Ika-labintatlo na Kataga
"Ma, excuse me. Late na ako," bungad ni Acxel na kakapasok lang ng pinto ng kusina.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Percy na kakalabas lang ng banyo habang nakatunghay sa kanya.
"Dahan-dahan ka lang, Iha. Easy lang, madi-disgrasya ka niyan, e," paalala naman ni Alexander na hindi napansin ng dalaga na naroon din pala.
"Ewan ko ba sa batang iyan, Alexander. Ang aga-aga pa, e." Hindi makapaniwalang iling naman ni Percy habang tinitingnan ang pinto ng banyong nakapinid na.
"Siguro, dahil Valentines day ngayon, Ma," biro naman ni Alexander habang humihigop ng mainit na kape
Nasa hapag-kainan kasi ito nakaupo.
"Ay naku! Hindi na uso 'yan. Matatanda na tayo para alalahanin pa iyan, Pa," iritableng sabi ni Percy habang patungo na sa may lababo.
"Masyado kang bitter, Ma. Para naman kay Acxel ang tinutukoy ko," anang sabi ni Alexander habang natatawa na kakapasok lang muli sa kusina.
Hindi kasi napansin ni Percy na lumabas ito kanina sa kusina habang nakatalikod siya.
"Happy Valentines day, Ma," wika ni Alexander na nagpasigaw kay Percy.
"O, m-my, P-Papa. Thank you," naiiyak na sabi ni Percy nang makita ang isang kumpol na puting Tulips.
"Wow! Ang mahal nito, Papa. Salamat. Sana hindi ka na bumili alam mo naman n—"
"Ssshhh! Huwag ka na naman magsalita ng ganyan, Ma. I love you." Rinig na Rinig niya ang mga usapan ng mga magulang na siyang nagpapakilig sa kanya sa loob ng banyo.
"Sana makahanap din ng gaya mo si Acxel, Pa. Mabait, mapagmahal at maalaga sa pamilya higit sa lahat hindi babaero," makahulugang sabi ni Percy na nakapagpangiwi sa kanya.
Hindi siya makapaniwalang bumalik na naman sa kanya ang usapan. Nagmamadali kasi siya ngayon dahil sa talumpati mamayang alas-dyes ng umaga sa Gymnasium. Ayaw sana niyang pumunta roon ang kaso tumawag sa kanya mismo ang Dean ng Business department niya kaya no choice siya kundi umattend.
"Palabiro ka talaga, Ma," rinig pa niyang sabi ng ama bago humalakhak. "Sandali nga, bakit kay Acxel na naman napunta ang usapan?" hindi makapaniwalang sabi ng ama habang natatawa pa rin ang boses.
"E, paano ba naman. Iyong lalaki na naman na iyon ang naghatid d'yan kagabi. Malay ba natin kung sino iyon? Jusko! Nagwoworry lang ako sa anak natin, Alexander. Paano kung makahanap siya ng barumbado—"
"Ssshhh! Enough, Ma. I know Acxel can hundle that. Pati lahat ng nagmamahal, nasasaktan. We cannot avoid those thing in our life. Tayo mismo na mga magulang niya'y dumaan sa ganyan kaya alam nating natural 'yan sa ating mga natututong magmahal. Hayaan natin siyang mag-grow bilang siya. Hayaan natin siyang maranasang umibig, sumugal, at masaktan upang sa susunod na pagkakataon alam nating makakaya na niya ang lahat without our comfort. Alam kong mahal mo si Acxel kaya ayaw mo siyang mapariwara, pero, ang punto rito, Ma. Siya mismo sa sarili niya ang pipili ng makakasama sa buhay kaya naman hayaan natin siyang pumili sa taong totoong mahal niya talaga at magpapasaya sa kanya. Kung ayaw niya si Pier, wala tayong magagawa kundi hayaan siya kung sinuman ang napupusuan niya," punong-puno ng pag-unawa at malalim na pagpapayo ng ama na siyang rinig niyang dahilan ng paghagolgol ng ina.
"Pero, Alexander—"
"Let her, Ma," pigil ng ama sa anupang sasabihin ng ina.
Hindi naman siya makapaniwala sa sinasabi ng ama. Napakabuti nito para maunawaan siya bilang anak na humihiling ng pag-unawa sa magulang. Oo, nagiging bastos siya sa mga magulang, pero, ramdam niyang may kaniya-kaniyang dahilan ang mga ito sa pagkakaroon ng magkaibang desisyon para sa kanya. Sa loob ng isang buwan na nakilala niya ang binata si Cier Latther. Magsimula noong Jan. 6 nang magsimula ang klase at nagkita sila ulit noong Jan. 13, kung saan nagsimula na niyang makilala ito personally—lagi na silang magkasama nito tuwing uwian sa lugar kung saan nakita niya ang mga ito—kasama si Pier na hindi na niya pinapansin simula noon. Sa umaga rin kasi ay sinusundo na siya nito sa kantong malapit sa bahay nila kaya naman lagi na silang magkasama araw-araw. 22 years old na rin ito gaya ni Pier na siyang kinaiinisan niya ang pag-uugali.
Tuwing araw naman ng Sabado ng hapon at Linggo ng umaga lagi siyang sinusundo ni Cier gamit ang itim nitong Kawasaki Rouser RS200. Kaya naman napapansin niyang hindi ito welcome sa pamamahay nila. Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyayari hindi na lang niya ito pinapansin, maging ng binatang alam niyang napapansin din nito. Kaya tuwing sinusundo siya nito nagpapaalam na lang siya sa kaniyang ama na siyang lumalabas para kausapin si Cier na pawang ngiti at paggalang naman ang ibinibigay sa ama. Samantalang hindi naman umiimik ang kaniyang ina kung saan parang wala itong pakialam sa kanya. Ni tanungin nga siya kung kamusta siya, ang mga lakad at ang eskuwela ay wala itong binabanggit sa kanya. Kaya simula noon, nagkaroon na nang pagitan sa kanilang dalawa. Akala niya matutuwa ito dahil may nagsusundo o naghahatid sa kanya. Pero, mali pala. Mas lumala lang ang sitwasyon nila. Hindi naman niya magawang iwasan si Cier lalo't may numero na rin siya sa binata.
Natatandaan pa nga niya noong sinabi niyang wala siyang telepono. Kung saan hindi niya binibigyang pansin noon para makaiwas siya sa kung ano o sino pa man. Ibinigay nito ang extrang telepono na touchscreen din. Kaya naman, walang minuto o oras na hindi niya ito nakakausap man lang, maging sa pagtulog ay ka-text or chat niya ito hanggang sa makatulugan na rin niya ito. Lagi rin silang naghihintayan ng text or tawag sa isa't isa. May time pa nga na naiinis ito sa kanya pag matagal siyang magreply. Tuwing lalabas o ihahatid naman siya nito, lagi siyang may bitbit na mga Teddybear stuffed toy na halos mapuno na ang buong kuwarto niya: may malaki, maliit, katamtaman at mayroon pang mga keychin, frame, unan at iba pa. Sa paglabas naman nila, madalas silang nagpupunta sa mga Mall, Department store, Park, Arcade at kung saan-saan. May binili pa ngang Couple Sweatshirt si Cier na pinaghalong puti at bughaw habang pants na itim na pang-Hiphop naman ang Skinny jeans nila. May sumbrero pa itong pinasadyang pinagawa na may nakalagay na, "The Queen of my Heart." Samantala, may nakalagay naman sa sumbrero nitong, "The one who got the Heart of Queen."
Dahil sa mga ginagawa ng binata. Lubos na nahulog ang loob niya sa loob ng maikling panahon. Bagamat hindi pa niya ito lubos na kilala, pero, masaya siya tuwing kasama ito. Napapangiti na lang siya kahit walang nakakatawa. Lalo na nang minsang sinundo siya nito dala ang big bike nito. Suot nila ang parihong damit at pantalon kasama ang sumbrero na pa-side ng kaunti ang pagkakasuot. Natatawa nga lang sila sa ayos nila na siyang kinakilig naman ng ibang nakakakita sa kanila. Bagamat nasa terrrace noon ang ina, hindi naman siya aware kung anong tumatakbo sa isip nito kaya hinayaan na lang niya. Alam kasi niyang si Pier pa rin ang gusto nito para sa kanya. Hindi man niya mapilit ang ina na magustuhan si Cier, pero, unang-una sa lahat. Siya ang makikisama sa lalaking magiging parte ng buhay niya kaya labas doon ang ina. Batid niyang nauunawaan nito ang lahat kung iisipin maigi, pero, dahil sa gusto nitong huwag siyang mapariwara sa buhay—kaya ganito ito umasta para sa kanya.
Hindi masamang sundin niya ang nararamdaman, pero, mas masama iyong paglalaruan niya ang damdamin ng iba not minding na masasaktan ito sa huli. Si Pier, alam niyang nasasaktan ito, ilang beses siyang nilapitan ng binata sa school campus, pero, mas pinili niyang dedmahin ito at ipahiya sa maraming tao. Masama siya kung tutuusin, pero, mas magandang maging aware at ipaalam niya sa iba ang nararamdaman para naman huwag na itong umasa. Kaysa naman hayaan niyang mapalapit ito, pero, sa huli masasaktan din lang pala ito dahil sa pambabalewala niya. Kaya naman, dahil sa closeness na nararamdaman sa kapatid nitong si Cier, sinagot niya ito noong Feb. 13 kung saan ika-1 month din nilang lumalabas—na siyang ikinatuwa naman ng binata. Bagamat mabilis ang isang buwan, pero, sinubukan pa rin niya. Kung saan susubok siya sa totoong realidad ng pagmamahal.
Iyong susubok siyang maramdaman kung paano, mas kiligin, matulog ng nakangiti habang hawak ang unan, iyong masaya siyang magbabasa ng mensaheng: kumain ka na ba? I Love you, Babe, I miss you, Babe, kain tayo sa ganito, pasyal tayo sa ganito. Mga simpleng salita na nagpakabog ng damdamin niya. Mga salitang pakiramdam niya maiihi siya habang iniisip ang mga salitang iyon. Iyong mapipilitan siyang magmadali kasi naghihintay na ito sa kanya sa ibaba. Iyong magkahawak sila ng kamay habang nagkukulitan. Pinagtitinginan na sila, pero, parang wala lang. Iyong tuturuan siyang gumawa ng assignment tapos pag may hindi siya alam ito mismo ang nag-aadjust para maintindihan niya. Pero, sa loob ng isang buwan na panliligaw nito na kung saan sinagot din niya sa loob ng isang buwan never niyang naramdaman binastos siya nito kaya iyon ang ipinagpapasalamat niyang mali ang ina sa pagju-judge sa nobyo na ngayon.
"Hindi ka pa ba tapos, Acxel? Maliligo na ako," sigaw ng papa niya na siyang nagpabalik ng mga iniisip niya.
Naalala niyang nasa banyo pa pala siya. Kaya naman agad na siyang nagbuhos muli at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa tapat ng pintuang nakasara. Katamtaman lang ang laki ng banyo nila para sa isang pamilya; may malaking espayo para sa paglagayan ng damit habang sakto lang naman sa isang tao ang pababang bahagi mula sa inidoro at pagliguan. Sa gilid naman sa kanang bahagi ang lagayan ng mga sabon, shampoo, conditioner, toothbrush at kung ano-ano pa. Sa kaliwang bahagi naman malapit sa pintuan ng banyo ang basket na kulay itim na pawang mga damit na madumi ang naroon. Nakahiwalay kasi ang mga damit niya sa mga damit ng mga magulang. Siya rin kasi ang naglalaba ng mga pagmamay-ari niya. Ngunit, nang tuluyang makapagpunas siya. Agad na niyang itinapis ang tuwalyang ipinangpunas at lumabas ng banyo.
"Sorry, Pa. Akyat na po ako," aniya na hindi man lang binalingan ng tingin ang ina na base sa periperal vision niya ay nakatitig sa kanya.
Nang mapalingon naman siya sa mesa. Agad niyang napansin ang kumpol na Tulips na binigay ng ama sa ina. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti ng bahagya. Kaya naman, bago pa may masabi, nagmadali na lang siyang maka-akyat sa silid. Pagkabukas niya ng kuwarto, ginawa na niya ang daily routine niya na mas doble pa ngayon dahil sa may inspiration na siyang taong dapat ipag-ayos. Hindi pa nga siya makapili ng mga damit at pantalon na siyang nakapagpasimangot sa kanya habang nakatingin sa mga nakaitsa roon. Kaya naman, kinuha na lang muna niya ang teleponong nakapatong din sa kama.
"Good morning, Babe. Sorry, hindi kita masusundo ngayon. Mag-i-ingat ka sa pagpasok. Magbreakfast ka na muna. I love you>3 Kita tayo mamaya." Bumungad na mensahe pagkabukas ng inbox niya.
Mas napangiwi tuloy siya sa nalaman at napaupo na lang sa kama na siyang suot lang ay ang panloob na mga tela. Hindi niya tuloy maiwasang magtaka. Kung kailan kailangan niya ito saka pa ito hindi magpapakita sa kanya. Kaya makalipas ang ilang minuto. Naisipan na lang niyang isuot ang itim na Skinny jeans at malamlam na pulang T-shirt na may tatlong stripe na puti at bughaw sa harap at likod habang tinernuhan niya ito sa panyapak ng kulay pulang converse. Hindi pa rin mawala-wala ang inis niya lalo at nangako itong pupunta sa kanya para manuod—na siyang nag-aaral ito sa ibang unibersidad sa kursong medisina. Pero, sa huli hindi nito tinupad at umasa lang siya sa wala. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili, pero, sa huli ito at nababaon siya sa sama ng loob para dito. Kaya sa halip na replyan ito, hindi na lang niya ginawa.
Nag-ayos na lang siya at inihanda ang sariling kumain sa ibaba kasama ang pamilya. Alam niyang magtataka ang mga ito kapag nalaman nilang wala siyang sundo sa unang pagkakataon. Kaya naman, nag-iisip siya nang maaring salitang ipagpapaliwanag sa mga ito. Labag man sa kalooban niyang harapin ang ina sa loob ng isang buwan na hindi sila nagkakasabay kumain dahil sa maaga siyang sinusundo ni Cier kung saan doon na rin sila nag-aalmusal. Pagdating naman ng tanghali wala siya sa bahay kundi nasa eskuwelahan, sa gabi naman ay magkasama pa rin sila kung saan pagkauwi niya tapos na siyang kumain. Kaya ito ang unang pagkakataon na kung saan pagkatapos ng mahabang panahon ay makakasalo niyang muli ang mga magulang—higit ang ina na may samaan sila ng loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top