II: Chain of Distress (Completed)
“Azunta!” hiyaw na tinig mula sa ‘di kalayuan.
“Oh, Keir, Kumusta, napadalaw ka ata?” Lingon niya sa dako nito.
“Azunta, kailangan na nating umalis,” nagmamadaling sabi nito na ngayo'y hinahatak na ang kamay.
“Ano bang nangyayari sa ‘yo, Keir? Okay ka lang ba? Mukhang nakasinghot ka ng mainit na hangin ah?” nakangiting banat niya, saka tinanggal ang pagkakahawak nito at nagpatuloy sa ginagawa.
“Azunta, hindi ako nagbibiro. Halika na, utang na loob, makinig ka sa akin.” Pilit pa rin siyang hinahatak. Naka-angkla ang kamay nito sa kaliwang braso upang siguraduhing hindi siya makakaalis.
“Naku, Keir, huwag mo nga ‘ko dinadamay sa kaka-ragby mo,” nai-iling na biro niya bago muling tinanggal ang mga kamay nito at dumampot ng basang damit sa planggana.
“Azunta, makinig ka sa ‘kin. Hindi ako nagbibiro. Umalis na tayo. Ayoko pang mamatay, nandiyan na sila,” natatarantang sabi nito habang palinga-linga sa likuran niya. “Please, tara na.”
“Keir, huminahon ka nga. Nakikita mo naman ‘di ba? Marami pa akong gagawin. Wala sila mama at kapatid ko ngayon, nasa pangasinan sila.”
“Azunta,” pag-apela nito na ngayon ay hawak naman ang kanang kamay niya; matapos lumipat ng puwesto.
“Keir—”
“Nandiyan na sila, Azunta!” putol nito sa pagtanggi niya.
Dahil sa sigaw ng kaibigan tuluyan siyang napalingon sa tinitingnan nito. Doon niya napagtanto ang mga nilalang mula sa ‘di kalayuan habang papalapit sa kanila.
May mga wangis itong dragon na naglalakihan ang umbok sa katawan; nagmumukha tuloy itong puputok sa sobrang laki. Nagtutulisan at nangungutim din ang mga ngipin nitong kulay dumihin, habang naglalaway ng kulay berdeng malapot.
Samantalang gaya naman sa manok ang mga paa nito na may nagtataliman at nag-i-itiman na mga kukong mahahaba. Ang mga kamay naman nito ay maihahalintulad sa mga normal na tao pero naroon pa rin ang wangis nitong gaya sa katawan.
Nakikita rin na sa bawat madaanan ng mga ito ay pawang sigawan, iyakan, takbuhan at pandidiri ang nananaig. Papalapit nang papalapit din ang mga ito na siyang ikinapagpanik niya.
May mga nagpupumiglas din na siyang nakikita na mas ikinagalit ng halimaw, kaya naman kanilang tinusok ang lalamunan ng biktima bago nginatngat hanggang sa tumilapon ang mga putol-putol na laman-leeg, maging ang gumugulong na ulo sa kung saan.
Nagsusumirit din ang dugo at laman-loob ng kawawang biktima habang patuloy na nginunguya ng halimaw ang iba pang bahagi ng katawan nito.
“Ano’ng klaseng nilalang ba ‘yan? Diyos ko po,” nagkandautal na wika niya habang hindi makapaniwala sa nakikita.
Nanginginig na siya sa halu-halong emosyon na nabubuo sa pagkatao, habang umaasang panaginip lang ang lahat at walang katotohanan ang mga nagaganap.
Papalapit nang papalapit ang mga ito habang patuloy din ang sigawan, takbuhan at walang sawang iyakan mula sa halu-halong emosyon ng mga tao sa paligid.
“Azunta, halika na. Utang na loob, umalis na tayo,” umiiyak na turan ni Kier habang pilit pa rin siyang hinahatak paalis.
Ngunit napatulala na lang siya at hindi makagalaw, bagamat naririnig ang pagmamakaawa ni Keir pero wala ang isip niya sa kaisipang kailangan niyang tumakbo. Tanging pangamba, pag-aalala at hindi maintindihang damdamin ang pilit nagsusumiksik sa kaniya.
“Azunta,” rinig niyang tawag nito sa nagmamakaawang himig, ngunit wala na siyang naiisip kundi ang bagay na iyon.
PAGOD NA pagod at hingal na hingal na si Kier habang kanina pa tumatakbo. Ramdam pa rin niya ang halu-halo emosyon na nagpapahina sa naglulumakas na pag-iisip.
Natatakot siyang mamatay, hindi pa siya handa, pero nang maiwan si Azunta sa bahay nito na ayaw niya sanang mangyari, pakiramdam niya may ilang boltahing kuryente ang nagpanginig at nagpangisay ng buo niyang pagkatao.
Habang papalapit nang papalapit ang mga ito, lalo naman dumo-doble ang kaba at takot niya, pero ang mas ikinagulat pa niya, ang makitang tumakbo si Azunta sa loob ng bahay sa hindi malamang kadahilanan.
Susundan niya sana ito para piliting sumama sa kaniya pero nawalan na siya ng pagkakataon nang makitang sumenyas ang isang nilalang sa kanan nito, na siyang ikinalingon naman ng nasa kanan sa bahay nila Azunta.
Dahan-dahan itong naglakad patungo sa likod bahay na siyang mas ikinapanghina niya pa. Natanawan din niyang may iba pang nilalang na patungo sa kinaroroonan niya. Kaya naman, hindi na siya nag-atubli pang tumakbo kahit muntik pa siyang sumubsob sa mga sanga at damong ligaw sa paligid. Labis ang pintig ng dibdib sa sobrang takot at pangambang maaabutan siya.
Takbo lang siya nang takbo nang bigla mapahinto dahil sa pagsakit ng sikmura. Napayuko pa siya sa sobrang kirot na nararamdaman; sumumpong na naman kasi ang asid sa sikmura niya, dahilan upang mangasim ang sikmura.
Dahil dito, mas nakapagpadagdag hina ito sa kaniya na siyang pakiramdam, anumang oras ay babagsak na. Ganoon pa man, pilit pa rin niyang nilalabanan ang masamang pakiramdam bago muling inihakbang ang mga paa, pero muntik lang siyang sumubsob ng subukan itong gawin.
Napahawak pa siya sa sikmura habang pilit nilalabanan ang kirot, pero nang tuluyang makabuwelo, agad niyang ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod habang humuhugot ng lakas.
Nakatulong naman ito upang maibsan ang pakiramdam ngunit nang handa na siyang magpatuloy, biglang gumulong ang ulo na puno ng pulang likido, dahilan upang mataranta at magsisigaw siya sa sobrang takot; nakalawit kasi ang laman-loob nito sa butas na bahagi kung saan sumakto pa sa kaliwang paa.
“Tangyna!” Nagtitili at nagmamadaling takbo niya habang ‘di alintana ang kirot ng sikmura.
Dala ng kakaibang takot at pangamba hindi na niya maramdaman ang katawan sa sarili. Hindi na rin nalalaman kung saang lumapalop na siya ng gubat napadpad. Palibhasa at nasa bulu-bundukin sila ng Sierra Madre sa Cagayan, tanging ang mga nagtataasan at nagtatandaang puno ang makikita sa kapaligiran.
Sa patuloy na pagtakbo wala siyang ibang naririnig kundi ang naglulumakas na pintig ng dibdib; animo’y nagkakarerahan sa pagtibok, maging ang isip niya’y wala ng nais gawin kundi makatakas sa kung sinuman at anumang bagay.
Patuloy siya sa pagsigaw nang biglang bumulusok paibaba, maging ang dibdib niya’y animo’y nawala sa sariling katawan sa sobrang pagkagitla. “Putangyna,” malutong niyang mura.
Ngunit, nang maramdamang hindi na siya bumubulusok pa, dahan-dahang idinilat ang mata, doon natagpuan ang sariling nakakapit sa matibay na ugat ng puno habang ang kaliwa naman ay nasa damong ma-ugat.
“Pagminamalas ka nga naman. Buwisit na ulo ‘yon, nasa bangin pa ata ako,” nanggagalaiti niyang bigkas sa sarili habang kinakapos pa rin ng hininga sa sobrang kaba at takot.
Nang subukang dahan-dahang suriin ang pinagtutuntungan, agad niyang naramdamang isa iyong matigas na nakausling bato; sapat sa mga paa. Kaya naman, kahit pa-paano nakahinga siya ng maayos pero nagulat na lang siya nang biglang mapigtas ang hawak na damong ugat sa kaliwang kamay.
“Shit!” paulit-ulit niyang malulutong na mura dahil sa pagkawala muli sa sariling paghinga.
Gayon din, mas hinigpitan pa niya ang kapit sa ugat na nasa kanang kamay bago muling kumapa ng makakapitan sa maiangat na paraan.
Sa awa rin ng poong Maykapal may bigla siyang nahawakang katamtamang ugat ng puno na sapat upang makakapit ang kaliwang kamay, dahil dito nakahinga ulit siya ng normal pero dala ng kuryusidad agad niyang sinilip ang ibabang bahagi.
Doon niya napagtantong nasa bangin nga talaga siya, at kitang-kita sa ibaba ang mga nilalang na kauri ng humahabol sa kaniya. Nakatunghay ang mga ito sa kaniya na animo'y hinihintay lang siyang mahulog, ni wala man lang pakialam ang mga ito para kuhanin siya. Mukhang naniniwala ang mga itong susuko rin siya at mapapasakamay rin nila.
“Hindi puwede ‘to. Kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis dito,” pursigidong aniya sa sarili habang nag-iisip ng paraan.
Iniangat niya ang tingin sa magkabilang gilid hanggang matanawan ang isang daan patungo sa nagtataasan at naglalakihang mga puno, ngunit tanging ang lubid na baging lang ang puwedeng maapakan para makalipat sa kabilang dako.
Hindi pa nga niya sigurado kung puwede pa bang apakan o matibay pa ba ang baging na iyon. Kaya naman nanatili na muna siya sa posisyon habang nag-iisip ng tamang gagawin. Pagod na pagod na siya, maging isip niya’y sumusuko na rin. Idagdag pa ang hingal, uhaw at kirot sa sikmura na nararamdaman na ulit. Hindi na niya kaya pang tumakas sa pagkakataong iyon.
NANG MAPANSIN ni Azunta na papalapit na nang papalapit ang mga nilalang sa kanila, agad siyang nagtatakbo papasok ng bahay kahit pa rinig na rinig niya ang nagmamakaawang sigaw ni Kier.
Patuloy pa rin nitong binibigkas ang pangalan niya kahit pa nasa loob na siya ng tirahan. Gayunpaman, kahit anong sabihin nito bingi na siya para unawain pa ito dahil mas importante sa kaniya ang pangakong binitiwan sa kapatid.
Hindi man niya alam kung bakit ibinigay sa kaniya ang pangangalaga niyon, pero tutuparin pa rin niya ang pangakong iyon kahit pa magsakripisyo ng sariling buhay. Ito man ang huling pagkakataon niya, wala naman siyang pagsisisihan dahil inilaban niya ang sinumpaan pangako.
Pagkapasok sa sala agad siyang tumakbo sa kanang silid at nagsimulang maghalughog ng mga kagamitan.
“Tangyna! Nasaan na ba ‘yon? Tangyna naman!” nagmamadali niyang halughog.
Nagkandabasag na ang mga frame na nakasabit, maging ang mga unan, upuan, kumot, mga damit, banig at ang mga aparador ay nakabukas ng lahat; animo'y binagyo ang itsura nito dahil sa pagwawala niya.
“Makisama ka naman! Saan ko na ba inilagay ‘yon? Bakit hindi ko maalala. Puta talaga! Hindi puwedeng mawala ‘yon," nanggigil na saad niya, habang nakahawak sa ulong paikot-ikot sa magkabilang gilid ng kama.
Samantala, nang makarating ang nilalang sa likod bahay, agad siyang pumasok sa pintuang nakabukas. Bumungad sa kaniya ang magulong kusina na parang may handaang naganap dahil sa gulo ng mga gamit sa lamesa, maging sa lalabo na maraming hugasin.
Inobserbahan muna niya ang paligid bago dahan-dahang naglakad. Sa patuloy na pagmamasid, agad niyang napansin ang isang pintuang nganganinag na nakaawang. Tahimik siyang lumapit dito at tuluyang binuksan ang pinto. Gumawa pa ito ng mahinang langitngit nang tuluyang mabuksan.
Bumungad sa kaniya ang malawak at medyo magulong sala. Pinakinggan nang maigi ang paligid pero tanging katahimikan lang ang nananaig. Ganoon pa man, patuloy pa rin siya sa pag-obserba hanggang mapansin ang nakapinid na kahoy na bintana sa kanang kuwarto.
May naaaninag siyang gumagalaw sa dakong iyon na siyang nagbigay kuryusidad sa kaniya. Dahan-dahan at puno ng pag-iingat siyang naglakad patungo rito; iniiwasang makagawa ng ingay habang papalit sa pinto.
“Buwisit! Saan na ba kasi ‘yon? Buwisit talaga!” anang sabi ni Azunta habang patuloy kinakamot at ginugulo ang buhok sa sobrang pagkairita.
Halos dumugo na ang ulo nito sa sobrang diin ng pagkakamot, nagkandasabog-sabog na rin ang buhok nito sa sobrang gigil. Napapapikit at napapahingang malalim pa ito habang patuloy pinapakalma ang sarili upang makapag-isip ng maayo.
Samantala, nang nasa tapat na ng pintuan ang nilalang agad niyang binuksan ang pinto, tumambad sa kaniya ang magulong at nagkalat na mga gamit, animo’y na-raid ng mga tauhan ng gobyerno.
“Nasaan na ba kasi ‘yon? Nandito lang ‘yon kanina, e,” mahinahon at pilit nilalabanan ni Azunta ang inis pero talagang wala pa rin ang hinahanap.
Napapatulala at napapapikit pa rin siya dahil sa sobrang pagkabagot. Nawawalan na rin siya ng pag-asang mahahanap pa iyon. Halu-halo na rin kasi ang emosyong nararamdaman habang nakatayong inaalala kung saan ba niya nakita ang bagay na iyon.
Tinatakasan na rin siya ng lakas ng loob para lumaban kung hindi pa niya ito mahahanap, lalo pa't rinig na rinig niya ang ingay, sigawan, takbuhan at hagulgulan sa tapat ng nakasaradong bintana ng kuwarto. Palibhasa at naka-kontra ingay ang buong kabahayan kaya walang maririnig sa kung ano.
Samantala, habang nag-oobserba ang nilalang sa buong silid napansin niya ang isang nakaipit na puting tela sa kaliwang sulok ng silid. Dahan-dahan siyang lumapit dito at tumambad sa kaniya ang isa pang pintuan.
“Nasaan na ba kasi ‘yon? Buwisit talaga!” bulong muli ni Azunta nang mahimasmasan.
Inililibot pa rin ang tingin ang buong silid hanggang madako ang paningin sa puting damit na may manggas na nakasabit sa tabi ng pintuan; ang paboritong niyang damit na regalo ng nakababatang kapatid.
Napansin niyang nakaipit ang ibabang laylayan nito sa pinto kung saan hinihikayat siyang lapitan at tanggalin sa pagkakaipit. Masakit kasi para sa kaniyang makita sa ganoong kalagayan ang mga gamit niya lalo pa’t may pagkama-sentimental value siya sa mga ito, kaya naman agad siyang lumapit dito.
Samantala, ang nilalang naman sa kabilang pinto ay naghahandang buksan ang pinto. Nang tuluyang mabuksan tumambad sa kaniya ang magulo rin na silid gaya ng sa nauna, mas doble pa nga ang gulo ng mga ito na sadyang nagpahirap para sa kaniyang makadaan nang hindi gumagawa ng ingay.
“Nahanap rin kita. Nandito ka lang pala, pinahirapan mo pa ako,” ngiting tagumpay na sabi ni Azunta habang hawak ang kulay pulang talim.
Lalapitan na sana niya ang damit na nakaipit sa pintong nagkukunekta sa pagitan ng silid nilang magkapatid nang maalala ang hinahanap. Kaya naman, nagmadali siyang nagpunta sa sala upang siguraduhing naroon pa nga ito. Nakita niya itong nasa lamesa habang natatakpan ng kulay itim na lalagyanan.
Sa labis na tuwa, napapikit at napayakap siya sa patalim nang mahawakan ito pero noong maalala si Keir, agad siyang natauhan at naghanda ng umalis.
Kaya lang paglingon niya, nagulatang siya nang matanawan ang nilalang na nakatayo sa pintuan ng silid na nakapinid, mukhang base sa itsura nito kanina pa ito nakatingin sa kaniya.
“Huwag kang lalapit! Diyan ka lang!” nanginginig na turan niya habang unti-unting umaatras.
Sa sobrang taranta naitutok pa niya ang patalim na may itim na lalagyanan pa. Kaya naman agad niya itong tinanggal bago itinutok muli sa nilalang.
“Huwag kang lalapit, papatayin kita,” nanginginig at nauutal pa rin niyang sabi habang patuloy pa rin sa pag-atras pero, laking gulat niya ng mabilisan itong lumapit sa kaniya. “Huwag!” nagtitili niyang bigkas.
Mabuti na lang at mabilis siyang nakaiwas kaya iba ang nayakap nito, ngunit halu-halo na ang emosyong nararamdaman; takot, pangamba, at mga emosyong unti-unting nabubuhay sa pagkatao sa 'di malamang kadahilanan, pero nang makabawi sa pagkagulat agad siyang tumakbo papalabas ng bahay, ngunit agad din siyang napaatras nang matanawan ang isang kauri ng tinatakasan.
Nasa labas ito habang kinakain ang dalawang taong nasa labas. Parihong nginangatngat ang leeg ng mga kawawang biktima habang nagtatalsikan ang mga laman-loob, pulang likido at mga parte ng katawan nitong naglalaglagan at nagkakalat sa paanan.
Gusto niyang masuka sa pagkakataong iyon, para kasing babaliktad ang sikmura sa mga nakikitang hindi kaaya-aya. Gusto niyang maglabas ng tubig mula sa sikmura pero nang maalala ang nilalang na tinatakbuhan, agad siyang tumalikod papuntang likod bahay pero impit na tili na lang ang nagawa niya nang maramdamang bumangga siya sa nilalang na nasa likuran.
Nakahawak ang kanang kamay nito sa bunganga niyang nakatikom habang nakahawak sa sikmura niya ang kaliwang kamay nito. Hindi niya alam pero tanging pag-ungol lang ang kaya niyang gawin para umapela.
May mga damdamin din na pilit nagsusumiksik sa kaloob-looban niya. Mga emosyong pilit niyang nilalabanan dahil sa mga masasakit na alaala pero ngayong nasa harapan na niya ito pakiramdam niya wala na siyang takas pa, ngunit ang ikinagulat niya nang tumama sa tagiliran niya ang isang matulis at katamtaman talim na hindi niya napansin.
“Ahh, Bakit?” nagugulumihanang aniya habang iniinda ang tama. Tuluyang siyang napayuko habang hawak ang tagilirang patuloy naglalabas ng masaganang pulang likido.
“Bakit, Shier? Bakit mo ‘to ginagawa?” bigkas niya bago sumubsob sa sofa na katapat. Napatiyaya pa siya habang nakahawak sa tagiliran. Pilit niyang pinipigilan ang paglabas ng mas maraming pang likido mula rito.
“Mabuti at kilala mo pa pala ko. Mas mainam nga para malaman at makita mo kung paano kita patayin, Azunta,” magordo at mautoridad na bigkas nito na parang nanggagaling sa malalim na hukay ng impiyerno.
“Binigyan ka ng pagkakataong mabuhay pero anong ginagawa mo? Mas pinili mong gumawa muli ng mali. Iyan ba ang magpapasaya sa ‘yo, Shier? Ang isisi sa iba ang mga bagay na hindi mo kayang baguhin?” makahulugang sabi niya habang nauutal na nakatitig sa binatang unti-unti ng bumabalik sa dating anyo.
Nakilala niya ito kanina base sa kakaibang pakiramdam na tanging ito lang ang nagbibigay. Wala rin ibang lalaking umaaligid sa kaniya mula pa noon kaya kilala niya ang damdaming umuusbong mula ng yakapin siya nito.
Gayon din, tuluyan na itong bumalik sa dating anyo na siyang nagpakumpirma ng hinala niya. Ang kaibahan lang ay nakasuot ito ng kulay itim na damit na hanggang talampakan ang haba habang nakaupong naka-dekuwatro sa sopa na nasa gitna maliban sa inuupuan niya.
“Tumahimik ka! Sinabi ko sa isip ko kanina. Hindi kita tatantanan kaya tumakbo ka hangga’t may lupa pero anong ginawa mo? Hindi ka tumakbo. Nanood ka sa mga nilalang diyan sa labas na pawang imahinasyon mo lang. Lahat ng iyon inuna mo kaysa tumakbo sa lupang tinatapakan mo. Ngayon, paano ka pa tatakbo kung mamamatay ka na sa harapan ko?” nakakatakot at puno ng kaseryosuhang sabi nito na halos ikatakip ng tainga niya sa sobrang galit.
“Tama na, Shier. Maawa ka sarili mo. Huwag mong hayaang kainin ka ng galit sa puso mo. Tanggapin mo na ang katotohanan, Shier. Palayain muna ang sarili mo, dahil kahit kailan hindi kayang ipilit sa isang tao na mahalin ang taong ayaw niya. Hindi mo kayang baguhin ang tibok ng puso ng tao kahit buhay pa nito ang kapalit,” makahulugan at nauutal na bigkas niya habang napapakagat-labi sa kirot ng tagiliran.
Hinang-hina na siya dahil sa malalim na pagkakasaksak sa kaniya, ramdam niya ang kirot ng laman-loob at hindi na rin niya kaya pang lumaban dahil sa sobrang daming likido ang patuloy na kumakawala sa kaniya; wala na rin siyang lakas para makipagtalo pa.
“Tumigil ka, Azunta!” hiyaw ni Shier bago ibinato sa kaniya ang hawak nitong punyal na tumamapuso niya; ito pala ang punyal na hawak niya kanina.
Dahil sa nag-uumapaw na kaganapan tuluyang nawala sa isip niya ang bagay na iyon, kaya hindi niya namalayang ito na pala ang ginamit nitong panaksak sa tagiliran niya.
“Shier, tama na,” pagmamakaawa niya habang naglalabasan ang pulang likido mula sa bunganga. Hindi na siya makahinga, wala na siyang masabi, patuloy rin ang kaniyang panghihina dahil sa dalawang tamang natamo. Sabayan pa ng paninikip ng dibdib dahil sa sobrang daming emosyong nararamdaman.
Dahil na rin sa samu't saring isipin na nagpapahigpit ng tibok ng puso niya, hindi na niya alam kung anong gagawin, napapagod na siya, hindi niya akalain na sobrang lalim pala talaga ng galit nito para saktan siya sa ganitong paraan.
“Masyado kang mahina, Azunta! Binigyan kita ng pagkakataon upang tumakbo pero naging mahina ka, tapos ngayon didiktahan mo ako sa tama at mali? Ni hindi mo nga magawang maitama ang pagkakamali mong hindi ako mahalin, tapos gusto mo sundin kita? Masyado kang nagpapatawa,” nang-uuyam nitong ngisi nang makalapit sa kaniya.
“Huwag, maawa ka, Shier. Tama na,” nagkadautal na tugon niya habang patuloy na naglalabasan ang pulang likido sa bunganga at sa buong katawan; dahilan upang maligo sa sariling dugo.
Isang matinis na sigaw ang bumalahaw sa kaniya pagkatapos na tuluyang hugutin nito ang talim inaambang huhugutin. Sobrang sakit at kirot ng nararamdaman niya, napakawalang puso nito para gawin ang karumal-dumal na gawaing iyon.
“Magsasama tayo hanggang kamatayan, Azunta,” anito bago isinaksak sa puso ang pulang talim.
Kahit nanghihina siya kitang-kita niya ang ginawa ng binata. Wala siyang nagawa para pigilan ito, hanggang sa huling buhay nito pinili pa rin maging masama at gumawa ng mali. Hanggang sa huling tibok ng puso niya bigo pa rin siya para baguhin ang desisyon ng binatang magpakamatay dahil sa kaniya.
HINANG-HINA na si Kier habang nasa posisyong iyon. Hindi na alam kung hanggang kailan pa niya kakayanin ang lahat. Napapagod na siya, pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya. Samu't saring emosyon na rin kasi ang patuloy na nagpapahina sa kaniya. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya, pero nagulat na lang siya nang maramdaman ang pagtapak sa kanang kamay niya kung saan humuhugot siya ng lakas.
“Putangyna! Hayop! Umalis ka!” malulutong na hiyaw niya habang sinisigawan ang may kung sinong tumatapak doon.
Nanghihina na siya pero mas ikinapanghina niya ang pagtapak sa kanang kamay niya. Pilit niyang inaaninag kung sino ang nilalang na iyon pero mukhang pati langit hindi sumasang-ayon sa kaniya.
Base sa liwanag ng sikat ng araw, maging ang nananalaytay na kirot sa balat niya alam niyang tanghaling tapat na, kaya kahit anong pilit niyang aninagin ang kung sinuman sa dakong iyon, pilit tumatama sa kaniyang mukha ang liwanag na mas nakapagbibigay hilo sa kaniya.
“Putangyna naman! Tama na!” paulit-ulit niyang hiyaw nang matinding tapakan muli ng Kung sinuman ang kamay niyang manhid na manhid na.
“Hanggang ngayon, matapang ka pa rin. Alam mo bang mas ginagalit mo ako sa pagiging matapang mo?” tinig mula sa nilalang na umaapak sa kamay niya.
Kakaiba ang boses nito, puno ng sama ng loob at paghihiganti, para itong nanggagaling sa ilalim ng lupa na sobrang nakakapanindig balahibong mapapakinggan. Malamig din ang pakikitungo nito na kung saan nararamdaman niyang may bumubulong ss kaniyang pandinig.
Gayunpaman, kahit nanghihina, pinipilit pa rin niyang lumaban sa pamamagitan ng pagpapakitang matatag siya at hindi susuko. Bagamat masakit na ang kanang kamay, mas hinigpitan pa niya lalo ang pagkapit doon, sapagkat ito na lang ang tanging pag-asa niya para mabuhay.
“Bilib din ako sa tapang mo. Kahit kailan hindi ka naging mahina sa paningin ko, at iyon ang ikinagagalit ko. Naaalala mo pa ba ang sinabi mo noon? Hindi kita tatantanan kaya tumakbo hangga’t may lupa, tama ba?” nang-uuyam na tinig nito sa kaniya na siyang nakapagpalaki ng mga mata niya.
Hindi siya maaring magkamali, “Ashred?” kumawalang pangalan mula sa ibibig niya kahit hinang-hina sa sobrang uhaw, init, pagod, kirot at pamamanhid ng buong katawan.
“Mabuti at natatandaan mo pa nga ‘ko. Paano ba ‘yan, paano ka pa tatakbo kung wala ng lupa sa tinatapakan mo?” wika ng binata bago humalakhak.
Kasabay ang unti-unti nitong pagbabagong anyo, mula halimaw hanggang maging normal na nilalang na may suot na itim na damit na hanggang talampakan.
“Ashred, ikaw nga, masaya ko at nakita kitang muli,” mapait niyang ngiti matapos tuluyan itong masilayan. Tuluyan ng nakisama ang langit sa kaniya.
Oo, masaya siyang makausap muli ito pero mapait ang kaniyang ngiti dahil sa kirot, hapdi at masaklap na kinahantungan ng pagmamahal niya para dito. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapasaya ito kahit pa ang kapalit nito’y masaktan siya.
Kasalanan niya ang lahat kung bakit namuo ang galit sa puso nito, siya ang pumatay rito noong magpapakasal sana ito kay Azunta. Ang babaeng naging kaibigan at kapatid na niya; ang trinaydor niya para sa pagmamahal ng lalaking kaharap.
“Tumigil ka! Dahil ako, hindi masayang makita ka. Pumunta ‘ko rito hindi para magsaya kundi ang patayin ka!” hiyaw ni Ashred bago tumayong muli at apakan nang mas matindi ang kanang kamay niya.
“Patawarin mo ako,” nanghihina niyang sabi pero sapat iyon para marinig ng binata.
“Tumigil ka! Papatayin kita ngayon. Huwag ka ng humingi ng tawad sa akin, hindi ko kailangan ‘yan!" nagpupuyos sa galit na turan nito bago bumuwelong muli upang bigyan siya ng mas matindi pang puwersang pagtapak sa kanang kamay.
“Ahh!” hiyaw niyang halos mapatid ang tinig, pero pilit pa rin kinakaya ang sakit at ang samu’t saring emosyong nabubuo sa isip at damdamin.
Kung gusto nitong makita siyang nahihirapan ibibigay niya, para sa ikalalaya nito sa nakaraan. Si Azunta ang mahal nito, ang gustong pakasalan pero dahil sa kasakiman niya, pinatay niya ito sa pagbabaka sakaling sila ang magkatuluyan sa huli. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nang araw na patayin niya ang binata, siyang araw rin ng pagpapakamatay niya, pero dahil kay Azunta nabuhay siya at naidala sa pagamutan bago pa mawalan ng hininga.
Sa araw rin na iyon nagsimulang mapagtanto niyang mali siya, na mali ang mga ginawa niyang hakbang para sa pagmamahal, na hindi dapat siya nagpadaig sa nararamdaman at hindi sana siya naging masamang tao.
Gayon pa man, alam niyang ang lahat ng mga nakitang halimaw ay pawang kathang-isip lang pero sa abot ng makakaya pilit at gusto pa rin niyang iligtas ang kaibigan. Ang kaso natakot siya, natakot siya sa mga nilalang na walang pinagkaiba sa kaniyang mamamatay tao. Kaya sa ayaw at gusto niya, iniwan niya si Azunta at ngayong nasa harapan na niya ang lalaking walang ibang minahal sa loob ng walong taon. Gusto niyang baguhin ang lahat, gusto niyang itama ang lahat at gusto niyang pagsisihan ang lahat para sa ikapagbabago ng nakaraan.
“Tumigil ka! Itigil mo ‘yan!” nagbabantang hiyaw ni Ashred na puno ng pagka-disgusto.
“Paalam, patawad,” mapait na ngiting saad niya bago bumitiw sa pagkakahawak sa ugat.
“Hindi!” hiyaw ni Ashred nang makita unti-unting bumubulusok paibaba ang dalaga.
Hindi namalayan ng binata ang unti-unting pagtulo ng mga luha. Oo, galit siya at gusto niya itong patayin pero nang mabasa niya ang lahat ng nasa isip nito, nagbago ang isip niya, pero huli na, mas pinili nitong ipakitang nagsisisi sa lahat ng pagkakamaling nagawa.
Sinakripisyo nito ang sarili para sa kaniya, hanggang sa huling pagkikita nila, pinili pa rin nitong protektahan siya sa pagiging masama. Ang babaeng sobra siyang minahal hanggang sa huling tibok ng puso nito.
Kaya naman, dahil hindi siya gumamit ng dahas sa pananakit sa dalaga, tuluyang nawalan ng bisa ang pakikipagkontrata niya sa dilim para makapaghiganti. Unti-unti siyang nagiging abo at tuluyang dinala ng hangin paitaas hanggang sa tanging butil ng luha na lang ang naiwan sa dakong iyon.
“Ahh!” umi-echo na tinig ni Nicah habang nasa kama.
Agad naman nagtakbuhan ang mag-asawa mula sa kusina nang marinig ang tili ng anak.
“Nicah! Gising! Gising!” wika ni Carolina sa anak na patuloy pa rin na lumuluhang nakapikit.
Mas lalo tuloy nataranta ang mag-asawa nang makitang umiiyak ang unica iha nila.
“Anak! Gising,” segunda naman ni Alberto habang niyuyugyog ang anak.
Napaiyak naman sa pagkataranta si Carolina nang hindi pa rin ito magising.
“Ahh!” matinis na hiyaw muli ni Nicah nang tuluyang matauhan.
Agad naman dinaluhan ni Carolina ang anak nang makitang gising na ito. “Anak, anong nangyayari?” sabay yakap nito rito.
“Ma, Pa, sino po si Azunta at Keir?” salitang nagpagulantang sa mag-asawa, higit kay Carolina.
“Anak, saan mo naman narinig ‘yan?” natatawang pilit na anas ni Alberto na kababakasan ng pag-aalala.
“Hayaan mo siya, Alberto. Nicah, anong napanaginipan mo?” pursigidong wika ni Carolina sa anak.
Napalingon naman si Alberto sa biglang pagpigil ni Carolina, pero dahil gusto ng malaman ng asawa ang totoo hinayaan na lang niya ito para na rin sa ikakapanatag nito ng kalooban. At doon din nga ikinuwento ng batang si Nicah ang lahat na nagpaiyak kay Carolina.
Apatnapu’t limang taon niyang hinintay ang pagkakataong malaman ang nangyari sa kapatid pero kahit kailan hindi ikinuwento ng kanilang mga magulang ang nangyari hanggang sa mamatay na lang ang mga ito, kasama ang albularyong nakakaalam ng lahat.
“Masaklap pala ang nangyari sa apat na iyon,” puna ni Alberto habang matamang nakikinig sa kuwento kani-kanina lang.
Kahit puno ng luha si Carolina agad itong tumayo at binuksan ang silid na matagal na panahon na rin na nakapinid. Tumagal lang ito ng ilang minuto sa loob at pagbalik sa mag-ama dala na nito ang isang picture frame.
Naroon ang dalawang lalaking sina Shier at Ashred na nasa magkabilang gilid; may parihong singkit na mga mata, matangos na ilong, may maninipis na labi habang magulo ang mga buhok na mukhang nasa edad labing siyam na taong gulang. Pariho rin itong may suot na eyeglasses sa mata na bumagay sa pantay na puti at kayumanggi nitong balat.
Gayon din, katabi ni Shier si Azunta na may bilugang mga mata habang hugis manika ang makinis nitong mukha. May matangos din itong ilong at medyo makapal na labi na bumagay sa maputi nitong balat. Samantalang katabi naman ni Ashred si Keir na may naglalakihang mata na bumagay sa hugis puso nitong mukha habang may maninipis na labi at medyo matangos na ilong ngunit kulay kayumanggi naman ito.
“Magaganda at gawapo naman po sila, Ma, pero talagang hindi naging maganda ang kinalabasan ng pag-iibigan nilang apat. Pari-parihong naging masaklap ang kinahantungan,” madamdaming sabi ni Nicah na sa murang edad naunawaan ang lahat.
“Ganoon talaga ang buhay, Anak. Hindi lahat ng magagandang kapalaran mapupunta sa tao, dahil minsan kailangan nating tanggapin ang masamang kapalarang maari nating mararanasan sa kasalukuyan,” makahulugan singit naman ni Alberto sa usapan ng mag-ina.
“Ma, bakit po pala magkamukha sina Tito Shier at Ashred,” biglaang tanong ni Nicah na siyang lingon din ni Alberto sa asawa. Noon lang din kasi napag-usapan ang ukol sa usaping iyon.
“Magpinsan silang dalawa,” walang pa-sintabing sabi ni Carolina habang nakatitig sa litratong hawak pa rin.
Sinilip lang kasi ito ng mag-ama kaya nananatiling nasa kamay pa rin ni Carolina.
“Ngek! Akala ko po magkapatid sila, Ma?” Hindi makapaniwalang ngiwi ni Nicah habang nag-iisip.
“Kambal ang mga tatay nila,” pagkumpirmang sagot ni Carolina.
“Kaya pala, hindi naman kasi imposibleng maging magkamukha sila kahit pa magkaiba ang ina kung malalakas ang dugo ng mga tatay nila. Oh siya, kumain na nga lang muna tayo,” sang-ayon at aya ni Alberto upang malihis ang usapan.
“Oo, sige, mauna na kayo, nga pala, kaarawan nga pala ni Ate Azunta bukas kaya siguro nagparamdam siya sa ‘yo, anak,” masayang wika ni Carolina bago tumayo dala-dala ang litrato.
“Talaga po? Kaya pala,” nakangiting sang-ayon din ni Nicah bago tumayo sa higaan.
“Oh siya, Nicah, kumain na tayo at baka lumamig pa ang pagkain. Ma?” Lingon ni Alberto sa asawa.
Inaantay nito ang anak na makatayo sa kama.
“Sige, susunod na ako. Ibabalik ko lang 'to,” abot taingang ngiting sabi ni Carolina.
Hindi siya makapaniwalang nalaman din niya ang kuwento sa likod ng pagkamatay ng kapatid ganoon din ang tatlong kaibigan nito; na siyang masaklap man ang sinapit alam niyang ay natutunan ang bawat isa at ang mga taong maaring nakaalam ng totoong nangyari sa kanila.
Samantala, nauna ng lumabas ang mag-ama patungo sa kusina habang naiwan naman ni Carolina na nasa loob ng silid upang ibalik ang hawak na litrato sa lumang aparador bago tuluyang lumabas ng silid at muli itong isinara. Simula kasi ng mamatay ang mga magulang hindi na ito kailanman nabuksan pa dahil sa ayaw na itong pag-usapan pa.
Wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top