21: Comrades-in-Arms
CHAPTER 21 - Comrades-in-Arms
"Technical drawing 'yon."
Sinulyapan si Arabella ng Kampilan, tila hindi nito nakuha agad ang sinabi niya.
"'Yong malaking papel kanina na mini-meeting-an nina Dumaran," pagkaklaro ni Arabella. "Technical drawing 'yon ng isang building. Pero 'di ko pa alam kung anong building," dugtong niya habang hinahawi ang ilang nakaharang na matataas na damo. She was on her way to her motorbike where she kept it hidden someplace. The Kampilan was right on her heels. "May kopya no'n sa miniSD card ng monocular ko"—may diin ang pagkasabi niya nang nilingon ang kasama— "na kinuha n'yo sa 'kin, remember?"
"Inaantay rin namin ang resulta ng research na ginawa ng kasama ko, lalo na kung sa'n matatagpuan 'yong gusali sa drawing," sa halip ay sagot ng Kampilan. Hindi nito pinansin ang huling sinabi ng kausap.
Arabella stopped walking, whirled and looked at him closely. "Really? Wala kang comment sa miniSD card ko?"
Humalukipkip ang Kampilan at sinabing, "Nasa mabuting mga kamay ang card. Wala ka nang dapat alalahanin do'n."
"Ha-ha-ha." Naiiling na ipinagpatuloy ni Arabella ang paglalakad.
"Sigurado ka bang alam mo kung sa'n mo itinago 'yong motor mo? Parang paikot-ikot lang tayo kanina pa, a."
"Ha-ha-ha," sarkastikong ulit ni Arabella. "At sino'ng may-sabi na sumunod ka sa 'kin? Halos madaling-araw na. Uwi ka na."
Sumunod muli ang Kampilan. "Sasamahan na kita. Baka kasi balikan mo pa sina Dumaran do'n at mapa'no ka pa... ulit."
She made a face and rolled her eyes.
"Something weird happened back there." Nilingon niya ang Kampilan na nasa tabi na niya. "I felt it. Never ko pa 'to naramdaman talaga. Dito lang kay Dumaran." Her eyes trailed past him, fixed in the distance, to the building's direction.
"Weird? Siguro dahil sobrang curious ka kay Dumaran, kaya gano'n." Sinundan din ng tingin ng Kampilan ang direksiyon ng gusaling pinanggalingan nila. Faint light from the moon illuminated the edges of his hood. And because his face was slightly turned away from Arabella, she was able to glimpse the outline of his straight nose covered by handkerchief. "Mag-ingat ka dapat nang husto sa susunod," dagdag nito.
"Pero kasi..." Napabuntonghininga si Arabella. "Basta, weird... Saka pa'no nila tayo naramdaman? Sobrang ingat natin kanina, 'di ba? This isn't good. Hihigpitan nila ang perimeter nila ro'n for sure. I can't believe na for the second time ay nagsuspetsa si Dumaran."
It took Arabella another minute before she located her motorbike. Dahan-dahan niya iyong itinulak papunta sa makitid na kalsada. Dulo noon ay highway.
"Makikipag-meet ka ba mamaya sa mga kagrupo mo?" maya-maya ay tanong ng Kampilan habang tumutulong din ito sa pagtulak sa motor.
Um-oo si Arabella.
Tumango-tango naman ito. Although his jacket's hood shadowed his face, it was obvious in his tone that he intended to know more. "Sobrang popular pala sila sa esk'welahan mo," the Kampilan said.
Arabella nodded again.
"Mukhang mayayaman din."
This time she lifted her eyebrow. "At ano'ng ibig mong sabihin?" she said casually, but there was a slight sharp undertone there. Loko 'to, a. Tingin n'ya sa 'kin, social climber ako?
Still pushing the rear of the motorbike, the Kampilan shrugged. "Na maganda ang mapabilang sa grupo ng mga mayayaman at popular," sagot nito. "Maraming advantages, hindi ba?"
Arabella stopped and now lifted both eyebrows at him. "Yes, mayayaman sila. Mga shareholder sila ng isang group of companies na ang pangalan ay Premium Group. But I don't have interest in their wealth and popularity. My concern is only with our group activity."
"Arabella, Arabella... nagse-share ka ba ng impormasyon tungkol sa mga kagrupo mo?"
Naiiling na itinulak muli ni Arabella ang motor. "Those pieces of information do not matter anyway. Alam kong uungkatin n'yo rin ang mga buhay nila tulad ng ginagawa n'yo ngayon sa 'kin."
She did not expect she would hear the Kampilan laugh once more. This time, it was loud and even tilted his head back. He followed her again and helped push the motorbike while saying:
"Mukhang mababait naman 'yong mga kagrupo mo... lalo na 'yong mestisuhin.
"Si Alexis," sagot ni Arabella, nasa reaksiyon pa rin niya ang pagka-amuse sa naging klase ng tawa ng Kampilan.
"Mukhang siya rin yata ang pinakapopular do'n."
Ayaw nang palawigin pa ni Arabella ang usapan tungkol sa mga kagrupo niya. May mga pribadong buhay ang mga ito. Tama na'ng sa kanya tututok ng pagmamanman ang mga Kampilan, kaya nagkibit lang siya ng mga balikat bilang tugon.
She stepped quickly when she saw a clearing just thirty meters ahead. Malapit na kasi roon ang highway. By the time they passed through another wooded area and into the clearing, Arabella could already feel the chill and dumpness in the air despite her thick clothes and protective covering. Dawn was almost near.
Nang maihanda ang motor sa gilid ng highway, dere-deretsong sumakay na si Arabella rito.
"Sabado na ngayon. Walang klase," komento ng Kampilan matapos ang katahimikan sa pagitan nila.
Arabella sighed in mock exasperation. "Alam ko. Pero kailangan. Para matapos na 'yong term paper dahil sa Monday na ang last submission ng group activity namin." Then she eyed him steadily, wondering about his relentless interest in her actions and whereabouts, and now with her new group. "At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang dali-dali kong sagutin lahat n'yang mga komento mo."
"Siguro dahil hindi nagpaparamdam ang anxiety mo kahit malapit ako?"
Kumibit siya muli ng balikat, for she didn't know if that was the reason why.
"Mamatyagan n'yo pa ba ako pagkatapos nito?" she said instead, and made an airy gesture. "I mean, we are practically like companions or comrades-in-arms now, right? We have already started sharing information regarding Dumaran. May common interest tayo..."
Subalit kinuha lang ng Kampilan ang helmet na nakasabit sa manibela ng motor at isinuot sa ulo ni Arabella. Sabi nito, "Ano'ng pakiramdam? Aatake ba ang anxiety?" Tinutukoy nito ang napakalapit na distansiya nila at ang gesture ng pagsuot nito ng helmet.
Napakurap nang ilang beses si Arabella. Pagkatapos ay umiling-iling. "Kalmado... Himala..." aniya na mukhang natulala.
"Good sign ulit," sabi ng Kampilan, sabay ipinamulsa ang mga kamay sa itim nitong pocketed pants at humakbang nang isa paatras sa gilid ng highway. "Ingat sa pag-uwi, Arabella."
Napaawang ang bibig ni Arabella. Mabuti't natatakpan na ito ng suot niyang helmet. Ang damuho, itinataboy ako?!
She gave him a hard stare and grunted loudly. "Gano'n..?" Tumango-tango siya. "Then I'll make sure later that you won't be able to track down and watch me."
Itinaas lang ng Kampilan ang kanang palad wari'y nagbaba-bye pa sa kanya.
Napaawang muli ang bibig ni Arabella! She shook her head in disbelief and annoyance. Sige lang, tingnan natin!
She accelarated her bike and was gone into the darkness of the early hours.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top