PAHINA DALAWA

•| FRIENDS

Lana's POV

Natapos kami ni Syve mag serve sa customer mga bandang tanghali kaya naman ito lola niyo pagoda to the max.

“Thank you, ha,”  pasasalamat ko kay Syve sabay abot ng libreng kape niya. “Ito lang mababayad ko sa ‘yo...wala akong pera.”

“No, it's okay,” aniya’t ngumiti.

Sabay kaming uminom ng kape at nagpapahinga sa isang table malapit sa counter nang biglang dumating si ate Viv.

“Aba! Ba’t ka naka-upo riyan, seniorita?” bungad niya pang salita sabay taas ng isa niyang kilay. “Di ka ba nahihiya sa customer at diyan ka pa naka-upo!”

Ayan na naman siya!

Kakaupo ko pa lang ate at saka friends na kaya kami nito ni Syve, ‘di ba, Syve?” Napatingin ako kay Syve na muntikan pang mabuga yung iniinom niyang kape dahil sa pagkakatawa.

“Yeah,” tipid na naman niyang sagot at bahagyang tumawa pa.

Nagsalitan ang tingin sa amin ni ate Viv na para bang may naiisip siya na di namin naiisip kasunod ang ngiti niya. “Ganun ba? Sige, maiwan ko na kayo riyan,” aniya’t pumunta na sa counter. Sinundan ko lang siya ng tingin at tinignan naman niya ako na para bang kinikilig siya na natata—basta.

“Pag pasensiyahan mo na ‘yun. Medyo maluwag na yung tornilyo ng brain kaya ganun,” bulong ko kay Syve. Sabay naman kaming tumawa ng mahina at baka marinig ni ate Viv, batuhin pa ako ng lumilipad na coffee cup.

“HOY! Lana! Narinig ko ‘yun!”

Sabi ko nga shut up na ako.

“Nga pala, since nagchichikahan na rin naman na tayo rito...If ‘di mo mamasamain, ‘yung ex mo ba maganda? I mean anong nagustuhan mo sa kaniya?” pagsisimula kong usisa kay Syve.

Unti-unting nagbago ang expression ng mukha niya, kanina naka ngiti siya ngayon nagkasimangot na siya. Halatang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.

Daldal mo talaga, Lana!

Ahm...Okay lang kung ‘di mo sagutin, ‘di naman kailangan,” wika ko sa kaniya at pilit ngumiti. Ibahin na nga lang natin yung topic, bumibigat na naman yung atmosphere rito. Ahm...What about pag-usapan na lang natin ’yung favorite—”

“She’s kind, smart and sweet,” bigla niyang pag imik. Sagot niya ba ‘to sa unang tanong ko? Ba’t kasi laging late response siya?! “Childhood best friend ko siya—crush actually. Nung lumaki kami ’di na ako nag dalawang isip ligawan siya, sinagot naman niya ako. Nagtagal kami ng two years pero simula nung natanggap siya sa trabahong pinapasukan niya...parang naging hangin na lang ako then ‘yun she left,” paglalahad niya sa akin ng kwento niya. ‘Di ko namalayan ang sarili kong kanina pa nagpupunas ng tissue sa mata ko at panay singa.

Nakakaiyak naman kasi yung kwento niya!

“Such a cry baby,” kumento niya pa sa akin habang na singa ako. Tignan mo ‘tong tao to, cry baby raw ako pero siya ‘tong namumula na ‘yung tenga at ilong kakaiyak.

“T-tignan mo nga y-yang mukha mo oh! Namumula na! Ako p-pa ‘yung cry baby?” saad ko sa kaniya habang nagpupunas pa rin ng luha.  Sabay naman kaming natawa sa kakokohan naming dalawa.

“Normal lang namang maiyak ako, kwento ko ‘yun pero ikaw, ang bilis mong maiyak,” dagdag niya pang kumento sa akin. “Ano kaya kung manood tayo ng movie bukas?”

Halos maglaki yung mata ko sa sinabi niya. A-ako niyaya niyang mag movie?

Teka! Wala namang sinehan dito sa lugar namin eh! Loko ata ‘tong Syve na ’to!

“I know, walang sinehan dito but my projector kami sa bahay. Dadalhin ko bukas,” dagdag niya pang saad.

Nababasa niya ba utak ko? Whatever.

“By the way I need to go ha, may appointment pa ako eh.” Tumayo na siya’t may kinuha sa bag niya. “Here’s my personal calling card, tawag ka lang if may kailangan ka. Kita tayo bukas!” paalam niya’t lumabas na ng café.

At ako naman bumalik sa counter kung saan naabutan ko si ate Viv na naglalaro ng candy crush.

“Ehem, ehem,” kunwaring namasid kong arte para makuha ang atensyon ni ate Viv

“Andiyan ka na pala, ikaw na muna magbantay rito,” sambit niya lang sa akin habang tutok na tutok pa rin sa paglalaro ng cady crush, level 300+ na kasi siya.

Dahil wala pa namang customer at bakante pa ang karamihan sa table namin naisipan ko munang magbasa ng libro. 4:56 p.m pa lang naman, mamayang 6:00 p.m pa naman kami magsasara.

“Ayokong maging option mo lang”

Awww! Sakit naman nitong binabasa ko! Ang rupok din naman kasi nung girl at ito namang guy nakakainis! ‘Di niya alam sino ba talagang mahal niya!

Natigilan ako sa pagbabasa nang tumunog na naman ang tingiling-tingiling ng café namin, may customer na.

Pumasok ang isang lalakeng naka hoodie at mask. Naupo lang siya sa table na malapit sa glass window ng aming café. Nilapitan ko naman siya para i-abot ang menu namin pero ‘di niya inabot  iyon kaya nilapag ko na lang ’yun sa table niya at kasabay nito ang paglingon niya sa akin pero mata niya lang ang kita ko dahil naka hoodie siya’t mask.

“Sir ano pong order niyo?" usisa ko sa kaniya.

Mga ilang segundo rin siyang nakayuko at saka tumayo’t nagmamadaling lumabas ng café namin. Nang mga oras na iyon kinakabahan na ako dahim kahina-hinala ang kilos ng lalakeng yun.

Hala! Baka...kinakabisado niya tong café namin para pagnakawan niya?! Or di kaya...OMG! Baka may utang si ate Viv sa kaniya tapos pinag-aaralan niya kung paano patumbahin! NAPAPRANING NA AKO!

“Hoy! Lana! Nakatulala ka riyan!” Dahil sa sigaw ni ate Viv bumalik sa reyalidad ang utak ko. ‘Di ko rin magawang sabihin sa kaniya about sa lalakeng naka hoodie kanina.

“Magsarado na tayo ng café at may lakad pa ako!” Ayown! Aawar na naman ang ate kong master player ng candy crush.

Kahit nakabihis si ate Viv tinulungan niya akong magsara ng café.

Matapos naming magsara, nag shower na ako at nagbihis para sana matulog kaso sumagi sa isip ko yung calling card ni Syve kaya napagtripan kong tawagan siya pero di siya sumagot kaya tinext ko na lang siya.

From: 091××××××××
To: +638×××××××××

Frnd! Si Lana ‘to. Alam mo ba may kwento ako sa ‘yo. Kanina may customer dumating dito sa cafe, naka  black hoodie tapos naka mask. Akala ko oorder siya pero hindi pala, tinignan niya lang ako tapos umalis na siya agad. Ang creepy nga e @_@

Pagka send ko ng text kay Syve, nagbukas naman ako ng email sa laptop ko, tinitignan ko kung may update na ba sa application ko sa school na pinasukan ko pero wala pa kaya nagtingin-tingin na lang ako ng ibang emails at may nakita akong isang email na umagaw ng atensyon ko.

[email protected] ang pangalan nung nag send. Anong name naman kaya to? Bakit may name ko, wag niyong sabihin common ng name na Lana eh ang rare ko nga lang maka rinig ng ganun.

Sino ‘to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top