PAHINA TATLO

•| SUSPICIOUS

Lana's POV

Kahit na aantok na na ako, binuksan ko pa rin yung email na ‘yun para basahin ‘yung laman. Naiintriga lang ako sa name ng nag send.

From: [email protected]

Lana, alam kong alam mo na kung sino ako kaya ‘di ko na kailangan magpakilala. Sorry kung ‘di ako nagpaalam sa ‘yo, sorry kung nasaktan kita, sorry kung iniwan kita at...sorry kung hiniram ko ‘yung pera mo ng walang paalam. Sana mapatawad mo ako.

“Huh?! Anong hiniram! Sira ul* pa lang ‘tong Rix na ‘to e ‘no!” Pagdaing ko matapos mabasa ang email ni Rix a.k.a [email protected]’. Makita lang kitang tao ka magigilitan at mababalatan kitang buhay!

Sa sobrang inis sa nabasa ko, sinarado ko na lang ang laptop ko’t tinabi. Pinatay ko na rin ang ilaw at isinirado ang mga bintana’t natulog na.

Wag ko lang mapanaginipan ‘yung lokong ‘yun!

Syve’s POV

Nagising ako nang pasikat pa lang ang araw. Bagkabalikwas ko ng pagbangon, I grabbed my Phone para tignan anong oras na pero nahagip ng paningin ko ang notification na nag send daw sa akin ng text so I clicked it para malaman kung sino yun, madalang lang may mag message sa akin at karamihan doon ay work related.

From: 091××××××××
To: +638×××××××××

Frnd! Si Lana ‘to. Alam mo ba may kwento ako sa ‘yo. Kanina may customer dumating dito sa cafe, naka  black hoodie tapos naka mask. Akala ko oorder siya pero hindi pala, tinignan niya lang ako tapos umalis na siya agad. Ang creepy nga e @_@

‘Di na ako nagsayang ng oras. Kumaripas ako ng takbo sa panyo para magmadaling maligo’t magbihis, matapos noon ay agad na rin akong bumaba at pinaandar ang kotse para pumunta sa café

Lana's POV

Marami-rami na ring customer sa café kaya double time ako ngayon, ako na naman kasi mag-isa.

Pagkatapos kong mag serve sa nga customer, bumalik na ako counter at natulala dahil na aalala ko naman ‘yung email sa akin nung Rix.

Kapal ng mukha niya! Hiniram lang daw ‘yung pera ko?! Pero ‘di man lang nag paalam, meron bang ganun?!

Pwede naman siyang manghingi sa akin if need niya ‘di ba? Hindi ‘yung nanakawin niya  tapos paliwanga niya Hiniram

Sira ul*!

“Lana! Tawag ka ng customer doon oh!” Biglang bumalik ang diwa ko sa katinuan nang kalabitin ako ni ate Viv na katatapos lang mag level up sa candy crush.

Focus, Lana! Nasa work ka!

“Yes po?” sambit ko nang lumapit ako sa customer.

Habang sinusulat ko ang order nung customer na nilapitan ko napansin ko si Syve na dumating na para bang balisang ewan. ‘Di ko muna siya pinansin, dumiretsyo muna ako sa counter para ihanda ‘yung order nung customer.

Buong akala ko uupo na lang siya sa isang vacant table pero sinundan niya ako sa counter na para bang may importante siyang sasabihin at nagmamadali.

“Same order ba?” bungad ko sa kaniya nang dumating na siya rito sa counter habang inihahanda ko ‘yung order nung customer na nilapitan ko kanina.

“No...I mean, yung text mo sa ‘kin. What does it mean? May threat ba rito sa café?” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang sumagot siya sa akin.

Hala! Akala ko naman kwento-kwentuhan lang namin yun, sineryoso naman nito ni Syve!

“‘Di ko sure pero ‘wag mo ng intindihin ‘yun,” ani ko sa kaniya at saka ngumiti. Antayin mo ko doon sa table no. 3 , dadalhin ko ‘yung coffee mo after nito.”

Inihatid ko muna sa isang customer ‘yung order niya at saka ko inihanda ‘yung cappuccino ni Syve.

“Ito na ang cappuccino mo!” Masigla kong sambit sa kaniya sabay lapag sa lamesa ng kape. “Hoy! Ba’t ka naman nakabusangot! ‘Wag mo na kasing alalahanin ‘yun. Maiba ako, asaan na ‘yung projector na sabi mong dadalhin mo?”

“Oh! I forgot. Babalikan ko na lang mamaya,” wika niya sa akin sabay hawi ng buhok  niya. “Anong oras ba magsasara ‘tong café niyo?”

“Half day lang naman kami ngayon kasi linggo so mga...12:00 ng tanghali,” sagot ko sa tanong niya.

“Waiter!” tawag ng isang customer kaya naputol ang pag-uusap namin ni Syve.

“Wait lang po!”  sagot ko doon sa customer.

“Saglit lang ha, serve lang muna ako,” paalam ko kay Syve at tumayo sa.

Ngunit bago pa man ako makahakbang, hinawakan ni Syve ang braso ko at tumayo rin. “Tulungan na kita,” sambit niya pa.

Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa alok niya.

Lumipas ang mga oras at pagod na pagod na kami ni Syve dahil dumagsa ang mga customer ngayon, weekend kasi. Kakasara lang namin ng café kaya ito kami, nakaupo at umuiinom ng kape matching cupcakes pa.

Ako kaya nag bake nung cupcakes!

“Lakas ng ulan ‘no?” usisa ko kay Syve habang nakatingin ako sa glass window na kung saan kitang kita gaano kalakas ang ulan.

“Oo nga e,” sagot naman niya sabay tingin din sa glass window ng café.

Habang nakatingin lang ako doon sa window at pinagmamasadan ang ulan, naalala ko na manonood pala kami ng movie kaya naman nabalik ang tingij ko kay Syve na nanonood din ng buhos ng ulan.

“Friend! ‘Di ba babalikan mo yung projector?” paalala ko sa kaniya.

“Oh! Yes! Nakalimutan ko na naman!” daing niyat napahawi na naman ng buhok. “Babalikan ko muna saglit.” Tumayo na siya  at akamang aalis na sana pero pinigilan ko siya.

“Teka! Sasama ako! Kukuha lang ako ng payong,” wika ko sa kaniya at saka kumha ng payong sa taas.

Pagkababa ko sinamahan ko na siyang kuhanin yung projector. Pagkababa namin sa sasakyan, walang effect yung payong na dala ko...Nabasa pa rin kami! Kainis!

Maupo ka muna rito, hintayin mo ‘ko,” saad sa akin ni Syve at umakyat sa taas.

Ang sosyal ng bahay ni Syve! ‘Di ko mapigilang ilibot ang mata ko sa paligid habang bahagyang nakanganga ang bibig ko dahil sa pagkamangha.

Dahil malawak itong sala nila nilibot ko lang. Tinignan ko ‘yung mga picture na nakasabit sa wall at ‘yung mga picture na nakapatong sa parang drawer hanggang sa...Makakita ako ng picture ng isang maganda at chinitang babae na kasama si Syve.

“Ito siguro yung ex niya," bulong ko sa sarili ko at pinagmasdan lang ang picture nung babae. Wait! Kung ex niya e ba’t andito pa rin naka display? ‘Di maka move on!

“Hey! I'm here.” Nagulat ako nang biglang dumating si Syve tapos hawak-hawak ko pa ‘tong picture nila!

Patay!

Ahmm...S-sorry kung pinakialaman ko, na curious lang ako,” pagpapaliwanag ko sa kaniya sabay lapit para tulungan siyang magdala nung projector.

“No it's, okay. Kaya ko na ’to,” ani niya at nauna na sa kotse at ako naman ay sumunod na kahit basang-basa pa ako. “‘Di ka muna ba magpapalit ng damit? May boutique tayong madadaanan.”

“Hindi na, sa café na lang ako magpapalit,” sagot ko sa tanong niya sabay ngiti.

Habang nasa byahe kami pabalik sa café, sumagi na naman sa isip ko ‘yung naka black hoodie na nakamask.

Ano bang pakay niya sa amin? May utang ba si ate Viv sa kaniya or...magnanakaw?

Argh!! Ba’t ko ba iniisip ‘yun? Ang dapat kong isipin ‘yung application ko sa university na papasukan ko, nakakahiya naman kay ate Vib kung ‘di pa rin ako matatanggap doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top