19: Kagrupo
CHAPTER 19 - Kagrupo
Nakatitig lang ang mga mata ni Arabella sa screen ng nakabukas niyang laptop. Lumalangoy ang isipan niya sa kung saan. Hanggang sa unti-unting bumaba ang tingin niya sa orasan at petsa sa may lower right side ng screen. November 24 at 10:30 a.m. ang nababasa niya. Pang-19 days pa lang pala niya roon sa Monte Carlo University ngunit marami nang nangyari sa buhay niya.
Muling lumangoy ang isipan niya, this time, sa alaala ng nangyari sa kanya kagabi kasama ang Kampilang may puting mata sa espada: kung gaano ito kalapit sa kanya, ang espada nito, ang vibration, at ang weird na kaba niya kay Dumaran.
"Crap! I can't concentrate," mahina ngunit inis niyang sambit sa sarili. Napu-frustrate siyang itiniklop ang laptop at bumuntonghininga.
To clear her mind, she tried to focus on her surrounding. It was sunny with slight chill in the air; and she could hear a faint Christmas song—kahit 3rd week pa lang ng November—broadcasting from the campus radio station, a student-run FM station. And since nasa open field siya na may garden at ilang kiosks (malayo sa isa pang garden na iniiwasan niya dahil sa kababalaghan), marami ring mga estudyante roon sa paligid. Kanya-kanya ng puwesto sa damuhan at lilim ng puno. Malamang, isa sa mga iyon ang Kampilan kagabi. Nakikisalamuha at nagbe-blend in. Sinusubaybayan siya. Siya naman, as usual, nakapuwesto sa pinakamalayo at pinakasulok.
"Crap, it's no use," aniya. Naiisip pa rin niya na baka nasa tabi-tabi lang ang Kampilan. Na malamang ay kinakabitan na naman ng wireless bug ang motor niya. Mabuti na lang at meron siyang pang-counter surveillance na bug detector na itsura at kasinliit ng ballpen. Kaya nitong maka-detect ng radio frequency, GPS, GSM, at wireless audio devices.
Inangat niya ang screen ng laptop at minasdan ulit ang notes niya—na pang-anim na beses na niyang binabasa simula pa kanina—para sa History subject. Isa iyong term paper na kayang-kaya niyang tapusin agad. Ang problema, group activity iyon. At wala siyang grupo.
Kasama sa historya ng Pilipinas ang iba't ibang paniniwala at kultura ng mga sinaunang Pilipino, kaya pati paniniwala noon tungkol sa paranormal ay naisipan ng kanilang propesor na italakay. Gusto nitong isama nila sa term paper ang epekto noon sa mga Pilipino ng makaluma at makabagong panahon. Para maiba naman daw sa normal na tinatalakay nila.
Mahalaga para kay Arabella na i-maintain ang mataas niyang grado sa academics. Ang kailangan lang niyang gawin ay lapitan at kausapin ang mga kaklase. Subalit lumamang na naman ang pagiging uneasy niya at si Raina lang ang nakausap niya. Na sa malas ay may kumpleto nang grupo.
Napabuga siya ng hininga tuloy. Nalalapit na ang deadline ng pagsusumite ng term paper.
"Pagkakaalam ko, 'di pa kumpleto ang group nila," sabi sa kanya kaninang umaga ni Raina.
Isa na lang ang tsansa ko. Sina Alexis at Seff, kumbinsi niya sa sarili.
At iyon ang gagawin niya. Magbabakasakali siyang kausapin ang dalawa—roon sa field.
Natatanaw niya ang mga ito mula sa puwesto niya. Nasa isang kiosk, nakikipagtawanan sa ilang mga estudyanteng mukhang mayayaman din.
Tumayo siya at humigpit ang hawak sa strap ng kanyang backpack. She thought that if she will freak out and have a meltdown or die there because of what she was about to do, then so be it. There's no other way for her to come out of her shell and break the protective covering she had created. She had to try now. Kaya niyang labanan ang anxiety niya everytime na nakakasalpukan niya ang grupo ni Bernadine o kapag minamanmanan si Cassandra. So, she knew she could do this with Alexis and Seff.
Nagsimula sa maliliit na hakbang hanggang sa dinere-deretso na ni Arabella ang kulupon ng mga estudyanteng kinaroroonan ng dalawa. Ilang metro bago siya makalapit, huminto ang kanyang mga paa at pinakiramdaman ang sarili. Though she felt slightly unnerved, alam niyang kaya niya.
Sa kabilang banda, malayo pa lang ay napansin na ni Alexis ang pamilyar na babaeng papalapit. He quickly nudged Seff with his elbow, then his eyes darted sideways to the approaching girl.
Seff looked, nodded. "Siguradong ikaw ang pakay n'ya just by looking the way she gazed into your direction."
"Is that so?" Alexis replied. "She had never approached us first before..."
"It must be something very, very important, for her to force herself to come here," Seff said, his eyes regarded Arabella thoughtfully for split seconds before it was gone.
But in that brief moment, Alexis caught that concerned look in his friend's eyes. He suddenly clapped Seff's back and said smilingly, "I'm sure it is." Sabay mabilis na sinalubong si Arabella.
Samantala, kahit sobrang uneasy at gustong mag-back out ni Arabella, humakbang muli ang mga paa niya. Nakita niyang sandaling nag-usap sina Alexis at Seff, sabay mabilis na kumilos ang una at sinalubong siya.
"Hello," masiglang bati ni Alexis, flashing an angelic smile. Napaka-neat nitong pagmasdan sa suot na button-down white shirt. Parang ang bango-bangong tingnan.
"Hi," tipid niyang sagot.
Lalo siyang nahiya tuloy sa kaharap. Binabati pa rin siya nito kahit noong pagkatapos ng insidente sa overpass ay sinabi niyang iiwasan na niya ito at si Seff. Kinakausap siya kahit ilang araw na siyang umiiwas. Nakikipag-interact pa rin kahit five days ago ay saksi ito sa nangyaring sagutan nila ni Romano sa restaurant sa Trademark Hotel, na kumalat na naman sa campus. Kung sino pa iyong mga may-kaya sa buhay ay iyon pa iyong mapagkumbaba at malawak ang pang-unawa. Siya iyong suplada.
"Uhm... I was wondering..." umpisa niya.
"You wanted to ask me something?" tugon agad ni Alexis. He had this feeling na hindi agad makakapag-express ng saloobin ang kausap.
Tumaas-baba ang ulo ni Arabella, sabay sumilip ang maaliwalas na ngiti na parang nabunutan ng tinik. "Yes... if you could spare a minute?"
Alexis' smile became wider when he noticed that small detail on how she replied. Marami siyang gustong sabihin tuloy, subalit alam niyang kailangang magdahan-dahan. As what Seff had said seconds ago, sa ganoong klaseng karakter na mayroon si Arabella, hindi ito lalapit sa kanya kung hindi lang kailangang-kailangan. Hinay-hinay lang, sa isip-isip niya, hanggang sa mag-open up ito.
"Alright, shoot!" energetic na sagot niya.
"It's about our term paper..." Again, Arabella clutched the strap of her backpack as if it would help her stand her ground and not run away. Ikinuyom niya ang libreng kamao para hindi niya kunin at isuot ang earpiece at makinig ng classical music.
"I heard na wala ka pang group?.."
"T-that's exactly the reason why... why I approached you..."
"You wanted to join our group?" Alexis asked warmly. His head turned and catched a quick glance at Seff who seemed to be engrossed in conversation with one of the students. But he knew better. Alam niyang nanonood ito at curious din sa pakay ng babaeng kausap niya. He smiled again, turned to Arabella and said, "You know what, we still need one more member in our group. Kung gusto mo, sa 'min ka na lang."
Sumuwang muli ang mahiyaing ngiti ni Arabella kasabay ng sagot na "Sige...."
"It's settled, then," nakangiting tugon ni Alexis. "Ipapakilala kita mamaya kina Drew at Lee. Kagrupo natin. Mga saksakan ng tamad, but—they're good guys. They're just lazy sometimes when it comes to studying."
Tumango si Arabella. Alam na niya ang background ng mga nabanggit.
"Don't worry, those two are harmless," dagdag nitong may pagbibiro dahil nagiging smooth na ang pag-uusap nila. "They're good friends of mine and I've known them since we're little. Remember noong inimbita ka namin sa pool party? It was actually at Drew's house." Itinaas nito ang palad sa ere at sinenyasan si Seff.
"What do we have here?" kaswal na wika ni Seff nang makalapit, ang mga kamay ay nakapamulsa.
Umakbay si Alexis sa kaibigan. "Guess who's our final member, bro."
Matipid na ngiti ang itinugon ni Seff. Ganoon pa rin ang itsura nito: itim na polo shirt at mukhang sinabunutan ang buhok. "Welcome to the group," anito nang sinulyapan si Arabella. Halata naman na ang babae ang tinutukoy ng kaibigan.
Alexis looked at his wristwatch, then sa bagong kagrupo. "Do you have plans after here?"
Umiling si Arabella na medyo nakayuko. "Uh... two hours pa bago ang susunod kong klase... Bakit?"
"Term paper. Kailangang i-finalize." Si Seff ang sumagot.
~~~~~~~~
Hindi akalain ni Arabella na sa Paseo Diner pala ang bagsak nila makalipas ang mahabang minuto. Dahil kailangan nilang pag-usapan ang term paper, niyaya siya ni Alexis sa madalas daw na tambayan ng mga ito.
Bahagyang natawa at nailing si Arabella. Ba't sobrang napakaliit ng mundo pagdating sa mga lalaking 'to?
She released a deep sigh. Pareho sila ng tambayan, kaso sa magkaibang oras nga lang, kaya hindi sila nagpapang-abot.
Agad na naghanap ng mauupuan si Alexis pagkapasok. Si Seff ay dumeretso sa counter upang makapag-order ng pagkain. Hindi nito napansin at dinaanan lamang ang duwendeng nakaupo pa rin sa gilid ng mesa sa counter.
Nang ipinakita sa kanya ni Alexis ang mga nakalap nang video interview at questionnaires upang mas madali at mabilis ang pag-research, mas lalong nahiya si Arabella dahil wala na pala siyang mai-ko-contribute. Nagsuhestiyon siya na siya na ang magko-construct ng format. At least makabawi man lang siya.
Nang sandaling hindi nakasagot sina Alexis at Seff, idinagdag niya na aayusin at gagandahan niya ang introduction. Gagawin niyang interesante ang body noon, at ang conclusion ay iigihan niya upang maging justifiable ang lahat ng natalakay. Aniya, maayos ang mga grado niya sa academics, kaya kaya niyang gawin iyon.
"We're aware." Alexis nodded, a look of fascination on his face. "You rather have an excellent academic standing and performance."
"R-really?" sorpresang sambit ni Arabella.
"Well... isa 'yan sa mga kumalat noon when Bernadine's group looked into your records," Seff chimed in.
"It's actually fine by us... I mean, we would be grateful kung okay lang sa 'yo 'yang suggestion mo," dagdag ni Alexis.
Tumango si Arabella. Mahaba-haba pa ang oras niya kaya uumpisahan na niya roon mismo sa diner. Impressed siya katunayan dahil dedikado pa rin sa pag-aaral ang dalawang kagrupo kahit pa sabihing nakatapos na ang mga ito ng ibang kurso at may sarili nang mga negosyo. Nagtataka nga siya kung bakit mayroon pang minor subject na pang-first year ang mga ito gaya niya.
She paused for a moment, tried to reflect and make sense of everything that was transpiring around her. Tried to sense every inch of her whole being kung maayos pa ba siya at hindi nagme-mental breakdown sa kanyang sinuong. However, she was rather surprised that she was slowly relaxing and settling down.
"Wala pa rin silang lead kung sino ang mga Kampilan?" komento ni Seff na ngumunguya ng sitsirya sa umpok nila.
Na-distract si Arabella sa pagtitipa sa laptop at umangat ng tingin. Naroroong nakatunghay ang dalawa sa flat screen TV sa may counter. Mayroong flash news.
"Honestly," sabad ni Alexis, "I am opposed to their actions and undertakings. I mean, they're vigilantes. They do things against the law."
"Yeah... But maybe only because the authorities' measures to combat crimes were ineffective," komento muli ni Seff.
"And until now hindi pa rin makita 'yong babae sa jewelry shop, right?" ani Alexis. "For all I know, na-salvage na 'yon."
"But they did good deeds—" pasok ni Arabella. Huli na nang mapagtantong sumali siya sa usapan. Awkward na iminuwestra na lang niya ang flash news kung saan na-discharge na mula sa ospital ang guwardiya ng jewelry shop. Ilang beses na isinalaysay ng mama ang pagligtas dito ng mga Kampilan. Muling sumagi tuloy sa isipan niya ang Kampilan kagabi na may puting mata ang espada.
Nalipat ang topic ng news sa update ng spray bottle. Contrary sa mga naunang balita na walang natagpuang ebidensiya, naiwan doon ang spray bottle. Sa resulta, may natagpuang organic compound na sedatives sa likido, na dahilan ng mabilisang pagtulog ng dalawang empleyada.
"Jeez, that's peculiar," komento na naman ni Alexis. "Gagamit ng spray na pampatulog... I thought chloroform ang mabisang gamit—just like in the movies? Ibubuhos sa panyo, sneak out at the back of the person, ipaamoy sa ilong, then bam! Unconcious na!"
Maluwang ang ngiti habang naiiling si Seff. "Bro, the spray was a modern technique. Chloroform was used in the 19th century as anesthesia, if I'm not mistaken. It's actually dangerous to use it nowadays."
Tahimik na naaaliw si Arabella sa pinag-uusapan ng dalawa. Ibang klase pa rin ang pasimpleng mga patawa ni Alexis. Si Seff naman, hindi niya akalaing mahilig din palang ngumiti.
Nag-vibrate ang kanyang cell phone. Isang text message mula kay Jiao ang nakita niya. Kalakip niyon ay URL link ng site sa Internet na kailangan niyang makita. Maliksi niyang sinulyapan ang dalawang lalaki na nagbibiruan pa rin, sabay tinipa ang address sa browser. Kunwari ay nagko-compose pa rin siya ng term paper, pero isang news article ang binabasa niya.
Laman na naman ng balita si Cassandra Yangco. Magkakaroon kasi ng fashion show para sa holiday season. Ang major sponsor at organizer ay ang Fashion Now Inc., kung saan ang highlight ng naturang event ay ang mga antigong alahas na nauna nang nai-exhibit kamakailan lang. Susuutin iyon ng mga model sa catwalk. Ang venue, sa Trademark Hotel pa rin.
Sinasabi ko na nga ba. Uulitin n'ya ang naunsiyaming plano sa unang exhibit. Kumawala sa kanya ang malalim na hininga.
Bigla, lumingon sa gawi niya ang duwendeng nasa counter. Marahil ay naramdaman nito sa buntonghininga niya ang urge at motivation niyang masubaybayan si Cassandra at ang nalalapit na event.
Binura niya ang text message, kasama ng history, cache, at logs data sa cell phone. Ganoon din sa browser at temporary files ng laptop.
~~~~~~~~
Pagbalik ni Arabella ng Monte Carlo, napapagitnaan na siya ng dalawang popular na estudyante. Kasalukuyang binabagtas nila ang hallway ng kanilang kolehiyo matapos ang ilang oras na pag-istambay sa diner. Papasok na siya sa kanyang klase ngunit heto't sinabayan siya ng dalawa dahil pareho sila ng skedyul at gusaling pupuntahan.
"I think... i-it's best if we part ways here," mahinang sabi niya, kasunod ng paglakas ng volume ng pinakikinggang instrumental music sa earpiece. Huminto siya sa paghakbang kaya sabay ring nahinto ang dalawa at tumingin sa kanya.
Wrong move, sisi ng utak niya dahil mas lalo pang nakakukuha iyon ng atensiyon ngayong nakahinto silang tatlo sa gitna ng hallway. Inangat niya tuloy nang isa pang level ang volume ng music.
"They're all staring at us..." aniya muli, sabay conscious na nilinga ang paligid.
Saka lamang naintindihan ni Alexis kung bakit siya nababahala.
"Hey," biglang sabi ni Seff sa mahinahon ngunit malakas na boses. Ang matalas na tingin nito ay sa mga tao sa paligid. "Quit staring."
Maliksi namang nagsiiwas ng tingin ang mga naroroon, maliban sa grupo ni Bernadine na nakalapit na pala.
"Why is she with you?" tanong ng socialite na para bang wala roon si Arabella.
"She's with our group," Alexis replied and chuckling a bit. His smile lighting up the entire hallway.
"W-what? Why?" timang na tugon ni Bernadine.
"Why not?" walang emosyon na pasok ni Seff.
Napaawang ang mga bibig ng mga socialite.
"Hey!" biglang sigaw ng kung sino 'di kalayuan, kaya napalingon sila.
Nangingiting iginiya at iniiwas ni Alexis si Arabella kina Bernadine at nilapitan ang sumigaw.
"Good timing, guys," ani Alexis. "By the way, kagrupo natin, si Arabella." Nilingon nito ang ipinakilalang katabi. "Arabella, meet Drew Contreras... and Lee Henderson."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top