Kaori : Prologue


KAORI :Prologue

Shivendra

Mirabelle

Satori

Kuzumi

Kaori

The card holder who don't know everything in her life – her worth or purpose in life. She didn't know why is she still living her worthless, nonsense story.

🗡

S   H   I   M   I   R   A      S   A   K   U    Z   U

Gumawa ng ingay ang malakas na pagkalansing ng espada namin dalawa. Para akong nauubusan ng hininga dahil sa kaninang pag-atake na ginawa niya. Nagtamo ako ng maraming sugat, ang iba nga ay kritikal. Pero ewan ko ba. Hindi pa rin ako patay. Tangina, imortal ba ako? Oo yata.

Iniwasan ko ang nakaamba niyang suntok saka hinampas sa likod niya ang puluhan ng espada ko. Ngunit parang hindi ito natinag. Binunot nito ang dagger na hawak niya saka itinarak sa tagiliran ko saka ako sinuntok nang malakas.

Bakit ba . . .

"Bakit ba – "

Bakit ba . . . buhay pa rin ako? Putangina naman, oh.

"Bakit ba hindi ka mamatay-matay, ha?!" gigil na sigaw niya na parang nawawala sa sarili nito.

Tumawa ako nang mahina saka bumangon mula sa pagkakahiga. Kaagad naman nitong umatras at lumayo ng ilang dipa sa akin. Sa sobrang lakas ba naman ng suntok nito ay parang gugustohin ko na lang matulog habang buhay.

"Anong nakakatawa? Iniisulto mo ba ako? Sinasabi mo ba na mahina ako at hindi kita kayang patayin, ha?" maangas na tanong nito habang nagtitimpi sa galit.

Gago 'to, ah? Wala naman akong sinasabi, eh. Tumawa lang naman ako!

"T*ngina mo, ah. Praning ka bang hayop ka?" tanong ko saka pinulot ang espada ko na nasa sahig. Gusto ko na tapusin 'to kasi pagod na talaga ako. Gusto ko na umuwi dahil may pagpupulong bukas. "Hoy, lalaki. Gusto mo ng totoo? Oo nga naman, mahina ka, gago. Parang kinakalabit lang ako ng suntok mo, eh,"

Tumawa ako nang malakas, na balak ko talaga iparinig sa kaniya. Wala lang, pang-asar lang.

Itinaas ko ang kaliwang palad ko na sinundan niya naman ng tingin. Lumabas ang nagliliwanag na Tarot card na hawak ko. "Tapusin na natin 'to. Nabuburyo na ako sa 'yo." Hinakbang ko ang kanang paa ko at sa isang pikit mata ay nasa harap na niya ako.

"Mayabang ka – " Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakaamba na ang espada ko. Narinig ko pa ang ingay na ginawa ng paa nito sa pag-atras dahil sa gulat.

Bago pa man niya matapos ang salita niya ay itinarak ko na ang espada ko sa dibdib niya. Hinugot ko ito saka siya pinanood na humandusay sa sahig. Umupo ako sa harap niya saka pinakita ang Tarot card na habol niya sa 'kin.

Nag-angat siya sa nagliliwanag na Tarot card, kung saan makikita ang babae na may dala-dalang espada kasama ang mabagsik na leon.

"Ang Tarot – " pilit nitong inaabot ang card na nasa palad ko. Akala niya siguro ay mahahawakan niya na 'yon – ngunit nagkakamali siya. Pilit lang tumatagos ang kamay nito sa card na hawak ko.

"Gusto mo 'yong card ko kasi?"

"Sakura . . . " Tinignan ko nang matalim ang lalaking nasa harap ko at nakikipaglaban kay kamatayan. Gago 'to, ah. Lakas ng loob banggitin ako sa pangalan ko. Feeling close amp*ta. "Pasensiya na, mahal ko lang ang pamilya ko kaya ko ginawa 'to. Sana maintindihan nila ang gusto ko mangyari . . . .Sana hindi ka nila kamuhian – kagaya ng taong nasa likod ng lahat." Umubo ito saka lumabas ang dugo sa kaniyang bibig.

"Gusto mo ba na saksakin pa kitang gago ka?!"

"Ang pamilya ko . . . " Natigilan ako nang banggitin niya ang salitang 'yon. "Parang awa mo na . . . huwag mo silang papatayin – " Pahina nang pahina ang boses niya nang sabihin niya 'yon.

Tinitigan ko siya habang dahan-dahan niyang isinasara ang dalawa niyang mata. "Hoy, sino ka ba sa tingin mo, ha? Ang lakas ng apog mo para utusan ako, ah!"

Lumipas ang ilang minuto at hindi na ito sumagot. Naiwan akong nakatulala habang paulit-ulit na nasa utak ko ang huli niyang binanggit bago siya bawian ng buhay.

Tumayo ako saka naglakad na palabas sa bakanteng lote kung saan niya ako dinala upang patayin at kunin ang Tarot card ko.

Huminga ako nang malalim saka pinunasan ang pawis na nanggagaling sa mata ko. Hindi 'yon luha, bakit naman ako iiyak? Para saan? Dahil sa sinabi noon? Ulol. Hindi rin ako ma-pride, ha. Sadyang pawis 'yan, napunta lang sa mata. Hindi 'yan luha. "Tangina noon, ah. Pinagod ako ng kupal." Sumipol ako saka lumabas mula sa kung saan ang leon na alaga ko. "Hello, my baby. Tara, uuwi na tayo," sabi ko saka nag-amba na sasakay sa likod niya. Ngunit umatras ito kung kaya't bigla akong nagtakha.

"Hello? Ano ang problema?" Humakbang ito papalapit saka ikiniskis ang sarili niya sa akin. Naibagsak ko ang espada na hawak ko saka siya tinignan. Natigilan ako dahil sa ginawa niya. Tila ba alam niya ang nararamdaman ko na – hindi ko maintindihan.

Lumabas ang magkakasunod na pawis galing sa mata ko na pinunasan ko naman agad dahil nanlalabo na ang paningin ko. "Oh, sige. Marami ka pagkain mamaya. Huwag mo na lang sasabihin kay Kitty, ha?"

Gumawa ito ng tunog na parang nagustuhan niya ang sinabi ko. Kaya hindi ko mapigilan matawa. Malamang ay gusto niyang madugaan si Kitty pagdating sa karne. Matakaw, psh.

Gumaan ang kaninang mabigat na nasa loob ko nang pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Suddenly . . .

I feel . . . at home.

🗡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top