga niya maiwasang titigan ang mga labi nito habang ngumunguya, pero, nang mapatingin ito sa kanya agad siyang umiiwas ng tingin na siyang ngisi naman nito na alam niyang napapansin nito. Hindi nga niya maintindihan kung bakit hinahayaan lang ng mga magulang na ganito ito kumain. Talagang nagbaon pa ng back-up mask nito para lang hindi mabuko ang itsura.

      Hindi nga rin niya alam kung papaano at kailan pa naging close ang kaniyang mga magulang at ang binata. Bagamat maraming katanungan sa kanya simula pa ng umamin at magpasaring ang mga ito tungkol sa pag-ibig ng binata. Mas pinili na lang muna niyang manahimik at magtimpi sa mga katanungang gustong isiwalat sa mga ito. Ganoon pa man, kitang-kita niya kung paano asikasuhin at tanggapin ng malugod ng mga magulang si Pier na siyang mas ikinapagtaka niya. Kung umasta kasi ang mga ito akala mo matagal na silang magkakakilala.

      Matapos rin kasi ng sagutan at pag-alis niya sa opisina nito dumiresto siya sa ladies room para ibuhos ang lahat ng sakit at hinaing na hindi niya marapat na nararanasan. Na-iintriga pa tuloy siya ng mga nag-c-CR kung bakit siya umiiyak kaya napilitan siyang magtungo sa Gymansium at piniling umiyak doon ng tahimik. Palibhasa, oras ng klase kaya walang mga taong nagpupunta roon. Masyado kasing maingat ang lahat sa lugar na iyon kapag araw ng klase. Kaya ipinagbabawal ang mga nagpupunta roon na siyang kinasanayan na ng iba. Kaya bibihira na lang din ang nagtutungo roon.

       Gayon din, dahil sa sobrang sama ng loob hindi na niya naisipang pasukan ang mga klase niya, lalo pa nang makitang mugto na ang mga mata sa sobrang pag-iyak. Hindi nga niya maintindihan sa sarili kung bakit sobrang apektado siya sa mga nangyari. May mga damdaming pilit nagsusumiksik sa isip niya kahit anong gawin niyang ikaila ang lahat. Pakiramdam niya sa unang pagkakataon naranasan niyang mahulog ng hindi inaasahan. Bagamat hindi pa siya sigurado, pero, may kakaibang damdamin ang lubhang nagpapagulo sa kamalayan niya. 

      "Hoy, Acxel. Hindi ka papasok?" sigaw ng mama niya mula sa labas ng kwarto.

      Agad naman siyang napadilat at nagbalik sa wisyo ng isip. May pasok pa pala siya mamayang 9:00 o'clock.

      "Yes, Ma. Susunod na ako," balik sabi niya bago tinanggal ang pagkakatakip ng kulay bughaw na kumot sa katawan.

       Nang tingnan naman niya ang orasang pinatay kanina—7:00 am pa lang kaya mahaba-haba pa ang kaniyang oras para mag-ayos. Kailangan na kasi niyang mag-focus sa mga subject niya lalo't mag-4th year na siya next sem. Mukha kasing napapabayaan na niya ang pag-aaral dahil na rin sa mga problemang kinakaharap. Kaya naman napagtanto niyang hindi dapat ganoon niya itrato ang buhay. Dapat maging matatag at malakas siyang harapin ang lahat ng puwedeng maranasan. Bilang estudyante kasing nagsisimula pa lang malaman ang mga bagay-bagay dapat matutunan niyang malaman ang kaibahan ng problemang dapat prinoproblema sa problemang dapat isinasantabi muna.

      "Acxel! Hindi ka pa ba babangon?" sigaw na naman ng mama niya. 

      Ang makulit niyang nanay. Kaya naman nagmadali na siyang nagtungo sa aparador at kumuha ng towel baka kasi magsisigaw na naman ulit ito. Lagi kasing nakabantay ito sa mga ginagawa niya. Kaya para iwas sagutan na naman dumiretso na siya sa ibaba at naligo. Pagkatapos, ginawa na niya ang daily routine niya bago tuluyan magpaalam sa ina na abot langit ang ngiti habang nakatitig sa kanya. 

      "Ma, ano'ng mukha na naman iyan? Epekto ba 'yan ng niluto mong itlog na may kamatis at corn soap? Hindi porke't masarap iyong luto mo, Ma, e," natatawang sabi niya na naiiling. "May problema ba suot ko?" alalang tanong niya pa habang napapakunot-noo nang mapansing nakatingin ito sa kabuuan niya.

      "Wala, Anak. Masaya lang ako. I love you, Baby Acxel ko," anang sabi ng ina bago siya nilapitan at niyakap ng mahigpit.

       Takang-taka siya sa kinikilos ng ina, parang may something na hindi niya kayang ipaliwanag base sa kakaibang ngiti at pananalita nito sa kanya.

      "Ma, umamin ka nga sa akin. Ano na naman bang ginawa mo? O, ano'ng sinabi mo kay Pier?" ma-intrigang tanong niya habang nakatingin ng kakaiba sa ina.

       Kagabi kasi nang hindi pa matapos-tapos ang usapan ng tatlo. Mas pinili na lang niyang maunang makapagpahinga. Sinang-ayunan naman ng mga ito na at hindi na nagreklamo pa. Kaya hindi niya na alam kung ano pang pinag-usapan ng mga ito noong wala na siya.

      "Wala, Anak. Basta kung saan ka sasaya, huwag kang matakot sumubok. Dahil lahat ng bagay magsisimula kung handa ka ng tanggapin ang lahat ng puwede mong maranasan. Nandito lang kami ng papa mo para suportahan ka. I love you, Anak," naiiyak habang nakangiting sabi ng ina na siyang nagpakunot-noo pa lalo sa kanya. 

      Hindi niya kasi maintindihan ang kinikilos ng ina, parang may something na itinatago ito sa kanya. Bagamat hindi pa siya nagkakapagtanong tungkol sa pasaring ng mga ito. Pero, hinayaan na lang muna niya lalo pa't mukhang hindi pa siya handang alamin ang mga bagay na iyon. Gusto muna niyang maging tahimik ang buhay na walang iniisip na kung anuman. Kung sa iba nakakapagdagdag ang kuryusidad ng panawagan para malaman ang totoo. Pero, para sa kanya ang kuryusidad ang puwdeng makasira sa tahimik at maayos na takbo ng buhay niya. Ito ang puwdeng makagulo ng mundong binuo niya para maging masaya na hindi nasasaktan. Kaya naman, sa pagpapanatiling tahimik at hindi inaalam ang mga bagay ang siyang makapagbibigay sa kanya ng lakas loob para maging handa sa mga pagsubok, karanasan at memoryang puwede tumanim magpakailanman.

     "Bahala ka, Ma. Pasok na po ako," pagsukong sabi na lang niya bago nagpaalam.

      Suot niya ang kulay puting women polo na tinernuhan ng gayon din na puting pantalon at itim na converse sa panyapak. Nakasukbit din sa kanang balikat niya ang backpack na itim na may lining na puti.

     "Mauna na ako, Ma. Mamaya na lang tayo mag-usap. Marami kayong dapat ipaliwanag," banta niya ritong nakangiti sabay halik sa pisngi.

     "Malalaman mo rin ang lahat. Huwag kang magmadali, Anak," makahulugang sabi pa nito bago siya niyakag palabas ng pintuan. "Mag-iingat ka, Acxel," pahabol pa nito na abot tainga ang ngiti.

     Hindi na lang niya ito pinansin at nagtungo na sa KS University. Marami pa siyang dapat unahin kaysa ang isipin ang mga bagay-bagay na hindi naman importante. Mas magandang unahin niya ang mga aralin niya lalo pa't graduating na siya next sem. Kailangan muna niyang mag-focus sa pag-aaral para maka-graduate na. Saka na muna niya iisipin ang mga lalaki sa buhay niya kapag handa na siya. Sa ngayon kasi hindi iyon ang priorities niya sa buhay. Kaya mas mainam kung makatapos muna siya bago isipin ang mga lalaking puwedeng gumulo sa buhay niyang binuo ng mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top