7: Paseo Diner
CHAPTER 7 - Paseo Diner
"Nasa'n ka?.." tanong ng lalaki sa kabilang linya ng cell phone ni Arabella.
"Somewhere... out there..." pa-pilosopo at matamlay niyang sagot.
"Beneath the pale moonlight?" dugtong ng nasa kabilang linya.
Natawa si Arabella nang marahan.
"Did I hear you laugh?"
Nailing siya at nangiti. "That is one lame joke, Jiao."
"Yeah, I'm aware." Natawa rin ang lalaki. "So... are you feeling better now?"
She took a long, deep breath. Then slowly exhaled while saying, "Yeah, better. Thanks."
After some time, her mood was now starting to lighten up. Tanghaling tapat kasi pero sinasabayan iyon ng init ng ulo niya. Nasa labas siya at sinusuyod ang lansangan para magpakalma ng sarili sa nangyari sa kanya buong umaga sa unibersidad.
"Hindi ko pa nabubuksan 'yong padala mong parcel," pagbibigay-alam ni Arabella. "P'wede naman kasi sa phone na lang sabihin."
"Dahil hindi p'wedeng sabihin sa phone," sagot sa kabila.
"Secured naman itong linya, a?" Kompiyansa siyang kahit anong sikreto ang pag-uusapan nila, walang makababatid dahil silang dalawa lang ang nakaaalam ng numerong gamit nila ngayon.
"When I said, 'Hindi p'wede,' it meant hindi effective na i-describe ko through phone—"
"I know, Jiao," Arabella cut in, followed by a muffled laugh. "I was trying to make a 'failed' joke, too."
Bumuntonghininga ang nasa kabilang linya, sabay natawa rin. "Daig mo pa ang may bipolar disorder. Seconds ago, you're feeling down. Then now, ikaw na ngayon ang nangungulit... Just let me know your thoughts kapag nabuksan mo na ang parcel, okay?"
"Fine," nangingiti pa ring sagot ni Arabella. Her mood seemed to be really improving.
"So... will you tell me kung nasaan ka?"
Saktong prumeno siya sa isang makitid na parking area at ibinaba ang stand ng motorsiklo. "Paseo Diner," sagot niya.
"A what?"
"Paseo Diner... 'Paseo,' meaning 'pasyalan' sa Spanish at Chavacano."
It was a diner not far from the university. It had long captured Arabella's curiosity because of its small but charming garden design in front. Besides, she really needed to look for a place to pass the time until her next class. Hindi na siya komportable tumambay sa canteen ng eskuwelahan. Ayaw rin niyang lumagi sa loob ng campus.
She proceeded to walk along the paved pathway. Napapalamutian ang gilid noon ng mga halamang namumulaklak; at ilang Victorian style benches at lamp posts, animo'y nasa pasyalan talaga sa isang park.
Nang aktong hahawakan ni Arabella ang seradura ng salaming pinto, nakaramdam siya ng mahinang pangingilig na sensasyon. Nagtaka man, itinuloy niyang hawakan iyon.
"Aww!" Maliksi niyang binawi ang kamay. Nakoryente siya!
"What happened?" tanong ng nasa kabilang linya.
"I-I'm not sure..." aniyang nakakunot ang noo at hinihimas ang kamay. "The doorknob... Maybe it's just static electricity..."
"Well, natural lang 'yan lalo na't malamig ang paligid at tuyo ang ere. 'Tapos metal ang hinawakan mo."
"I know. Pero hindi kaya malamig dito." She even glanced up the sky to confirm to herself na wala na nga ang maiitim na ulap na ilang araw nang may-sanhi ng ulan at malamig na kapaligiran.
Arabella dismissed it at muling binuksan ang pinto upang pumasok. Ngunit para siyang bumangga sa hindi nakikitang harang! Napaatras siya at muntik nang matumba patalikod. Pakiramdam niya ay itinulak siya palabas!
For a moment there, she was stunned. Nang mahimasmasan, mabilis siyang nagpalinga-linga na sana walang nakakita sa nangyari. Nakahihiya.
She thought, imposibleng may pangalawa pang salamin doon na hindi niya napansin. Hindi iyon puwede sa building code ng Pilipinas lalo't walang signage.
May pagtataka man, binuksan muli ni Arabella ang pinto at—walang nangyari! Dahan-dahan, sinalat ng kamay niya ang kawalan sa harapan. "Odd," sambit niya nang wala pa ring nangyari at wala na ang blockage.
"Hey, Pet... You okay?" sabi sa kabilang linya.
"Y-yeah, I'm okay, Jiao." Nawala na sa isip niya ang kausap. "I'm already inside. Kain muna ako. I'll call you back later." Sabay tanggal ng wireless earphone sa tenga matapos ang usapan.
Nang tuluyang nakapasok, sumungaw ang munting ngiti sa mga labi niya. Marami kasing halaman at maaliwalas. The booth couches and tables looked cozy and inviting kahit simple iyong tingnan.
Pasalampak siyang naupo sa isa sa mga couch na nasa tabi ng salaming dingding. Sumandal para ma-relax ang tensed niyang mga muscle. Tila kasi hindi matapos-tapos ang mga kakaibang nangyayari sa kanya simula noong unang pasok niya sa Monte Carlo. Na mukhang pati roon sa diner ay nasusundan siya ng kababalaghan. Pagkatapos, dumadagdag pa ang grupo ni Bernadine.
Naimasahe tuloy niya ang sentido.
Paano, ang aga-aga kanina ay naabutan niya ang grupo nito sa kanyang locker. Si Bernadine, nakamasid lang. Ang iba ay nakatayo sa harapan para panakip sa ginagawa ng dalawa sa pinto ng nasabing locker. Pagkatapos, umalis ang grupo na nakangisi.
Malalaki at capitalized na BITCH ang makikitang nakasulat na roon. Ginamitan iyon ng pulang spray paint upang mahirap mabura. Gumaganti sa kanya sa nangyaring komprontasyon kahapon malapit sa canteen.
Tumingala si Arabella sa 'di kalayuang kisame na may CCTV camera. Base sa anggulo noon, paniguradong nakunan ang ginawa ng grupo. Puwedeng ireklamo lalo na't napaka-degrading ng nakasulat at isa 'yong vandalism, na ipinaghihigpit ng unibersidad.
Mabilis niyang kinuha ang lahat ng gamit niya sa locker at ipinasyang huling beses na iyong rerentahan. Mas mainam dahil mababawasan pa ang school fees niya.
Dumeretso siya sa araling History. Iniwasan niya ang dating puwesto sa itaas at umupo sa likuran noon. Subalit alerto siya. Baka magpakita muli ang naninigaw na kaluluwa.
Dumating si Seff. Tumango ito sa kanya at umupo sa dapat na inupuan niya kanina. Kasunod nito si Alexis na parang dala-dala ang sinag ng araw sa mga ngiti nito.
"Hi," bati ng mestisuhin sa kanya bago naupo sa tabi ng kaibigan.
Napigil ni Arabella ang hininga nang lumitaw ang babaeng nanggagalaiti. Dinuduro si Seff!
Gaya ng dating gawi, nilakasan ni Arabella ang volume ng pinakikinggang classical music.
Nang walang reaksiyon si Seff, bumaling ang multo sa kanya. "Pagsabihan mo nga ito na umalis sa upuan ko!"
Patay-malisyang binuklat ni Arabella ang notebook niya kahit nagsisitayuan ang mga balahibo niya sa batok at mga braso.
"Helloooo?!" sigaw muli ng multo. "Pati ba naman ikaw ay babalewalain din ako?!"
Mas bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi kasi inaalis ng babae ang titig sa kanya dahil naghihintay ito ng sagot. Ngunit determinado siyang hindi ito pansinin.
Hanggang sa si Alexis naman ang pinuntirya nito. At nang wala ring reaksiyon, idinuldol nito ang naaagnas na mukha sa walang kamalay-malay na lalaki.
Bigla, umunat paitaas ang dalawang braso ni Seff (na nakatikom ang mga kamao) upang makapag-stretch habang sinasabayan ng hikab. "Man..." sabi nito, "I need more caffeine."
Sa ginawang iyon, tinamaan ng isang kamao ni Seff ang mukha ng multo. Na sa pagtataka ni Arabella ay napaatras ito na parang tinamaan talaga ng suntok, hanggang sa tuluyang lumaho roon.
"But you already had two cups of coffee...." naiiling na sabi ni Alexis habang natatawa. "Just what made you awake all night at puyat na puyat ka?"
Hindi na nasundan ni Arabella ang pinag-uusapan ng dalawa sa harapan dahil nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Sana kaya rin niyang gawin iyon sa babaeng multo para hindi na manggambala habang may klase. Pero papaano? Aksidente ang nagawa ni Seff. Ni hindi nga nito alam na may multo roon!
Ilang minuto bago natapos ang klase, nilingon siya ni Alexis. May ibinibigay itong flyer. Nasorpresa man siya, tiningnang-pahapyaw niya iyon. Una niyang napuna ang mga salitang 'pool party.'
"There will be a pool party this coming weekend at a friend's house," kumpirma ni Alexis sa nakasulat. "You should come."
Ako? Iniimbitahan ako? Hindi tuloy alam ni Arabella ang isasagot.
Lumingon din si Seff sa kanya. Nasa anyo nito na naghihintay rin ng sagot.
Lumipat ng upuan si Alexis at tumabi sa kanya nang matanto nitong tatanggihan niya ang imbitasyon. "Don't worry, I personally know this guy," anito. "You will meet lots of Monte Carlo students there. It will be a perfect time to get to know new people other than Bernadine." Kumindat pa ito nang banggitin ang huling pangalan, sabay baling sa grupo ng mga kababaihan sa ibaba. "Susunduin kita, kung gusto mo. Though... I noticed you rarely part with your bike."
"I uh—I appreciate the invitation..." sa wakas ay sagot ni Arabella. "But I have to pass, sorry." Tiyempong na-dismiss na ang klase kaya maliksi niyang dinaklot ang backpack at tumayo. "Mauna na ako sa inyo."
"Wait up—" tawag ni Alexis at nagmadali ring tumayo. "Our next class is in the same building as yours," paliwanag nito. "Sabay na tayo, if you won't mind?"
Arabella agreed hesitantly. She quickly trod down the few steps, trying her hardest to ignore the unwanted attention her classmates were giving her, lalo na ng grupo ni Bernadine nang mapadaan sila sa gilid ng mga ito.
"Why?" maya-maya ay tanong ni Alexis nang nasa labas na sila patungo sa kabilang gusali.
"A-ano?" litong balik-tanong ni Arabella. Nakatingala siya nang husto sa lalaki dahil sa katangkaran nito. Mas umandar ang pagiging uneasy niya lalo pa't napapalingon sa gawi nila ang nadadaanan nilang mga estudyante. Ni hindi niya napansing binabagtas na pala nila ang plasa.
"Why won't you come?" pagka-klaro ni Alexis.
"I... I don't go to parties."
"For real?" There was amusement in his expression when he gazed at her.
Marahang tango ang isinagot niya.
"Not even once?" Hindi makapaniwala si Alexis pero nangingiti ito. Mas lalo itong nagiging curious sa kilos at karakter ng kausap.
"I used to," maikling sagot ni Arabella.
Walang ano-ano'y biglang nagsitakbuhan sa iba't ibang direksiyon ang mga nakaistambay sa plasa. Bumukas kasi ang mga sprinkler sa lawn at bumuga na naman ng tubig!
Pati tuloy sila ay nakisabay sa takbuhan para hindi mabasa.
Habang tumatakbo, maliksing hinanap ni Arabella ang may kagagawan noon. Nakita niya ang babaeng multo. Sinusundan siya ng tingin nito habang nakasilip sa likod ng fountain at halata ang takot. Napasigaw ito nang malakas nang mapagtantong nakatitig din siya rito. Hindi na siya nagtaka nang siya lamang ang nakarinig ng sigaw.
"What in the world was that?!"
Magkasabay nilang nilingon ni Alexis ang pinanggalingan ng bulalas sa kanilang likuran. Sandaling nawaglit sa isip nila na nakasunod pala si Seff. Magkasalubong ang mga kilay nito habang pinapagpag ang nabasang buhok at damit. Gumulo lalo ang buhok nitong dati nang mukhang bagong gising.
"I guess they mistakenly set the timer on school hours," pagbibigay-opinyon ni Alexis.
Ilang sandali pa, humahangos ang isang caretaker at binuksan ang control panel na nasa fountain upang pahintuin ang pagdidilig ng sprinklers....
~~~~~~
"Ano'ng oorderin nila?"
Bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Arabella. Kinakausap pala siya ng isang babae. Maganda ito at naka-casual attire. Malalamang isa itong staff doon dahil sa suot nitong apron na may disenyo at logo ng Paseo Diner.
Maliksing pinasadahan ni Arabella ng basa ang menu at nagbigay ng order. Ngumiti ito sa kanya bago lumayo at dumeretso sa counter. Iniabot nito ang ilang order slips sa isang matandang babae na obvious na may hawak sa cash register.
Samantala, inilabas ni Arabella mula sa backpack ang parcel na natanggap niya kaninang umaga via courier. Galing iyon kay Jiao, isa sa mga mangilan-ngilan niyang pinagkatitiwalaan simula musmos siya. Alam niyang importante iyon. At dahil sa nakai-stress na mga pangyayari kanina, hindi pa niya iyon nabubuksan.
Ilang mga litrato ni Cassandra Yangco at ng mga nakahahalubilo nito ang laman noon. Tinulungan siya ni Jiao sa pagmamanman habang busy siya sa enrollment at paglilipat ng tirahan doon sa Manila kamakailan.
Bawat litrato ay may deskripsiyon ng oras, araw, at lugar kung saan iyon nakunan. Bawat bagong mukha ay may nakalaan nang pangalan at background information.
Sumunod niyang inilabas ay isang magasin na may nakadikit pang note. Sulat-kamay ni Jiao.
"Open to page eight?.." basa ni Arabella sa nakasulat.
It's an article about Cassandra. Tinalakay roon ang pagiging mahusay at matagumpay nitong Pilipinang entrepreneur. Nabigyan pa pala ito ng parangal kamakailan bilang isa sa mga 'Empowering Women of the Year.' Sa dulo, binanggit ang pagiging mahilig nito sa antique collections lalo na sa mga painting at alahas.
Mabilis isinilid ni Arabella sa envelope ang mga laman. Papalapit na kasi ang waitress kasama ng kanyang order. At nang makaalis ito, isinuot muli ni Arabella ang earphone at nag-dial.
"I never knew she's into antiquity business," aniya.
"Well, now you know," sagot sa kabilang linya.
"I really appreciate this, Jiao. Thank you."
"Anytime, Pet."
Matapos ang usapan, inilabas ni Arabella ang laptop at pocket wifi. Nagbukas siya ng browser at nag-type ng ilang key words, like 'antique' and 'Yangco.'
"Voila," nasisiyahang sambit niya maya-maya. Nasa local news na magkakaroon ng exhibit ng mga antigong alahas mula sa mga koleksiyon ng ilang prominente at kilalang personalidad sa lipunan. Isa iyong charity event kung saan ang organizer ay ang Top Event na pagmamay-ari ni Cassandra.
"What are you up to, Cassandra?" bulong niya.
Hinanap niya ang website ng Top Event para makuha ang contact details ng opisina. Businesslike ang boses niya nang tumawag dito gamit ang ibang cell phone at numero. She introduced herself as coordinator of a news agency. It was actually easy for her to interact with unknown people through phone. Hindi niya kasi nakikita. So, walang sasambulat na anxiety. Subalit hindi siya pinalad na makakuha ng slot para makapasok sa event. Fully-booked na raw.
Tinawagan niya ang main branch ng Trademark Hotel. Doon gaganapin ang nasabing exhibit. Five-star hotel iyon, obvious na first choice ni Cassandra kung publicity ang habol nito. Narinig niya sa kabilang linya ang masiglang bati ng isang lalaki na nasa front office.
"Hi. This is Arabella."
"Hello, miss." The guy's tone suddenly changed.
"I'd like to enquire if there was a reservation made by Top Event."
"Just a moment, miss."
Nang bumalik sa telepono ang kausap, kinumpirma nito sa kanya ang parehong petsa at oras ng nabanggit na eksibit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top