Ika-labing-anim na Kataga

    "Pag-ibig, hanggang saan ka dadalhin?"
Pag-ibig, binubuo ng dalawang bigkas ngunit isa lang ang nais ipabatid—pagmamahal na kung saan hinubog ang bawat nilalang. Mula sa batang isip na taong nakatayo, natutunang maramdaman ang patikim ng pagmamahal.

    Magandang araw sa inyong lahat. Maligayang Araw ng mga puso sa kapwa ko estudyante ng KS University.

    Nasa inyong harapan ang isang estudyanteng nagmula sa Kursong pangnegosyo. Ngunit, dahil sa araw na ito, isisiwalat ko ang hinaing sa paksang ito. Mula no'ng ako'y musmus pa lang naranasan ko ng naramdaman ang pagmamahal mula sa aking mga magulang, kamag-anakan at sa mga taong naging parte ng aking kamusmusan, hanggang sa kasalukuyan.

    Inaruga't, minahal at inalagaan na pawang sa aking isipan isang malabong alaala ng kabataan. Ngunit nang magsimula ang aking patuloy na pag-aaral hanggang sa yugtong ito ng buhay ko bilang estudyante. Nagsimula ko na rin maramdaman ang pagmamahal mula sa kapwa ko nilalang. Iba man ang pinanggalingan, pero, isa lang ang katotohanan sa likod ng kaugnayan ko sa kaniya—Pagmamahal.

    Pag-ibig, hanggang saan ako dadalhin? Kung ako ang tatanungin. Hindi ko maarok ang hangganan dahil mula sa aking pagkakatayo. Isa lang ang malinaw na paliwanag, dadalhin ka nito sa puntong hindi mo alam kung hanggang saan ka lalaban, tataya, at aasa. Tatlong salita na magkakaiba ng kahulugan, pero, ibibigay ko ang aking kaalaman.

     Sa unang salita, "Lalaban," hanggang saan ka puwedeng lumaban sa pagmamahal. Sino-sino at ano-ano ang puwede mong banggain: pamilya, kapatid, kaibigan, kamag-anak at iba pang tulad nating nakakasama at nakakasalamuha natin sa kasalukuyan.

      Pangalawa, "Tataya," hanggang kailan ka susugal. Kapag kaya mo pa, pagpasuko ka na, pag kaya mo pang tiisin, pag nagtitiwala ka pa o dahil nagmamahal ka pa—willing kang magpakatanga dahil sa salitang maglalaro ka pa, baka sakaling manalo pa.

      Panghuli, "Aasa," hanggang saan ang katatagan mo para umaasa. Kapag puti na ang uwak, pag hindi ka pa sumusuko, kumakapit ka pa, umaasang magbabago pa at puwede pang ibalik lahat o dahil hindi mo pa kayang bitiwan ang mga bagay, memorya, nararamdaman at damdamin mong walang ibang isinisigaw kundi siya pa rin talaga.

       Pag-ibig na akala ng iba, madali lang mahanap at makuha. Na sa isang iglap lang puwede mong naramdaman dahil nahanap mo na ang taong pag-aalayan mo ng pagmamahal. Pero, ang tanong hanggang saan ka magmamahal: kapag masaya, kinikilig ka, naibibigay ang lahat ng gusto mo o dahil kailangan mo pa siya sa buhay mo para mapasaya ka. 

     Pero, paano kapag naramdaman mong hindi ka na masaya, nagbago na ang isa sa inyo, wala ng halaga pa bawat isa sa inyong dalawa o kapag may isa ng bumitaw na para sa ikakasaya ng isang taong napiling magmahal ng iba. Hanggang saan ka magmamahal? Panghambuhay o pang-aliw lang sa kalungkutan. Maraming nasasaktan at nanakit dahil sa katagang hindi nila alam kung hanggang saan sila magmamahal at magpapatuloy na magpahalaga. 

      Gumagamit sila ng tao na sa tingin nila mapapasaya at magbibigay kaligayahan sa kanila kapalit ng isa. Pero, hindi nila nakikita ang hangganan ng salitang, "Pagmamahal pa ba ang tawag diyan, o isang malaking kasinungalingang nagmula sa maling nararamdaman." Tao tayo, nagkakamali, nagbibigay pagkakataon at kapatawaran, pero, hanggang saan tayo dadalhin ng mga salitang iyan kung paulit-ulit lang naman ginagawa ng bawat nilalang.

      Hanggang kailan at saan sila dadalhin ng pag-ibig kung sa huli matatapos din sa hangganan, dahil sa salitang hindi alam kung mapapanindigan pa. Bilang estudyante, magiging tao rin tayo na maituturing kung saan mahuhubog ang ating puso't isip hanggang sa maging isang nilalang na nababalot ng kulubot. Mapupuno ng kaalaman, eksprensya at maturidad para sa lahat ng bagay na hindi malinaw noong kabataan. Ngunit sa pagtatapos ng araw, hanggang saan tayo dadalhin ng salitang, "Pag-ibig." Kung saan hindi natin alam kung kailan tayo titigil at lalaban para sa pagmamahal? Hanggang sa huling titik maraming salamat sa pakikinig." At tuluyang siyang nag-Bow matapos ang mga binigkas na letra.

     Napuno ng sigawan, palakpakan at tambol ang buong gymansium—animo'y may palarong pambansa na nagaganap para maghiyawan ang mga estudyante sa kani-kanilang pambato. Gayon din, masaya pa rin siya at nabigkas niya ang mga salitang iyon na puno ng damdamin na gustong isiwalat sa mga taong nagmamahal. Ngunit nang mapalingon siya sa dako nila Pier. Pumapalakpak din ito habang nakangiti na mababakas sa mga mata. Gayunpaman, hinahanap niya Cier kung saan ito nakaupo. Narinig niya ang boses nito kanina na sumisigaw na proud na proud sa kaniya. Hindi siya maaring magkamali, nandito ito para mapanood siya at pumunta ito para suportahan siya.

       "Napakaganda ng mensahe para sa inyong mga kabataan na nagsisimula pa lang sumibol. Gayon din, nakaka-relate kaming mga matatanda kasi totoong nangyayari iyan sa kasalukuyan. Well, well, maiba tayo. Handa na ba kayo? Makikilala na natin ang ating King of Hearts author?" 

     Dahil sa mga binigkas ng announcer tuluyang napuno ng sigawan, tilian, at tambol muli ang buong lugar. Kitang-kita ang kasiyahan, excitement at hindi makapaghintay na mga estudyante sa mga kaganapang mangyayari.

     "Miss Arial, where are you going?" Napatigil ito sa tangkang pag-alis dahil sa tanong ng announcer.

       Napaawang naman ang bibig niya ng tawagin siya ng tagapagsalita. Hindi niya alam kung ano pang kailangan nila sa kaniya bagamat tapos na siya sa pagpe-perform. Kaya naman mas dumoble ang kaba na nararamdaman sa dibdib. Hindi niya alam kung paano sasagot sa tanong nito.

      "Well, stay put ka lang diyan. So, students of KS University, handa na ba kayo!" baling nito sa mga estudyante at opisyal na nanonood.

        Dahil sa sinabi nito, pakiramdam niya tumigil ang mundo niya. Tanging ang kabog ng dibdib lang ang naririnig sa puntong iyon. Hindi niya alam kung bakit pinapahintay siya roon at bakit parang special siya sa lahat.

        "Let's welcome our Headmistress Kylie Latther and her two son's Pier and Cier Latther. Of course Mr. Bier Latther their Uncle." Masigabong palakpakan naman ang nag-uumapaw sa mga estudyante at kapwa opisyales sa puntong iyon. 

        Parang tumigil naman ang tibok ng dibdib niya. Hindi siya maaring magkamali. Pakiramdam niya may kumakalimbang sa tainga niya. Hindi siya makagalaw at nahihirapan siyang huminga. Gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat ng naririnig, pero, nang tuluyang tumayo ang mga ito patungo sa entablado. Gustong gumuho ng mundo niya. Hindi siya makapagsalita at mababakas ang nanlalaking mga mata sa mukha niya, parang nanghina rin ang mga tuhod niya. Gustuhin man na niyang tumakbo at gumising sa pagkakatulog, pero, totoo ang lahat ng nagaganap. Tuluyang tumayo ang lalaking naka-Lab gown kasama nila Pier, Kylie at Bier.

       "Welcome to our university, Mr. Cier Latther of Doctors University," 

        Parang siyang natuod sa naganap. Hindi siya makauma. Totoo at hindi panaginip ang mga nangyayari.

        "Hello, KS University. I am Cier Latther a younger brother of this man, Pier Latther—the King of Hearts author of yours. Nice meeting you all and to dearest students like us," mapang-akit nitong bigkas na pinong-pino ang tinig.

        Mas napuno nang tilian, hiyawan, sigawan at tambol na naman ang buong lugar. Samantalang siya nananatiling nakatulala sa lalaking naka-lab gown. Kasing tangkad din ito ni Pier at magkapariho ang buhok nila. Matangos din ang ilong nito at maninipis ang mga labi ang kaso medyo seryusuhin at mataray ang mga mata nito na animo'y matatakot kang kausapin. Pero, napakagawapo rin nito na sumabay sa kutis nitong animo'y na-ilublob sa glutathatione. 

      "Hi Babe," nakangiting bigkas ni Pier na siyang nagpatahimik sa lahat.

       Nananatili siyang nakatulala habang nakatingin kay Pier na nasa harapan na niya habang may hawak-hawak na mikropono. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Gustuhin man niyang magising, pero, talagang gising na gising siya. 

       "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Galit ka pa rin ba, Babe? Sorry, hindi kita nasundo. Alam mo naman, ito," malamyos na tinig nito sabay hain ng kanang kamay sa hangin na siyang ibig pakahulugan ay ang programang nagaganap.

        Patuloy naman siyang hindi makapaniwala sa mga nangyayari, talagang ito ang ang kausap niya. Kabisadong-kabisado na kasi niya ang pagiging seryoso ng tinig nito kaya hindi siya puwedeng magkamali.

        "Kriing! Kriing! Kriing," huni na nagbalik ng wisyo niya sa pagkakatulala.

        Nakakunot-noo siyang nakatingin kay Pier habang hawak ang telepono nitong nasa kaliwang tainga. Pero, agad napukaw ang atensyon niya nang makita ang biglang pagliwanag sa likod ng isang malaking screen. Kung saan nakikita niya ang lugar na pinanggalingan kanina. Nakatuktok ito sa sofa na iniwan niya kanina. Agad na lumapit rito si Jake at binuksan ang bag niya saka kinuha ang telepono niyang patuloy na nagpapatay-sindi ang ilaw—tanda na may tumatawag. Itinutok nito ang telepono sa camera at lumabas doon ang naka-Flash na Calling Babe. Dahil sa nakita mas nanlambot ang nga tuhod niya sa mga nasaksihan. Hindi siya makapaniwala sa nga nangyayari. Lalo na nang unti-unting nag-slow mo ang lahat. 

        Unti-unting pumunta ang kanang kamay ni Pier patungo sa kanang tainga. Dahan-dahan nitong tinanggal ang maskarang nakatakip sa bunganga. Lahat ng mga bagay na nagaganap sa harapan niya'y parang hindi niya kayang tanggapin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman na parang pakiramdam niya'y panaginip lang lahat. Ang lalaking inayawan, iniiwasan at kinainisan ay nasa harapan niya—ang tinaguriang King of Hearts author—kung saan binalewala niya—walang iba kundi ang nobyo na akala niyang si Cier ay si Pier Latther pala.

       Nang tuluyang matanggal ang maskara ni Pier doon na nagsimulang magtilian ang lahat at magsisigaw kasabay ng dagondong ng tambol sa kung saan. May mga nalalaglag din na mga red balloon sa entablado na pawang may mga pulang palawit na spring ang desenyo. Sa pakiramdam naman niya parang dalawa lang silang magkasama. Wala na siyang naririnig kundi ang mabilis na pintig ng dibdib. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng iyon sa kaniya.

         "Ang gawapo ni Pier, sana all. Nakakainggit siya. Ang suwerte naman ni girl." Nagtutumili at nagsisigawang tinig mula sa mga manonood na siyang pumukaw sa kaniyang pagkakatulala. 

         "Lagi ka na lang natutulala. Hindi mo bagay magmukhang makahiya. Bagay sa 'yo maging Aklat at kape ng buhay ko. Iyon bang Ikaw ang gagawin kong libro at itatago na may plastik cover para hindi masira tapos ako iyong mainit na kape na laging nakatimpla para naman habang binabasa ko iyong libro magkasama tayong dalawa," banat ni Pier na siyang nagpangiti sa kaniya.

      Kahit pinipigilan niyang mapangiti, pero, talagang naglulumabas ang hindi mapigil na paggalaw ng mga labi sa sinabi ng binata. May kung anong siglang nararamdaman ang puso niya sa mga itinuran nito. Naalala tuloy niya kung paano sila nagkakilala sa unang pagkakataon.

    "Kasing ganda ng mga ngiti mo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nahanap ko na ang mga letrang nawawala sa aklat na binubuo ko. Pero, ngayong nasa harapan ko na ang babaeng dahilan ng pagiging King of Hearts ko. Nandito ako para mahalin ka Forever—my elementary crush na gusto kong ligawan noon na nagawa ko na ngayon. Naririto na ang batang mula noon at hanggang ngayon kinainisan mo pa rin. Pero, hindi na ako matatakot ngayon, dahil araw-araw mo man akong kainisan. Mananataling pampa-inis ako sa 'yo para lagi mong maramdaman at laging kong maramdaman na hindi mo lang ako kinaiinisan kundi minamahal at pinapahalagahan mo na ang batang bansot noon. I love you, Miss Acxel Arial—soon to be Mrs. Latther," seryosong sabi nito at mabilis siyang hinalikan sa mga labi.

      Napaawang naman ang mga labi niya sa mga nangyari. Hindi niya expect na hahalikan siya ni Pier sa harapan ng maraming tao. Napuno ng gulat, kaba, kilig at saya ang puso niya. Hindi siya makapaniwalang gumagamit ito ng mga salitang nagpapalambot ng puso niya. Mga salita at pakiramdam na pawang ito lang ang kayang magbigay noon. Napuno naman ng sigawan at palakpakan ang lahat dahil sa itinuran nito. Gamit pa rin kasi nito ang mikropono. 

     "Malamang, hindi ka pa rin nagse-search ng tungkol sa akin kasi kinaiinisan mo pa rin ako. Kaya naman, sasabihin ko na lang. Alam mo ba kung bakit ako tinawag na King of Hearts? Dahil isa lang ang babaeng minahal ko mula ng elementary days ko hanggang ngayon? Ikaw ang dahilan kung bakit ko naisulat ang mga Kataga ng mga Salita kung saan ikaw ang bida ng aklat. Kung saan pinangalanan kung Kataga ng mga Salita ang Unibersidad na ito. Ikaw ang babaeng naging dahilan para matawag akong hari dahil wala ibang babae ang naglalaman ng isip ko kundi ikaw babaeng takot masaktan. Lagi kitang nakikita sa daan noong elementarya ako. Nadadaanan ko ang bahay ninyo kung saan binibiro ako ni Tita Percy na ligawan ang anak niya," mahaba at natatawang wika pa nito habang hawak ang baba niya.

      Kaya pala, nahalikan siya ng hindi namamalayan dahil sa nakahawak pala ito sa baba niya na bago lang napansin. Sobrang pagpapakilig din ang pinagsasabi nito kaya naman tanging paglunok na lang ang kaya niyang isagot sa mga ito. Kasabay pa ang nakakailang na ngiti nitong pamatay. Ngayong nakita na niya ang mukha ni Pier—animo'y lahat ng galit niya'y nawala ng parang bula. Batid na niyang totoo ang mga nagaganap at ito nga ang nobyo niya—hindi si Cier na iba sa mukhang minahal niya.

      "Ah—ikaw pala ang bata iyon? Hindi ko alam. Paano naman kasi lagi kang nirereto ni mama. E, bata pa kasi ako noon, pati hindi ko naman alam na ikaw pala iyan. Pati ang—"

      "Ang bansot ko noon tapos matabang monay na akala mo, unano. Kaya naman inis na inis ka," putol nitong sabi sa sasabihin niya bago humalakhak.

     "Hey Bro, take it easy. Tama na iyan. Pagpipiyestahan kayo ng Bubuyog," anang sabi ni Cier bago humalakhak. "By the way, Acxel, right? Welcome to our family. Pasensiya ka na ginamit pa ng lalaking 'yan ang pangalan ko. Hindi kasi alam kung paano manliligaw," pagpapatuloy pa nito bago humalakhak. 

      Naghalakhakan naman ang lahat sa narinig, maging ang mga professors ay nakitawa na rin. Mababakas ang kasiyahan sa buong paligid—animo'y nanonood lang ang mga ito ng teleserye sa telebisyon.

     "Bro, huwag mo naman ako pahiyain sa mga future in-laws ko at sa girlfriend ko," wika pa ni Pier bago humalakhak.

      Base sa character ng dalawa talagang may pagkapariho ito ng pag-uugali. Iyon nga lang kahit kambal ang mga ito, hindi sila magkamukha. 'Di hamak na mas angat ang kagawapuhan ni Pier dahil sa pagiging masayahin samantalang masungit naman ang datingan ni Cier. Dahil na rin sa in-laws term, hindi niya maiwasang napakunot-noo.

      "Congratulations, Anak," sigaw na nagpalingon sa kaniya sa ina na nakaupo pala sa gilid malapit sa entablado

     Doon niya napagtanto na tama ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi ni Pier. Kitang-kita niya ang nanlalawak na pag-angat ng  labi ng ina habang katabi ang ama. Gayon din, kumindat pa ang ama at nag-thumbs up sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasan na pamulahan ng mga pisngi. Natatakpan kasi ang mga ito banner na kulay pula na hindi niya alam kung sinadya o ano. Kaya naman hindi niya agad napansin na pumunta pala ang mga ito para manood sa kaniya. Bilang ganti, kumaway na lang siya sa mga ito habang nakangiti. Pero, nagulat na lang siya nang yakapin siya ni Pier mula sa likod niya.

     "Happy Valentine's day, Babe. I love you," malambing na sabi ni Pier sa kaniya.

     "I love you too, Babe," sagot niya habang nakayakap pa rin ang binata sa likod niya. 

     Dahil sa sinagot niya naghiyawan na naman ang lahat na huli na niyang mapansin na nasa malapit pala ng mga labi niya ang mikropono. Kasabay ang pagpalo niya rito ang pagsisimula muli ng mga dagondong mula sa tambol. Napuno rin ng hiyawan, sigawan at tilian ang buong gymansium.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top