PAHINA SIYAM
•| BYAHE
Lana's POV
“Gusto mo ba magbaon ng kape sa byahe?” usisa sa akin ni ate Viv bago niya ako ihatid sa terminal.
“‘Wag na! Baka malugi ka pa!” sagot ko sa kaniya at sabay kaming natawa.
“Saglit lang at may gagawin lang ako sa loob ha,” paalam sa akin ni ate Viv.
WAHHHH! Paalam na mahal kong café, matagal tagal din ang bonding natin! Wahhh! Iiwan na kita! Sana alagaan ka ni ate Viv!
“Mahal kong, counter! Mamimiss kita!” Nababaliw na ata ako at pati counter kinakausap ko na.
Pero mamimiss ko talaga ‘tong lugar na ‘to! Pati ‘yung tabong sira sa banyo!
Syve’s POV
“Ayos na ba pakiramdam mo?” usisa ko kay Elly nang matapos ko siyang painumin ng gamit.
“Oum,” matipid niyang sagot sa akin. “Kung may gagawin ka pwede mo na akong iwanan dito.”
“Magpahinga ka na lang,” sagot ko sa kaniya.
Akma na sana akong lalabas ng kwarto niya at natigilan lang nang hawakan niya ang aking kamay.
“Syve, hindi mo ‘to kailangan gawin. Alam mo, aaminin ko mahal pa rin kita pero ‘di ko sure kung mahal mo pa rin ba ako o awa na lang ‘yung nararamdaman mo sa akin?”
Ba’t ganito siya magsalita?
“Anong ibig mong sabihin?”usisa ko.
“Syve, piliin mo kung sinong mahal mo. Piliin mo kung sino ‘yung nagpaparamdam na mahalaga ka at hindi yung naaawa ka.”
Kunot noo lang ang reaksyon ko sa pinagsasabi niya.
“Hindi ako manhid, lalong hindi ako bulag para ‘di ko makitang mas komportable at mas malawak yung ngiti mo pag kasama mo si Lana—”
“Paano mo naman nasabing mahal ko si Lana?” naguguluhan kong wika sa kaniya.
“Wala akong sinasabing mahal mo siya pero sa reaksyon mo...hindi ko na kailangang magpaliwanag.”
Natahimik ako bigla sa sagot niya.
Lintik, Syve! Ano bang pinagsasabi mo!
“Syve, kung mahal mo ako, ako lang dapat. Ayaw kong maging option mo lang, kahit si Lana ganun din. Mahirap mamili pero kailangan mo.”
E SINO NGA?! AGHHH! SYVE!
“Syve, ramdam ko na wala na talaga ‘yung dating tayo, ‘di na ‘yun mababalik. Ayos lang naman ako, andiyan si Ryx para sa akin. Nasaktan na kita noon, ayaw ko lang na...pati si Lana masaktan din dahil sa akin,” pagapapaliwanag niya at nagsimula nang umiyak.
‘Wag ka ng umiyak! Mas lalo akong nahihirapan!
“Matagal na namin kayong pinamanman para sana maghanap ng oras at timing para manghinga ng sorry pero habang nagmamanman kami. Napansin ko kung gaano kayo kasayang dalawa kaya please, kung siya, siya na. Kung ako, ako na,” muli niyang saad at patuloy pa ring ang pagluha.
“Ang pagmamahala, Syve, ay hindi parang college course o ‘di kaya ulam na pag undecided ka pwede mong pagsabayin o ‘di kaya palitan time to time!”
“TAMA NA! ‘DI KO ALAM KUNG ANONG ISASAGOT KO SA ‘YO! GULONG-GULO NA AKO!” Pagtataas ko ng boses kay Elly.
Ilang segundo pa ay narelize ko rin na nasigawan ko siya kaya humingi ako ng tawad sa kaniya nang may biglang tumawag sa cellphone ko.
Bago ko sagutin ang tawag ay tumingin muna ako sa mata ni Elly na para bang nag-uusap kami sa tingin.
“Sagutin mo na,” sambit niya.
‘Di na ako lumabas ng kwarto niya’t sinagot ang tawag sa harapan niya mismo. Gusto kong marinig ni Elly kung ano mang sasabihin ni ate Viv sa akin.
“Hello, po?”
“Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Lana?” panimula ni ate Viv.
Huh? Anong ibigsabihin ni ate Viv?!
“B-bakit po? Bakit saan siya pupunta?”
“Uuwi na siyang Manila—”
“Huh?! Nasaan na siya ngayon?”
“Nasa terminal na, may 15 minutes pa bago umalis yung bus nila,” sagot ni ate Viv sa tanong ko.
“Sige, salamat, ate Viv!” wika ko sa kaniya at ibaba na sana ang tawag kaso may pahabol pa siyang sabi.
“Please, ‘wag mong sabihin ako nagsabi sa ‘yo ha,” paki-usap niya.
“Opo,” matipid kong tugon at akma na sanang lalabas at aalis ng kwarto ni Elly ng hawakan niya ang braso ko’t pigilan.
Saglit kaming nagtitigan, eye to eye.
“Syve,” sambit niya.
Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya tinanggal ko na ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at hinawakan siya sa kamay.
“Elly, ‘di ba sabi mo piliin ko ‘yung mahal ko? Ngayon, pipiliin ko na siya,” saad ko sa kaniya habang patuloy pa rin ang pagluha niya, pati tuloy ako naluluha.
“Alam ko, gusto ko lang mag paalam,” wika niya’t yumakap sa akin ng pagkahigpit-higpit.
“Paalam din, Elly,” balik ko namang sabi sa kaniya’t hinalikan siya sa noo bilang tanda ng pamamaalam ko sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top