Epilogo

Paano mo ba malalaman mong nasa Kanlungan ka na? Ang mga bisig ng ina mong inaalagaan ka noong sanggol ka pa lang? Kung paano ka niya pinatahan at kantahan ng mga Kundiman upang ikaw ay matulog? Ang mga alaalang ng kahapon, ang magkahalong saya at pait na idinulot ngunit hinahanap pa rin ng puso mo? Kung saan ay namulat ka sa katotohanan, ang kainosentihang sinalubong ng mga reyalidad at paghihirap ng buhay na sa kabila ng lahat, ay nagawa pa ring magtampisaw sa malamig at magtakbuhan sa mga pilapil.

Mahinang pumapatak ang ulan, binibiyayaan ang mga palay, ang mga tanim na uhaw na uhaw at naghihintay ng pagbigat ng kalangitan. Ang ilog na unti-unting nagiging kayumanggi gawa ng pagragasa ng mga tubig. Ang Kanlungang hinahanap ng puso sa gitna ng magulo at maingay na lungsod. Hinahanap mo ang ganitong katahimikan, ang saglit na kapayapaan, ang kalamigang dulot ng tag-ulan sa probinsiya. Ang kasimplehan ng buhay at ang oras na tila ba kaybagal at tinatamasa ang bawat minutong nagdaan, hindi nagmamadali.

Ang nga eksenang nakatingin siya  malayo sa silid-aralan noong nasa mataas na paaralan siya na nasa sentro ng lungsod. Ang mga dikit-dikit na nga bahay, mga tagpi-tagping yero at mga maliliit na eskinita. Mga pusa't aso na palaboy-laboy. Mga pulubi sa labas, salat sa damit, pagkain at katinuan. There are times when she saw them stripping off each other's humanity which is very depressing in order to survive. Nakakasulasok, mabigat sa dibdib at humihiyaw ang bahagi ng utak niyang gusto niyang bumalik sa Kanlungan, ang tumakas sandali sa mga pagdurusang lagi mong nakikita.

Hawak-hawak ang payong na tiningnan niya ang marahas na pag-agos ng tubig sa ilalim ng tulay. May mga trosong tinangay ng tubig na alam niyang mapupunta sa dagat kung saan inaasam niyang marating. Ang dagat Pasipiko.

Ipinikit niya ang mga mata niya at dinama ang patak ng ulan. Ang papahinang mga patak nito na galing sa madilim na kalangitan. Ilang beses na siyang nakabasa ng mga alamat tungkol sa ulan. Kung paano'y lumuluha ang kalangitan na bahagi ng ating araw-araw.

May iilang sasakyan ang dumaan ng tulay. Mga basang tubig na tumalsik sa mga binti niya't hindi na niya inalala masyado at hinayaan lang iyon. Kaibahan sa mga nagiging reaksiyon niya sa tuwing may ulan sa lungsod, ang mabahiran ng putik ang uniporme niya't pumasok sa klase na basang-basa.

Unti-unti nang sumisilip ang araw, binabati ang mga luntiang damo't halaman na hangad ay madama ang init nito. Tiniklop niya na ang payong at napangiti sa bagong tanawin. Ang sinag ng araw na tumatama sa mga bubong ng mga bahay.

Lumakad siya  pabalik ng bahay niya. Isang simpleng bahay na gawa sa kahoy na angkop sa mainit na panahon.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang mapagdesisyunan niyang tumira sa Mararag. Ng mag-isa. Noong una'y ayaw ng pamilya niya dahil mawawalay sila sa kanya ngunit pumayag si nanay, iniisip ang kasiyahan niya, ang pangungulila niya sa bayan na pilit niya pa ring binabalik-balikan.

Nakakakulong ba siya sa mga alaala ng kahapon? Maaari ngunit hindi. Ito ang kanlungan niya. May alaala man o wala.

Sa paglipas ng araw, unti-unti'y nakilala niya ang mga nakatira sa Mararag. Ang mga estrangherong mukha na naging pamilyar sa kanya, gumagawa ng mga bagong alaala at hindi na masyadong sinadlak ang sariling walang nakakaalam sa buhay niya.

Desisyon natinf buksan ang buhay natin sa iba, ang malaman nila ang kuwento ng buhay natin noon rito, ang matuwa sapagkat may naalala silang batang kasa-kasama lagi ni Daniel.

Ang batang babae na nakaupo sa upuang kahoy, pinanonood ang paglalaro ng basketbol ni Daniel. Ang batang babaeng nakikita nilang nag-iigib ng tubig lagi, ang laging nakatambay sa nag-iisang kubo sa harap ng malawak na palayan. Ang akala nila'y apo ni Lola Carmel at Lolo Damian. Ang batang babaeng hilig ay lumangoy at magtampisaw sa ilog ng kahit anong oras o di kaya'y pumunta sa dalampasigan sa Marihatag.

Lumakad siya patungo sa mga palayan. Basang-basa ang mga pilapil ngunit mas lalo niyang iyong ikinasiya sapagkat madadama niya ang lupang lumambot mula sa ulan. Inalis niya ang pagkakasuot niya ng tsinelas at isinabit sa mga braso niya. Initsa niya ang payong na malapit lang sa kubo.

"Jen." Napapitlag siya at lumingon sa likod niya nang akma na siyang tatapak sa pilapil. Bumungad sa kanya ang nakangiti nitong mga mata, ang cleft chin sa gilid ng pisngi nito at ang namumula nitong mukha.

"Uy, Daniel. Sama ka?"

"Saan ka na naman ba pupunta?"

Nginisihan niya ito, pinaningkitan ng mga mata. "Sa Kanlungan."

Napangiti ito at sinundan pa rin siya hanggang sa pinanood nila ang paglubog ng araw sa likod ng mga bulubundukin.

Karaniwan na sa kanya makarinig na gusto ng mga itong umangat sa buhay, makabili ng mga gusto nitong mga bagay, ang makapaglakbay sa iba't ibang lugar at hanapin ang kaligayahan at kalayaan ngunit natagpuan ba nila ang kanlungan nila? Maaaring hindi, maaaring oo sapagkat kahit na nalibot mo na lahat, nagawa mo na lahat ng gusto mo. Nandoon pa rin ang puwang sa puso mo, ang paghahanap mo ng kahulugan sa buhay natin sa mundo.

Paano nga ba hanapin ang Kanlungan? Kung saan nangungulila ang puso't isip mo sa bagay, sa lugar, sa damdaming minsa'y nakapagpukaw sa kamalayan mo. Natatagpuan mo ang mga simpleng kanlungan sa mga bisig ng pamilya mo, ng tagumpay at ng pag-asa sa kabila ng mga pighati ngunit ang Kanlungan na alam mong mananatili ng matagal? Ng mga bagong alaala na mabubuo doon.

"Bagal mo naman, Daniel. Bilisan mo nga. Baka abutan tayo ng gabi kung kukupad-kupad ka d'yan." pabirong sermon niya kay Daniel na halos baliin na ang mga sangang tila may buhay na kumalabit rito.

Pinutol nito ang mga sangang harang rito. Tatawid pa kami ng ilog at aakyat pa upang makarating na kami sa harap ng dagat Pasipiko na nakakubli sa likod ng mga bulubundukin.

Pagaspas ng mga dahon, mga huni ng mga ibon at tunog ng mga hayop sa paligid, ang makapal na mga halaman at mga damong kapag tinatapakan ay minsang lulubog kaya hinahagip siya ni Daniel kapag may natapakan siyang lusak.

"Mag-ingat ka, baka sa isang hakbang mo lang, lamunin ka ng kumunoy. May mga ahas rin rito. Hindi lang natin napapansin masyado dahil bumabagay ang mga balat nila sa mga puno." paalala nito  nang luminaw na ang isang maliit na daan na kakaunti lang ang damo.

"Kapag naistorbo sila, saka sila manunuklaw. Defense mechanism nila or protection from danger kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon ang kilos nila sa mga tao." kaswal niyang sambit at nilakihan ang mga hakbang niya. Ang laking tao ni Daniel kaya humabol siya rito at kumapit sa braso nito.  Nakasabit sa mga balikat nito ang isang knapsack.

"Sulit naman kapag nakarating tayo doon. Isa pa. Hindi isang beses na pumunta tayo roon. Hindi mo ako maloloko kapag nagkunwari kang naliligaw tayo."

Ginulo nito ang buhok niya at inilapit siya lalo rito at inakbayan. "Dami mong alam."

Ilang minuto ang lumipas ay naririnig niya na ang hampas ng alon sa buhangin at tila nagningning ang mga mata ko nang masilayan ang malawak na asul na karagatan na tila walang dulo. Dali-dali niyang tinahak ang malawak na buhangin at napahagikhik nang maalis ang mga suot na tsinelas at madama ang pinong buhangin. Ang mga sangang nakakalat at may troso pa na naligaw sa gilid na tila ba naghihintay ng kung sinong uupo sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkamangha nang makita ang bulubundukin sa gilid, ang mga puno at niyog na sinasayaw ng mabining hangin. Ang paghampas ng alon sa mga bato sa gilid at ang unti-unting paghawi ng mga ulap sa kalangitan.

Inalis niya ang pagkakasukbit ng knapsack niya, hinayaang dampiin iyon ng pinong buhangin at idinipa ang mga kamay niya. Nang ibuka niya ang mga mata niya ay nakita niyang nakangiti si Daniel sa 'kin, kumikislap ang mga mata.

"I don't know if I'm still worthy seeing you . . ."

"What?" nakangiting usisa niya. Inalis niya ang hibla ng mga buhok niyang humarang sa mukha niya. 

Nagulat siya nang abutin siya nito't ikulong sa mga bisig nito.

"Natagpuan ko na ang kanlungan ko." bulong nito.

Gumanti siya ng yakap, ipinikit ang mga mata niya at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya. Hanggang sa naging mapayapa iyon, nasanay na. 

Rumagasa sa mga alaala niya ang mga mumunting pagtakas nila sa klase upang makinig ng drama sa radyo.

Magpaiwan sa loob ng silid-aralan at pagmasdan ang pagtama ng sinag ng araw sa mga mukha nila habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano.

Ang mga usapan tungkol sa mga plano nila sa hinaharap. Ang mga takbuhan at pustahan sa mga pilapil at dalampasigan. Ang paglabo ng pigura nito nang lumayo na ang bus na sinasakyan niya paalis ng Mararag.

Mga alaala ng kahapong nagpapatatag sa kanila ngayon. Mga puno't halaman na kabiyak ng mga gunita, ng pait at saya, ng hirap at ngiti. Sa kabila ng pagbabago ng lahat ay nasa sa atin pa rin ang desisyon upang makapiling ang iba't ibang bersyon ng kanlungan natin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top