Ika-labing isa na kataga
Nasa tapat na siya ng eskuwelahan nang marinig ang biglang paglangitngit ng bakal na gate na nakukulayan ng pinaghalong kulay abuhin at puti. Binubuksan ito ng guard na siyang nakatoka roon. Nang tuluyang mabuksan ito, narinig niya ang sigawan ng mga estudyante mula sa likuran. Kaya naman napalingon siya rito.
"Nandiyan na si Bier. Waaahh!" kinikilig na sigawan ng mga babae sa likuran niya.
Napalingon naman siya sa mga tinitingnan nito. Tumambad sa kanya ang isang Toyota Fortuner na bagong labas lang from thailand na kulay abuhin at silver na papasok sa gate ng eskuwelahan. Nakita niya rin sa may likod nito ang nakasunod na sasakyan na napansin niyang pamilyar sa kanya.
"Shit! Nandiyan na rin si Pier. Balita ko magre-reveal na siya ng mukha," kinikilig na sabi pa ng iba habang nag-uunahan papasok ng gate na maliit.
Muntik pa nga siyang mabangga ng mga ito dahil sa pagmamadali. Nang lumingon naman siya sa malaking gate tuluyan ng nakapasok ang mga sasakyan kaya naman pumasok na lang din siya. Nag-uunahan pa rin ang ibang estudyante sa likod niya na siyang dahilan para mabangga na talaga siya. Pero, hindi na lang niya pinatulan pa bilang mas nakakatanda sa kanila. Nagtuloy-tuloy na lang siya sa departamento niya habang napapaisip kung anong nakain ng binata para magsiwalat na ng mukha sa publiko. Sa loob ng tatlong taon na pag-aaral niya sa unibersidad tanging ang pangalan at maskara lang nito ang naririnig niya ukol dito.
Bagamat lagi ito sa mga aktibidades, pero, talagang ganito lang talaga ang pinapakita nito. Hindi rin niya kilala ang binata personally dahil na rin sa hindi niya ito binibigyan pansin. Ngunit, dahil sa librong binili niya na siyang nalaman din nito. Doon nagsimulang mabuksan ang ugnayan nilang dalawa. Mas lalo ng ayain siya nitong umuwi kasama sa bahay nila. Hindi nga niya alam kung ano'ng mayroon sa pagitan ng binata at ng mga magulang niya, pero, masaya pa rin siya na makilala ito ng personal. Ngunit, napukaw ang malalim niyang pag-iisip nang marating ang ground floor ng kanilang gusali. Rinig na rinig niya ang nagsisigawang tinig ng mga kababaihan na siyang nagpakunot-noo na naman sa kanya.
"Shit! Pupunta raw si Bier dito," nagtutumiling sabi pa ng mga estudyante.
Nagtatakbuhan ang mga ito patungo sa second floor kung saan din siya patungo. Gulat na gulat naman siya sa mga nangyayari. Sa loob ng tatlong taon niyang pananahimik at palaging aloof na naglalakad sa school ground. Ngayon lang na may bibisita ritong Bier na hinahangaan ng iba. Hindi rin siya aware kung sino ito na siyang mas nagpapakunot-noo sa kanya.
"Ohmyeged! Naghahanap daw sila ng magpeperform sa paggawa ng Talumpati this Valentines Day," nagtutumiling sabi ng isang babaeng kakalampas lang sa kanya.
"Ha? Seryoso? Ano'ng genre? Sweet din ba?" anang sagot naman ng babae na maiksi ang buhok na kasama nito.
"Hahaha, gusto raw ni Bier maiba. Kaya naman Painful Talumpati raw ang tema sa araw ng mga puso," aligagang sabi ng babaeng may mahabang buhok na siyang nauuna sa paglalakad.
"Wow! Interesante iyon, Girl. Sali tayo," nanlalaking ngiting sabi ng maiksing buhok.
"No way! Ayoko nga! Hindi ko kaya. Hahaha. Mayged! Alam mo bang balita pang kasali roon si Pier. Jusko! 'Di ko kaya, Girl. Doon din daw sa araw na iyon magpapakita ng mukha ang King of Hearts author na iyon," tuwang-tuwa sabi pa ng babae habang napapapitik sa kamay.
"Ohmyeged! Sino naman kaya ang maglalakas ng loob na sagutin ang banat ng isang magaling na manunulat na si Pier," naiiling na bigkas ng babae na siyang napakibit-balikat sa kausap.
"Balita pa ngang si Bier daw ang pipili kaya mag-iikot-ikot sila sa bawat department," ma-intrigang sagot pa ng babaeng mahaba ang buhok.
"Talaga? Paano niya ba pinipili? E, sa dami natin, e. Malalaman ba niya kung sino ang pu-puwede sa hindi?" nakangusong anang maiksi ang buhok habang paakyat ang mga ito sa hagdan na siyang sinusundan niya.
"Ewan. Sabi naman nila, ang babaeng 'di tatablan kay Bier ang mapipili. Sa gawapo ba naman ni Bier. Ay naku! Baka maihi ka pa. Jusko. Perpekto ang pagkagawapo noon. Mahanay ba naman sa Top 5 Honsome man in the world. Jusko, ewan ko na lang if 'di ka manginig. Balita pang marami na raw nahimatay dahil sa kanya. Gawapo na, malakas pa ang sex appeal," parang kinikiliting turan ng babae na siyang nagpailing na lang sa kanya.
Napapangisi na lang siya sa mga naririnig. Maka-Heartthrob din pala ang mga babae ng KS-University. Ganoon pa man, hanggang ngayon 'di pa rin niya alam kung bakit KS ang tawag sa school nila.
"Bilisan mo girl. Nasa second floor na raw sila." Nagmamadaling nagtatakbuhan ang dalawang babae maging ang mga umaakyat na kasabayan niya.
"Bahala kayo!" bulong niya bago nagpatuloy sa pag-akyat.
Nang tingnan kasi niya ang relo na white platted sa kaliwang kamay. Nakita niyang 25 mins na lang at magsisimula na ang klase niya about sa Financial Management kaya nagmadali na siya. Dire-diretso siya sa second floor na pasilyo habang binabaybay ang dulo nito patungo sa hagdang pa-third floor. Natatanawan niyang walang mga nakatambay sa hallway kaya nagpatuloy na lang siyang walang iniisip.
"Hey! Excuse me, Miss," sigaw na narinig niya, pero, binalewala na lang nang makita ang hagdanan patungo sa pupuntahan.
"Excuse me!" nagsisigaw na tinig muli na siyang nagpagulat sa kanya lalo na nang hawakan nito ang kaniyang kaliwang braso.
"What?" daing niya rito bago lumingon sa may hawak sa kanya.
Tumambad naman sa kaniya ang lalaking may suot na light green sweatshirt na nakabukas ang dalawang bitones sa itaas. Nakikita niya tuloy ang pagiging matipuno nito na bumagay sa medyo malaking pangangatawan. Nakangiti rin ang mga mapuputing ngipin nito na may dimple. May mga bilugang mata rin ito na may pagkasingkit na kulang na lang huhubaran ka kapag tumingin sa 'yo. Medyo magulo rin ang buhok nito, pero, bumagay naman sa suot nitong puting eyeglasses. Matangos din ang ilong nito at may maninipis na labi na pink na pink ang kulay. May taas din itong 5'11 na siyang nagpaangat sa kanya ng tingin. Literal na naghalo ang pagiging gawapo at lakas ng sex appeal nito. Parang barbie rin ang kulay nito sa sobrang kinis. Gayon din, kulay malamlam na blue-green naman ang mga mata nito na siyang napa-amazed sa kanya.
"Yes, what can I do for you? May klase na ako. Paki bilisan na lang if may gusto kayong itanong," aniyang walang kagana-gana habang naghihintay ng sagot dito.
"I got you. Kasali ka na sa Painful Talumpati on Valentines day," anito na siyang nagpanganga sa kanya sa sobrang gulat.
"What? Ano'ng sinasabi mo? Nagkakamali ka ata. Walang akong panahong sumali sa ganyan. I am sorry, Mr. And thank you," wika niya pagkatapos mahimasmasan sa pagkakatulala sa binatang kaharap.
Gulat naman ang mababakas sa pagmumukha ng lalaki sa pagtanggi niya. Pero, binalewala na lang niya ito. At ngpatuloy na sa pag-akyat sa aspiral na hagdan na gawa sa bato.
"What happened?" Rinig niyang tanong ng mga naroon, pero, binalewala na lang niya.
Wala siyang balak na uma-attend sa mga ganoon kaya hindi niya binibigyan pansin ang mga pinagsasabi ng binata. Mas gusto niyang magbasa ng libro kaysa bigyang pansin ang mga bagay na para sa kanya, walang siyang mapapala.
PAGKARATING sa third floor agad siyang nagtungo sa BA room 3O5. Pagkapasok niya tumambad sa kanya ang gulat na gulat na reaksyon ng mga kaklase. Two days kasi siyang hindi pumasok kaya naman naninibago sila sa kanya. Ganoon kasi sa college, maski isang araw ka lang hindi pumasok parang katumbas noon ilang linggo kang hindi pumasok. Iyong pakiramdam na parang naiilang ka, maging sila sa 'yo. Ngunit sa kabila ng tinginan ng mga ito sa pagdating niya. Hindi na lang niya ito pinansin at nagsimula ng magtungo sa puwesto sa likuran. Sakto pagkaupo niya sa upuan siyang dating naman ng professor nila. Kaya minabuti na lang niyang makinig dito.
"Good morning, Class. So, we we're continue our topic last time. What is Financial Management again?" anang proktor nila na nakatayo sa harapan ng mesa.
May mga nagtataasan ng kamay na mga kaklase niya na nag-uunahang matawag dahil na rin sa confident nilang alam nila ang sagot sa tanong. Kaya naman binalewala na lang niya ito at kumalumbaba na lang sa lamesa ng upuan.
"Bubunot na lang ako ng pangalan mula sa class card ninyo para fair sa ibang hindi pa natatawag," wika na lang ng proktor nang makitang iilan lang ang nagtataas ng kamay.
Nagbabaan naman ng mga kamay ang iba dahil sa pagkadismaya. Hindi na lang niya ito pinansin at nagsulat na sa kaniyang notebook.
"Ms. Acxel Arial. Where are you?" biglang tawag ng professor nila sa pangalan niya.
Gulat na gulat naman siya nang marinig iyon. Pero, sa huli napilitan siyang tumayo at dahan-dahang tinitigan ang professor.
"What is Financial Management, Neng?" anang wika nito na nakangiti.
Agad naman siyang nag-isip ng sagot sa katanungan nito. Pilit niyang iniisip ang puwede at maaring sagot dito.
"Financial management, Ma'am, refers to the strategic planning, organising, directing, and controlling of financial undertakings in an organisation or an institute. It also includes applying management principles to the financial assets of an organisation, while also playing an important part in fiscal management," anang sabi niya matapos makaisip ng sagot.
"Yeah! Exactly. Thank you, Ms. Arial. Your reading huh! Absent ka last time," anito sa kanya habang nakangiti.
"Personal matter, Ma'am. Sorry po," sagot na lang niya bago umupo.
"Yeah, of course. You don't need to discuss after all. Let's continue our discussion," nakangiting ani nito habang bumubunot ulit ng class card.
Madaling natapos ang klase niya na marami siyang natutunan. Oo, hindi siya nakapasok last time, pero, fan talaga siya ng pagbabasa. Kaya kahit sa bahay nagbabasa siya. Mas prefer niya kasing magbasa na sa bahay bago pumasok. Then, pagkapasok if magbabasa siya ulit recap na lang ang nangyayari. Pati she's fan of explaining on the spot kaya walang problema sa kanya. Hindi siya totally good at academics or any programs, pero, pagdating sa utak may ibubuga rin naman siya. Silent but deep on thinking kasi siya.
Wala man sa mga Dean listers ang pangalan niya but masasabi niyang matataas din ang mga grado niya sa halos lahat ng subjects. Ayaw kasi niyang nagkikipag-kompetensya sa mga kaklase but she's doing what she can handle. Medyo tamad kasi siyang estudyante. Magbabasa na lang siya kung gahol na sa oras. Mas prefer kasi niya ang magbasa at unawain ang mga binabasa kaysa ang i-memorized ang bawat detalye. She's not fan of memorizing dahil makakalimutin siya. Kaya by reading with comprehension makes her more motivated to learn and to memorize it's meaning. Kaya nang tuluyang matapos ang klase. Agad niyang kinuha ang bag at nilisan ang klasroom.
"Hey, Acxel. Can we talk?" sigaw ni Alice habang tumatakbo.
Nagulat man siya sa boses nito. Hinayaan na lang niya ito at hinintay itong makalapit sa kanya. Patuloy naman siyang naglalakad ng katamtaman. Hindi sa nagmamatigas siya, pero, ito lang ang paraan para kahit papaano maitayo niya ang sarili sa sama ng loob. Ayaw niyang isipin na iniiputan lang siya nito sa ulo. Wala siyang ginawang masama rito, kaya marapat lang na maunawaan nito ang pagkakamaling ginawa. Hindi kasi siya fake friend. As long as kaya niyang maunawaan ang lahat gagawin niya ang lahat para umintindi sa pagkakamali ng kaibigan, pero, kapag feel niya na tinitira siya ng talikuran. Hindi siya makakapayag ng ganoon. Mabuti siyang kaibigan, pero, pag ginagagao siya, masama siyang kaaway.
"Okay lang ba, Acxel?" anitong muli nang tuluyang makalapit sa kanya.
"Sige, okay lang. Sa Gym na lang tayo mag-usap," aniya habang patuloy pa rin na naglalakad.
NANG MAKARATING sila roon. Walang kahit anong tao gaya ng nakasanay niya tuwing pupunta rito. "Sorry Acxel," nakayukong bigkas ni Alice pagkaupong-pagkaupo niya sa mga upuan na kulay bughaw na naroon.
"Ano bang nangyari sa 'yo, Alice? Bakit nagbago ka? May ginawa ba akong masama para gawin mo sa akin iyon? Oo, naiintindihan ko. Nagulat ka dahil hindi ko sinabi sa 'yong bumili ako but the point is kaibigan kita. Nakita mo naman kung bakit ayaw kong sabihin muna sa 'yo, pero, isiniwalat mo sa lahat. Alam mo ba ang pakiramdam ko noon? Parang trinaydor mo ako sa harapan ko. Always ka na lang ganyan tapos magso-sorry ka. Lagi mo na lang ginagawa, pero, inunawa kita kasi kaibigan kita. Kaya lang sa nakikita ko ngayon. Hindi na kita kilala, Alice. You change a lot. Ginawa ko ang makakaya ko para maging mabuting kaibigan mo. Pero, ano? Ano'ng isinukli mo? Trinatrydor mo ako. Akala mo ba hindi ko alam na bina-backfighter mo ako? Alam ko iyon, Alice, pero, hindi ako nagsasalita dahil akala ko magbabago ka pa. Sa ngayon, I think hindi na ikaw iyong dating kilala ko. Iyong kaibigan na itinuring kong kapatid. Iyong inaalagaan kong maintindihan at mahalin. Nasasaktan ako, Alice, pero, sinayang mo ang pagtitiwala ko sa 'yo. Binalewala mo ang pagkakaibigan na binuo nating dalawa. Pasensiya ka na kung hindi ko na kayang ibalik ang tiwalang iyon," madalamhating sabi niya habang tumutulo na ang mga luha.
"Sorry, Acxel. Kasi . . . naiinggit kasi ako sa 'yo. Hindi ko alam, pero, hindi ko maiwasang mainggit sa mga bagay na mayroon ka. Kahit simple ka lang, pero, talagang ang lakas ng positivity mo. Matalino ka, maganda, talentado at mabait. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin, A. Pakiramdam ko ang baba ko sa paningin mo. Pakiramdam ko hindi kita maabot. Hindi kita kayang gayahin," nakayuko at umiiyak na sabi nito sa kanya habang nakatayo pa rin.
"Naaawa ako sa 'yo, Alice. Hindi na kita kilala. Kung iisipin, malabo ang rason mo para mapatawad kita. Bakit ka naiingit sa akin? Nasa iyo na ang lahat: maganda, maputi, matalino, mayaman at nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Pero, bakit kailangan mong mainggit sa mga bagay na wala sa 'yo. Bakit hindi mo kayang tanggapin na ikaw iyan? Na iyan ang totoong ikaw? Bakit kailangan mong mainggit sa iba—sa akin na kaibigan mo. Ako never akong naiiggit sa 'yo. Proud pa nga ko kasi kaibigan kita, pero, dahil sa lintik na dahilan mo nagbago at sinira mo ang tiwala ko. Wala kang mapapala sa pagiging inggitera. Wala kang mahahanap na kaibigan kung lagi mong tatrydorin ang mga taong nagmamahal at tumanggap sa 'yo. Mahirap makahanap ang totoong kaibigan, pero, sinayang mo dahil lang sa pagiging immatured mo mag-isip. Wala kang pinagkaiba sa mga makasariling tao na sarili lang ang iniisip. Madamot ka, Alice. Sa nakikita ko rin hindi mo ako itinuring na kaibigan kahit kailan dahil lahat ng ginagawa mo pakitang tao lang. Sorry, Alice, maaring mapatawad kita, pero, hindi ko na kayang makipagkaibigan sa 'yo gaya ng dati. I trusted you, loved and cared for you but you lost it. So, I'm sorry, hindi ko na kayang ibalik ang tiwalang sinira mo," aniyang hindi mapigilan ang lahat ng emosyong nararamdaman.
"I am sorry, Acxel," humahagolgol na sabi ni Alice sa kanya habang nakaupo sa tapat niya.
Nakatakip ang dalawang braso nito sa mga mata habang nakadantay sa dalawang tuhod. Nakasuot ito ng kulang itim na kita ang balikat at leggings na dilaw. Nakabagsak naman sa lupa ang suot nitong bag na kulay kayumangging gawa sa balat.
"I am sorry, Alice. Takecare always. Ingat sa pag-uwi. Mauna na ako," mahinahon niyang sabi habang pilit pinupunasan ang mga luha gamit ang panyo na kulay malamlam na bughaw.
Mabigat ang loob niya sa mga nangyari. Pero, ito lang ang paraan para maiangat ang sarili sa mas malalang sitwasyon. The more na mas lalapitan kasi niya ang taong trumaydor sa kanya. The more na hinahayaan niya ang sariling lukuhin at gawing uto-uto ng iba. Mas maganda ng lumayo siya agad sa mga toxic sa paligid kaysa ang lapitan ang mga ito na wala siyang mapapala. Hindi na bale ng mag-isa atleast walang taong nakakasama na basura. Hindi mainam na magkaroon ng sama ng loob sa isang tao kaya pagpapatawad ang kailangan. Pero, ang pagtanggap sa nasirang tiwala ang mahirap ng mabawi pa, lalo kung hindi deserving ang pagbibigyan mo ng chance. Hindi lahat ng pagkakamali inuulit. Dapat matutong gumawa ng pagbabago sa nagawang pagkakamali.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top