2: Basang Umaga
CHAPTER 2 - Basang Umaga
"Arabella..."
Hindi umimik ang tinawag. She's already dressed but still lying in bed with eyes shut. May nakasaksak na earphone ng cell phone ang magkabilaan niyang tenga at dinig ang malakas na volume ng pinakikinggang awitin.
"Arabella," muling tawag ni Lani. Kasunod noon ay tinanggal nito ang earphone sa tenga ng dalaga. "Tara, nandito na si Pay Chito at may dalang pan de sal. Pinapatawag ka na rin ni May Pilar."
Inot-inot na bumangon si Arabella. Tinatamad siya sa umagang iyon lalo pa't malamig ang panahon at makulimlim ang kalangitan. Masarap sanang matulog muli at magkubli sa kumot, o kung hindi naman ay pumuwesto sa tabi ng bintana habang nakabalot ng kumot. Samahan pa iyon ng mainit at malaking mug ng kape habang pinagmamasdan ang basang kapaligiran sa labas.
Pero kailangan niyang pilitin ang katawan kahit pa kulang siya sa tulog at medyo naliliyo epekto ng mahabang biyahe kaninang madaling-araw. She needed to come to Manila. Unang araw ng pasok kasi ngayon sa unibersidad na nilipatan niya.
Nang makapasok ng kitchen, nakamata siya sa natitirang tinapay sa mesa. "Ojala tiene pa ya queda para comigo," aniya: Sana ay may natira pa para sa 'kin.
Mula sa microwave oven, inilabas ng may-edad nang babae ang isang plato na may pan de sal at nakangiti ngunit nakapamewang na iniabot iyon sa kanya. "Este," wika rin nito sa Chavacano. "Ultimora llora pa tu no hay na hora." Heto. Baka maiyak ka pa nang wala sa oras.
"Gracias, May," nakabungisngis niyang pasasalamat, sabay simsim ng tinimplang kape.
"Bilisan mo. Nagpalit lang sandali ng uniform si Pay mo dahil nabasa ng ulan." Sabay silip ng may-edad sa labas mula sa bintana. Despite her age and slender figure, she's still energetic and her eyes spoke of kindness and gentleness. Unconsciously, she wiped her hands on her apron and headed toward the sink.
"Sabi ko naman sa inyo, May, magdyi-jeep o magta-taxi na lang ako. Aabalahin n'yo pa si Pay."
Namewang muli ang may-edad at dinilatan siya. "Unang araw ng pasok mo rito sa Manila, hahayaan kitang mag-jeep kahit umuulan?"
Kumawala ang malalim na hininga ni Arabella.
"Taqui tu ahora na mi poder..." dagdag ng may-edad na may malamlam na ngiti. "Por eso, si cosa 'yo habla, necesita sigue." Nandito ka ngayon sa poder ko... Kaya, kung ano ang sinabi ko, dapat sundin.
May kasama ring ngiti ang pagtango ni Arabella. "Si, si."
Ayaw kasi siyang payagan na magmotor kahit pa naka-raincoat. Even to commute. Yet, she was thankful for the concern and sympathy May Pilar was giving her.
"Si Faramir?" pag-iiba niya sa usapan.
Nang marinig ang pangalang 'Faramir,' isang aso ang kaswal na pumasok ng kitchen, kampanteng dinaanan ang ibang mga tao roon, at humilig sa kanya. Pilit nitong isinasandal ang buong katawan, tila gustong magpakandong. Ngunit naupo na lang ito sa sahig sa tabi niya. Inamoy-amoy nito ang ere sa paligid, saglit na sinilip ang tinapay sa lamesa, at muling itinuon ang pansin sa kanya.
Wala sa loob na hinaplos-haplos niya ito. Tiyak niyang naglaro na naman ito sa labas habang umuulan dahil basa ang maigsi nitong balahibo. And when she glanced at the doorway, there were large paw prints on the floor made of mud. Yes, his paw were incredibly large for he was a Great Dane. A four-year old, humongous lap dog.
Namewang muli si Pilar. Mas lalong pinalaki ang mga mata.
Arabella grinned. "Hala ka, Faramir," pabirong sabi niya, sabay bigay rito ng isang tinapay dahil alam niyang gusto nito iyon (at kanina pa tinitingnan) kahit katatapos lamang nitong kumain. Kung nakita iyon ni Cesar Millan, napagalitan na siya nito, dahil ibig sabihin noon ay binibigyan niya ng reward ang aso sa ipinasok na dumi. Pero kumuha siya agad ng lampaso at nilinis ang mga putik.
Ilang sandali pa, sumungaw sa pintuan ang isa pang may-edad. "Halika na. Lunes ngayon at maulan. Malala ang trapiko."
"Opo, Pay," ani Arabella, sabay daklot ng kanyang backpack.
Niyakap at hinalikan niya si Pilar dahil obvious ang pag-aalala nito kahit hindi sabihin. "May, ayos lang ako," pangungumbinsi niya bago tuluyang umalis.
Nakasakay na si Mang Chito sa minamanehong black SUV nang masundan niya. Nakapagpalit na rin ito ng puting polo na uniporme bilang driver.
Pinagbuksan ni Arabella ng pinto ang nakasunod na si Faramir. Tuloy-tuloy umakyat ang aso sa loob ng sasakyan sa may likuran ni Mang Chito.
Nagi-guilty na nginitian niya ang may-edad nang maupo sa tabi nito. "Lilinisin ko na lang mamaya, Pay, 'yong mga balahibo sa upuan."
Napangiti ang may-edad. "'Wag ka nang mag-alala," anito nang mapatakbo ang sasakyan. "Habilin din sa 'kin ng amo ko na ipalinis ko itong sasakyan mamaya."
~~~~~~
Tumambad sa kanila ang sobrang trapiko sa highway.
"Huminga ka nang malalim..." kalmadong suhestiyon ni Mang Chito ngunit makikita ang pagkabahala sa mukha.
Arabella agreed in order to lessen his worry.
At nang mapansin ni Mang Chito na kalmado na siya, marahang tinapik-tapik siya nito sa braso.
"Ayos lang po ako." Iyon din ang sabi niya kanina sa asawa nitong si Pilar. "'Di lang ako mapakali kasi mahuhuli na ako sa klase." 'Tapos ay agad niyang isinaksak sa isang tenga ang wireless earpiece at binuksan ang MP3 player sa cell phone. "Ito nga po, o, nakikinig na ng classical music ni Mozart."
Napalingon siya sa likuran dahil biglang sumulpot ang ulo ni Faramir sa pagitan niya at ng katabi. Naramdaman din kasi ng aso na uneasy siya.
Si Mang Chito naman ay bahagyang natawa at marahang hinimas ang ulo ng aso. Despite his age, chubby form, and round belly, like his wife, he still had his high spirits and lively nature. Arabella was glad that he liked Faramir very much. From the time when she found him under the flowering shrub (he was estimated 3 months old back then) to the day when she officially adopted him and surprisingly never stopped growing until he was three years old.
"Pay... lalakarin ko na ang esk'welahan. Malapit na lang, e." Sabay turo sa 'di kalayuang building na parte ng unibersidad.
Gulat ang may-edad nang mabilis na binuksan ni Arabella ang pinto ng sasakyan. "Un rato—" pigil nito. Saglit.
"Male-late po ako 'pag hintayin natin umayos ang traffic." Sabay haplos sa aso upang magpaalam na.
"Batang ito, o," naiiling na sagot ng may-edad. "Umaambon pa naman."
Arabella glanced up at the dark sky. Kaagad siyang nagtalukbong ng ulo gamit ang hood ng jacket, sabay halik sa pisngi ng kausap. "Una na po ako. I-te-text ko kayo 'pag nasa loob na 'ko ng school."
Wala nang nagawa ang may-edad. Pero patuloy nitong tinatanaw ang papalayong dalaga upang masigurong maayos ito hanggang sa makarating sa pinakadulong kanto. Mula roon, madali nang matutumbok ang unibersidad.
Meanwhile, Arabella's strides were long and hasty. Hindi niya alintana ang ambon, ang basa at maputik na sementadong sidewalk, o ang makapal na kulupon ng mga taong nakasasabay o nakasasalubong niya.
Hindi pa niya nararating ang pinakadulong kanto nang mapansin niyang mababangga ng isang motorsiklo ang babaeng estudyante na naglalakad sa unahan niya.
Tinakbo ni Arabella ito. Hinawakan ang magkabilaang braso mula sa likod at ikinabig paiwas. Naiiwas niya ito ngunit tinamaan ng motor ang kanyang kanang braso at nahagip ang nakasukbit niyang backpack!
Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Namalayan niyang nakasalampak na siya sa maputik na bangketa at pinalilibutan ng mga tao—kabilang ng nakabangga sa kanya.
Arabella wasn't feeling dizzy. She could clearly see everyone around her. Ngunit tila nawalan ng ingay ang paligid. And she felt more alarmed when everything seemed to be moving in a slow motion.
It's happening again! Ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso ang tanging naririnig niya. Relax, Arabella, pilit niyang hikayat sa sarili. Calm yourself down. Mawawala lang 'yan gaya ng dati..."
"Ayos ka lang ba, miss?" panlimang ulit na tanong ng lalaking nakabangga, na sa wakas ay naintindihan na rin ni Arabella. Fear was visible on his face.
"O-okay lang ako," nagawa niyang sabihin, sabay sipat sa naputikan niyang damit.
Nadismaya siya sa itsura ng bago niyang biling sneakers. First time niyang isinuot pero nabasa at naputikan lang. At ang gray-light blue backpack niya ay hindi niya alam kung paano tumilapon sa kanal ng sidewalk. Basa na iyon ngayon dahil doon dumadaloy ang maruming tubig-ulan.
She made sure na wala talagang masakit o anumang nabali sa katawan niya bago dahan-dahang tumayo.
"Dadalhin na kita sa clinic o ospital," wika ng nakabangga matapos na ilang beses na humingi ng sorry sa kanya.
"Miss, tulungan na kita," wika naman ng estudyanteng nailigtas niya, sabay alok ng tissue wipes pampunas sa naputikan niyang likod. "Thank you talaga."
May isang mama naman na dumampot ng kanyang backpack at iniabot iyon sa kanya.
Muling inulan ng mga tanong si Arabella. Pakiramdam niya ay kumakapal ang ere sa paligid at mahirap huminga. Umaliwalas ang pakiramdam niya nang makitang humawi sa dalawang panig ang umpok ng mga tao at dumaan sa gitna si Faramir kasunod ng humahangos na si Mang Chito. Iba-iba ang reaksiyon ng mga tao sa presensiya ng aso. Ang iba ay tuluyan nang nagsilayo roon.
Kalmadong tumabi si Faramir sa kanya at hindi nito pinansin ang mga usyosero sa paligid. Ilang beses siyang inamoy-amoy nito. Minsang dinidilaan ang kamay at braso niya, nangangahulugang alam nito ang nangyaring aksidente.
Si Mang Chito naman, pilit na itinatago ang nerbiyos at pagkataranta. Ilang ulit siya nitong tinanong kung may masakit ba at nagpumilit na dalhin siya sa ospital para makasiguro. Ilang beses ding sinermunan nito ang nakabangga. Hindi tuloy magkandatuto ang lalaki sa kahihingi ng dispensa.
"'Wag na po, Pay. Wala namang masakit sa 'kin..." Pero alam ni Arabella na bukas ay mararamdaman niya ang sakit at posibleng may mga pasa pang lilitaw. "Late na po ako sa klase ko, e. Pasensiya na...."
In no time, she reached the entrance gate of the university. At the guard house, she showed her new ID. Idinaan niya iyon sa scanner at pumasok. Gamit ang mobile app at GPS, nakuha niya ang direksiyon ng gusali kung saan naroroon ang unang klase.
~~~~~~
Nilalandas niya ang isang maliit ngunit magarbong garden at plaza. Sa bandang kanan ay may mga estudyanteng nakaistambay sa ilang kiosks at benches na napapayungan ng mga puno. Mayroon namang naglalaro sa malaking fountain kahit maambon.
On her left was an old, antique building. It seemed that its rooms were used to store old and unimportant stuff. Namagneto ang mga mata niya sa isang silid at nakaramdam siya bigla ng lungkot.
Not good, she thought.
Umiwas siya at lumihis ng dinaraanan. Ayaw niyang i-entertain ang pakiramdam na iyon. Kaya kumanan siya sa may damuhan sa plaza.
Ngunit nang pagpihit niya, tiyempo namang mababangga niya ang isang babae na napansin niyang magiliw na naglalaro sa fountain kanina. Nakatalikod ito at papaatras ang hakbang papunta sa kanya habang maririnig ang halakhak animo'y nakikiliti.
"Watch out," aniya.
At nang pumihit din ang babae, mabilis itong napahinto at naging tensed. Nang mag-angat ito ng mga mata at nagtama ang kanilang tingin, nagitla ito at mabilis na napaatras paiwas sa kanya!
Akala ni Arabella ay mababangga ito sa isang rebultong kerubin. Subalit napasinghap siya nang lumusot ang katawan nito na parang usok at lumitaw sa likod ng rebulto!
Nanlaki ang mga mata niya! Pero pinilit niyang kumilos nang normal dahil wala ni isa sa mga naroroon ang nakasaksi ng kababalaghan. Patay-malisyang ipinagpatuloy niya ang paglalakad kahit gusto niyang mag-panic. Katunayan, sa direksiyon at tapat pa ng rebulto!
Hindi nawala ang takot ng babae. Patago-tago at silip ito sa likuran ng rebulto. Akala mo ay proteksiyon o panangga iyon laban kay Arabella.
"No, no... Not now. I am not seeing this...." tanggi ni Arabella sa sarili.
Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib niya at gusto na niyang tumakbo palayo roon. Nagpipigil lamang siyang hindi mag-freak out dahil maraming tao sa paligid. Unang araw niya roon, pagkatapos ay ganoon ang magiging tingin sa kanya: na may-sayad.
But when she was across the statue, a loud piercing scream emerged from the woman! Astonishingly, nobody around heard the hair-raising shriek—except her!
At sa hindi malamang dahilan, biglang bumukas ang mga lawn sprinkler sa buong hardin! Nagsitakbuhan tuloy palayo roon ang mga estudyante upang hindi mabasa. Kasama siya. Tama na ang minsang nabasa siya kanina sa kalsada.
Natagpuan niya ang sarili sa paanan ng isang gusali. Napahawak siya sa railing ng hagdanan habang pinapakalma ang sarili. Ilang saglit, agad niyang nilingon ang hardin na biglang nabakante. Wala nang nakaistambay roon at hindi na niya matanaw ang babaeng may sanhi ng biglaang pagsabog ng tubig sa paligid. Her eyes swept the area more until she spotted the control panel at the fountain which controlled the timer of the sprinkler. Napailing siya. Naisip niya ang sikat na TV series na Ghost Adventures kung saan may mga ebidensiyang nagpapatunay sa kakayanan ng mga kaluluwa o espiritu na gumamit ng enerhiya ng tao, de-koryenteng kagamitan, o enerhiya sa paligid, upang mapagalaw ang mga bagay-bagay o makagawa ng simpleng tunog.
Pero pa'no na-manipulate ng babae ang controller?
Hindi iyon pangkaraniwang nagagawa ng isang espiritu dahil ang simpleng pagpatay-sindi lang sa isang bumbilya ng ilaw ay nangangailangan na ng malaking enerhiya upang iyon ay magawa. Paano pa kaya sa may komplikadong mechanism at electric circuit?
Marahil ay dahil sa sobrang takot sa kanya? Pero bakit? Hindi naman siya mukhang halimaw. At baligtad na ngayon. Ang multo na ang takot sa tao.
Kailan pa 'yon nangyari?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top