5: Seize
CHAPTER 5 - Seize
"Ahhh! Mga walang k'wenta!"
She was fuming mad. Her eyes threw flashing knives of frustration and anger. Muling nakadampot ng dekorasyong vase ang Sanderiana at gigil na ibinato iyon sa ilang mga tauhan sa harapan. Dahil sa taglay na kakaiba at 'di pangkaraniwang bilis, pasimpleng nagsiiwas ang nasabing mga tauhan kaya tumama ang vase sa likurang pader. Sa sahig, nagkalat ang ibang mga basag nang porcelain.
"Arghh! Ang mga antigo at mamahalin kong china!" gigil na sigaw muli ng Sanderiana nang ma-realize ang ginawa. Dadampot pa sana ito ng isa pang vase subalit nagpigil na ito ng inis. Kung hindi, isa pa nitong antigong koleksiyon ang magkapira-piraso.
"Huminahon kayo, Sanderiana," sambit ng isang babaeng tauhan na nagngangalang Kaliwa.
"Huminahon? How could I?! E, meron pa palang pangalawang CCTV footage na nasa news na kaninang hapon!"
Ang kumakalat na pangalawang footage ay galing sa CCTV camera ng dance club. Naka-install iyon sa labas sa may entrance door. Isa iyong camera na may 360-degree field of view, kung kaya kita ang mga nangyayari hindi lamang sa entrance, kundi pati na rin sa lansangan.
"Kung hindi pa kumalat sa TV at Internet 'yan, hindi pa natin malalaman na may nakuhang ganyang footage ang mga pulis. I thought pulido kayong magtrabaho? Bakit hindi n'yo nadiskubre ang footage na 'yan?!" Kasabay noon ay ang marahas na pagturo ng Sanderiana sa katabing flat screen.
Naroong paulit-ulit na ipinalalabas sa TV ang mga Kampilan. Na pasimple ang mga kilos papuntang Mond Jewelry Shop. Makikita na ang naunang tatlo ay nanggaling sa dulo at kahilerang café. Makalipas ang ilang sandali, sumunod ang huling dalawa na nanggaling ng dance club. Medyo pixelated ang bidyo dahil bukod sa maulan at gabi, nai-zoom in na iyon ng video expert ng pulisya upang mai-emphasize ang suot ng mga ito at tiyempo ng oras ng pagpasok sa jewelry shop. Tugma ang mga detalyeng 'yon sa nauna nang footage na kuha sa loob ng nabanggit na shop.
Tumikhim ang isang lalaki na may matipunong pangangatawan. "Mahirap nang makuha ang footage na 'yan lalo pa't nasa poder na ng mga imbestigador. Panigurado rin ay wala nang ganyang kopya ang club." Sa itsura at tikas pa lamang nito, masasabing ito ang leader sa mga tauhan. Ang pangalan nito ay Dumaran. Sa mundo ng mga tao, ito si Elmer Dumaran.
"At papaano kung may naitagong ibang kopya?" One of her eyebrows rose while maintaining her low, menacing voice. Ang mga tingin ay nanunusok pa rin sa mga tauhang nakayuko. "Wala na nga kayong alam tungkol sa existence ng footage, hanggang ngayon ay wala pa rin kayong alam kung ano na ang nangyari sa kasamahan ninyong nasukol sa jewelry shop." Sandaling hinilot nito ang tuktok ng ilong sa pagitan ng mga mata. "Naturingang magaling na mandirigmang aswang pero nagapi lang ng pipityuging vigilantes! Pagkatapos ngayon ay hindi natin alam kung nasaan na ito—kung bangkay na ba!"
"Sanderiana, kagaya ng nauna nating ispekulasyon, malakas ang posibilidad na binihag ng vigilantes ang kasamahan natin upang makahingi ng ransom," komento ng nagngangalang Lumagbas.
"Ransom?" naiinis na tugon ng Sanderiana. "Ilang linggo na ang lumipas pero walang humihingi n'yan! Saka sabihin n'yo nga sa akin, na kung papa'nong basta na lang natalo 'yong kasamahan n'yo sa mga ordinaryong tao?! Ha?!"
Sumabad muli ang leader. "May mga umuugong na haka-haka sa komunidad ng mga lamanlupa at ibang elemental beings dito sa mundo ng mga tao na posibleng mga mandirigmang 'Kampilan' nga ang mga vigilante na 'yon."
"At nagpapaniwala kayo sa mga tsismis?" Sarkastiko ang tono ng Sanderiana. "We all know that they were extinct. Almost two hundred years na! Kung meron man, e, 'di sana matagal na silang na-sense ng mga espiritu at ng iba pang elemental beings. Pero wala! Ni hindi nga ninyo alam na baka binili lang nila ang mga tabak nila sa eBay!"
"Ngunit, Sanderiana, makikita naman sa bidyo na maalam ang mga vigilante sa pakikipaglaban."
"Naman. Kaya nga vigilantes, e! Ang sabihin n'yo, naging kompiyansa ang kasamahan n'yo kaya siya nasukol!"
A deafening silence fell over the elegant room once more. Tanging paghingal ng Sanderiana ang maririnig habang nakayuko muli ang iba.
"Puntahan n'yo ang club na 'yon—pati na rin ang café! Kunin ang lahat ng ebidensiya kung meron man. Gusto kong hawak ko ang mga ito. I don't care how you do it. Hindi natin alam na baka tinitiktikan na pala tayo ng mga pulis at nai-link na tayo sa nangyari sa jewelry shop." Naisip din ng Sanderiana na baka matuklasan nila sa footage ang pagkatao ng vigilantes na sumira ng kanilang plano.
"Ngayon din, papupuntahin ko ang limang alagad sa club, Sanderiana," mabilis na wika ng leader.
~~~~~~
Noong gabing iyon, nasa labas din ang mga Kampilan. Nagkita-kita ang lima sa isang matao at abalang lugar pagkatapos ng unang mahalagang misyon. Nagbe-blend in sila sa kulupon ng mga tao sa paligid. In fact, they were standing just few meters away from the dance club.
Tinapik ng isa ang bulsa ng pantalon. "Nandito na lahat sa external hard drive ang CCTV footage mula sa club." Tinutukoy nito ang video file noong gabi ng panloloob ng aswang sa Mond Jewelry Shop. Iyon ang video na naipalabas kaninang hapon sa TV sa news at Internet. Kung hawak nito ngayon ang espada, makikita ang kulay dilaw na kinang sa hawakan noon.
"In-erase mo rin ang kopya na hawak ng club?" tanong ng isa.
Just as they suspected, the management of the club managed to make a copy before the original was turned over to the authorities.
"S'yempre," sagot ng una. "Tayo na lang ang may kopya nito."
"At ng mga imbestigador," pagtatama ng isa na makikitaan ng kulay lilang kinang kung hawak din nito ang espada. Ito ang pinakamaliit sa lima. "Remember? Nasa kanila ang original footage?"
Nangingiting napatango ang may hawak sa hard drive.
"In-erase mo rin ang mga CCTV footage ninyo no'ng pumasok kayo kanina sa opisina ng manager?" naninigurong tanong muli ng pangalawang nagsalita. Ito ang may-ari ng espadang may pulang kinang sa hawakan. Subalit nakatago iyon kasalukuyan dahil matao.
"Burado lahat. Walang trace na maili-link sa atin," sagot muli ng una.
Wala silang naging problema nang makapasok kanina sa club. Nagkaroon lang ng kaunting balakid na makalusot sa opisina ng manager. Naroroon kasi sa silid ang computer kung saan naka-feed ang mga CCTV camera ng club. Pero nagawan iyon ng paraan ng dalawang Kampilan habang ang tatlo ay naroroon sa dance floor at bar bilang lookout at backup.
Tumunog ang cell phone ng isa pang Kampilan, na kung hawak din nito ang espada ay makikita ang kulay puting kinang sa hawakan noon. Makikita sa screen ng cell phone nito ang pangalang 'Among.' Katumbas ng pangalang iyon ang pinuno o maestro. Sinagot iyon at inilagay sa speaker mode upang marinig ng mga kasamahan.
"Ano na'ng development?" Boses-lalaki ang nasa kabilang linya.
"Nakuha na namin, Among," sagot ng may-hawak ng external hard drive.
"Good job," tugon ng pinuno.
"Among," pasok ng may-ari ng cell phone, "hihintayin muna namin na magsara mamaya ang café bago ito pasukin."
"Mag-iingat kayo."
At nang nagsiuwian na ang mga empleyado ng naturang café, saka naman naghanda ang mga Kampilan na kanina pa matiyagang naghihintay sa tabi-tabi. They covered their faces with their signature look: panyo sa ilong at bibig, hood o 'di kaya ay sombrero sa ulo.
"Ako lang ba?" wika ng may hawak kanina ng cell phone. "Pero, kanina ko pa nase-sense itong ibang energy. Hindi ko matumbok kung sa'n galing. Parang malapit lang..." At napalingon ito sa isang area sa kabilang block.
"Yep, kanina ko pa rin 'yan nararamdaman," sagot ng may-ari ng espadang may pulang kinang. "Hindi ko pinapansin kasi mukhang hindi naman delikado." Sinundan din nito ng tingin ang direksiyong nilingon ng kasama.
Hanggang sa natunton nila ang backdoor ng café. Sa makitid na eskinita iyon.
Nasa aktong kinakalikot ng isa ang doorknob nang mapahinto silang lahat at naging alerto.
Sabi ng pinakamaliit, "Naramdaman n'yo 'yon?"
The four nodded their heads in confirmation. They felt it, too.
"Iba 'to kesa sa naramdaman natin kanina. May bahid na 'to ng dark energy," sang-ayon ng isa. His drawn sword had a red glow in the hilt.
"Malakas ang kutob ko na hindi lang tayo ang may interes dito sa café," dagdag ng kasama na puti ang kinang ng puluhan ng espada nang inilabas iyon mula sa kung saan. "Siguradong may kinalaman ito sa second viral video na kumakalat kanina pang hapon."
Halos sabay-sabay ring nagsilabasan ng kanya-kanyang espada ang tatlo.
Gaya ng ginawa nila sa dance club, dalawa lamang ang pumasok sa loob ng café nang mabuksan ang pinto. Ang natitirang tatlo—na may dark blue, pula, at puting kislap sa mga espada—ay nasa backdoor bilang lookout at backup pa rin.
Mas lalong umalerto ang may-ari ng espadang dark blue ang kinang. Tumingala ito agad sa madilim na kalangitan. Anito, "Sinasabi ko na nga ba. 'Yong masamang energy kanina ay nanggaling sa mga aswang. Nasa rooftop sila. Umiikot-ikot."
Tumango ang dalawang kasamahan dahil iyon din ang na-sense nila. Mabilis na tumipa ng mensahe sa cell phone ang isa upang ialarma ang dalawang kasamahan sa loob ng café. Tiyempong ibinubulsa na nito ang cell phone nang mula sa itaas ay may mga bumagsak sa harapan nila. Limang maiitim at malalaking ibon!
Naging itsurang tao ang mga ito na puro itim ang kasuotan. Lahat nakayukod habang ang isang tuhod ay nakaluhod sa lupa. Halos sabay-sabay ring nagsiangatan ng tingin ang mga ito at tumayo.
Normal ang kulay ng balat nila, ngunit namumula ang mga mata at hugis-tinik ang ipinakikitang mga ngipin. Umangil ang isa para iparinig sa tatlong Kampilan ang nakapangingilabot na hininga.
"Kilala namin kayo, pipityuging vigilantes." Malalim ang boses ng aswang na umangil. Parang mabangis na aso na patuloy na ipinakikita ang mga ngipin kasama ng matatalas na kuko. "Gusto ninyong maging bayani, ha? At maging sikat sa TV?"
'Di inaasahang sarkastikong natawa ang isang Kampilan na may pulang kinang ang puluhan ng sandata. "Gaano kakilala?" anito, at pagkatapos ay naging intimidating ang postura kasama ng dalawang kasamahan.
Napaatras bigla ang limang aswang! Nawala ang pagmamayabang na kontrolado nila ang sitwasyon. Nakababahala at medyo nakatatakot kasi ang nasagap nilang enerhiya mula sa tatlo. Naging bantulot o alanganin ang asta nila nang mapagtantong hindi iyon enerhiya mula sa tao o ng anumang elemental beings na kilala nila. At the back of their minds, the old legend about the Kampilan warriors might be true. It was slowly stirring up their supernatural senses. But—they chose to ignore those signs.
"Alam naming nasa inyo ang mga kopyang ebidensiya sa club," matigas na sabi ng pangalawang aswang. Pero mababatid sa timbre ng boses nito na hindi na ito panatag sa presensiya ng mga vigilante. "Naabutan naming nagwawala ang manager doon kanina dahil may sumira sa file nito sa computer. Naiwan n'yo roon ang amoy ninyo at nasundan namin kayo rito. Walang duda na may kinalaman kayo sa nangyari lalo na't aksidenteng naisigaw ng manager ang tungkol sa kopyang footages."
Hindi sumagot ang nagsalitang vigilante kanina.
Inilahad ng pangalawang aswang ang palad. "Akin na ang kopya."
Wala pa ring imik ang tatlo. Sa halip, ipinuwesto nila sa harapan ang mga espada bilang babala sa mga aswang.
Binalewala ng unang aswang ang naramdamang kakaibang enerhiya ng tatlo. Paismid pang tumawa. Naalala nito ang sinabi ng Sanderiana na malamang ay nabili nga ng mga vigilante ang espada sa Internet. Mas natawa ito nang maisip na malamang ay props iyon galing sa pangkaraniwang stage play.
At sa isang iglap, sumugod nang sabay-sabay ang limang aswang! Kompiyansang sinalubong ng tatlong Kampilan ang matatalas na kuko at ngipin ng mga kalaban.
Inilabas ng isang aswang ang mahabang dila upang tumusok sa tiyan ng isang Kampilan na may puting kinang ang espada. Kaya ng dila nito na sumipsip ng mga lamanloob upang kainin. Parehong proseso iyon sa pagsipsip ng fetus ng isang nagdadalantao—an ancient method practiced by its race. Subalit, maliksing umiwas ang Kampilan at lumampas ang nakadidiring dila sa gilid nito. Gamit ang espada, pinutol nito iyon. Parang bulating nangisay-ngisay ang putol na dila nang malaglag sa sementadong daan. Hanggang sa nangitim iyon, naging pulbos, nilipad ng hangin, at nawala. Ang aswang naman ay napasigaw sa sakit at nasindak sa nasaksihan! Naputol ang sigaw nito nang tumarak sa dibdib nito ang espada ng katunggali at tinumbok niyon ang puso. Katulad ng naputol na dila, naging pulbos ang aswang.
Ganoon din ang sinapit ng tatlo pang mga kalaban. Nang masaksihan iyon ng natitirang aswang, napaatras ito at nagbago ng anyo. Naging malaking ibon ulit ito at lumipad! Pero listo ang mga Kampilan. Humiwa sa papatakas nang ibon ang mga espada. Bumagsak ito sa lupa, naging itsurang tao muli, at namilipit sa tinamong mga laslas. Pakiramdam nito ay para itong binuhusan ng asido sa tinamong mga sugat. Sumunod ay ang pagtarak ng mga espada sa puso nito at tuluyang naging pulbos din.
Eksaktong lumabas ng café ang dalawang kasamahang Kampilan nang masaksihan ang huling eksena sa eskinita.
"Wala na pala kaming maitutulong, e," pabirong komento ng pinakamaliit na may kinang na lila ang puluhan ng hawak nitong tabak.
"Alis na tayo rito," sabi ng may hawak ng hard drive. "Nandito na lahat ng kailangan natin."
Ilang sandali pa nang nasa lansangan na ulit sila at nagbe-blend in, tinawagan nila ang kanilang pinuno. Speaker mode ulit.
"Among, confirmed ang hinala natin na meron ngang mga kasamahan ang babaeng aswang sa jewelry shop. Pakay rin nila ang mga footage. Nagkita-kita kami rito sa café at nagkaroon ng 'di inaasahang pangyayari," report ng may hawak sa cell phone.
"Wala bang nasaktan sa inyo?" Nakuha agad ng pinuno na may nangyaring labanan.
"Maayos kaming lahat. Ire-review namin ang footages pagkatapos dito. Baka may makuha tayong impormasyon sa mga sumalakay na aswang."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top