PAHINA WALO
•| DESISYON
Lana's POV
“Mas makakabuti siguro sa iyong bumalik muna sa manila,” suhesyon ni ate Viv sa akin.
Ba’t kailangan ko pang bumalik doon?! Ang ingay-ingay ka doon!
“P-pero paano na ‘yung pag-aa—”
“Ako ng bahala doon.” ‘Di pa man tapos ang sinasabi ko may sagot na siya.
Siguro? Pwede naman siguro akong bumalik doon tutal na miss ko rin naman na ‘yung aircon at shower ko doon.
“Sige na at mag pahinga ka muna,” muli niyang wika at lumabas ng kwarto ko.
Habang wala akong magawa rito sa loob ng kwarto ko, kinuha ko na lang cellphone ko para manood ng tiktok nga lang...puro mag jowa nasa fyp ko kaya pinatay ko na lang din.
Bumaba na lang ako sa may sala para manood ng TV. Buti na lang at educational ang palabas sa TV pag bukas ko kung ‘di baka nabasag ko na yung TV. Hehe joke lang.
Kinabukasan...
Maayos-ayos na ang pakiramdam ko kaya naman nakakatulong na ako kay ate Viv ngayon sa café.
“Welcome po, sir," bungad ko sa una naming customer. “Ano pong order nila?”
Inayos ko muna ang order ng customer na yun nang mapansin kong panay vibrate ang phone ko pero ‘di ko muna tinignan kung ano ‘yung nagpapavibrate rito dahil busy ako mag serve sa mga customer na tuloy-tuloy ang dating.
“Miss! Asaan na ‘yung kape namin?!” Reklamo ng isang customer.
“Andiyan na po!” sambit ko habang bitbit ang sampung cup ng kapeng inorder nila! Dalawa lang naman sila pero grabe ang order!
“Naku! Miss ang tagal ha,” wika ng isang lalake sa akin pagkalapag ko ng order nila sa lamesa.
“Oo nga miss...dapat siguro may...special service ka sa amin para maka—”
“Sira ulo!” Pagsapak ko sa kaniya nang ‘di pinapatapos kung ano mang sinasabi niya.
Center of attention tuloy kami dahil nasa gitna banda ang table ng dalawang bastos na ‘to!
Matapos silang pagtinginan ng mga tao rito sa café lumabas na sila na nalilisik pa ang mata sa akin. Anong akala nila matatakot ako?! Hoy! Bastusin niyo na ang antok wag lang heart broken!
“Lana! Ayos ka lang ba?” pagdating ni ate Viv.
“Oo naman, ako pa!” pagmamayabang ko sa kaniya.
“Itapon mo na lang siguro ‘yung basura doon sa likod at ako muna rito,” suhesyon niya na nagpatulala sa akin.
Ew! Ba’t ako pa?!
“A-ako magtatapon ng basura?”
“Bingi? Oo nga! Baka gusto mo ikaw itapon ko!” sagot niya sa akin.
“Sabi ko nga, ako na magtatapon.”
Labag man sa loob kong itapon tong basura pero ayaw ko namang ako itapon ni ate Viv kaya ito ako pinaghihiwalay ‘yung nabubulok sa ‘di nabubulok, mga loko kasi mga nagtatapon dito! May nakalgay na nga na mga sign kung saan ilalagay basta tapon lang! Tsk!
Habang nag se-segregate ako ng mga basura, may narinig akong bulungan.
“Pre! Siya ‘yun ‘di ba?”
“Pagkakataon mo ng bumawi, pre!”
“Huh! Jackpot!”
Dahil naiintriga na ako ng sobrang sino ba ‘yung ng mga nagbubulungan kasi parang pamilyar ‘yung boses nila.
Pagkalingon, ay jumseyo ko para akong nakita maginboo! Kung ano mang speeling nun basta ‘yung nasa dragon ball!
Mga lintik na manyakis na ‘to! Lakas pa rin ng loob mag pakita sa akin!
“Nagkita na naman tayo miss!” ani pa ng isa habang papalapit sa akin.
‘DI NA AKO MAG TATAPANG-TAPANGAN NATATAKOT NA AKO!
Bigla na lang niya akong hinawakan sa balakang at inilapit sa tiyan niyang mala 9 months na buntis.
“Bitawan mo nga ako!” daing ko at pilit kumakawala sa kaniya.
“Miss kalma!”
ANONG KALMA?!
“Ano ba?! Bitaw sabi?! TULONG!” pagsigaw ko.
“Kalma! Walang makakarinig sa ‘yo rito, miss,” muli pang saad ng mamang buntis na ‘to!
“TULONG!”
Inilapit niya ang mukha niyang maasim sa leeg ko na parang sira ulo.
“TULONG!”
WALA BA TALAGANG NAKAKARINIG SA AKIN!
“HOY!” pagsigaw ng kung sino kaya napabitaw sa akin ‘yung mamang buntis at itinulak pa ako. Nagsitakbuhan naman sila na parang hinahabol ng mga aso. “Lana, ayos ka lang?” Napalingon ako sa taong tumulong sa akin at nakahawak pa sa braso ko.
Si Syve?!
Agad ko tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at bumalik na sa café na walang sinasabi sa kaniya.
Lakas ng loob mag tanong ok lang ba ako? Malamang hindi, ‘di ba obvious?!
Syve’s POV
Siya na nga tinulungan siya pang galit...pero bakit nga ba kasi galit siya sa akin?
“Iho, mas mabuti muna siguro na umuwi ka muna. Wala pa talaga sa mood si Lana makipag-usap,” wika sa akin ni ate Viv
“Syve, mahal mo pa ba si Elly?”
Papaalis na sana ako nang mapigilan ako dahil nagsalita si Lana.
Anong ibigsabihin niya sa tanong niyang ‘yun.
Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo dahil sa tanong niya.
‘Di ko alam paano ko siya sasagutin!
‘Di na ako nakapagsalita nang tumunog ang cellphone ko at natapat pang si Elly ang tumatawag.
Muli akong napatingin kay Lana habang nag riring pa rin ang cellphone ko.
Pumikit siya at huminga ng malalim bago nuling umimik. “Sige, sagutin mo na. Mukhang mas kailangan ka niya,” wika nito na nagsisimulang dumaloy ang maliit na lawa ng luha sa kaniyang mga mata.
Hindi man niya direktang sabihin pero bakit nararamdaman ko na parang pinapapili niya ako? Bakit pakiramdam ko pag sinagot ko ‘yung tawag ni Elly mawawala si Lana sa akin? Bakit?
Pero baka may problema lang talaga si Elly?
Ayaw ko ng mamili! Bahala na, baka nga mas kailangan ako ni Elly kaya umalis na ako’t sinagot ang tawag ni Elly.
Lana's POV
“Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal~”
“Ako ang kasama, pero hanap mo siya~”
Lintik na kantang ‘yan! Naririnig bungad sa akin sa umagang ‘to! Nanadya ba tong radyo! Oo na paubaya na, ok na ba? Hays!
“Lana, gusto mo munang pumasyal o ‘di kaya mamili para sa byahe mo mamaya?” pagtatanong sa akin ni ate Viv habang tinutulungan niya akong mag impake.
Uuwi na ako sa aking home sweet home. Uuwi na ako sa manila, ‘di rin naman kasi ako natanggap sa admission ng university na in-apply-an ko kaya ito, uuwi na lang ako at mag ta-try ng panibagong scholarship sa university sa manila, may nag offer kasi.
Pero mamaya pa naman ako aalis kaya tulong muna kay ate Viv for the last time rito sa café.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top