8: Rendezvous
CHAPTER 8 - Rendezvous
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-imagine na hindi n'yo s'ya naramdaman sa loob ng café." Puzzled ang mukha ng pinakamaliit sa mga Kampilan, ang may-ari ng espadang may kulay lilang kinang. Kagagaling lang nito sa labas at bitbit ang ilang takeout coffees. Isa-isang iniabot iyon sa dalawang kasamahan upang magising ang inaantok nilang diwa. They were already up when the sun had not risen yet. They continued to watch and study all the CCTV footages they acquired three nights ago from the club and café.
"May theory ako, pero hindi ako sigurado," sagot ng Kampilang may dilaw na kinang ang puluhan ng tabak. Halos idikit niya ang mukha sa monitor ng desktop computer doon sa kanilang headquarters. Siya ang may hawak sa hard drive noong nagawa nilang kunin ang kopya ng mga footage mula sa club at café. Siya rin ang nang-erase ng mga existing video copy. Natuklasan niya kahapon sa isa sa mga video file na ang babaeng aswang ay nanggaling pala sa parehong café, kung saan noong mga oras ding iyon ay tinatambayan din ng unang tatlong Kampilang rumesponde sa jewelry shop. At isa siya roon.
Sa footage, makikita na trenta minuto matapos lumabas ng café ang aswang, lumabas din ang tatlong Kampilan. Naalala niyang naputol ang kuwentuhan nilang tatlo roon nang maramdaman ang peligro at itim na enerhiya ng aswang sa labas. Mabilis nilang hinanap 'yon kahit malakas ang ulan. At dinala sila ng kanilang senses sa jewelry shop.
"Pero may natuklasan pa 'ko. Ito ang footage sa loob ng café na mas maaga nang dalawang oras." Itinuro niya ang isang umpok sa mesa kung saan may tatlong kausap ang babaeng aswang: isang babae at dalawang lalaki.
"Halos sampung metro lang ang layo ng mesa ninyo sa mesa ng aswang," komento muli ng pinakamaliit.
"Mga aswang," pagtatama niya, sabay turo sa halos pare-parehong mga suot na alahas ng apat. "Ang kuwintas na suot ng babaeng aswang ay may pendant na itim na bato. Ang tatlong kausap nito ay may mga singsing na may katulad ding bato. Siguradong kasamahan ang mga 'yan."
"Itim na bato—" Mangha ang pinakamaliit. "Isang bertud?!"
"Bertud?" sali ng may dark blue na kinang sa espada. "'Yong anting-anting ng mga aswang? Akala ko ba ilang daang taon nang hindi gumagamit ng ganoon ang mga aswang dahil mahirap makahanap ng ganoong bato?"
"Oo, pero may naririnig akong mga k'wento na may mangilan-ngilan pa ring makalumang mga aswang na meron nito at maingat na nakatago," tugon ng pinakamaliit.
"Alam natin kung ano ang nagagawa ng itim na bertud. Kayang-kaya nitong itago ang enerhiya at katauhan ng mga aswang..." sabi ng may dark blue na kinang sa espada. Pagkatapos ay bahagyang lumaki ang mga mata nang may na-realize. "'Yon ang dahilan kung bakit wala kaming na-sense noon sa loob ng café!" anito, sabay iling. Isa rin kasi ito sa tatlong Kampilang unang rumesponde sa jewelry shop.
"Base sa mga footage na 'yan at mga suot nilang bertud, mukhang tama ang kutob ni Among na marahil ay hindi nga ito common incident lang. Mukhang large-scale plan ito ng grupo ng mga aswang," wika muli ng pinakamaliit.
"May point si Among." Muling tumipa sa keyboad ang may dilaw na kinang sa espada at iminuwestra ang ilang videos sa loob pa rin ng café. "Na-discover ko 'to ngayon lang. Na-record ang mga ito ilang linggo bago nangyari ang panloloob sa jewelry shop. Nand'yan ang babaeng aswang sa parehong mesa at oras."
Umawang ang bibig ng pinakamaliit. "Ibig sabihin, matagal na itong nagsasagawa ng surveillance sa area na 'yan..." Napapailing ito. "Ang malaking palaisipan ay kung ano ang plano nito—nila? Ano ang sadya nila sa Mond Jewelry Shop?"
"Alahas? Pera? Ginto?" suhestiyon ng tumitipa sa keyboard.
"Pero walang kinuha ro'n 'yong babaeng aswang."
"Malamang may partikular na alahas itong hinahanap." Ni-play ng tumitipa sa keyboard ang footage sa jewelry shop kung saan pinagbabasag ng aswang ang mga istante at isa-isang kinilatis ang mga naka-display.
"At anong alahas 'yon?" wika ng may dark blue na kinang sa espada.
Nahinto sila sa pag-uusap nang dumating ang dalawa pang kasamahang Kampilan. Nanggaling ang mga ito sa pag-iimbestiga tungkol sa mga nawawalang bangkay sa ilang karatig-probinsiya. Kamakailan lang ay personal silang nilapitan ng isa sa mga matataas na kawal ng konseho ng mga elemental being. Ang pangalan nito ay Bangiba, isang kapitang sundalo. Malapit ito sa Among nila at pinagkatitiwalaan. Kung kaya't tumulong sila sa pag-iimbestiga para malaman kung sino o ano ang may kagagawan ng pagkawala ng mga bangkay. Ilang araw nang tina-track ng pulutong ni Kapitan Bangiba ang may o mga may kagagawan noon, ngunit laging huli ng dating ang pulutong sa pinangyayarihan ng misteryo.
Hindi pa man naisasandal ng dumating na kasamahan ang likod sa silya ay may natanggap itong text message. Ang puluhan ng tabak nito ay may puting kinang. Binasa nito nang malakas ang text. "Galing kay Kapitan Bangiba. Nakaabot na raw dito sa siyudad ang tinutugis nila. Kailangan nila ng tulong natin para mahanap ang salarin. Mas marami, mas mabilis sa pagsuyod."
Isa-isa, mabilis silang naghanda at isinuot ang signature look nilang nakakubli ang mukha sa panyo o scarf. Mabilis nilang nilabas ang headquarters.
~~~~~~
Maaliwalas ang panahon at hindi pa sumisikat ang araw. Tiningala ni Arabella ang mga humuhuning ibon sa katabing maliliit na puno.
Mga Maya. Karaniwang uri ng ibon na makikita kahit pa sa malalaking lungsod kagaya ng Manila. Hindi alintana ng mga ibong ito ang labas-masok na mga tao sa coffee shop, o ang abala at maingay na katabing bangketa at kalsada.
'Di tulad niya, na piniling umupo sa labas ng coffee shop na may iilang customers. Nasa lilim iyon ng nabanggit na mga puno at doon niya iniinom ang kanyang cappuccino. Gaya ng dati, hindi siya komportable sa maraming tao.
"Gaano ba ka-vital ang sasabihin mo na hindi p'wedeng i-text o itawag sa cell phone?" biglang wika ng isang lalaki. Basta na lamang ito sumulpot sa harapan niya.
Unang napansin ni Arabella ang suot nitong dark brown na military jacket at ang matikas na pagkakatayo. Umangat ang tingin niya sa mukha nitong nakangiti sa kanya. Pati singkit nitong mga mata ay nakangiti rin. Hindi mapagkakamalang nasa late 30s na ito.
"How are you too, Jiao?" pasarkastiko ngunit nakangiting tugon ni Arabella.
Lumapit ang lalaki at mabilis na dinampian ng halik ang tuktok ng kanyang ulo. "How have you been, Pet?" balewala nito sa kanyang sinabi. Umupo ito sa tapat niya.
"Same crap, different day," pabiro niyang sagot. Inurong niya papunta sa bagong dating ang cup ng espresso na nauna na niyang in-order kanina para dito.
"Thanks," maikling sambit ni Jiao at sumimsim. Inunat nito ang matipunong braso, sabay mabilis na ginulo ang nakalugay na mahabang buhok ng kaharap.
Mabilis ding iniwas ni Arabella ang ulo. "You realize I'm not a kid anymore."
"In that case, I think I like you more when you were a kid."
"Para magulo mo lang ang buhok ko?"
"Exactly!" Eksaheradong inangat ni Jiao ang hintuturo sa ere habang maluwang ang pagkakangiti.
"Last time I checked, hindi pa kasinlaki ng troso 'yang braso mo..." Sinipat pa lalo ni Arabella ang tinutukoy. "Kina-career mo na talaga ang pagli-lift?"
"Well..." Nakangiting kumibit ng balikat si Jiao at hinubad ang jacket para maipakita na pati dibdib nito ay may improvement din. "How 'bout you? Nagdya-jogging pa rin kayo ni Faramir?"
Tumaas-baba ang ulo ni Arabella bilang tugon. "As often as I could." Pagkatapos ay inginuso niya ang T-shirt nito. "Ano 'yan?"
"Maganda ba?" Sabay turo sa ilang mga letrang nakadisenyo.
"KAM-PI-LAN?" naaaliw at nakakunot ang noong basa ni Arabella sa T-shirt.
"Yep," masiglang sagot ng kaharap. "Nabili ko kahapon sa isang boutique. Akalain mong matunog pa rin ang pangalan ng grupong 'yan kahit matagal nang lumipas ang viral videos nila."
"Mga vigilante sila. At mukha kang fanatic sa damit na 'yan."
"Astig 'yong design, e."
"Jiao... I will find a way to sneak in sa gagawing exhibit ni Cassandra," pag-iiba bigla ni Arabella sa usapan.
"What?" kunot-noong sagot ng kaharap.
"Hindi mo pa ba nababalitaan sa local news na magkakaroon ng exhibit ang Top Event? Na kompanya ni Cassandra?"
Napabuntonghininga si Jiao. "I heard about it, of course. And I didn't tell you and didn't include it in the parcel I sent you yesterday. Because I knew that if I did, you would do something as thoughtless as this..."
Napatingin si Arabella sa kape niya. Magaling na private investigator ang kanyang kaharap, subalit umiiral minsan ang pagiging protective nito sa kanya. Na kahit napagkasunduan nila noon na pagtutulungan nila ang pagmamanman kay Cassandra ay sinosolo nito minsan ang misyon.
Stern-faced and determined, she said, "Even so, I would still go on with what I intend to do."
Humalukipkip si Jiao. "You made me come all the way here just to tell me about this intention of yours? This intention na p'wede namang i-text o itawag."
"Dahil 'di p'wede. Complicated i-explain sa phone, e." Subalit napasimangot siya na may kasamang ngiti. Na-realize niyang ginaya nito 'yong sinabi niya kahapon habang papunta siya ng Paseo Diner.
But then they were distracted by the sudden commotion in the street not far from where they were. People started running, like fleeing for their lives. Some were heading in their direction. Bakas sa mga mukha ang takot, pagkabigla, pati ng pagkalito. Nanggaling ang mga ito sa gusali ng isang funeral home na nasa bandang unahan lang.
Dahil doon, pati ang mga ibong kampanteng nakadapo sa mga puno sa coffee shop ay nabulabog at nagsiliparan palayo. Marahil ay naramdaman ng mga ito ang biglaang tensiyon sa ere. Ilang motorista rin ang napahinto upang makapag-usyoso. Nagbiro pa si Jiao na parang nakakita raw ng bumangong patay ang mga nagsilikas.
"That's another lame joke," nangingiting sabi ni Arabella.
Isang ale na kasama sa mga lumikas ang pinagtanungan ni Jiao. Ang sabi, may nagwawaras daw na isang lalaki sa second floor ng funeral home. May mga punit ang damit at natatakpan ng maruming benda ang halos kalahati ng mukha. Parang taong-grasa. Pilit daw kinukuha nito ang patay sa loob ng kabaong. Sinaway at pinalabas ng guwardiya, pero kahit ito ay natakot din nang naagaw rito ang baril at natulak nang malakas sa katabing pader. Nang tumulong ang pamilya at mga kamag-anak ng patay, mas lalo raw nagwala na parang halimaw ang taong-grasa. Kung kaya nagsiatrasan lahat ng mga naroroon sa lamay at nagsitakbuhan palabas.
Makalipas ang ilang sandali, kasama na sina Arabella sa mga miron. Ngunit wala sa kamalayang nagpalinga-linga siya ng tingin sa paligid.
Napansin iyon ni Jiao at inakbayan siya. "Relax, Pet. Nothing to worry." Alam nito ang kahinaan niya kapag napaliligiran ng mga tao. "Sinong composer na ang pinakikinggan mo ngayon?"
"Chopin." Sabay kabit ng earpiece sa tenga niya.
But it wasn't about it why she was fidgeting. She knew it was something else. Somehow, she couldn't help herself to search the surrounding. Her eyes were looking for something strange. At sa hindi malamang dahilan, natutok iyon sa katapat na building ng funeral home sa kabilang bangketa. Dapat ay wala nang umaaligid doon dahil nagsilikas na ang mga tao sa vicinity.
But she still noticed something. Hindi niya mawari kung tao ba dahil bukod sa napakalayo, bahagya itong natatabingan ng anino ng ilang mga pader. Mukha itong nakatunghay sa funeral home at pinapanood din ang nangyayari.
May hinanap pa ang mga mata niya, sa bandang kaliwa. Sa isa pang establisimyento ilang pagitan lang ang layo sa gilid at kanan ng funeral home. Nakita niyang may dalawang nilalang doon, tila mga tao, tulad ng nauna kanina na nakatago rin sa mga lilim at anino.
She didn't know what to make out of it, lalo na nang hindi iyon pinupuna ng mga tao roon—kahit ni Jiao.
Ano pa nga ba ang dahilan ng ganitong pakiramdam at atraks'yon kundi mga ligaw na kaluluwa, wika niya sa isipan nang inamin niya sa sariling iba ang kutob niya sa mga iyon.
Binuksan niya ang camera ng cell phone niya at ini-record ang nagaganap. Kinunan niya una ang funeral home. Pagkatapos ay dahan-dahang itinutok sa katapat na gusali kung saan una niyang napansin ang ligaw na kaluluwa. Inilapat niya ang dalawang daliri sa screen ng cell phone upang mai-zoom in ang kinukunan. Ngunit dahil pixelated at grainy ang resolution, hindi pa rin niya mawari ang itsura ng kaluluwa. Nagtataka siya dahil solidong-solido ang korte nito.
'Di ba dapat tumatagos 'to sa background? hindi niya siguradong tanong sa isipan.
Ganoon din nang ilipat niya ang focus ng camera sa dalawa pang mga multo sa kaliwang parte. Subalit tila may hawak nang mga hugis-espada ang mga ito.
Napanganga si Arabella!
May ganoong hawak na rin ang unang kaluluwa nang ibinalik niya ang focus dito.
Kahit pa silhouette lang ang nakikita niya, alam niyang espada ang mga 'yon. Hindi malayong katulad sa tabak ng mga vigilante na kani-kanina lamang ay pinag-uusapan nila ni Jiao.
~~~~~~
Natapos ang komosyon makalipas ang mahabang sandali. Bumalik na muli ang ilan sa loob ng funeral home at naging normal muli ang daloy ng trapiko.
Inakay na rin ni Jiao si Arabella papunta sa nakaparkeng mga motor nila sa coffee shop. Hindi apektado si Jiao sa naganap. Para sa kanya, pangkaraniwan o isolated case iyon tulad ng pagnanakaw o panloloob sa isang gusali.
"You are strong, Pet. Don't let them get to you," aniya, patungkol sa mga estudyanteng kasalpukan ni Arabella sa Monte Carlo.
"I won't."
Muling hinalikan ni Jiao ang tuktok ng ulo ng alaga niya saka isinuot dito ang helmet. Alam niyang papasok na ito ng unibersidad. "I'm just a call away if you need me—though I know you can handle those people."
Tumango si Arabella sa sinabi nito. Niyakap niya ito at pinasibad na ang kanyang motor.
Makalipas ang ilang minuto, nang masigurong nakaalis na talaga si Jiao, binalikan ni Arabella ang pook sa funeral home. Mahaba pa ang oras bago mag-umpisa ang una niyang klase.
Hindi siya kumbinsido na basta na lang naglaho ang sinasabing taong-grasa ng mga nakasaksi. Na hindi na ito makita matapos mahulog mula sa second floor ng funeral home.
Her eyes narrowed in deep thought. Tila naglaho ito tulad ng babaeng nanloob noon sa Mond Jewelry Shop, na kahit mga pulis ay walang makuhang lead kung nasaan na ito.
Pa'no? Sina-salvage ba ng mga Kampilan ang mga ito at itinatapon o inililibing sa kung saan kaya walang ma-trace?
Oo. Alam niyang mga vigilante na Kampilan iyon dahil halata sa na-record niyang video kanina. Hindi mga multo na unang akala niya, kundi vigilantes.
Pero ano ba'ng paki ko sa kanila? kontra niya sa curiosity niya. May mga pulis nang nag-iimbestiga sa insidente sa jewelry shop. Dapat kay Cassandra ako nagko-concentrate. Subalit ewan niya at talagang kinakain siya minsan ng kuryosidad everytime na nababanggit ang grupong iyon.
Sa sementadong sahig (sa dalawang pook) ay may napansin siyang maliit na mga letra. Nakaukit iyon. Magkapareho. Para lamang iyong komon na vandalism. Pero ramdam niyang may kakaiba sa mga letra at malakas ang hinuha niya na kagagawan iyon ng tatlong vigilantes kanina. Mukhang ginamit pa ng mga ito ang espada bilang pang-ukit.
Gamit muli ang cell phone, kinunan niya ng litrato ang nakaukit na
sa dalawang pook.
Alam niyang iyon ay mga letra sa 'Baybayin.' Isang ancient Philippine Writing System na gamit na ng mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Na sa kasamaang-palad ay halos hindi na ginagamit o nalalaman ng mga Pilipino ng makabagong panahon.
Ngunit isa siya sa mga taong marunong at interesado sa Baybayin simula pagkabata.
At ang kahulugan ng nakaukit ay... 'Bigkis.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top