15: "I Told You So"
CHAPTER 15 - "I Told You So"
"Romano?" 'di makapaniwala at mahinang sambit ni Arabella nang mai-zoom in ang lente ng kamera at mai-pokus sa taong kausap ni Cassandra. Matapos ang insidente sa pagitan niya at ng mga Kampilan, at matapos ang ilang araw na walang gaanong aktibidades na nangyayari kay Cassandra, ngayon ay nagkaroon siya muli ng lead.
Again, she took a peek through the viewfinder of her DSLR camera and observed more. Nakapuwesto ang mga ito malapit sa salaming bintana kaya kitang-kita niya mula sa labas na nag-e-enjoy ang mga ito sa pinag-uusapan.
"What are you doing there?" naiinis niyang sambit, wari'y maririnig talaga siya ng nagngangalang Romano.
Medyo foreigner itong tingnan at may-edad na. Nasa early 50s. Gayunpaman, mapapansin ang pagiging neat at smart nito sa pananamit. Bagay rito ang suot na black suit na angkop na kasuotan sa loob ng eleganteng restaurant ng Trademark Hotel. Malakas pa rin ang charisma nito.
Dali-daling nilisan ni Arabella ang sikretong puwesto at tinungo ang parking lot kung saan naroroon sa pinakasulok ang kanyang motorsiklo. She carefully stuffed the camera back into her backpack and bent down to open her bike's compartment. There, she hid her camera's memory card. Better be secured than sorry. Ayaw na niyang mangyari na nakuhanan siya ng mga Kampilan ng memory card.
"Sa dinami-rami ng mga taong pupuwede mong dalhin o imbitahin sa isang dinner, ang babaeng 'yan pa," mahinang sambit niya.
Dahil hindi maalis ang inis niya sa nakita, nakapagdesisyon siya tuloy na pasukin ang naturang restaurant. Aalamin niya mismo kay Romano kung ano ang nangyayari.
Malayo pa lang siya ay kita niya sa bintanang salamin na tumayo si Cassandra sa inuupuan at waring nagpapaalam sa kausap.
Baka magsi-CR. Magandang pagkakataon upang masarili niya si Romano roon sa lamesa.
She was able to get inside kahit pa wala siyang reservation at hindi naka-dress code. Ang weird niyang tingnan sa suot na black jeans, black jacket, at black canvas sneakers. Hindi rin siya nag-atubiling tanggalin ang suot na gray na beanie sa ulo habang mabilis ang hakbang papunta sa mesa ni Romano. Hindi niya alintana ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga nadaraanan niyang parokyano roon.
Hinintay niyang umangat ang tingin ni Romano sa kanya.
"A-Arabella?" Halatang nasorpresa ang may-edad nang masino siya.
"What is going on, Romano?" Mariing nakatikom ang bibig niya para mapigilan ang inis at galit na kanina pa gustong sumambulat.
~~~~~~
Dinampot ng sopistikadang babae ang kopitang nasa harapan na may lamang alak at itinaas iyon sa ere. Maluwang ang ngiti nito habang minamasdan ang mga panauhin ng kanyang anak sa espesyal na gabing iyon.
Maikli lamang ang pahayag ng babae. At sa huli nitong pangungusap, proud nitong binalingan ang anak at sinabing, "Happy birthday, Bernadine."
Sumunod ding bumati ang mga panauhin at maririnig pagkatapos ang mga kalansing ng mga kopitang nag-untugan.
"Thank you so much, guys," 'di matapos-tapos na pasasalamat ni Bernadine, "for coming here tonight." Maluwang ang mga ngiti nito at nagniningning ang mga mata dahil napalilibutan ito ng mga kaklase, kakilala, at kaibigan sa Monte Carlo. Pinili nitong gawing medyo pribado at candlelight dinner party ang kaarawan sa isang mamahaling restaurant.
Conversations were light and cheerful, mainly about school. The guests seemed to be having a good time. Konting tawanan dito at konting kantiyawan naman doon. May ilan na nagpaalam, kasama ng ina ng celebrant, na pupunta lamang ng ladies' restroom.
Maya-maya ay nahinto ang magaang mood na iyon nang kinalabit si Bernadine ng isa nitong kaklase at kaibigang babae. Iyong pinakamaliit sa lahat na may maigsi at makulay na buhok. Sinabi nito sa malakas na boses na mukhang pamilyar dito ang isang babaeng kapapasok lamang doon sa loob ng restaurant.
"Well, well, well... Who do we have here?" wika ni Bernadine na nakataas ang isang kilay. Ang mga mata ay nakatuon sa babaeng bagong pasok.
Sabay na nagsilingunan ang iba pang naroroon sa mahabang lamesa.
"Is that... Arabella?" tanong ni Alexis sa katabing si Seff na tumango lamang pabalik.
Naningkit ang mga mata ni Bernadine nang makita ang interes sa mukha ni Alexis. Mas lalo pa nang sumuwang ang ngiti rito.
"What is she doing here?" sambit ng isang babaeng panauhin.
"Gosh... what is she wearing? How did they let her in?" komento rin ng isa pa.
Ngunit natahimik ang mga ito nang maulinigan ang madiin na bigkas ni Arabella na: "What is going on, Romano?" kasama ng determinado nitong reaksiyon na bihira lang masisilayan sa maamo nitong mukha.
~~~~~~
Napabuntonghininga at napapikit si Romano. "Could you take a seat first?" wika nito kasabay ng pagmuwestra sa katapat na upuan na kanina lamang ay okupado ni Cassandra.
Hindi gumalaw si Arabella.
"All eyes will be on us if you will just stand there," patuloy nito.
Biglang nawala ang confidence at nagbago ang reaksiyon ni Arabella nang mapagtanto ang sinabi ng may-edad. Bigla siyang naging aware sa mga tao sa paligid. She could feel her anxiety starting to build up. Ngunit sa mga sandaling iyon, ayaw niyang ipahalata ang pagkailang niya at sayangin ang ipinakitang lakas ng loob. Kaya tulad ng nakagawian kung wala siyang pinakikinggang classical music, in-imagine niyang nagsuot siya ng maskara sa mukha. A kind of mask that was blank and showing no emotion.
Naupo siya sa tapat ng lalaki.
"Look... don't feel bad about Cassandra. We were—"
"How long is this going on?" pakli niya. "Weeks?.. Months?"
Matagal silang nagtitigan ng lalaki. Hanggang sa buntonghininga lamang ang naisagot nito sa kanya 'di kalaunan.
"All this time..." naiiling na patuloy ni Arabella. Kumikislap ang mga mata niya kahit wala siyang emosyon. "So, tama ang hunch ko... I was in Zambo thinking that there's nothing wrong going on, but then, tama ang hunch ko."
"Arabella..."
"Arabella what?!" Hindi sinasadyang napalakas ang boses niya. "That you're seeing her for a long time now?!" Naging sanhi iyon ng muling paglingon ng ibang tao sa gawi nila.
Hindi rin nakatakas sa pansin niya ang halos sabay-sabay na lingon ng isang grupo sa may mahabang lamesa 'di kalayuan. Hindi siya makapaniwalang naroroon sina Bernadine at Alexis. Magkasama. Akala ba niya ay matagal nang hindi nagde-date ang dalawa?
"Will you calm down, please?" halos pabulong na sabi ni Romano.
"I am calm," muli niyang pakli. "What I wanted to know is when you're going to tell me all of these?"
Muling naglabas ng malalim na hininga si Romano. "I was planning to... I just can't find the right time or where to start..."
"Or... you really don't have the intention to tell me," matter-of-fact na kontra niya.
"It's not like that." Mariin ang pagtanggi ng lalaki.
"Good thing I followed this hunch. And look where it got me? Imagine my surprise when I saw you both." Sarkastiko na ang tono niya dahil ayaw pang i-explain sa kanya ng kaharap kung bakit magkasama ang mga ito.
"You mean—you followed me? Or her?"
"Don't change the subject—"
"Are you following her?" mariing ulit ni Romano at kumunot ang noo. Ang mga mata ay mariin ding nakatutok sa kanya at nagtatanong.
"Yes, I am." Her voice low and exasperated. Frustration was nearly noticeable despite being impassive.
"And I thought we've been through with this sneaking business a long time ago?" Wala nang pasensiya ang lalaki.
"And I thought there will be no keeping secrets," balik niyang sabi sa kausap.
Matagal na hindi nakasagot si Romano. Then he said, "Just stop it. Stop following her... please." Inilahad pa nito ang isang palad to show his plea.
"I can't believe you'll say that." Biglang tumayo si Arabella sa kinauupuan kaya nagdulot iyon ng ingay nang umurong paatras ang upuan. "Y-you—You're choosing her over me?!"
Naikuyom niya ang mga kamao sa pagpipigil ng iritasyon. Aware din siya na dahil sa ginawa niyang iyon, nakahatak pa sila lalo ng atensiyon.
Walang ano-ano'y tumalikod siya at nilisan ang pook na iyon. Tinawag siya ni Romano ngunit hindi na niya ito pinansin.
Nang makalabas (kahit nanginginig ang mga palad), tumalas ang pakiramdam at mga mata niya dahil alam niyang may posibilidad na nasaksihan ng dalawang bodyguards ni Cassandra (na nakaistambay lamang sa labas) ang katatapos na eksena sa loob. Alam niya kung saan nakapuwesto ang mga ito bago siya pumasok ng restaurant.
Lumuwag ang hininga niya nang makitang abala ang mga ito sa kuwentuhan habang naninigarilyo sa pasilyo malapit sa hardin sa labas. Positibo siyang walang nakita ang mga ito na puwedeng i-report kay Cassandra. Kapag nangyari iyon, paniguradong mag-uusisa ito kung sino ang nangahas na babaeng gumawa ng eskandalo sa harap ni Romano.
Humanap siya ng panibagong makukublihan malapit sa pasilyo at restaurant. Sa ganoong paraan ay makikita niya ang ginagawa ng mga bantay ni Cassandra at ng nangyayari sa loob ng restaurant.
Ilang sandali pa ay nakita niyang lumabas si Romano at sinalubong ang pabalik nang si Cassandra na kagagaling lang ng restroom. Nagkaroon ng maikling pag-uusap ang mga ito. Kinalaunan ay nakamuwestra ang palad ni Romano sa itaas ng hotel at doon iginiya si Cassandra. Malamang ay dadalhin nito ang babae sa mamahaling bar sa itaas na exclusive lamang sa mga may privilege pass. That way, they could avoid the humiliation and stares from the people.
~~~~~~
"OMG... mag-eeskandalo pa yata rito, guys," sambit ni Bernadine nang maulinigan ang sinabi ni Arabella na: "How long is this going on?" Umakyat sa bibig nito ang isang palad at makikita sa reaksiyon ng mukha na nae-excite ito sa nangyayari.
"I think that's the same old man she went with last time," komento ng kaibigang may kulay ang buhok.
"Yeah," sang-ayon naman ng isang babae. "Remember the SUV?"
At sabay-sabay na nagkomento ang iba pang mga nakakita na iyon nga ang lalaki.
"Just by her tone, she's clearly upset, even though she's sitting there looking stern," obserba ng isa habang nakatingin sa gawi ni Arabella.
"Possibly lovers' quarrel?" suhestiyon ng isa na bahagyang natawa. "I noticed na may kasamang magandang babae kanina 'yang matanda. Maybe she was upset kasi ipinagpalit na siya sa isang maganda at may class."
"Come on, you guys," Alexis cut in habang naiiling. "Don't go that far."
"Who is that man, anyway?" naiintrigang tanong tuloy ni Bernadine. Naiinis din ito dahil mukhang ipinagtatanggol ni Alexis ang kanilang pinag-uusapan. "At sino naman 'yong babaeng kasama nito kanina?"
Kibit ng balikat lang ang isinagot ng mga kababaihan dahil walang nakaaalam at wala ring nakapansin. Lahat kasi kanina ay nasa kaarawan ang atensiyon. Maging ito man kanina ay hindi pansin ang ibang mga parokyano sa paligid.
"Romano Castillon," sagot ni Seff, at lalo pang minasdan ang lalaki. Madaling matandaan ang tulad ni Romano at ang impluwensiya nito sa mundo ng business. Ngunit para sa mga katulad ng grupo ni Bernadine na puro shopping at latest fashion ang pinagkakaabalahan, malayong pag-interesan nila ang ganoong bagay. "Spanish descent. Chairman and CEO of Trademark Corporation. This hotel happens to be one of its companies."
Taas ng kilay ang sumunod na reaksiyon ng mga kababaihan. Malaking scoop iyon kung tutuusin. Malaking tsismis na naman.
Subalit halos sabay na napalingon muli ang mga panauhin ni Bernadine nang marinig ang mga salitang: "That you're seeing her for a long time now?!"
"OMG," halos sabay-sabay at paulit-ulit ding sambit ng mga kababaihan sa grupo.
Sina Alexis at Seff naman ay nagkatinginan sa isa't isa.
"See? Just like we suspected," hayag ni Bernadine. Ang mga mata ay nakatuon kay Alexis. "Maybe the rumors and gossips are true, then."
Iling ang isinagot ni Alexis sa paratang na iyon ng may-kaarawan. "We don't even know the whole story why she's here. It's not fair to her."
Muling naningkit ang mga mata ni Bernadine. Sila pa pala ang nagmumukhang masama at kontrabida sa mga mata ni Alexis.
Ilang saglit lamang ay muli na naman silang napalingon (kasama na ng iba pang mga parokyanong malapit kina Arabella) sa panibagong mga pangungusap na: "You're choosing her over me?!"
Binalingan ni Bernadine si Alexis wari'y nagbubunyi. "See?" anito. "I told you so."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top