Kabanata IX

***

"You were being unfair to me, Jen. I am not your boyfriend anymore."

"What?"

"Wala ka ng time sa akin. Hindi ko alam kung may puwang pa ba ako sa buhay mo. O may puwang ba talaga sa simula pa lamang?"

"Kung wala, hindi kita sinagot, DJ."

"Mahal mo pa ba ako?"

"Wala akong maisagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko i-sort ang mga emosyon ko. Litong-lito ako nang iwan ako ni Daniel John. Ang nalaman ko na lang ay tinanggap niya ang pag-oojt sa ibang bansa. Siyempre, nasaktan ako kasi hindi niya pinaalam sa 'kin. Walang proper break-up hanggang sa bumalik siya na dinadaanan lang ako na parang hangin. Masakit. Oo, may pagkukulang pero kalauna'y natabunan na iyon ng ibang priorities. Alangan naman na magpapakalugmok ako? After all, I am a swimmer athlete in our university, a scholar and a part time tutor. Gahol na ako sa oras para pagtuunan ng pansin ang nangangamote kong lovelife. Hindi naman ako ang nanggulo. Siya. Nanligaw siya sa 'kin at nang magustuhan ko siya. Sinagot ko siya."

"May ideya kang hindi kayo magw-work-out?" tanong nito.

Magkasabay na nilalakad nila ang tabing-ilog. Ang mga mababang damo sa baba ay natatapakan nila. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw sapagkat ilang oras ang lilipas ay magdadapit-hapon na.

"Oo. Marami kaming priorities e. Natatabunan na ang kung ano man ang nasa pagitan namin. I couldn't tell if he's my first love. First boyfriend, yes, but love? I don't know. I've been reading lots of romance books and still wonders about the other sides of love. Like how can you feel if its real?" Malayo ang tanaw niya, minamasdan ang mga niyog sa kabila na tila yumuyuko sa ilog.

Tumigil sa paglalakad si Daniel at piniling umupo sa gilid ng mababang talampas.

"Sacrifices. The distances. The time. I guess that tests the true love of a person towards a person. Na pag nakita niya ulit ang isang tao, ay katulad pa rin ng dati ang nararamdaman niya." tugon nito na hindi siya nililingon.

Napaupo na rin siya, yakap-yakap ang mga tuhod niya. Komportable siya sa suot niyang gray jogging pants, white loose shirt at flip flops.

"Binalikan mo 'yung ex mo? Andoon pa rin?" tanong niya rito.

Bahagya siya nitong tinapunan ng tingin. "Oo. She has a boyfriend. Masaya akong masaya siya."

"Hindi ka nasaktan?"

"Oo pero hindi ko na inisip masyado. Pinili kong bumalik rito. May babalikan pa ba ako? Sinabihan ko na siyang wag niyang ikulong ang sarili niya sa 'kin."

"I'm thinking of jumping off in that river." random niya sabi.

"No, wait. Jennifer. What are you doing?"

Mabuti na lamang suot niya ang cycling shorts niya sa ilalim ng jogging pants niya. Lumingon siya kay Daniel na napatulala na lang sa kanya.

Tumalon siya sa tubig, hindi na inisip kung tama ba ang bagsak niya. Medyo masakit sa balat gawa na rin ng distansiya. Ang huli niyang narinig ang pagtawag nito sa buong pangalan niya at nilamon na siya ng dilim at lamig ng tubig.

Sumisidsid siya sa ilalim at namangha nang makakita ng iilang isdang lumalangoy. Pinigil niya ang paghinga niya sa ilalim na paulit-ulit niyang pinraktis noon pa. Hindi masakit sa balat ang tubig-tabang hindi gaya ng tubig-alat at tubig sa swimming pool.

Umahon siya at natagpuang tila natataranta si Daniel na hinanap siya. Ilang metro ang layo nito sa kanya.

"Daniel! Nandito ako!"

Nagulat siya nang mapamura ito. "Shit, I'm sorry, I thought you've drown. Ang tagal mong umahon. Pinag-alala mo ako."

Katulad niya itong  palutang-lutang sa ilog, lumalangoy sa malamig na tubig. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nag-back stroke nang papalapit na ito sa kanya.

"Marunong akong lumangoy, di ba?"

"Akala ko talaga, nalunod ka na o pinulikat."

Winisikan niya ito ng tubig. "So you will save me? I'm not a damsel in distress, Daniel. I can handle myself well."

"You're brave, Jen but sometimes you need someone to protect you."

Winisikan niya ulit ito. Umiwas ito at nagulat ito nang lumangoy ito papalapit sa kanya. "Hey stop! Huwag kang lumapit!"

Nginisihan siya nito nang ilang dangkal na lang ang layo ng katawan namin. Naipikit niya ang mga mata niya sa hindi maipaliwanag na kaba.

"Held your breathe." bulong nito. Naimulat niya ang mga mata niya  at nagulat nang hilahin siya nito palapit rito."We will swim underneath."

Paano kung wala si Daniel sa Mararag? Estranghera ba siya sa kinagisnan niyang nayon?

Paano kung sa ilang araw niyang pananatili ay hindi na magiging isang buwan dahil wala rin lamang siyang babalikan.

Paano kung nanatili si Daniel sa United Kingdom? Mangyayari ba ang mga sandaling ito?

Nakakatakot isipin ang mga baka sakali.

Pagkatapos nilang magtampisaw sa ilog ng ilang oras at makahuli ng iilang malaking hipon sa tulong ng mga kapit-bahay ay inuwi nila ang lima para lutuin.

"Bukas pala, gusto mong pumunta ng dalampasigan? Ang karagatan na gusto mong puntahan? The Pacific Ocean. Sasamahan kita." ani Daniel na naghihimay ng mga hipon.

Umiilaw ang phone niya hindi na niya masyadong pinapansin. Dinampot niya iyon at nagulat siya nang may pumasok na tawag.

63 misscalls. 183 messages. Galing lang kay nanay. Gumapang ang kaba sa dibdib niya, nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag at tumayo muna. Sinenyasan niya si Daniel na lalabas muna siya na ikinakunot ng noo nito.

"Anak! Kailangan ka rito ng tatay mo!" Nagpa-panic ang boses ni nanay. Samu't saring mga ideya ang pumasok sa isip niya, mga pangyayaring sana'y hindi totoo.

"Bakit, Nay? Anong nangyari?"

"Ang Lola mo. Ang nanay ng ama mo. Binalikan sila. Galit na galit ang tatay mo. Anak, bumalik ka na rito. Miss na miss ka na ng tatay mo. Bakit hindi kita ma-contact? Nag-alala na ako sa nangyayari sa 'yo d'yan. Anak?"

Nabitawan niya ang phone niya sa pagkabigla. Ang mga balak niya sanang gagawin, ang mga sandaling kasama niya si Daniel sa bukid, ang mga alaalang rumagasa sa utak niya.

Ang katotohanang wala rito ang buhay niya.

"Nay, bakit nag-iimpake kayo? Akala ko dadating kayo sa graduation ko." mangiyak-ngiyak na nakamasid lang siya sa pagbuhat ni tatay ng iilang bag. May nakasukbit rin sa mga balikat nito.

May bahagi sa isip siya na hindi totoo ang nangyayaring ito. Na baka halusinasyon niya lang ito.

"Kumilos ka na! Magbihis ka na! Aalis na tayo. Nasa akin na ang mga papeles mo sa eskuwelahan."

"Nay."

"Jennifer!" nandidilat na sigaw ni inay sa 'kin, galit ang boses at tila mabibingi siya sa takot.

Natatarantang sinunod niya si Nanay na umiiyak, napapahagulhol sa bilis ng mga pangyayari.

Umiiyak na naglakad siya papunta sa daan nang makita ko si Daniel. Iiwan na nila ang Mararag? Papaano ang mga kaibigan niya? Ang mga maiiwan niyang mga taong malapit sa kanya. Si Lola Carmel at Lolo Damian.

"Jen! Totoong aalis na kayo? Iiwan mo na kami? Hindi ka na babalik?" Ang makakapal nitong pilik-mata ay nababasa ng mga luha nito. Katabi nito si Kuya Floy na pumipigil rito. Hindi niya alam kung bakit.

"Jennifer, tumabi ka." mariing paalala ng tatay niya na seryuso ang boses. Nakakatakot sina nanay at tatay. Nagsisimula nang umiyak si Gio. Hinihintay nilang dumaan ang bus.

Umiiyak siya at nakiusap na kausapin saglit si Daniel. Tututol sana si itay ngunit pinigilan ni inay.

"Biglaan 'to. Hindi ko inaasahan na totoong aalis na kami rito. Titira na kami sa Cebu, Daniel. Malayo rito sa Mararag. Hindi ako nakakasiguradong babalik kami." Pinalis niya ang mga luha niya.

"Babalik ka, di ba? Mangako ka, babalik ka."

May papalapit na bus. Aabutin niya sana ang kamay ni Daniel ngunit tinawag na siya ni inay.

"Jennifer! Sumakay ka na!"

"Babalik ka rito. Mangako ka."

Hindi na siya nakasagot kay Daniel dahil tumigil na ang bus at kinailangan na nilang sumakay roon. Tigmak ang luhang minasdan niya ang kabuuan ng palayan sa gilid ng kalsada.

"Jen! Hindi ito ang huling beses na makikita kita!" narinig niyang sigaw ni Daniel na kumawala kay Kuya Floy.

Umandar na ang bus. Tumungo siya sa upuan na malapit sa bintana.

"Babalik ako, Daniel!" sigaw niya rito na hinabol ang bus. Unti-unting lumalayo ang bus hanggang sa naglaho na rin si Daniel sa mga mata niya.

Makakabalik pa ba siya?


"What's the matter?" nag-aalalang tanong nito  nang makita siyang umiiyak, kipkip ang phone niya. Inilahad nito ang panyo nito sa kanya na walang pag-aatubiling tinanggap niya.

"Uuwi na ako sa Cebu. My grandmother came back after years of leaving my father. My family needs me there. My co-workers are looking for me 'cause they want me to handle their manuscripts. Nandoon na ang buhay ko, Daniel." Suminga siya sa panyo.

"Ihahatid kita." determinadong sambit nito.

Natigil siya sa pagluha. "Ano?"

"This is the least thing I could do."

"Gusto mong makita ulit akong umalis. Paano kong hindi na ako babalik?" mangiyak-ngiyak niyang sambit.

Bakit ba mas masakit na ngayon ang pagliban nang tuluyan? "Alam mo bang balak kong magtagal rito, iniisip na baka dito ako titira? Ngunit napansin kong ang mga kakilala ko noon ay tila hindi na ako kilala maliban lamang sa iyo. Kilala nila ako dahil kilala nila ang mga magulang ko. Hindi ako. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa bayang ito. Kung wala ka? Malamang iilang araw lang ako rito."

Hinaplos ni Daniel ang pisngi niya't pinalis ang mga luha naglandasan doon. "Don't think about trivial matters, Jen. If you really want to stay here for good, do it. Wag mo na masyadong pakaisipin ang mga tao sa paligid, kung kilala ka ba nila o hindi. I am here. I won't leave you. Mas masakit na makitang ang taong nagpapahalaga sa 'yo simula nang bata ka pa ay lilisan na naman. At sa pagkakataong ito, baka hindi na talaga bumalik. Desisyon mong manatili, Jen. Maghihintay lang ako."

Napamaang siya nang ikulong siya nito sa mga bisig nito at hindi na siya nagreklamo pa nang madama niya ang init ng yakap nito.

"Di ka ba mapapagod maghintay?" bulong niya, nakapikit ang mga matang ginantihan ito ng yakap.

"Hindi ako magsasawang maghintay, Jen."

Tinanaw niya ang nag-iisang isla sa gitna ng karagatan na ilang milya ang layo mula sa kinatatayuan nila.

Hunas na naman ang dagat at lumulutang ang mga damong-dagat sa mababaw na tubig. Sinamyo niya ang maalat na simoy ng hangin at hinayaang tangayin ang mga hibla ng buhok na nakatakas sa pagkakatali.

Humakbang siya papalapit sa mga along tinatangay ang mga buhangin. Hinubad niya ang puti niyang sapatos at hinayaang damahin ng talampakan ang pinong buhangin. Hinayaan niyang mabasa ang mga paa niya ng tubig-alat, naramdaman ang init nito na nagmumula sa umagang araw.

"Jen!" Napalingon siya kay Daniel na nakangiting bitbit ang mga bagahe niya. Nginitian niya ito at nanatiling nakatayo sa halip na lumapit rito.

"Daniel."

Umarko ang kilay nito, tila matatawa pa nang makita siyang kulang na lang ay magtampisaw sa dagat.

"Ayoko pang umalis. Give me ten minutes. Magmumuni-muni ako." Ipinikit niya ang mga mata at tinanggap ang malamig na simoy ng hangin. Pinakinggan ang paghampas ng alon sa mga paa niya.

"We suppose to go to Pacific Ocean. The sands there were white. A blue expanse of water." usal nito, trailing off.

Ibinuka niya ulit ang mga mata niya. "Hindi na ako babalik."

Lumungkot tuloy ang anyo nito kaya natawa na lang siya nang mahina't lumapit ito sa kanya. Inabot niya ang mukha nito ngunit napagtanto niyang ang laki na pala ng kaibahan nilang dalawa pagdating sa pisikal. Hanggang kili-kili lang yata siya nito at alam niyang kayang-kaya siya nitong pisain.

"You couldn't reach my face, silly." Tila nagkislapan ang mga luntian nitong mga mata at marahang pinisil ang pisngi niya. "Ang cute mo."

"Yeah, right." Pabirong inirapan niya lang ito at sinuot na ang mga sapatos niya kahit na basa pa ang mga paa niya.

Paglisan. Masakit mang lumisan, mas masakit pa rin ang kaalamang may iniwan ka at naghihintay sa 'yo na walang kasiguraduhang babalik ba.

Ang lumisan. Masakit iwan ang kinagisnan mo, ang mga taong malapit na sa puso mo at naging parte na ng buhay mo. Mahirap makibagay sa isang lugar na wala doon ang puso mo. Na gustuhin mo mang bumalik ay matagal bago mo magawa. Maraming mga sirkumkasyong pumipigil sa 'yo. Hindi pa ang tamang panahon upang bumalik.

Kailan ba natin mahahanap ang Kanlungan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top