4: Secretly Dining with Enemies

CHAPTER 4 - Secretly Dining with Enemies



Kinagabihan, nakamatyag si Arabella sa isang gusali. Natatabingan siya ng dilim at matataas na halaman.

Napaka-busy ng pook na iyon. Naglipana ang mga behikulo, establisimyento, at mga taong paroo't parito. But she was certain and sure that nobody noticed her.

Ibinaba niya ang dalang DSLR camera. Inilapit ang nanlalamig na mga palad sa bibig upang maihipan ng mainit niyang hininga.

"Kung bakit kasi nakalimutan kong mag-gloves," pabulong niyang sisi sa sarili.

Mas malamig ang kapaligiran dahil bukod sa mag-aalas-siyete na ng gabi, umaambon at palaging umiihip ang hanging Amihan. Nakalapit na kasi ang panibagong low pressure area ayon sa panghapong news sa TV kanina. Kung kaya makapal ang jacket niya na tinernuhan ng kulay abong beanie. Halos itim ang lahat ng kanyang suot.

Kulang na lang tawagin akong ninja o akyat-bahay.

Bahagyang napangiti si Arabella roon. For there's actually truth in it. Kanina, pasikreto siyang lumabas ng bahay nina Mang Chito papunta sa motorsiklo niyang nakagarahe. Mabilis at tahimik niyang iginiya iyon palayo. Saka na lang niya iyon pinaandar nang nakasigurong malayo na siya at walang tao sa paligid.

Itim din ang naturang motor. Isang underbone type. Iyon ang halos lagi niyang kasama nang mga panahong kinailangan pa rin niyang dumistansiya at hanapin ang sarili. Mga dalawang taon na iyon.

Maraming lugar na rin ang ibinaybay ko kasama nito. At nahaplos niya tuloy ang gilid ng kaha ng motor. 'Sniper' ang nakaukit doon.

Nang medyo nainitan ang mga palad, marahan naman niyang minasahe ang kanang braso. Medyo namamanhid iyon—lalo na sa may sugat—dahil sa aksidente kaninang umaga. Malinis at maayos na iyong nakabenda. Salamat sa nurse na gumamot at sa dalawang kaklase niyang lalaki na nanggiit kanina.

Maya-maya, itinaas ni Arabella nang husto ang ISO setting ng camera upang mas maliwanag ang kuhang picture lalo na sa ganoong kapaligiran na maraming madidilim na sulok. Isang advantage ng latest DSLR camera ay hindi grainy ang picture kahit sobrang taas pa ng ISO noon.

Muli siyang sumipat dito. Marahan niyang in-adjust ang mahabang lente (na nakabalot ng protective gear laban sa moist) at ipinokus sa bandang kaliwa ng gusali. May nakaparadang kotse roon at tatlong mga kalalakihang naninigarilyo. Pawang pangkaraniwang bystanders lamang. No one would suspect that it was a pretense as their disguise was effective. That underneath their nonchalant appearance, they were actually personal bodyguards.

Pero matagal nang napag-aralan, nakalkula, at nakabisado ni Arabella ang lakad ng mga ito.

Hindi pa rin sila nagpapalit ng routine.

Ilang saglit pa, nagsihandaan na ang mga ito at sumakay ng kotse. Senyales na papalabas na ng gusali ang kanilang binabantayan.

Isang matangkad at tsinitang babae ang iniluwa ng sliding door ng building. Sa postura, pananamit, at bitbit na mamahaling bag, she looked sophisticated and an important person.

As usual, alas-siyete na naman ang labas. Umangat ang sulok ng bibig ni Arabella.

May kasunod itong matangkad ding babae. Mas bata ang itsura sa estilo ng pananamit. Umandar ang kuryosidad ni Arabella lalo pa't saglit na nagpalitan ng salita ang dalawa.

Muli niyang pinihit ang lente upang malapitang makita ang pangalawang babae. Hihintayin niyang humarap ito sa direksiyon niya saka pi-picture-an.

"What the—" mahinang bulalas niya. "Bernadine Sandoval?.."

She couldn't believe it. Akalain ba niyang naroroon din ang antipatikang babaeng nakagirian niya kanina sa eskuwelahan!

Kanina, inalam niyang konti ang background nito. Mas mabuti na'ng nakahanda at may alam siya sa mga nakasasalamuha niya. Ayon pa, mayaman daw ang pamilya nito at isa itong fashion model.

No wonder pati hallways ng school kanina ginagawa n'yang catwalk para makakuha ng atens'yon.

Isang puting kotse ang huminto sa tapat ng dalawang babae. Lumabas ang driver noon at pinagbuksan ang mga ito ng pinto. Nang makaalis, sumunod din ang kotse sa dilim. Hudyat iyon upang sumakay na rin si Arabella sa kanyang motor at sundan kung saan mang lupalop pupunta ang mga minamanmanan.


~~~~~~


Humimpil ang puting kotse sa isang restaurant na nasa sentro ng business at commercial area. Magkasabay na pumasok ang dalawang babae sa loob. Two bodyguards discreetly followed inside subsequently. Ang isang kasamahan ay pumarada muli sa 'di pansining pook malapit doon.

Arabella did the same. Nakahanap siya ng lugar na malaya niyang napagmamasdan ang mga sinundan habang nakatago nang maigi. She realized na malapit lang sa area na iyon ang pinangyarihan ng sensational na Kampilan CCTV video. Dahil sa kabilang block lang mula roon ay ang Mond Jewelry Shop na. Kanina lang nga ay may kumakalat na namang panibagong CCTV footage sa panghapong news. But this time, nanggaling ang footage sa kalapit na dance club. Lalo tuloy sumikat ang grupo. Bibilang pa yata nang ilang buwan bago mamatay ang balita tungkol sa kanila.

Abruptly, she heard a wheezing sound. Kagyat lang na dumaan iyon sa mga tenga niya at nawala rin bigla. She felt something different about it. Like it was calling her. At sigurado siyang hindi iyon huni ng hangin.

Weird, she thought. First time niyang naramdaman iyon.

Then came a loud gurgling noise. Nanggaling sa tiyan niya.

Oh, crap... aniyang nangiwi tuloy. Hindi pa kasi siya nakapaghahapunan. Malamang nga gutom lang 'to.

Siniguro muna niyang nakatago nang maayos ang kanyang motor at ilang mga gamit. Inilugay niya ang mahabang buhok sa harap ng dibdib, kasama ng bangs na sinadya pa niyang i-trim para pantabing sa mukha lalo na sa mga sitwasyong kagaya ngayon. Muli't muli pa, ginamit niya ang wireless earpiece at nagpatugtog ng instrumental music.

Naobserbahan niyang hindi nagbigay ng kakaibang reaksiyon ang naiwang bodyguard sa labas nang lakas-loob niyang dinaanan ito. Ipinamulsa niya ang mga kamay at dere-deretsong pumasok ng restaurant.

Nang makapasok, hinubad niya ang jacket upang hindi pagtuunan ng pansin sa suot niyang all-black.

Mabuti na lang at 'di rin itim ang blouse ko.

Gamit ang nasabing jacket, idinantay at ipinangtakip niya iyon sa braso niyang may benda. Bagaman hindi niya sigurado kung alam ba ni Bernadine na may sugat siya dahil itinago niya iyon kaninang umaga, mainam na iyon kaysa makilala siya nito.

Natagpuan ni Arabella na kampante nang nakaupo na magkatapat ang dalawang babae. Pinili ng mga ito ang couch na may mataas na sandalan sa likod. Tiyempo naman na ang ibang sets ng upuan sa magkabilang panig ay bakante. Isa sa mga iyon ang kanyang uupuan. Atat siyang malaman kung ano ang relasyon at koneksiyon ni Bernadine sa kausap.

Natagpuan din ng mabilis niyang mga mata ang dalawang bodyguards. Nakapuwesto malapit sa entrance ang mga ito at kunwaring abala sa kausap sa cell phone.

Kaswal lamang ang kilos ni Arabella kahit pa pakiramdam niya ay matatabunan siya ng kanyang pagkabahala. Marami na kasing tao roon.

Relax... aniya sa isipan. You can do this.

Tamang-tamang may waiter na paparaan sa kanyang direksiyon kaya tinawag niya ito at nagtanong ng mairerekomendang meal. Nang sa ganoon ay hindi na siya bibigkas ng order kapag naroroon na siya malapit kina Bernadine. Baka makilala nito ang boses niya, naloko na. Malay ba niya na baka tinandaan siya nito kanina sa classroom.

Pasimpleng dinaanan ni Arabella ang dalawang babae at inokupahan ang bakanteng nasa kanan. Bagama't pinansin siya ng bodyguards, halatang hindi siya binigyan ng importansiya o ng kakaibang interes. Gusto niyang mapangiti dahil hindi man lamang siya binigyan ng pansin ng mga babae—lalo na ng mas nakatatanda. Abala ang mga ito sa pinag-uusapang designer's clothes, make-up, at hand bag.

Sabagay, kahit sulyapan pa siya ng mas matandang babae, malayong makilala siya nito. Bukod sa natatabingan ng buhok ang kanyang mukha, maraming taon na rin ang nakararaan nang huli siya nitong nakasalamuha.

Five years na pala, naisaloob ni Arabella habang literal na nagbilang sa mga daliri. Maikli pa ang buhok niya noon. Cheerful at palakaibigan. Madalas na bida sa social gatherings, kahit pa sabihing walang mga magulang na sumusuporta at pumupuri sa achievements niya. Ang kanyang mga magulang—

Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pigilin ang sarili na muling pumasok at manatili sa mga alaalang iyon. Mas kailangan niyang mag-concentrate sa ginagawa ngayon.

Kung kaya, inilabas niya ang cell phone. Napansin niyang sumulyap ang isang bodyguard. Pero tulad kanina, hindi ito nagbigay ng senyales na pinaghihinalaan siya.

Slowly, she took out of her pant's left pocket a small, portable, wireless device. Isa iyong micropone at voice recorder. Naka-bluetooth na sa cell phone niya. Kaninang pagtapat niya sa entrance door at namarkahan ang puwesto ng apat, strategically ay inilipat niya ang device sa kaliwang bulsa.

Mula sa gilid ng kanang mata ni Arabella, hinintay niyang mabaling ang pansin ng mga bodyguard sa ibang bagay, then swiftly dropped the device on the floor. Sa tabi iyon ng kaliwa niyang paa upang nakatago sa mga lalaki. Gamit din ang kaliwang paa, itinulak niya iyon patalikod papunta sa ilalim ng couch sa kabila. Mas epektibo kasi kung mas malapit iyon sa sound source.

And now, we're sitting back to back. A slight, satisfied smile formed on her lips.

In-stop muna niya ang pinakikinggang musika at ni-switch sa app para mapakinggan ang dalawa. Walang kamalay-malay si Bernadine. Sana lang ay hindi malikot ang mga paa nito at baka matapakan ang device, sa isip-isip ni Arabella.

Nahinto sa pag-uusap ang dalawa nang bumalik ang waiter.

Puro diet food... ani Arabella nang marinig na maliit na pirasong cake at kape ang in-order ng mga ito. Kabaligtaran niya na tila hindi na siya aabutin ng umaga sa mga putaheng in-order.

Nang dumating din ang in-order niya, marahan niyang nginitian ang waiter at bumigkas ng "Thank you," na walang tunog para hindi siya marinig sa kabila.

Muling inobserbahan ni Arabella ang mga bantay. Kalmado ang facial expressions at relax ang muscles sa mga braso at leeg. Indikasyon na walang kakaibang napuna ang mga ito.

Nalihis ang usapan ng dalawa sa Fashion Now magazine. Alam ni Arabella na pag-aari ng kaharap ni Bernadine ang pahayagan, ngunit hindi niya alam na nagmomodelo pala roon ang huli.

Bakit hindi niya iyon natiktikan? Magkaano-ano ang mga ito at bakit ngayon lang niya nakitang magkasama?

"So, Miss Yangco..." sabi ni Bernadine.

Miss Yangco? ulit ng utak ni Arabella sa narinig. Last name basis? Ibig sabihin 'di sila magkamag-anak? Kumunot tuloy ang noo niya. Malay ba niya, e, sa tono ng kuwentuhan ng mga ito kanina ay parang close. Or close nga ba?

"Call me Tita Cassandra," pasok ng babae sa sasabihin ni Bernadine.

Nagpanting ang mga tenga ni Arabella. Simula pa noon, she despised that name and its owner. Gusto niyang tanggalin tuloy ang earpiece sa hindi mapigilang inis! Pero, hindi siya dapat magpadala sa nararamdaman. Humigpit tuloy ang pagkakahawak niya sa kubyertos.

"Tita Cassandra, then..." tugon ni Bernadine. Nai-imagine ni Arabella na pa-sweet ang ngiti nito base sa pa-cute nitong tono. "So, tita," patuloy nito, "about my upcoming photo shoots..?"

"Ah, yes... Ibibigay sa 'yo bukas ng secretary ko ang confirmed schedules at locations ng photo shoots para sa susunod na issue ng magazine. Meanwhile... I have something for you, sweety..." Rinig ni Arabella na may inilapag ito sa mesa sa harap ni Bernadine. "...A surprise actually."

Kahit curious kung ano iyon, saglit na nalipat ang atensiyon ni Arabella sa cell phone niya at mabilis na nagbukas ng application. Tiningnan niya kung kailan unang na-feature sa Fashion Now si Bernadine. Ayon sa petsa, Agosto iyon. Nangangahulugang mahigit na tatlong buwan pa lamang nagmomodelo ito sa magasin.

"Another contract?!" bulalas ni Bernadine. Kulang na lang na magtatalon ito.

"Yes," sagot ni Cassandra.

"It says here na magiging regular model ako ng Fashion Now, Inc.?" Matinis ang boses nito sa kagalakan.

"Regular kang mapi-feature, bukod pa sa magiging model-endorser ng ilang products ng company ko."

"This is indeed a big surprise, tita! I am really honored!"

Napatango si Arabella sa naririnig. Sabagay, sikat naman kasi ang magasin. Kumbaga, pangarap ng sinumang aspiring model.

"Inform your mom about it," ani Cassandra, "para maipa-review sa lawyer n'yo. I suggest that all parties involved will discuss it on a dinner at my place. Say... next week?"

"We'll be there. Mom will be delighted!"

Lucky girl, naisaloob ni Arabella habang nakikinig at pinapapak ang kanyang pagkain. Wish I could have the same joy kahit panandalian lang. Minsan talaga, hindi patas ang tadhana. Kung sino iyong mayaman, maganda, at popular, siya pa ang nakakukuha ng malaking suwerte.

"Excellent! Next week, then," tugon ni Cassandra. Dinig ni Arabella ang nilikhang tunog ng pagdaop ng mga palad nito, senyales ng kagalakan. "I have a feeling that your mom and I will get along well...."

Kumunot ang noo ni Arabella sa napakinggan. Kilala niya ito. Malakas ang pakiramdam niyang ginagamit lamang nito si Bernadine base sa tono ng pananalita.

Ang tanong ay kung ano ang kailangan at intensiyon nito sa modelo? Na basta-basta na lang magbibigay ng mas malaking kontrata. Alam niyang hindi naging basehan nito ang yaman at impluwensiya ng pamilya ni Bernadine.

Sabagay, mukha namang magaling na modelo si Bernadine kaya siguro deserving sa bagong kontrata. Pero halata kasi na nagpupumilit si Cassandra na makipaglapit sa pamilya nito sa pamamagitan ng kontrata. Hindi ba napansin ng modelo na mas interesadong makasalamuha ng kausap ang mother nito?

Rinig ni Arabella na tumayo na ang mga ito sa kinauupuan. Yumuko siya nang husto sa pagsubo ng kinakain nang dumaan ang mga ito sa tabi niya at tuluyang lumabas.

Sumunod ding lumabas ang dalawang bantay.

Nang masiguro niyang talagang nakaalis na ang apat, tinungo niya ang kabilang couch partikular sa upuan ni Bernadine, mabilis na yumuko, at dinaklot sa ilalim ang aparato. Ibinulsa niya iyon. Muli siyang naupo sa dating lugar at itinuloy ang pagkain at pakikinig sa instrumental songs.

She stopped when she heard again the same wheezing sound earlier. Kumunot ang noo niya. She knew that it came from somewhere—outside the restaurant. Kaya napalingon siya sa labas sa may salaming dingding. Pero wala namang kakaiba. Iyon lang nga, naroroon pa rin ang pakiramdam na parang may tumatawag sa kanya mula sa kung saan. She finally let it go as it didn't feel like a threat. Isa pa, ayaw rin naman niyang pagtuunan iyon ng pansin dahil ang mga tulad noon ang iniiwasan niya.

However, a thin tingle of alarm slithered down her spine. A dark, heavy feeling suddenly washed over her. Ibang enerhiya ito. Tinabunan nito ang enerhiya na naramdaman niya kanina. Mukhang nanggaling din sa labas.

Crap! Don't tell me may multo rin dito?! Napabuntonghininga siya habang puno ng pagkain ang bibig. Wala namang ibang dahilan sa weird feeling na 'to kundi multo, 'di ba? O multo nga ba?..

Binilisan niya tuloy ang pag-ubos sa pagkain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top