II

'Interested or not?'
-----

"Okay Class! Good Morning, your now excused for your surveys. Kindly be with your choosen partners immediately and simulan niyo na yan" inform ni Sir Park na halatang wala naman sa moo- teka CHOOSEN PARTNERS?

"Uhm tanya,ano yung sinasabi ni sir?" tanong ko sa H.R Pres

"Ay oo nga pala, absent ka kahapon diba?" Umoo nalang ako

"Tanongin mo nalang kay sir kung sino yung ka-partner mo. Ghe! Bye!" Kaway niya sakin habang paalis..

... nag tanong pa ako noh?

Napansin ko naman si grey na nasa gilid nakatingin sakin, parang bad trip. OH ANO GRAY? MUKHA BA AKONG PUNCHING BAG PARA PAGBUHUSAN MO NANG GALIT???? yung feeling na any second susugurin ka niya tapos papatayin?

Panira ng araw. HAYST.

"What?" sabi niya. AVA MATINDIII english.

"Anong what? Eh ikaw tong nakatitig"

"Eh nakatitig ka rin eh" sagot niya

"Eh pano kasi-" biglang alis nang tingin niya sakin.

"HOY WAG KANG BASTOS KINAKAUSAP KITA" sigaw ko sa pagmumukha niya, sino ba namang hindi mayayamot?

"Tsk, kaysa naman magtalo tayo sa walang kwentang bagay,kung ako unang tumingin edi sorry,kaya nga umiwas na ako eh" tingin niya palayo sakin na halatang naiinis.

"oh.." okay awkward atmosphere detected

sabay narinig ko yung boses ng matandang tao ... si Lolo park, este. Sir Park "Dulencio, Balexandria tatambay nalang ba kayo dito buong klase ko?"

"No sir." agad na sagot ni Gray

"so what are you waiting for?"

'food sir. foooood.'
nakakagutom tong subject na to -~-

"Nothing sir." sagot ko

"THEN GET GOING" pa chupeng sinabi ni sir. RT! mas maarte pa si sir sa mga babae.

umalis na si gray na may hawak na notebook. edi wala din siyang partner ??

SPEAKING OF PARTNER

"Uhm, sir excuse me," lapit ko kay sir

"WHAT?"

"Ahm.. absent po kasi ako kahapon, tatanongin ko lang po sana kung sino yung kapart-" pinutol ni sir

"si gray, now leave" biglang nanlaki yung mga mata ko.

"ANO SIR?"
second year ko palang dito sa phs..
second month of school year ko palang...
wala pa akong masyadong kilala..
tapos ka partner ko pa yung mukhang tae na yun?

"Ay ano? binge ka?" tinigil ni sir yung mga paperworks na niya tapos tumingin sakin na halatang inis na inis na. haha yung feeling na minsan feeling ko mejo bakla si sir.

"N-no sir! ahm.. para san po yung gagawin survey at ano pa ba yung gagawin dun--"

"JUST LEAVE ME ALONE!! TANONGIN MO SI GRAY OKAY?! TUTAL SIYA NAMAN KA PARTER MO DIBA??? AT TUTAL!! ABSENT KA KASI KAHAPON." sigaw niya na gigil na gigil na sa mga hawak niyang papel

"Sir yung papel-"

"LUMAYAS KA NA NGA DITO PWEDE??"

"Sir yung papel kasi-"

"OO ALAM KO, PWEDE KA NANG UMALIS"

"kasi-"

"ECHO! ... PLEASE!"

tumango nalang ako at umalis na sa room. hayst. si sir kasi, hindi niya na nakikita na yung nasisirang papel test papers na pala. walang duda, super beastmode nanaman yan mamaya.

tamang tama pagbukas ko nang pinto andun sa gilid si gray, nakasandal sa dingding nagbabasa sa notebook niya.

"Musta sermon?" bati niya.

"ang lakas niyo po. eh kung sinabi mo sana sakin kanina palang siguro hindi pa maiinis sakin si sir"

"okay"

... okay??? YUN LANG SASABIHIN NIYA? OKAY???? ang lamig nang panahon omigad -_-

yung feeling na ang awkward nang moment niyo? yung feeling na dekada bago mabuhay yung paligid.

ako na nga mag conversation starter tsk "uhm ano unang gagawin natin?"

"sabi kasi ni sir kahapon na we're all assigned into surveying for history of presidents by partners, parang mag-iinterview tayo sa ibang mga section kung may alam sila tungkol sa topic, tapos hihingin natin yung opinion nila,the more information na makuha natin with in one week, the more grades we have" explain niya na hindi tumitingin sakin.

"oh edi section one na puntahan natin tutal sila maraming alam diba? at tska-"

"at tska kung hindi ka nag absent kahapon siguro marami-rami yung nakuhang information natin" putol niya. so ako may kasalanan?? kasalanan ko ba na tanga tanga yung alarm clock ko? at sa isang araw talaga?! "marami-rami" ano kaya yun?!?! SA ISANG ARAW LANG HA

okay echo kalma, inhale, exhale
"Aba sorry na,"

"isa pa, sa ibang section nalang tayo, sigurado fully occupied na yun at marami na nag tanong sakanila"

"so? ano naman problem?"

"tanga ka ba? o sadyang tanga lang? syempre edi pag dun tayo nag survey halos may 50% chance na may ka parehas tayo ng sagot"

"oh.. okay" leche, na tanga pa ako.. sakit ah?

once again, nagkaroon nang akward atmosphere samin na agad niya naman pinutol.

"... for now sa section 9 tayo" lumakad na siya at sumunod ako sa likod niya.

for the whole walk, parehas kaming tahimik, at kada room na dadaanan namin hindi mawawala yung mga tawag na
"Idol"
"Baby ko"
"babe"
"gray pa fs"
"i love you crush!"
pero lahat yon inisnob niya lang. yung parang wapakels siya sa tumatawag sakanya?

pero may mga bad call out parin na
"GGSS!"
"fuckboi!"
"famewhore!"
"weh wala na anjan na yung pafame'

hindi ko alam kung mahihiya ba akong kasama ko siya o ano.
wala siyang ginawa buong lakad kundi tumingin sa notebok niya.

tapos may babae na pa approach samin, may naka salpak na malaking ngiti sa mga labi niya, ngiting tagumpay ateng?

"Hey gray" pigil niya sa daanan ni gray. edi huminto din ako sa likuran niya

"Tsk, what do you want?" sagot ni gray, still eyes not removed from the notebook.

Tumawa si girl, tapos tumuwad nang konte sabay may binulong sa tenga ni gray. "You know exactly what i want~"

... ew. .. FYI NASA LIKOD LANG AKO KAYA RINIG NA RINIG KO YUNG KADIRING PAGBULONG NIYA..

tska ko lang napansin na nasa harap kami nang isang room, what's worst? NAKATINGIN SILANG LAHAT SAMIN.

"U-uh guys.. wag dito.." bulong ko sakanila

"Sino ka ba? epal ka? wag ka pong makielam ah?" tulak niya sakin.

sunod sunod na "Ohhhhhh" yung nag si parinigan sa mga students.

"Victoria" sigaw ni gray na hinawakan yung balikat niya na naiinis nanaman.

"GRAY NASASAKTAN AKO" ungot ni girl

"then leave me the fuck alone." sabay tinabi si girl na malapit nang masubsob sa may tabing halaman.

"echo tara na"

"o-okay" at patuloy ang paglakbay namin~!

Astigggg parang nanood lang ako nang drama na sa school ginaganap. HUAHUAHUAHUAHUA

Tamang tama naman yung pag salita ni gray na panira sa mga inner thoughts ko "She's just a friend"

"ha????" anong friend??

"Yung babae kanina, she just a friend" explain niya

"... with benefits??" kase diba kanina may sinabi siyang nakakalaswang pakinggan????

"AHAHAHAHAHAHA....Hindi" sagot niya.

...Ano daw? xD

Oo na aaminin ko slow poke ako :3
Yung bago maka get nang joke loading muna, sorry na naka free data yung utak ko

"Narinig mo ba yung sinabi ko?" Tanong niya, tsk. panira talaga nang thoughts -_-

"Ha- oo,hindibakitano?" derederetso salita ko hanggang sa hindi ko namalayan yung nilalakaran ko.

edi nauntog si ate mo echo sa dingding na katigastiga.

malamang may malambot ba na dingding echo? -_- kantangahan nga naman.

"ARUYYYY" nakita kong tumigil si gray, kaso nga nakatalikod siya. na parang natatawa.

ibang tawa na to ah? yung tawang nangiinis? oo yun.

"Sabi na, hindi ka lang tanga, lampa pa" sabay tawa niyang patago. with matching takip ng kamay.

lalake ba talaga tong taong to?

"kung tulungan mo kaya ako?" tanong ko

"bahala ka jan, hindi naman ako nakabangga sayo ah? dalian mo na jan! arte pa eh" Inis na sinabi niya

"Arte? EXCUSE ME??"

"your excused." sagot niya

"TANGINA, AKO MAARTE?"

"Bakit,hindi?" tanong niya

"OO,HINDI AKO MAARTE" sagot ko na padahan-dahan na tumatayo. makakatikim to sakin pag ako naka recover

"Bakit ka nag react?" tanong niya na nakatunganga lang dun na parang wala lang ako.

"Bakit? kung ikaw tawagin kong babaero? diba maiinis ka din kung hindi naman totoo?" sagot ko

"Hindi, hindi ako maiinis, kasi yun yung nakikita mo kila alex at kevin na pareho silang babaero, na sumasama ako sakanila, na mga kilala silang pa-fall sa school ground. sanay na ako jan echo." explain niya

"EH BAT KASI KAILANGAN PA AKONG SABIHAN NA MAARTE? KAHIT HINDI, OO APEKTADO AKO... Pero hindi lahat nang apektado agad,guilty. kasi yung iba, nasasaktan kasi kahit hindi nila deserve yung pang-asar, yung pang abus-" sabay binato niya sakin yung notebook na hawak niya

Leche, kung kailan naka tayo na ako eh -_-

"BAKIT NANAMAN?" sa sobrang inis ko, ang sarap na niyang sapakin

sa simula nang araw ko, ito na agad bumungad.
naging partner ko pa tong monggoloid,
nauntog pa ako sa dingding,
hindi siya gentleman,
inasar niya pa ako,
tapos sinaktan niya pa damdamin ko
-_-
HAYST.
sorry na kung masyado akong sensitive.

"Ang dami mong satsat, dalian mo jan" bigla siyang dalidaling pumunta sa direksyon ko tapos hinila yung braso ko tapos agad na pumunta sa Room ng section 9. hindi ko alam kung dugo at balat ko yung mainit o sadyang malamig lang talaga yung kamay niya.

..buti nalang walang nakakita nang iyak iyak moment ko sa pag untog ko kanina..

"Excuse Ma'am" sabi niya. sabay bitaw ng braso ko ng dahan dahan. ang lamig talaga nang kamay niya.

tumingin samin si ma'am anton "Pasok"

sinikuhan ako ni gray nang hindi gaanon kalakas na parang nag bigay nang 'Sabihin mo yung line mo' na sign.

Hinga ng malalim echo.. kaya mo to.

Sabay kaming pumasok sa room ni ma'am. ramdam ko na nakatutok yung buong klase niya samin.. especially kay gray. mismong kay gray. ay, kay gray pala lahat. ahahaha don't mind me~~~

"Ma'am! good morning po~!, kung pwede lang po sana mag interview nang kahit iilang estudyang niyo para sa surv-"

"Hay salamat! may pumunta din samin na mag su-survey, Sige iha. feel free!" putol niya. sabay pinag tutulak kami sa harap nang black board nila.

nagsi-sita naman silang lahat, pilit na nagpapa-interview kay gray

"Ako pipiliin ni gray,naka tingin siya dito ohh" bulong nang isang babae sa katabi niya, habang nagpapaganda yung isa.

"Hi gray"

"hoy gray ano ayaw mamansin?"

iba ibang tono, iba ibang babae yung mga nagsi bulungan kay gray.

"tsk" lang ang nasabi ni gray. halatang nandidiri na na-eewan.

"uhm..sino dito yung class president?" tanong ko sakanilang lahat

"ay ate! ate! ako!" sagot nang ateng unang bumulong kanina na patayo na sa upuan niya sa sobrang tuwa

"oh.. eh.. y-yung top one dito?" umupo ulit si ate na naka simangot at ang sama pa nang tingin sakin ah. tumuro silang lahat sa lalaking nasa pinaka dulo nang classroom, malapit sa upuan ni ma'am anton, siya lang yung nag iisang lalaking-- ay hindi.. TAO*** na wala yung attention samin. as in andun lang siya, nagsusulat,naka earphones. dead silence pa naman nung nagsimulang mag lakad si gray sa lalaking yun

"Excuse me" mahinhin na tapik ni gray na sinundan naman ni ma'am anton.

"Wala yan hindi yan iimik sainyo!" Sabi nang isang student.

pinuntahan ko na din siya na sinalubong ako ni ma'am anton.

"Pasensya na kayo kay art, sadyang mahiyain at tahimik siya"

Nung nandun na ako sa may tabi niya nakatayo para,siyang hagin..
Hindi sa nagpapaka gwapo siya ah?

As in,
Nakita ko yung sulat niya, cursive na cursive na ang linis tignan.
Yung earphones niya tumutulo na sa labas yung tunog. And ang ganda nang music taste niya.
Ang tahimik niya tapos ito lang ginagawa niya, tapos top one pa.


"Art?" Tapik ni ma'am anton sa balikat niya.

Tinangal niya yung isang piece ng earphone niya tapos tumingin samin.
Akala ko siya yung tipong magagalit kasi inistorbo namin siya? Imbes na sigawan niya kami o dadaan, tuminigin lang siya samin, yung soft na tingin. Walang halong kayamutan.

"Kakausapin ka daw nila," tinuro kami ni ma'am "tungkol sa survey" tapos niya

"Opo" lang ang sinabi niya na mahinhin pa. Pero bago siya umalis sa upuan niya talagang niligpit niya yung notebook niya dun at kung ano anong naka kalat sa desk niya.

"Dun nalang kayo sa labas, para hindi maka istorbo dito sa loob" inform ni ma'am samin habang nakatingin parin yung buong klase niya sami- kay gray.

Paglabas namin sa may room ni ma'am lumakad na kami sa may bandang upuan kaso ibang daan yung pinuntahan ni gray.

"Hoy san ka pupunta?" Sita ko sakanya

"Mini park" nagakad ulit siya paalis samin na agad naming sinundan

"Malayo naman" reklamo ko

"Tahimik naman" inform niya

"Sa labas naman ng school" reklamo ko ulit. Tsss.. ayoko nga lumabas. Tapos maglalakad pa? Ang layo. Eh tatanongin lang naman si.. uh.. sino ba to ulit? Aek? Al? Aeo? Basta yun na yun.

"Papalabasin ba tayo?" Tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot deretso lang yung lakad niya inisnob ako.

"Hoy sagutin moko" hila ko sa polo niya

"Tsk" lang yung narinig ko sakanya tapos inalis yung kamay sabay bilis nang paglakad.

"May hinahabol ba tayo???" Tanong ko na humahabol sa bilis niya nang paglakad si kuya sa likod ko naglalakad din nang mabilis.

"Oo, oras. Obviously" sagot niya

"Oh papalabasin nga ba tayo?" Tanong ko ulit

.. hindi niya ako ulit sinagot

OO NALANG ANG GANDA NIYANG KAUSAP.

Binagalan ko nalang yung lakad ko pati si kuya, habang mejo palayo na si gray sa bilis nang lakad niya. Mga 6ft na layo. PAK MAY FT FT PA

Tumahimik ulit yung kapaligiran namin, ang naririnig lang is yung sapatos ko na tumatama sa sahig at yung mga nagsisi ingay na mga students sa iba't ibang room.
At si kuya na pinapadaos-dos yung sapatos niya sa sahig din.

"Uhm.." nag echo yung boses ko sa hagdan nung pababa na kami.

"Pasensya ka na sa kasama ko ah?" Bulong ko kay kuya

Tumawa lang siya nang low sabay ngumiti nang softly "Okay lang" sabi niya

"Naks! Kuya dapat pala lagi kang nakangiti eh! Bagay pramise" bigla kong dinaldal si kuya nang wala sa oras kaya parang nagulat tuloy siya paglakas nang boses ko.

"Ehm... ano yung sinusulat mo kanina??" Tanong ko para ma change topic. Pero parang ayaw niya sabihin kasi nanlaki yung mata niya tapos kung saan saan tumigin na umiiwas sa direction ko.

ONCE AGAIN! namatay ulit yung pumapaligid na atmosphere naming tatlo. Tsss ayoko na nga. Bahala sila mapapanis yung laway nila,Kung ayaw nila mag si pag salit EDI WA-

"Mga random thoughts" biglang nagsalita si kuya na nakatingin sa baba nang sahig habang naglalakad kami. Pero nakangiti siya. Yung ngiting kailangan ingatan sa sobrang sensitive?

"A-ah! ganun ba? ahahaha" tawa ko na nervous

patuloy yung paglakad namin hangang sa natunganga nalang ako sa mga ulap..

HUAHUAHUAHUAHUAHUAH

what if? Hindi kulay blue yung sky? Tapos yung mga ulap hindi siya white? Ano kaya kung umulan ng candy?--

"Hoy gaga, ibang daan na yan" nabulabog ako sa iniisip ko dahil sa boses na nag echo tapos tumigin ako sa paligid ko. Wala na si kuyang kasabay ko pati si Gray.

"HOY" nag echo yung boses ni gray sa may kanan ko edi dun ako tumigin. Nakita ko sila magkasama puta ang layo na pala nila. Yung totoo? Ilang oras ako nalutang??? Malapit na sila sa may gate kaya dali dali akong naglakad papunta sakanila.

"BILISAN MO " sigaw ni gray na rinig na rinig at clarong claro sa ground floor.

In time nakarating din ako. Haha.

"Tsk. Palibhasa kasi ang taba,Diet diiin" parinig niya sakin.

•°• Time Skip brought to you by katamaran ng author•°•

Hindi kami pinalabas ni kuyang guard..

AMEEEEN

Haha kaya dun nalang kami sa may cafeteria nag interview.
And may i say? Lecheng interview yan.

Ano job offer ba to? ISANG BUONG ORAS SILA NAG UUSAP.
Tapos ako? Oo yung ka partner niya?
Haha ito dumudugo yung tenga dahil sa isang oras na pakikinig sa masinsinang usapan nila. Yung feeling na halos nakalimutan niya na may kasama siyang maganda? -_-
At ako yun ah!

*EHEM EHEM*
Anyways! Jusko. buti nalang natapos na yung pesteng uusap nila.

"Wala ka namang tinulong e" husga niya habang papunta na kami sa ibang room, hindi na ako magtataka sa bawat daan namin ng bawat room pangalan niya yung maririnig.

"Hoy baklang palaka ka, pano ako tutulong kung sunod-sunod yung tanong mo sakanya? at isa pa, PANO KAYO NAKAPAGLAKBAY SA IBANG TOPIC? from Histories of Presidents to basketball?!" Pinalakpakan ko siya ng malakas

"Siguro kung nang yari yun, edi sana binalik mo kami sa topic diba?" Bara niya

"Ay? Siguro kung nangyari? AHAHAHAHA ... NANG YARI NA NGA EH" bara ko pabalik

"Siguro meron ka ngayon no? Shucks mag palit ka na nga dun,AY WAIT MAY PANG PALIT KA BA?!" asar niya

"HOY EXCUSE ME LANG MR. HAMPASLUPA WALA AKO NGAYON AT SYEMPRE LAGI AKONG MERONG DALA NO" patuloy parin yung pag lakad namin sa quiet halls

" nang ano?"

Tamang tama naman yung pag daan ni Professor Kurth sa harap namin nung napasigaw ako nang "NANG NAPKIN" pukeee nakakahiya. Alam kong narinig niya kasi biglaan nanlaki yung mata niya tapos tumigil nang saglit tapos nag fully boost nang lumakad paalis samin

Hayst basta yun na yun.

Hayyy salamat tumahimik na din si unggoy. Haha ang dami niyang pwedeng maging nickname na bagay na bagay sakanya no?

"Huy? Bat bigla ka natahimik?"tanong ko. SORRY NA HINDI AKO SANAY

"Wala po"

. . . That's weird . . . .

•°•°•°•°•°•

Vote ☆ and Share mga puchu puchu ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top