Ika-labing-apat na Kataga
Nagtatakbo siya papasok ng unibersidad nang mapansin ang relong nasa kaliwang kamay. Nalalabing oras na lang kasi at mahuhuli na siya sa programa kung saan isa siya sa mga magpe-perform. Alas-nuebe y trenta na kasi kaya naman ilang minuto na lang at magsisimula na ito. Muntik pa nga niyang mabangga ang poste sa kaliwang bahagi dahil sa kakamadali.
"Ineng, magdahan-dahan ka lang. Madi-disgrasya ka sa ginagawa mo," puna ng guwardiyang nakakita sa nangyari habang nakaupo sa post nito.
Tanging tipid na ngiti na lang ang ibinigay niya rito na siyang iling naman nito. Hindi tuloy niya maiwasang magalit kay Cier dahil sa hindi siya sinundo. Hindi naman sa demanding siya, pero, nakakasama lang ng loob sa part niya kung saan nangako ito tapos hindi matutupad. Lalo na ngayong nagkasagutan pa sila ng ina dahil na naman dito.
"Good morning po," magalang na wika niya pagkapasok sa pintuan ng kusina.
Pagkatapos kasi na makapaghanda sa sarili. Agad na siyang bumaba ng hagdan at pumunta ng kusina. Bagamat nakayuko siya habang papalapit sa mesa kung saan nandoon ang mga ito. Hindi niya maiwasang mailang sa katahimikan at malamig na pakikitungo ng ina. Kitang-kita niya kasi ang pagkairita sa mukha nito bagamat hindi ito nagsasalita habang nakatunghay sa kanya. Mababakas pa rin kasi ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa pagmumukha nito na mas nagpapakaba sa kanya.
"Good morning too, Baby," masayang sagot naman ng ama na siyang bumasag sa katahimikang lumalaganap sa loob ng kusina.
Nasa pinaka-sentro kasi ng hapag-kainan nakapuwesto ang ama na basa pa ang buhok. Naka-sando lang ito ng puti na tinernuhan ng itim na Slacks habang naka-balat na sapatos na itim. Samantala, nasa tapat naman niya ang ina na kumakain na rin. Iyon nga lang, nakakunot-noo pa rin ito na halatang hindi inaasahan ang pagsalo niya sa pagkain. Ayaw na sana niyang sumabay pa sa mga ito, pero, no choice siya dahil kailangan niyang kumain para may lakas siya mamaya sa Talumpati. Kaya naman, para kahit papaano maibsan ang bigat na nararamdaman itinuon na lang niya ang tingin sa mga nakahain sa mesa; may Fried chicken w/ chicken soup habang may mainit na tea na nakalagay sa takure na gawa ng mga Artisan.
"Anak, may nangyari ba? Mukhang hindi ka sinundo ni Cier? Nag-away ba kayo?" paunang wika ng ama na siyang nakapagpatigil sa kanya sa pagkuha ng pagkain sa mga naka-served sa mesa.
"Ah—"
"Malamang nakahanap na ng iba, tapos natauhan kaya bumalik sa babaeng gusto talaga. Ang tao hindi makokontento hanggang hindi nasa-satisfied sa taong kaharap," biglang putol ng ina sa sasabihin niya kaya naman napaawang ang bibig niya dahil sa narinig.
"Ma!" nagbabantang tinig ng ama na siyang ikinalingon niya rito. "Malay mo kung busy lang iyong bata, maging tayo naranasan din naman iyan, 'di ba? Hindi naman bagong bagay iyan, Ma. Maraming posibilidad na rason, kaya hindi dapat tayo mag-conclude agad," paalala ng ama na siyang ikinayuko niya sa sobrang hiya.
"Alam ko iyon, Alexander. Pero, ang punto rito, biglaan naman atang ganoon. Hindi naman puwedeng wala na lang, kinukuha niya ang anak natin dito halos araw-araw, pero, hindi akong nagrereklamo, tapos ngayon biglang maglalaho ng parang bula. Nakakapagtaka naman ata, Alex," mataas ng boses ng ina na siyang ikinakuyom ng kaliwang kamay niya sa ibabaw ng mesa.
"Ma, easy lang. Huwag mo naman pag-isipan ng ganyan ang binata. Mukhang mabait naman ang kapatid ni Pier. Unawain na lang natin ang gusto ni Acxel, maging masaya na lang tayo for her," banat na naman ng ama na siyang pikit niya habang nakayuko pa rin.
Pilit niyang iniintindi ang lahat, pero, mukhang nauubusan na siya ng pasensiya para sa ina na ngayo'y alam niyang nakasandal sa upuan habang tinitingnan siya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang si Pier. Malay ko ba sa kapatid noon. Pati mabait na bata si Pier. Gusto ko siya for Acxel, ang kaso hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya roon?" naghehesterikal na tinig ng ina na siyang mas nagpahigpit ng kaliwang kamao niya na nasa mga hita na—sa ibabang bahagi ng mesa.
"Ma, huwag ganyan. Unawain natin si Acxel. Kung sinong mahal niya, wala tayong magagawa kundi intindihin at respetuhin ang desisyon niya. Oo, magulang tayo na dapat umaruga at sumubaybay sa anak. Pero, hindi kasama roon ang ipilit at diktahan natin ang desisyon niya para sa pagmamahal. Wala tayong karapatan na manduhin ang buhay pag-ibig niya. Kung masasaktan, iiyak, at maluluko man siya, kasalanan na niya iyon. Siya ang pumipili ng mga desisyon niya sa buhay. Taga-Guide lang tayo, hindi tayo instructions na dapat sundin kasi iyon ang tama. Let her ease the different emotions na puwedeng niyang maramdaman kapag nagmahal siya," sumbat na payo na naman ng ama sa ina habang nakatunghay sa kanya.
Patuloy naman ang pagyuko niya sa labis na hiya at galit na nararamdaman. Gusto na niyang sumabog, pero, pilit niyang nilalabanan ang emosyong gustong kumawala sa kaibuturan nang damdamin na sadyang nagpapahirap sa dibdib niya. Mas namumuo na rin kasi ang nangangalit niyang kamao sa sobrang sama ng loob. Ayaw niyang maging bastos, pero, kung ganito lagi ang usapan pakiramdam niya gusto niyang magrebelde.
"Ang mahirap sa 'yo, Alexander. Kinukonsenti mo ang batang 'yan. Jusko! maraming mga tarantado sa mundo. Hindi sa minamanduhan ko siya, ang akin lang piliin niya ang tamang lalaki hindi iyong kung sino-sino lang. May matino bang lalaki na susunduin ang anak mo sa kant—"
"Ma!" putol ng ama sa sasabihin ng ina.
Medyo malabo man sa pandinig niya ang huling sinabi nito. Pero, nakakasigurado siyang kanto ang ibig sabihin nito. Kung kaya alam ng ina na lagi nga siyang sinusundo ni Cier.
"Bakit ano'ng masama ro'n? Totoo naman, a. Masyado mo kasing pinapabayaan ang anak mo. Jusko! Pag napahamak 'yan, walang ibang sisisihin kundi ikaw na pabayang magulang."
"Ano ba! Tama na." Hindi na nakapagpigil na sigaw niya na siyang ikinatigil ng mga magulang. "Ano bang problema ninyo? Nakakarindi na kayo!" tanong pa niya matapos tumayo at kumalabog ang mga kubyertos na hawak sa kanang kamay kanina.
"Ma! Ano bang problema mo?" baling niya rito ng tingin. "Nakakapagod na iyong ganito. Akala ko magiging masaya ka dahil sa wakas," pinagdiinan pa niya ang huling katagang binanggit. "Natupad na iyong pangarap ninyo sa akin na magkaroon na ng kasintahan—iyong maghahatid at magsusundo sa akin. Oo, boyfriend ko na si Cier, sinagot ko na siya. Pero, sa nakikita ko hindi ka pa rin masaya para sa akin, mas malala ka pa sa mga nangyayari ngayon. Minsan, hindi ko na maintindihan ang takbo ng isip mo. Nakakapagod na mag-isip, Ma," tuluyan ng pumatak ang kanina pa pinipigilang luha sa mga mata.
Napaawang naman ang bibig ng mga magulang habang nakatunghay sa kanya. Malamang hindi nito inaasahan ang biglang pagsigaw niya. Mababakas kasi ang gulat sa pagmumukha ng mga ito.
"Anak, huminahon ka muna. Madadaan ito sa usapan. Hindi maayos 'to kung patuloy kayong magsusumbatan ng mama mo," napapahilot sa sentidong sabi ng ama.
"Paano naman kasi, Pa. Hindi ko maintindihan si Mama. Akala ko magiging masaya siya ngayon dahil sa wakas na natupad na iyong gusto niya para sa akin. Pero, sa nakikita ko parang mas lumalala siya ngayon. Pati, paanong hindi kami magkikita sa kanto kung napakalamig ng pakikitungo niya kay Cier. Respeto naman sana, Pa, kahit sana magpanggap na lang siyang tanggap si Cier," sigaw niya sa katamtamang lakas.
"Anak lang kita! Huwag mo akong ganyanin," nagbabantang sigaw ng ina na siyang nakatayo na sa kinauupuan nito.
Naiwan tuloy ang pagkain nitong may laman pa sa plato. Samantalang siya'y napapayuko na lang. Pilit niyang pinapakalma ang sarili lalo pa't magulang pa rin ang kaharap. Nirerespeto niya pa rin ito kahit galit na galit na siya. Una sa lahat kung hindi dahil dito, malamang wala siya sa mundo. Pangalawa, ito ang dahilan kaya lumaki siyang maayos, normal at may pinag-aralan. Pangatlo, ito ang dahilan kung bakit nananatili siyang humihinga sa mundo. Kung hindi siya nito binuhay at pinabayaan na lang, malamang wala siya ngayon bilang tao, anak at girlfriend ng nobyo. Wala sanang Acxel na nabuo sa harapan ng mga taong nakakakilala sa kanya.
"Ma, huminahon ka. Madadaan ito sa usapan. Ta-tatlo na nga lang tayo tapos nagkakagulo pa tayo," napapabuntong-hininga na sabi na naman ng ama bago nagsalin ng tubig sa may basong nakataob sa gitna.
"Iniisip ko lang ang kapakanan niya Alexander. Mas magandang mapunta siya sa binatang mas deserving kaysa sa mga lalaki lang diyan na walang pakundangan na niyaya ang anak sa kung saan-saan. Maraming napapariwarang mga kabataan dahil sa hindi pakikinig sa mga magulang, kaya ayaw kong mangyari sa kanya iyon," nakapamaywang na sabi pa ng ina habang napapalinga sa kung saan.
"Ma, hindi ba puwedeng unawain ninyo na lang muna ako? Mahal ko si Cier at hindi naman sa kung saan-saan lang kami pumupunta. Matino pong lalaki si Cier at nakikita ko po ang pagrespeto niya sa akin," umiiyak ng turan niya habang nakatitig na sa ina na pawang nagulatang sa sinabi niya.
Hindi kasi nakauma ang mga ito dahil sa mga itinuran niya. Parang may biglang katahimikan ang dumating para matauhan sila.
"Please, Ma. Unawain mo naman ako at suportahan. Kahit ngayon lang po. Kung masaktan man at maluko ako—" lumuluhang aniya na nakayuko na. "Tatanggapin ko ng buong-buo. Alam kong natatakot lang kayong magkamali at mapahamak ako dahil baguhan ako sa pagmamahal. Pero, paano ako matututo kung hindi ko susubukan. Kung hindi ako susugal sa isang bagay na puwede kong matutuhan bilang kabataan na pawang walang alam sa pagmamahal. Buong buhay ko naging masunurin akong anak, ginawa ko ang lahat para sundin kayo. Kaya sana, Ma, ibalato mo na sa akin 'to. Kahit ngayon lang, Ma. Please," pagpapatuloy pa niya bago tuluyang humagolgol na nakayuko.
Tanging ang tibok ng puso at ang pagtangis lang kaniyang tuwirang naririnig. Ni walang nakauma sa mga magulang dahil sa sinabi niya. Parang may bakal na nakaharang sa pagitan nila para walang sinuman ang nais bumigkas ng letra.
"Mauuna na po ako. Paalam po," aniya nang mahimasmasan sa pag-iyak.
"Anak—"bigkas ng ina sa katamtamang tinig na hindi nakaligtas sa pandinig niya.
Pero, hindi na lang siya umimik at tuluyang lumabas ng kusina.
"Acxel, hindi ka pa kumakain," sigaw ng ama nang mahimasmasan din sa pagkatulala.
Gaya sa reaksyong ipinakita sa ina ganoon din ang ginawa niya sa ama. Bagamat luhaan ang kaniyang mukha. Gamit ang panyong nasa bulsa pinunasan niya ang mga luha at tuluyang lumabas ng bahay.
"Magandang Umaga sa lahat. Ako si Ginoong Bier Latther ang inyong tagapagsalita sa araw na ito. Alam kong excited na kayo para sa ating Valentines day Talumputi kung saan gaganapin ngayon. Kung kaya inaasahan kong makiki-cooperate kayo sa akin. Sa mga hindi pa ako nakikilala, ako lang naman ang isa sa mga nagmamay-ari nitong KS University kung saan pinili niyong makapag-aral. I know some of you was familiar with my cousins Pier Latther which is our Editor-in-chief and a what they called hastag "King of Hearts" novelist. You know why?—"dumaragondong na tinig mula sa gymansium na siyang nag-uumi-echo sa paligid dahil sa mga speaker na nagkalat sa buong campus.
Para naman siyang natauhan nang marinig ang tinig na iyon. May kung anong tumusok sa dibdib niya habang pinapakinggan ang boses. Hindi siya maaring magkamali, tama ang pakiramdam niya kung bakit Sir ang tawag dito ng tindera sa canteen. Kung bakit pinapabayaan itong pumasok ng naka-mask at kung bakit ito ang presidente ng Student council. Higit sa lahat kung bakit hindi siya pinagalitan ng hindi siya pumasok sa Taekwondo class niya noon. Kaya naman, parang may mga notification bell na nagtutumunog sa tabi niya. Gusto niyang umatras dahil sa mga nalaman, lalo pa't napahiya niya ito noon at hindi na pinapansin dahil sa kapatid nito. Pero, gusto niya lang maging fair sa kapatid nito kaya niya ginawa niya iyon. Ayaw niyang magkaroon ng negatibong resulta ang paglapit nito sa kanya na siyang magiging pasimula ng awayan ng magkapatid—higit sa lahat sa kakambal pa nito.
"Miss Arial. Pinapatawag ka na nila roon. Pinapakompleto na kasi nila Dean ang mga performer," biglang sulpot ng tinig na siyang dahilan para hindi matuloy ang tangka niyang pag-alis.
"Ah—"
"Halika na po, Ms. Arial," anang lalaki na siyang tuluyang nakakapit na sa kanyang kanang braso.
Para naman siyang na-utal na hindi alam kung paano magsasalita. Pawang sigawan at tilian lang ang naririnig niya sa speaker maging ang pagbayo ng dibdib niya sa sobrang kaba. Wala na rin siyang nagawa para umapela nang tuluyang hawakan na rin ang kaliwang braso niya ng babaeng nasa kaliwa niya—na hindi niya napansin kanina dahil sa dami ng mga letrang nagsusumukob sa paningin at isip niya. Gayon din, napansin na lang niyang sumusunod na lang ang mga paa sa mga ito habang papalapit sa gymansium. Maramihan na rin kasi ang nagtatakbuhang mga estudyante na pawang nakapula ang lahat ng kasuotan sa itaas na bahagi.
"Magpapakilala na si Pier. Ohmyged! Nakakilig mga besh," tilian pa ng mga babaeng nag-uunahan na siyang nauna pa sa kanilang paglalakad.
Halos manghina na naman tuloy siya sa mga narinig, lalo pa't makakatapat niya ito sa entablado. Hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan, pagkatapos ng mga nangyari noong nakaraang linggo o ilang weeks ba iyon. Kasi ngayon tanging ang naglulumakas na tibok ng puso na lang ang kaniyang naririnig. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat at nanatili siyang nakahiga sa kuwartong paborito niyang pagtambayan. Kaya upang makahanap ng lakas, naglulumingon na lang siya sa paligid, nagbabaka sakaling makita niya ang nobyo para may lakas pa siyang panghawakan para sa mga magaganap mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top