I
It's been 4 months since the last time I saw him and talagang nami-miss ko siya.. Pero what I can do? It seems that I still loved that WRONG person pa.. and still the pain keeps on hurting me and kung walang magbibigay ng gamot para dito sa nararamdaman ko, baka MAMATAY na ako.
To give you a background about my life before, everything seems to be fine except doon sa time na dumating sa buhay ko yung hinayupak na lalaki na yun. Haha. Kidding aside. Kung curious kayo about dun sa guy, classmate ko siya nung highschool. PARE pa nga tawagan namin e. (O 'di ba ang sweet?). Hindi na ako iba sa kanya at ganoon din siya sa akin. Kung hindi nga lang ako naging babae kasi madalas akong nasa bahay nila baka lahat na ng gawaing pangbrusko e pinagawa na nun sa akin! Pero syempre mukha pa din naman akong babae 'no?! HAHAHAHA.
Highschool syempre may prom.. Wala siyang date, wala rin ako. I know that he wanted to invite me to be his date pero kasi ogag nga nun dahil last minute na saka lang nag ask, buti na lang hindi pa ako nakakahanap ng ka-date. CHAAAAR! (Eh hindi naman talaga ako naghanap. HAHAHAHAHA. Kasi sila ang naghahanap sa akin!)
He went to our house.. Nakamotor pa siya and medyo pawisan na nung dumating pero infairness.. MABANGO pa din. Hehe!
He asked my permission to see my dress for the prom, syempre para maloka siya sa akin at may konting surprise.. I REFUSE. O sige na nga! Medyo na frustrate siya sa ginawa ko pero hindi naman naging hadlang yun para i-invite niya ako. Sa ganda ko na 'to.. HAHAHAHA. Yun na nga tinanong niya ako kung may date na ba ako e kung di ba naman abnormal ano? Papayag ba akong makipag date sa iba e siya lang ang GUSTO ko? 'lam mo yun.. Sarap sampalin.. ng YAKAP! (Landi langs) so in short, papapilit pa ba ako?
The night of my life came, I was so PRETTY sabi ng nang uuto kong nanay pero naniwala lang ako nung siya na ang nagsabi. BLUSH ako ever.. Hihihi! Kahit alam kong maganda na ako since birth (Hahaha!) iba pa rin yung sa kanya galing 'di ba?!
We enjoyed the night and dito ko na prove sa sarili ko na mahal ko na pala talaga ang hinayupak na bestfriend ko..
Syempre ano pa ba ang susunod na event after ng prom kundi ang graduation 'di ba?
The night before the graduation, we talked on the phone na para 'bang it would be the last time na maririnig namin ang boses ang isa't isa. I've waited for the moment na mabanggit niya na may feeling din siya and hindi naman ako nagkamali.. Tinanong niya ako kung may possibility na maging kami.. I know na maiinis kayo sa sagot ko: "Ah. Eh.. hindi pwede kasi bestfriends tayo di ba? Yung mga anak na lang natin yung ipag-partner natin sa future.." Sa isip isip ko, ANG TANGA! Taaakte. Yun na eh. Yun na yun! Paano ko nasabi ang ganung words?! Pero wala na.. Alangang bawiin ko pa yun e di nahuli naman ako di ba?! Pero ang tanga ko talaga.. After ng telephone conversation at graduation, nawalan na ako ng balita sa kanya.
At siya? Hindi ko alam kung naaalala pa ba niya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top