16: Stalker
CHAPTER 16 - Stalker
Mahigit isang oras na ang nakalilipas ay hindi pa nakikita ni Arabella na lumabas ng hotel sina Romano at Cassandra. Using her camera, she scanned the area to her left where the woman's bodyguards were. The men were much more lax than earlier.
Sinilip niya rin ang restaurant. Naroroong nagse-celebrate pa rin sina Bernadine. Alam niyang kaarawan nito dahil nadaanan ng mga mata niya kanina sa loob ang nakaukit nitong pangalan sa matangkad na birthday cake.
Nilipat niya ang pokus ng kamera sa mga bisitang babae. Halata ang makahulugang tingin na ipinupukol ng mga ito sa dalawang lalaking mga bisita roon: sina Alexis at Seff. Si Bernadine naman ay hanggang tenga ang mga ngiti.
Siguradong dahil kay Alexis, pasarkastikong wika niya sa isipan.
Akala ba niya ay wala na ang mga ito?
Not your business, saway niya sa sarili.
Napakapa siya sa bulsa ng jacket nang nag-vibrate ang kanyang cell phone. Naka-silent iyon. Hindi rin niya muna tiningnan agad para hindi makita ang liwanag ng screen. Sa gano'n, hindi mapapansin ng mga bodyguard na may nagtatago sa dilim.
Alam niyang si Jiao iyon dahil gamit niya ang sikretong numero na sila lang ang nakaaalam. Patago at maliksi siyang lumayo sa pinagkukublihan hanggang makatagpo ng isang sulok sa hotel na hindi madilim at hindi paghihinalaan.
'Email sent to u,' ani Jiao sa text message.
"I hope this is what I think it is," bulong niya sa sarili habang binubuksan ang e-mail. Hindi na kasi siya nakatiis kanina na ungkatin ang background nina Alexis at Seff. Katwiran pa rin niya na mas mabuti na ang kilala niya ang mga nakasasalamuha niya. In fact, dapat nga ay noong una pa niya iyon ginawa. Or 'yon nga ba talaga ang rason? balik-tanong niya sa sarili. Dahil hindi naman niya iyon gagawin kung hindi siya naging curious at concern sa nakita niyang tagpo sa birthday celebration.
She entered some codes to open the attached files. Hindi iyon basta-bastang nabi-view o nada-download dahil passworded.
Laman noon ay brief information tungkol sa kompanyang Premiere Group. Isang group of companies kung saan ang mga negosyo ay construction, engineering, trading, contracting, at real estate.
Pinasadahan niya nang mabilisan at palaktaw-laktaw na basa ang ilang stockholders nito:
Alexis Auguste Derosier, age 24, fashion model, Engineering graduate at Monte Carlo University, currently third year BA Business and Finance at the same university. French father, Filipino/French mother. Board member/stockholder;
Seff Aiden Rennard... 24, Engineering graduate and third year BA Business and Finance at Monte Carlo. Filipino/American/French father, Filipino mother. Board member/stockholder...
"What's up with the same courses and school?" bulong niya muli sa sarili. Daig pa ng mga ito ang kambal. Parehong edad, parehong natapos na kurso at kinukuhang bagong kurso sa iisang unibersidad.
She looked once more and mused on their names. "Ang sosyal ng mga pangalan."
She continued reading on. Mayroon pang dalawang shareholders na nag-aaral din sa Monte Carlo University. Business Administration ang kinukuhang kurso.
Mark Lee Henderson, age 24, American father, Filipino mother; Andrew Contreras, age 25, Filipino father, Filipino mother, basa niya sa isipan. Both were Engineering graduates, too.
Bukod sa mga miyembro ng board at mga shareholder, ang apat na pamilyang ito ay magkasosyo at mga may-ari ng Premiere Group. Nailing pa si Arabella nang makita niya ang mga litrato ng huling dalawang nabanggit sa file at mamukhaan. Ang mga ito ang dalawang kasama nina Alexis at Seff sa eksibit ni Cassandra at mga kaklase rin niya sa History.
~~~~~~
"So... ano sa palagay mo?" kapagdaka ay tanong ni Seff habang naglalakad sa parking area ng Trademark Hotel. Inilabas at pinindot nito ang remote car key upang bumukas ang mga pinto ng itim nitong Hummer.
"Palagay na ano?" balik-tanong ni Alexis. Hinubad nito ang suot na coat. At tulad ng ginawa ng kaibigan, inilagak iyon sa loob ng sasakyan.
"You know what I'm talkin' about." Matapos isara ang pinto ng driver's seat, tumungo ito sa harapan ng sasakyan. Sumandal doon at tiniklop hanggang siko ang bawat sleeves ng suot na polo.
"I don't know," sagot ni Alexis. Sinundan iyon ng kibit ng balikat. "We don't really know the truth. She kind of denied it during the overpass incident, right? When she hid and cried there? And she didn't explain fully—though she isn't obliged to clarify things to us, and we don't have the right to be nosy on her life. So, I'll give her the benefit of the doubt." Sumunod din ito sa pagsandal at nilingon ang katabi. "You?"
Kumibit din ng balikat si Seff. "Same... It isn't our business anyway."
"Sabihin mo 'yan kina Bernadine," naiiling at bahagyang natatawang sabi ni Alexis.
"Speaking of which," ani Seff habang bahagyang nakaangat ang sulok ng bibig, "and her intentions... was she making a move on you? I mean, despite what happened in the past, she still invited you on her birthday?"
"Unfortunately, unexpectedly, and without warning," sarkastiko at patawa pa ring sagot ni Alexis.
"Riiiiight," sarkastiko ring sang-ayon ni Seff. "And then you can't say no, so, you accepted and decided to bring me along. Her surprise wasn't too evident when she saw me back there." Awtomatikong naintindihan ni Seff kanina na hindi kasama ang sarili sa listahan ng mga naimbita base sa naging reaksiyon ng celebrant.
"What?" kunwaring inosente at tangging tugon ni Alexis. "Besides... everybody knows na kung nasa'n ang isa, naro'n din ang isa pa."
Seff made a face. "So, para akong buntot mo..."
Napalakas ang tawa ni Alexis.
"...O anino mo, gano'n?" Hinarap nito ang natatawang katabi nang mayroong mapagtanto. "Don't tell me you were scared to go there... alone?"
"No," madiin na tanggi ni Alexis. Then he scowled. "No—of course not."
Hindi natitinag si Seff. The corner of his eyes wrinkling. His lips pressed together to suppress a laugh.
"Jeez, her mother was there. It will be awkward to be there by myself," Alexis added.
"It still meant you're scared... with the mother." Sobrang lawig na ang ngiti ni Seff.
"I'm not!"
"Like hell you are. You felt at fault for what happened between you and her daughter."
Nawala ang aliw sa mukha ni Alexis at natahimik.
"You and your way with girls," patuloy ni Seff. "You have to take it slow sometimes."
"I am," Alexis replied. Bumalik na agad ang sigla nito. "I am actually taking a break." Humalukipkip ito at hinarap ang katabi. "But you... must go out there and make out with a girl."
Kumunot tuloy ang noo ni Seff at lumawig pa ang ngiti. "A what—? Make out?"
"Jeez, bro... Are you trying to sound conservative? When was the last time you dated someone? Kung hindi pa kita bigyan ng partner o ka-date, hindi ka rin—"
"Don't—"
"Come on, loosen up," hikayat ni Alexis. "Remember this girl na katabi ni Bernadine at naka-off shoulder top? I know that you noticed the looks she threw at you."
"Hell no. Not gonna happen."
"Go out and have fun. Tulad sa party kanina. I know you had fun back there despite ng mga tsismisan."
"Fun?" Hindi makapaniwala ang tono ng boses ni Seff, as if nagka-dent ang makintab na gilid ng Hummer niya. "I felt like I was gatecrashing Bernadine's party."
"She liked your gift..." pakonsuwelo ni Alexis.
"As if that counts."
"Of course it counted, as expected. She wouldn't wear that jeweled brooch right there and then if she didn't like it."
"That is so touching." Sarkastiko ang tono ni Seff. Kaya pala kahapon ay sobrang makagiit ni Alexis na kailangang bigyan ng regalong kumikintab ang celebrant. "Enough of me and don't change the subject," he said. "Seriously, bro... you have to make it clear to her about sa inyong dalawa."
"You know I already did." Seryoso muli ang tono ni Alexis. "And you know that she still wanted us to be friends. Maybe that's really her reason for inviting me."
"I also do know that it didn't escape to you those meaningful looks and moves she'd been giving you back there... Spell things out to her clearly—like really clear. Then maybe, she'll get it and will stop—" Nahinto sa pangungusap si Seff nang makita at mamukhaan ang isang lalaki na papasok ng itim na SUV 'di kalayuan sa kanilang puwesto. May kasama iyong isang babae. "Was that..?"
"Yeah... Romano Castillon," pagkukumpleto ni Alexis. Mabilis itong umunat at tumayo. "Let's go. I'm driving." Nakalahad na ang palad nito para sa susi ng Hummer.
~~~~~~
Ilang sandali ang lumipas, nasa highway ang itim na Hummer at sinusundan ang sasakyan ni Romano Castillon.
"How come hindi ko napansin kanina sa loob ng resto si Cassandra Yangco?" tanong ni Alexis. Nakakunot ang noo nito habang nagmamaneho.
"Kahit ako hindi ko rin napansin," wika ni Seff.
Namukhaan nila ito kanina sa parking area nang sumakay sa SUV ni Romano. Sa mundo ng mga elitista at negosyante, maraming nakakakilala kay Cassandra. Tiyak na ito rin ang sinasabing isa pang babaeng kasama ni Romano kanina sa restaurant.
"Small world," patuloy ni Alexis.
Huminto ang sasakyan ni Romano sa isang intersection. Maingat na prumeno si Alexis at sinigurong nakadistansiya ang kanilang sasakyan sa sinusundan. Napansin kasi nila ang isang kotse na kanina pa nakasunod kina Romano. May palagay sila na baka bodyguards ni Cassandra. Balita kasi na meron nga itong mga bantay.
Sandaling nilingon ni Seff ang kaibigan. Halatang gustong malaman ni Alexis ang relasyon ni Arabella kay Romano pati na rin kay Cassandra. Iyon mismo ang dahilan kung bakit sinusundan nila ang sasakyan ng lalaki.
Maya-maya, pasimpleng sumulyap si Seff sa katabing side mirror sa kanan.
Napansin iyon ni Alexis. "Something wrong?"
"Do you see that bike?" Ngumuso siya sa side mirror sa kanan habang ang mga mata ay nasa harapan lang.
Pasimpleng sumulyap din si Alexis sa salamin. Kita nito ang ilang motorsiklo sa likuran. "Which one?"
"Pinakahuli... I think it was following that SUV around as soon as we left the hotel."
"Really..?" Nangiti ito. May ideyang pumasok sa isipan. "Why do I have this feeling na kilala ko ang taong sakay n'yan?"
Nang maging berde ang ilaw ng traffic signal, hinayaan nitong unahan sila ng pinaghihinalaang motorsiklo upang makita ang plate number.
Muling nangiti si Alexis nang makumpirma iyon kahit pa hindi kita kung sino ang rider dahil sa helmet. "Like I said."
"What gave you the idea that it was Arabella?" komento ni Seff habang nakangiti at napapailing.
"Come on. After that scene at the restaurant? For sure she would want to know what Romano was up to. Even me, susundan ko rin 'to at si Cassandra."
"At kailan mo pa na-memorize ang plate number ng motor ni Arabella?"
Napahalakhak si Alexis. He gave Seff an amused look. "Well, how 'bout you?" anito, na pati tono ay nang-aasar. "Alam mo rin na ang plate number na 'yon ay kay Arabella. Anyhow" —mabilis na ibinalik nito ang tingin sa kalsada, saka mabilis ding iniba ang usapan— "do you think that she's stalking that man? Because it really looked like she was stalking him."
Seff just kept on laughing and shaking his head, though he answered, "Or maybe just curious... Like what you just said, she probably wanted to know what that guy was up to. Besides, 'yang itsurang 'yan ba" —muwestra nito sa tumatakbong motor sa unahan— "ay itsurang stalker?"
"Looks can be deceiving, bro," patawa ni Alexis. "But kidding aside, have you observed that she speaks in longer sentences now?"
Tumango si Seff.
"She is... interesting," patuloy ni Alexis.
"Interesting. Like one minute ay aloof, tahimik, nasa isang tabi. And the next minute makikita mong nakadapa sa damuhan si Mike."
Nagtawanan silang dalawa nang maalala ang insidenteng iyon kung saan na-sample-an ni Arabella ng martial arts si Mike.
"Damn. It isn't our business kung ano man ang mga ginagawa ni Arabella," Alexis murmured afterward while shaking his head. Dagli niyang iniliko sa kabilang direksiyon ng kalsada ang minamaneho.
Curious naman si Seff kung makatatagal ba ang kaibigan sa biglaang desisyon. Pati sa paraan ng pagmamaneho nito, napaka-impulsive. "You may want to turn around..." pang-uudyok at tukso pa niya matapos ang ilang segundo.
"Damn," mahinang sambit ni Alexis sa sarili. Pagkatapos ay mabilis na ikinabig ang manibela ng sasakyan patungo sa dating ruta.
Natawa si Seff lalo. "Curiosity killed the cat, bro."
~~~~~~
"So... this is where Cassandra lives," komento ni Alexis. Impressed ito sa magarang disenyo ng bahay.
Kasalukuyang bumababa ng SUV ni Romano ang babae. Si Arabella naman ay alam nilang nakakubli at nagmamasid.
Hindi nagtagal doon si Romano dahil hinatid lang nito si Cassandra. Lumarga ito agad pagkatapos. Napansin nina Alexis at Seff na kumilos si Arabella sa dilim at inihanda ang motor.
Naghanda rin sila at muling sumubaybay.
Makalipas ang matagal na sandali, pumasok ang SUV sa isang magara, malaki, at antigong mansiyon.
"De Lorenzo mansion?" Kumunot ang noo ni Seff. Ang alam ng nakararami ay nakatira si Romano sa isang luxury subdivision. "Nakatira din s'ya r'yan?"
"We know now," sagot ni Alexis na may paghanga. Hindi halatang mahilig ito sa mga kakaibang architectural design. "One of the oldest spanish colonial structures that survived the war and bombings during World War II. Imagine that..." Nilingon nito si Seff. "And from what I have known, isa si Romano sa mga descendant ng pamilyang De Lorenzo."
Naputol ang pag-uusap nila nang makitang umandar ang motor ni Arabella paalis sa area na iyon.
"Where to this time?" kunot-noong tanong ni Alexis at determinado pa ring sumubaybay.
~~~~~~
"Aaaaaand..." Alexis said dramatically like a drum roll, "we're back...."
Bumalik sila muli sa bahay ni Cassandra.
"Ano'ng meron kay Cassandra?" seryosong wika naman ni Seff. "It seems that this is not the first time na ginawa 'to ni Arabella."
"Curiosity killed the cat, remember?" bawing sagot ni Alexis na nakaloloko ang ngiti. Subalit alam nitong may point ang katabi. Sa paraan ng pagmamanman ni Arabella—na maingat at halos hindi gumagalaw sa motor, bukod pa sa istratehiya ng lokasyon ng pinagkukublihan—hindi malayong tama si Seff.
Sino ba'ng normal na tao na hindi natitinag sa puwesto kahit ilang oras na ang nakalilipas at lumalamig ang paligid? Sabagay, naka-jacket naman ito at suot pa rin ang helmet ng motor. Subalit wala nang makikitang anumang aktibidades sa vicinity ng bahay.
"Then what is she waiting for?" curious na ring sabi ni Alexis. Nang sinulyapan nito ang orasan sa dashboard, halos ala-una na ng madaling-araw. At si Seff, bagama't deretsong nakaupo, nakapikit na ang mga mata. "Greeeaaat. He dozed off."
"I can hear you. I'm awake," sagot ni Seff habang nakasara ang talukap ng mga mata.
"This is nuts," reklamo na ni Alexis. Bigla ay binuhay nito ang makina ng Hummer na nakapatay ang ilaw upang umalis na. "What are we even doing here?"
"We we're poking around into others' businesses, remember?" nangingiting paalala ni Seff. Nakapikit pa rin ang mga mata. "Some call it stalking."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top