3: Sa Unang Aralin
CHAPTER 3 - Sa Unang Aralin
Room 80-B, basa ng isipan ni Arabella sa nakapaskil sa pinto ng silid. Ito na...
Kalmado na sana siya sa dinanas na aksidente at kababalaghan, but her insides slightly recoiled when she heard a man's voice inside the room already discussing a lesson.
I'm so, so late...
Sa schedule niya, isang Professor Dean Gallego ang guro sa unang subject.
Unconsciously, nahaplos niya ang dulo ng nakalugay niyang buhok na ngayo'y medyo basa dahil naambunan kanina. Sinipat niyang muli ang naputikang damit. Mapapansin iyon kapag tinitigan nang husto.
Arabella inhaled deeply and let out a sigh. Inilabas niya sa pocket ng backpack ang gamit niyang wireless earpiece kanina at isinuot muli sa isang tenga. Binuksan niya ang file ng music sa cell phone at pinili ang musical at medley na 'The Sound of Music' nina Rodgers and Hammerstein, na tinugtog ng Cincinnati Pops Orchestra. Instrumental lahat ng mga musika, na siyang kailangan niya upang ma-overcome ang anumang tatambad sa kanya sa paligid.
Kumatok muna siya sa pinto bago pinihit ang hawakan. Bumulaga sa kanya ang maluwang na silid-aralan na halintulad sa isang auditorium. Bawat hilera ng mahahaba at kulay kremang lamesa ay nakaangat sa hagdan-hagdang paraan. Ang mga upuan ay puwedeng mai-adjust at maigalaw.
"I'm sorry, professor," umpisa niya agad nang nalapitan ito, "I'm late. There was a slight accident on my way here." Siniguro niyang mahina ang kanyang boses, ngunit mukhang marami pa rin ang nakarinig. Mabilis niyang iniabot dito ang class card.
"Arabella Jaldon," basa ng guro sa card. Halos pabulong din iyon, na mukhang naiintindihan nito ang discomfort ng bagong dating. "An accident..." Sabay gumala ang mga mata nito sa suot ng kaharap. "I hope you're okay, then?"
Kiming tumango si Arabella bilang sagot. Mukhang mabait naman yata, aniya sa isipan; kahit mukhang istrikto ito sa suot na slacks at cardigan, sa eyeglasses na bahagyang iniangat pa upang masipat siya nang maigi, at sa deretso nitong tindig kahit pa may edad na. At inakala niyang pauupuin na siya nito, subalit nadagdagan pa ang nerbiyos niya.
"Earlier, lahat ng mga nandito ay isa-isang nagpakilala. So, kindly introduce yourself to the class" ─iminuwestra ng guro ang buong klase— "and take off your hoodie," pabulong na dugtong nito nang bumaling muli sa kanya.
Oh, crap! Nawala sa isip ko! And quickly pushed the hood back. Then, she couldn't help but took in a lungful of air. Magpakilala?!
Her mind started racing with distressful thoughts. Saktong tinutugtog naman ang 'So Long, Farewell' at 'Do-Re-Mi' sa pinakikinggan niyang medley. Mabilis iyon at tumatalon, kagaya ng sitwasyon ng isipan niya.
In the past, she had succesfully done it—doing the introduction when she was in her first year. She mentally convinced herself now na wala iyong pagkakaiba ngayong third year siya. Kung mayroon man, magpapakilala lang naman siya sa harapan mismo! Pakiramdam niya, para siyang high school sa gagawin.
Calm down, hikayat niya sa sarili, and listen to the song. Tinutugtog na ang 'Edelweiss' na mellow lang at nakare-relax. Just do it and it will be over in a flash! This isn't a big deal.
Kaya hinarap niya ang buong klase.
"Hello—" she started, but in a very small voice. She cleared her throat and went on. "I'm... Arabella Jaldon. Transferee, third year. Business Administration, Management major—" Pahapyaw-hapyaw iyon dahil bukod sa uneasy siya, napapansin niya ang titig ng isang lalaki sa likuran ng mga estudyante. Lahat naman ay nakatitig sa kanya, pero iba ang isang iyon. Nanunuot. Nag-i-stand out ito para sa kanya. Marahil ay dahil ito lamang ang nakaitim na damit doon? Binalewala niya ito at nagpatuloy sa sinasabi. "—from Zamboanga City."
May mangilan-ngilang nagbulungan na akala mo ay ngayon lang nakakita ng taga-Zamboanga. Ang ilan ay walang pakialam. At kung nakasusugat lang ang pagtaas ng kilay at pag-irap, kanina pa siya tadtad ng saksak sa ipinupukol sa kanya ng mga kababaihan sa unang hilera.
"Are you related with the Jaldon family?" tanong ng propesor. "The former mayors?"
"No, sir."
"I heard na magulo ro'n." Hindi na nakatiis ang isang babae. Isa ito sa grupong tinataasan siya ng kilay. Kinilatis siya nito mula ulo hanggang paa.
Ang katabi nitong may kulay ang buhok ay bumulong nang malakas. "Kung makakuha ng attention, girl... Look at the outfit. Nahulog yata sa kanal."
Crap... This is the reason kaya ayokong ma-late.
"Totoo bang maraming rebelde sa probins'ya n'yo?" muling wika ng babae. Balak yata siyang hiyain talaga.
Feel the song, pilit ng utak ni Arabella para hindi siya ma-intimidate o atakehin ng anxiety.
"No. Hindi magulo ro'n," sagot niya, her meekness fading away, her urge to get away from there and curl into a ball somewhere safe was weakening. Tinitigan niya ito nang deretso. "And no, walang rebeldeng p'wedeng kumuta ro'n. It hosts some of the largest number of military, police, naval, and coast guard bases in the country—like Edwin Andrews Air Base, Camp Navarro, Camp Enrile, and other police regional offices... Lastly, hindi probinsiya ang Zamboanga City." Binigyang-diin niya ang huling salitang 'city.'
Mariing tumikom ang mga labi ng babae nang mapagtantong napahiya ito. May iba na tumikhim at parang nasamid. Mayroong patagong nangiti. Ang iba ay nagpigil na hindi mapabungisngis—maliban sa dalawang lalaking mukhang mahaharot na hindi itinago ang pagka-amused.
Obvious na isang 'popular' ang babae. At hindi dapat binabangga ang isang popular kung ayaw na ma-bully.
Great! Just great... First day of school and an enemy found me right away, naisaloob tuloy ni Arabella.
Nang muli siyang lingunin ng babae, parang walang nangyari at naibalik nito ang composure sa sarili.
"Quite informative," maarteng tugon nito na nakataas ang noo. "But, there's no need to elaborate...." Madiin din ang bigkas nito ng 'elaborate.'
"Alright—!" putol ng propesor sa umaalingawngaw na tinig kasabay ng muling pagtuon sa buong klase. "Let us resume our discussions earlier, shall we? And you, Miss Jaldon," baling nito kay Arabella sa malakas pa ring tinig, "may sit over there—beside him." Itinuro nito sa bandang kanan ang direksiyon ng pangatlong hilera ng lamesa mula sa pinakalikod.
Great... Merong seating arrangement... her inner thought said. She then sighed gloomily.
Bitbit at hila-hila ang basang backpack, maliksi niyang inakyat ang ilang baitang para makaiwas na sa mga titig. Sa dinami-rami ng makakatabi, roon pa sa lalaking nakaitim na weird makatingin.
Habang papaakyat, napansin niya na ilan sa mga naroroong estudyante ay nakasuot ng sweatshirt o long sleeves na may letterings na Kampilan. May iba't ibang disenyo pa ng hugis-tao na mukhang nakatago sa dilim, natatakpan ang mukha ng hood ng jacket, at may hawak na espada.
Trending na trending pa rin talaga ang mga vigilante na 'yon, Arabella thought. Pagkatapos kasing kumalat sa social media sites at TV ang CCTV footage ng nangyaring panloloob sa isang jewelry shop kamakailan, binansagang Kampilan ng media ang mga ito. Nanggaling ang bansag sa mismong sandata nila na ang tawag ay 'kampilan' din. Naging bantog sa masa ang estilo ng grupo kahit pa vigilantes daw ang mga ito.
Nang mapatapat si Arabella sa hilerang itinuro ng propesor, nginitian siya ng katabi ng nakaitim. Mestisuhin ito. Obvious sa skin tone nito at mga pisngi na akala mo'y naglagay ng blush on. He had a very ready smile, so, she thought, he might be friendly. Sa buhok nitong medyo flippy at mahaba na kulay tsokolate (tulad sa kerubin), mas maamo itong tingnan. Modelo yata, sa isip-isip ni Arabella.
Kabaligtaran ng impresyon niya sa nakaitim, na mukhang misteryoso at intimidating. He had dark brown to almost black piercing eyes. Yes, she couldn't help but regard his eyes that much for they were looking intensely at her just minutes ago. He had a lean face and his medium-length, dark brown hair was gelled into messy spikes. Like the mestizo, they both had an athletic built.
Dumaan siya sa likuran ng dalawa papunta sa kanyang upuan na nasa tabi ng dingding. Katunayan, wala nang iba pang umookupa sa itaas na bahaging 'yon kundi silang tatlo lang.
Nang papaupo siya, sabay na kumilos ang dalawa: bumuka ang bibig ng nakaitim at ang mestisuhin ay medyo napatayo sa upuan at naiangat ang braso na ewan niya kung may gusto ba itong iabot o kunin sa kanya.
Mabilis na nakabawi sa awkward na posisyon ang mestisuhin at tuluyang iniabot ang kamay sa kanya upang magpakilala.
"Hi... I'm Alexis," anito na may kaunting accent.
Napatingin muna si Arabella sa palad nito bago kimi at alanganing nakipagkamay.
"Actually," singit ng nakaitim sa kanilang pagitan, "it is pronounced without the 's' at the end." Sinulyapan pa nito sa tapat ang magkadaop nilang palad ng mestiso.
Muling ngumiti si Alexis. Ang pinaghalong kulay abo at berde nitong mga mata ay nakangiti rin. "It's pronounced as Ah-lehx-ee in French, that's why... People often say it with 's,' so I'm kind of used to it." Iminuwestra nito ang katabi upang ipakilala rin. "And this... is Seff."
Lalong nailang si Arabella. Nailahad na ang palad sa kanya kaya wala na siyang magagawa kundi ang makipagkamay rin.
"Arabella," mabilis ngunit mahina niyang tugon, kasunod ng mabilis ding pagbawi ng palad. Relaks... Normal na silid lang 'to at normal na mga tao ang nandito... Relaks....
Ilang sandali, kinuha niya ang cell phone upang i-text sana si Mang Chito. Subalit nabitiwan niya ito. Nalaglag sa kulay asul na carpeted floor sa may paanan ng nakaitim. Pigil niya ang hininga habang pinipilit ang sarili na kumilos nang normal at hindi mag-panic. Sa harapan niya kasi ay biglang may nakatayong galit na estudyanteng babae. Sinisigawan siya nito na umalis sa pagmamay-ari nitong upuan. Mas lalo pa itong nagalit nang hindi niya ito pinapansin.
Yumuko siya upang damputin ang cell phone. Iniabot naman iyon ng katabi na naunang nakadampot. Halata rito ang pagtataka sa pagiging tensed niya.
Mabilis siyang nagpasalamat at muling umayos ng upo. Ngunit naroroon pa rin ang babae. Idinuduldol ang mukha sa kanya at ibinagsak ang mga palad sa nakapagitang lamesa!
Pilit niyang itinuon ang pansin sa aralin. Nahihirapan siya lalo pa't nakaladlad sa harapan niya ang naaagnas nitong isang parte ng mukha at duguang damit.
"Are you alright?" tanong ng katabing si Seff matapos siyang pagmasdan nang matagal.
Tanging tango lamang ang naitugon ni Arabella. Ngunit mabilis niyang nilakasan ang volume ng pinakikinggang medley. Lulunurin niya ang kamalayan niya sa musika.
Walang ano-ano'y unti-unting lumalabo ang pigura ng multo at humihina pati ng sigaw nito sa kanya. Hanggang sa naglaho itong parang usok. Napakurap pa siya nang ilang beses upang masigurong wala na talaga ito.
Nang sa wakas makapag-concentrate siya sa aralin, pinapagawa naman sila ng propesor ng maikling sanaysay.
Seriously?! naibulalas niya sa isipan. Tatlong taon na ang nakalilipas noong huli siyang nagbasa ng libro sa History—noong first year siya sa unibersidad sa Zamboanga. Paano pa niya iyon matatandaan?
Ewan nga niya kung bakit sinabi sa Registrar Section kamakailan na kailangan niyang kunin ulit ang araling 'History 1' dahil hindi credited iyong natapos niya sa Zamboanga City. Ang description ng nakuha niyang aralin noon ay 'Philippine History.' Malamang pinaulit iyon ngayon dahil walang 'With Politics and Governance' sa description? Nailing at napabuntonghininga siya. Hindi niya kasi nagawang itanong iyon noong una dahil sa kagustuhan niyang mairaos at matapos na agad ang enrollment niya.
Karamihan din sa mga nandoon ay pareho ng kanyang reaksiyon. Ang iba ay malakas pang nag-comment ng "Come on," o "No way." But then, everyone had no choice but to write.
Nasa kalagitnaan si Arabella ng pagsusulat nang mahalata niyang sinusulyapan siya ng nakaitim. Nang nilagyan niya ng tuldok ang huling pangungusap ng kanyang sanaysay, hindi na niya ito natiis.
"What is it?" Pabulong iyon. Actually, halos walang boses na lumabas sa kanya, bukod pa sa obvious na pagka-conscious niya nang nilingon ito. Inglisero ito kanina kaya ganoong wika rin ang ginamit niya. Malay ba niya na baka hindi ito marunong mag-Filipino. Itsura pa lang kasi ay mayaman na. Subalit mabilis siyang nagbawi ng tingin nang harapin siya ni Seff.
"Did you just catch an early flight this morning from Zamboanga City?"
Napakunot si Arabella ng noo.
Itinuro ng lalaki ang backpack niyang may sticker tag pa. Kita ang pinagmulan ng flight. Nandoon ang logo ng airline pati petsa.
Mabilis na pinunit ni Arabella ang tag at itinago iyon. Lalong lumalim ang kunot sa noo niya nang tila may gusto pa ring sabihin ang katabi. "Y-yes?" aniya.
"You're bleeding," seryosong sagot ng lalaki.
Umiling siya. Hindi niya mawari ang sinabi nito.
"I said, you're bleeding," ulit nito.
Bleeding? litong tanong ng kanyang utak kasabay ng lito ring pagsipat sa sarili at hinanap ang pagdurugo.
"Here—" Marahang itinuro ng katabi ang halos 'di mapansing punit sa kanang manggas ng jacket niya.
She quickly inspected it. Dahil dark gray ang kulay ng jacket niya, mukha lamang iyon nabasa ng tubig. Not red, like fresh blood. At iyon din ang spot na nahagip ng motor kanina.
Ba't hindi ko 'to napansin o naramdaman kanina?
Nailing siya. Siguro dahil ang utak niya kanina ay nasa ibang bagay: ang hindi ma-late.
"You may want to take a look at it if you don't want to lose a lot of blood," pukaw ng katabi.
Bahagya niyang binuksan ang kalahati ng jacket at inalsa ang mahabang sleeve ng blouse sa loob. Duguan nga siya kahit hindi malala ang sugat doon.
"You need to go to the school clinic and have it treated." Itinaas ng katabi ang kamay sa ere upang tawagin ang pansin ng propesor.
Mabilis niyang inabot ang laylayan ng black cardigan sweater nito upang pigilin. "No—!" pabulong niyang bulalas. "I-I've already caused enough attention..." Naiilang man, madiin ang titig niya rito upang maintindihan siya. Isipin pa ng iba, lalo na ng mga socialite sa ibaba, na napakaarte niya. Subalit agad din niyang kinalas ang pagkakahawak sa laylayan at mabilis na nagbawi ng tingin.
Nagsulyapan ang dalawang lalaki. Base sa reaksiyon at palitan ng makahulugang mga tingin, 'di nalalayong malapit na magkaibigan ang mga ito.
Gamit ang tissue wipes na ibinigay sa kanya kaninang naaksidente, maingat niyang nilinis ang sugat sa braso kahit medyo mahapdi iyon.
"We overheard you just had an accident," mahinang sabi ng mestisong si Alexis nang humilig sa direksiyon niya. "Is that how you got that injury?"
Muling natigilan si Arabella. Again, she averted her eyes and said, "Y-yes... A passing motorcycle caught my arm and backpack... I was thrown on the pavement afterward...."
"You should have taken care of that wound first before coming here," muling wika ng mestiso.
"I uh... I wasn't aware I had this—" Sabay turo sa sugat. "It's fine actually, so, no worries...." nakayuko niyang dugtong.
Bumunot ng panyo ang nakaitim at iniabot sa kanya. "Take it off," anito sa tonong nang-uutos.
Take off what?!
At nang mabagal na naman ang reaksiyon niya, inilapag ng katabi ang panyo sa kanyang palad. "You may be trying to be brave, but it will not help your injury," anito. "Take off your jacket so you can easily clean and bind that wound."
Sumunod siya at tahimik na ipinalibot ang panyo sa sugat upang magsilbing benda. Itinali niya iyong pa-square knot, na turo sa kanila sa Red Cross training noong second year high school siya, noong maayos pa siya at—
Stop it! pigil niya sa alaalang iyon. Ibinaling niya ang isipan sa leksiyon at tinapos ang pagba-bandage sa sarili.
Bago natapos ang klase, napabaling ang propesor kay Arabella. Sandaling naging curious ang facial expression nito, saka sinabing pinapatawag daw siya. Ng presidente ng unibersidad!
Umugong tuloy ang mga bulungan. Iba-iba ang reaksiyon ng mga kaklase at halos lahat nakalingon kay Arabella.
Napapikit siya. Nagtakip ng mukha sa pamamagitan ng pagtalukbong muli ng hoodie at dahan-dahang lumubog sa kinauupuan.
She heard a chuckle. Galing sa katabing nakaitim.
"It seems na ayaw ka talagang tantanan ng atens'yon," komento nito, sabay amused na sumulyap sa kanya.
At marunong naman palang mag-Tagalog ang mokong na 'to, nakasimangot niyang naisaloob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top