Ika-labing lima na Kataga

    Nakakabinging tilian, hiyawan, sigawan at naglulumakas na tambol ang naririnig niya pagkapasok na pagkapasok sa loob ng gymansium. Ganoon pa man, dumiretso sila sa kaliwang bahagi kung saan may nakasaradong pintuang nakukulayan ng puti. Aakalain mong isa lang iyong pader dahil kakulay nito ang mga naroon. Ngunit kapag kakapain mo sa itaas, may kung anong pinipindot doon na siyang ginawa ng lalaking kasama—kasabay ang biglang pagbukas ng pa-kuwadradong pintuan, bago sumenyas sa kaniyang pumasok na. Nasa ibabang parte kasi ito ng mga bleachers kung saan maraming estudyante ang nag-iipon-ipon. Nang tuluyang makapasok siya sa dako iyon.Tumambad sa kaniya ang kulay abuhin at itim na desenyo. Nagkikintaban ito na aakalain mong minu-minutong nililinis. Sapat din ang lawak nito upang magkasya ang tatlong tao ng sabay-sabay. Naka-Tangram zigzag shape kasi ito na kung saan mapapaisip ka na nasa makabagong gusali ka ng teknolohiya.

      "Marahil nagtataka ka kung bakit dito tayo dadaan? Well, natural lang iyan. Lalo at bibihira lang ang nakakapasok dito; mga officers, professors at iba pang members lang ng KS University. Pero, syempre except sa 'yo—malakas ka, e," nakangiwing sabi ng babaeng kasunod niya.

     Humalukipkip muna ito bago ngumiti ng hindi umabot sa mga mata. Kasing tangkad niya ito, iyon nga lang blonde ang buhok nito. May pagkamataray rin mga mata nito na bumagay sa manipis nitong labi na nakanguso ng bahagya—animo'y pagod na pagod sa ginawa. Naka-pulang damit din ito na kita ang balikat—naalala niya tuloy si Alice dito. Ang kinaibahan nga lang nakapalda ito ng maong na bumagay sa mapuputi at makikinis nitong balat. Bakas na bakas ang pagkairita nito sa bawat bigkas ng salita na siyang parang gusto na lang tuloy niyang umatras at huwag ng tumuloy pa.

      "Meg!" nagbabantang sabi naman ng nasa kanan niya na siyang kakatapos maisara ang pintuang kuwadrado na siyang ikinalingon niya rito.

      "What, Jake? Ipinaliliwanag ko lang sa kaniya ang totoo. Kaya masuwerte siya dahil malakas siya kay Pier," nagtataray na bigkas nito na siyang nagpatiuna ng naglakad habang nakahalukipkip. 

      Napayuko na lang tuloy siya sa sobrang hiya. Pakiramdam niya siya ang may kasalanan kung bakit nagkakasagutan ang mga ito.

      "Kung iniisip mo si Meg. Huwag mong pansinin iyon. Patay na patay kasi 'yan kay Pier kaya galit sa 'yo. Alam na," nangingiting sabi ni Jake sa kaniya bago kumindat.

       Napaawang naman ang kaniyang labi sa pagkindat ng binata. Hindi niya alam kung nakaugalian na ng lahat na gawin ang bagay na iyon—na siya rin na ginagawa ni Pier.

     "Naririnig kita, Jake," nagbabantang boses ni Meg habang patuloy pa rin na naglalakad.

      Nagkatitigan naman sila ni Jake na siyang ngiti lang nito. May suot din itong eyeglasses kung saan bumagay sa medyo Emo nitong buhok. Medyo singkit din ito na sumakto sa pagkaka-tangos ng ilong habang may makapal na labing nagkapadadagdag creepiness sa mukha nito na smiling face.

       "A, kasi—I think, ako ang may kasalanan bakit nag-away kayo," nau-utal niyang bigkas bago yumukong pinaglalaruan ang mga kamay.

       Natawa naman ng bahagya ang binata dahil sa sinabi niya. "Gaya ng sabi ko, huwag mong isipin si Meg. Ganyan talaga kami mag-usap, by the way, she is my cousin. Akong bahala sa kaniya, Okay?" nakangiti pang sabi nito na siyang nakapagpaluwag ng kaniyang nararamdaman.

      "Salamat naman. Akala ko kasi—"

      "Huwag ka na mag-isip ng kahit ano. Mag-Focus ka sa performance mo, lalo at makikita na natin ang mukha ni Pier," anang sabi ni Jake sa kaniya bago siya tinapik sa balikat na siyang ikinatulala niya. 

      Dahil sa pagpapaalala ni Jake sa kaniya. Nanumbalik na naman ang kabang nararamdaman. Pakiramdam niya nanghihina na naman ang kaniyang buong kalamnan dahil sa narinig. Hindi pa siya handang makita si Pier ng harapan at ang mukha nito. Ngunit may kung anong pilit nagsusumiksik sa damdamin niyang gusto niya itong makita sa likod ng maskara. Pero, may alinlangan pa rin na gusto na niyang tumakbo at hindi na mag-perform pa.

     "Nga pala, we're part of Editorial department with Pier. Kaya kami ang nautusang sunduin ka," nakangiting pahabol pa ni Jake habang nananatiling nakatalikod na naglalakad.

       Tuluyan naman na nanlaki ang mga mata niya nang bigkasin nito ang bawat katagang iyon.

      "What! I thought, Dean Rosile was the one who called me?" Hindi makapaniwalang kunot-noo niya.

      "Yeap, but Pier was the one asking favor to fetch you. So no worries about it. Let's go. Magsisimula na ang programa," wika ni Jake nang mapahinto ito at mapalingon sa kaniya. 

      Pagkatapos, ngumiti na lang ito ng bahagya bago binilisan ang paglalakad na siyang sinusundan naman niya. Napayuko at napabuntong-hininga na lang tuloy siya sa sobrang kaba, tapos pakiramdam pa niya naka-VIP siya dahil kay Pier na may nalalaman pang sunduin siya. Pero, hindi maalis sa isip niya na baka alam na nito na nobyo na niya ang kakambal na si Cier. Kung kaya may pa-sundo pa itong nalalaman. Nang maalala naman niya ang nobyo. Agad niyang sinipat ang bulsa ng pantalon sa kanang bulsa bago ito nilabas. Bumungad sa kanya ang 30 message at 30 missed call mula rito.

     "Babe, galit ka ba?"

     "Babe, bakit hindi ka nagre-reply?"

     "Nag-Almusal ka na ba, Babe?"

     "Sorry Babe, hindi kita nasundo. May emergency kasi, Babe. Sorry."

     "Sorry na, Babe. Bawi ako nextime. Please, sorry na. Kita tayo mamaya. I love you."

     "Galit ka pa rin ba, Babe? Bati na tayo, Please. Sorry na, Babe."

     "Asan ka na, Babe?"

     "Babe?"

     Ilang mensaheng nabasa niya na siyang nagpangiwi at nakapagpairita sa kaniya. Naiinis pa rin siya rito dahil sa naaalala pa rin niya ang nangyari kanina. Kung sinundo lang sana siya nito hindi sana lalala ang awayan nila ng ina. Kaya upang kahit papaano ay makalimot sa inis na nadarama. Agad niyang tinanggal ang pagkakasukbit ng bag sa likod at inilagay sa loob noon ang telepono. Hindi pa siya handang i-entertain ito lalo't naiinis pa rin siya sa ginawa nito. Saka na lang niya ito kakausapin kung okay na ang mood niya.

     "Miss Arial," katamtamang sigaw mula kay Jake na siyang nagbalik ng isip niya.

     Agad niyang napansin na kakulay rin ng dinadaanan nilang ang nakabukas na pinto kung saan nakatayo ito. Gayon din, sa tinig pa lang nito, alam niyang minamadali na siya nitong pumasok. Dahil na rin sa lalim ng mga iniisip niya, saka niya lang napagtanto na malayo pa pala ang puwesto nito sa kaniya. Kaya naman napilitan siyang tumakbo nang makarating agad sa puwesto nito.

       "Sorry," anang sabi niya habang nakayuko nang tuluyang makapasok.

      "No worries. Mukhang malalim ang iniisip mo, e," pabirong sabi nito bago nagpatiunang naglakad.

       Dahil sa itinuran ni Jake tuluyang siyang napayuko at nahiya sa nangyari. Pero, nang mapansing naglalakad na ulit ito. Doon niya lang napansin na pa-Letter L ang hugis noon. Pagkat may palikong espayo na pa-kaliwa. Kulay puti naman ang buong lugar na siyang mas lumiwanag dahil sa kulay puti rin na Flourescent lamp na nakabaon sa itaas na bahagi. Kaya upang hindi nakakahiya sa nangyari kanina binilisan na lang niya ang paglalakad para maabutan si Jake

      "Sa labas ng pader na 'yan ang gymnasium. Maghanda ka na, tapos na raw ang ibang kalahok. Goodluck!" wika nito matapos tingnan ang hawak na teleponong kulay puting touchscreen.

     Para naman siyang natuod sa narinig. Nanumbalik muli ang kaba na akala niya'y naalis na sa kalamnan niya, pero, nagkamali siya dahil mas triple pa ngayon ang nararamdamang panginginig, kaba at takot na baka magkamali siya o mapahiya sa harap ng buong unibersidad.

      "Andito na tayo, Miss Arial. Pasok ka na. Fighting. Kayo mo 'yan," nakangiting sabi ni Jake nang pagbuksan siya ng puting pinto kung saan nakikita niya sa loob ang kulay kremang paligid.

     Nag-aalinlangan man siyang tumalima, pero, ipinagpatuloy na lang niya ang pagpasok. Napabuntong-hininga na lang siya nang tuluyang mapansin ang mga kulay Krema na mga mesa at upuan na pawang may mga nakaupong mga estudyante na officers ng unibersidad mapa-babae o lalaki: may mga kumakain, nagti-tsikahan, nagkakalikot ng loptop at mga nakatayo habang nanonood sa Flat screen monitor na nasa kaliwa niya pala kaya napalingon siya rito. Doon niya napagtantong nanonood pala ang mga ito sa mga nagaganap sa entablado.

       May mga nagpe-perform na pa lang pawang nakapulang damit din. Agad niyang iniwas ang tingin sa monitor at naghanap ng puwestong dapat pagtayuan. Sa kakaikot niya ng tingin sa paligid. Nakita niya si Meg na nakahalukipkip. Umisnab pa ito sa kaniya bago tumingin muli sa dating tinitingnan. Dahil sa taranta niya nagpabalik-balik siya sa harap ng pinagpapanoodan ng mga officers. Napapakunot-noo tuloy ang mga ito sa kinikilos niya. Hindi niya alam kung babalik ba siya kay Jake or uupo sa tabi ni Meg na may isang upuan roon na walang nakaupo.

       "Common, Dear. Dito," sigaw ng isang babae mula sa likod habang nakaupo sa sofa na naroon.

      Tanging ito lang naroon na siyang kakabangon pa lang ata. Napalingon naman ang lahat ng mga estudyanteng kasama nang masalita ito. Napaawang naman ang bunganga niya sa sobrang gulat. Hindi niya sigurado kung siya ba ang kausap nito o may iba pa.

    "You, Miss Arial. Come here," pagtatama nito na siya nga talaga ang kinakausap.

     Napakunot-noo naman siya nang mapagtanto na siya nga ang kinakausap nito. Hindi kasi niya ito kilala. Nananatili naman itong seryoso na walang kangiti-ngiti sa mga labi.

    "Pumunta ka na kay Miss Kylie." Tapik sa kaniya ni Jake na siyang nagpabalik ng wisyo niya. 

    Agad naman siyang tumalima dahil sa napaka-urgent na pananalita ni Jake. Magpapa-excuse sana siya sa babaeng nasa kanan nang kusang ang mga ito na mismo ang tumagilid para bigyan siya ng daan. Hindi naman siya makapaniwalang nakatingin sa mga pinaggagawa ng mga ito.

    "Come here, Miss Arial, right?" Hindi niya namalayang nasa tapat na pala siya ng upuan nito.

    Tinatapik pa nito ang espayo roon na siyang nagpalaki ng mga mata niya sa sobrang gulat. Malaki ang espayong naroon para upuan ng mga estudyante, pero, ito lang nakaupo rito o ang dating nakahiga rito.

    "Huwag ka ng magtaka, Iha. By the way, nice meeting you personally. I am Pier and Cier mom's. Kylie." Nakangiting pakilala nito bago inaabot ang kanang kamay sa kaniya.

    Para naman siyang natuod sa narinig. Hindi siya makapaniwalang nanay ito ng nobyo. Parang may kung anong bumara sa dibdib niya. Hindi siya maaring magkamali. Kamukha ng mga ito ang ina. Mukha bata pa itong tingnan ngunit kung tititigan talaga mahahalatang may edad na rin ito. Napaka-sopistikada rin ng dating nito na animo'y nalulunod siya lalo at simple lang ang suot niya. Nakasuot din ito ng pantalon na itim habang may suot na sweatshirt na puti na bumagay sa kutis nitong labanos. Nakaayos din ang mukha nito at kulay malamlam naman na dilaw ang buhok ng bahagya. 

    "Don't worry about it." Bago siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "My son really loves you no matter what your look was," nakangiti sabi nito na mas nagbigay gulantang sa kaniya. 

     Hindi siya makapaniwalang sinabi na nito sa mga magulang ang tungkol sa kanila. Napapalunok tuloy siya ng sariling laway dahil sa hindi pa rin siya makapaniwala na seryoso talaga ito sa kaniya. Nanumbalik lang ang isip niya nang mapansin niyang ibinababa na nito ang kamay na hindi niya napaunlakan dahil sa sobrang gulat.                     

    "Common, maupo ka, Iha. I am happy to see you," anang sabi na lang nito muli bago tinapik muli ang espayo roon.

     Bagamat sari-saring emosyon ang nararamdaman. Sumunod na lang siya rito kahit pa ilang na ilang siya. Nang tuluyang makaupo siya. Doon niya mapagtanto na lahat pala ng tingin ay nasa kanila na—nasa kaniya. Nangungusap ang mga mata ng mga ito na parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari at naririnig kanina. Napayuko na lang tuloy siya sa sobrang hiya.

    "Uhemm! Maganda ba ang palabas students?" pa-insultong sabi ng mama nila Cier at Pier na si Kylie.

     Agad naman nagbawi ng mga tingin ang mga estudyante roon at ipinagpatuloy ang ginagawa kanina na hindi nagsasalita ng kahit ano.

   "Good morning, Madam Kylie. Magsisimula na po si Miss Arial. Miss Arial ikaw na po," biglang bungad ng isang lalaking naka-tuxedo ng puti na siyang nagbukas ng silid na kinaroroonan nilang lahat.

     "Okay. Iha pupunta na ako roon. Galingan mo, okay. Welcome to my family," makahulugang sabi nito bago sumunod sa lalaking naka-tuxedo.

      Napatunganga naman siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala na manonood ng performance niya ang mommy ng nobyo. Pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba at takot na baka mapahiya lang siya roon.

     "Wow! Hindi ko akalain na nobyo muna pala si Pier. Ang lakas mo rin. Akalain mo, Headmistress ng University panonoorin ka. Panalo ka girl. Tanggap na tanggap sa pamilya," hindi makapaniwalamlng sabi ni Meg.

    "Feelingera, ano'ng ginawa mo kay Pier para magustuhan ka?" sabi naman ng isa pang babaeng naka-eyeglasses din.

   "Ginayuma, Girl. Akalain mo iyon, nagsimula sa libro at kape tapos ayon. Jowa na," insultong sabi pa ng isa pang bitchy na babae.

    "Assumera lang girl. May pagka-mangkukulam ata, e," banat naman ng isa pang sigang babae na nakahalukipkip na masama ang tingin a kaniya.

    "Miss Arial! Miss Arial! Okay ka lang ba?" tapik ni Jake sa kaniya na siyang nagpabalik ng wisyo sa kaniya.

   "Ah—"

    "Okay ka lang ba? Ikaw na raw. Kanina ka pa tinatawag doon. Maysakit ka ba? Kanina ka pa nakatulala," paliwanag na sabi sa kaniya ni Jake habang nag-aalala ang mga tingin.

    "Akala ko—"

    "Anong akala mo? Para kang tanga. Ikaw na ang magpe-perform. Kanina ka pa tinatawag," kalmado, pero, seryosong sabat ni Meg.

    Doon niya napagtanto na hindi tama ang mga nangyayari kanina. Lahat iyon emahinasyon lang ng isip niya dahil sa rami ng tumatakbo sa pag-iisip niya.

    "Ah—sorry. Halika na," aniya bago tumayo.

   "Iwan mo ang bag mo. Huwag mo sabihing dadalhin mo 'yan?" mapanuyang sabat na naman ni Meg.

     Napalingon at napaisip naman siya kaya naalala niyang hindi niya ito puwedeng dalhin. Tinanggal na lang niya at ipinatong sa kulay itim na sofa na siyang naiibang kulay lang doon—na siyang ini-upuan pala niya kanina bago sumunod kay Jake sa kaliwang bahagi na may hagdan, malapit kay Meg.

    "Goodluck," sigaw ni Meg na siyang 'di nakalampas sa pandinig niya

    "Kaya mo iyan, Miss Arial," paalala naman ni Jake sa kaniya habang nakangiti bago binuksan ang kulay krema rin na pinto.             

     Pagkatapak niya sa entablado, sigawan at hiyawan ang dumagondong sa buong lugar—animo'y inaabangan ng mga ito ang pagdating niya.

    "Let's welcome our last performer. From the College of Business Administration, Miss. Acxel Arial!" 

     Pagkatapos na banggitin ng announcer ang pangalan niya tuluyang naglumakas ang sigawan at hiyawan sa buong gymansium. Para naman siyang nananaginip sa mga nangyayari. Hindi siya makapaniwalang hinihintay ng lahat ang pagbungad niya.

    "Mukhang sabik na sabik na kayo sa mga bibigkasin ni Miss Arial o baka naman gusto ninyo na makilala ang Editor-in-Chief na tinaguriang King of Hearts author ng KS University!" 

    Dahil sa itinuran ng announcer muli't muling nagsigawan ang lahat maging ang pagdagondong ng drums sa dulong bahagi. Walang tigil din ang hiyawan at sigawan ng lahat na lubhang nakakabingi sa pandinig. Napayuko na lang siya habang nakatingin sa ibaba. Pero, parang natuod siya ng makita ang hindi pamilyar na lalaking nakaupo sa mga naroon. Nakaputing Lab gown ito habang nakatitig sa kaniya ganoon din katabi nito sa kanan si Pier na naka-Maskara pa rin na halatang nakangiti dahil sa wala na naman itong mga mata. Samantala, nasa tabi naman nito ang mommy nitong si Kylie, the rest mga professor's at officers ng KS university. Nasa kaliwa naman ng naka-lab gown si Bier na nakangiti sa kaniya bago kumindat. The rest ng katabi nito ay mga professors na ng university.

    "Well, Miss Arial. The stage is yours," pasimula ng announcer na siyang nagpalakas ng kabog ng dibdib niya.

   Napalunok muna siya ng malalim bago kinuha ang binigay na mikropono ng announcer.

  "Pag-ibig, hanggang saan ka dadalhin?" pasimula niya bago pumikit at bumuntong-hininga. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top