14: Atake at Interogasyon

CHAPTER 14 - Atake at Interogasyon



Tiningala ni Arabella ang buwan na natatakpan ng maninipis na ulap. Nasa first quarter pa lamang ito kaya mas lalong madilim sa kinaroroonan niya. Paying more attention to her surroundings, she could make out the faint noise of a distant traffic somewhere. Ilang oras na siyang matiyagang nakadapa sa matataas na damuhan doon and she's trying to resist her sleepiness. Pero, sanay na siya sa sitwasyong tulad nito. She trained hard for this. Besides, the loud chirping of a cricket nearby helped. It kept her awake. Binabasag nito ang mapayapang kadiliman.

She had been earnestly watching the abandoned building kung saan two nights ago lang ay nagkita roon sina Eleanor at Elmer Dumaran. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon din siya roon ng close encounter sa mga Kampilan.

Umihip pang muli ang hangin at tumama iyon sa exposed niyang mukha. It's almost the middle of November kaya medyo ramdam na talaga ang lamig ng panahon. Itinaas niya tuloy hanggang ilong ang pang-motorcycle dust and windproof mask niya.

"Come on... Sana may development na," umaasam na bulong niya sa sarili habang nakamasid sa gusali gamit ang bagong biling digital night vision monocular.

Two days nang walang taong nagagawi roon. Wala ring kakaibang nagaganap kina Cassandra o Eleanor. Kahit kay Elmer Dumaran. Ang sabi ni Jiao kahapon ay normal daw na pumapasok ito sa trabaho sa Shield One.

Two days na rin siyang nag-iingat dahil baka nasa paligid lang ang mga vigilante at nakasunod sa kanya. Dinagdagan niya ang pagiging alerto niya lalo na nang matanggap ang mensahe sa Baybayin. Kahit pa sabihing hindi niya pinakinggan ang babala ng mga ito dahil naroroon siya ngayon at nagmamanman ulit, ayaw niyang i-underestimate ang mga ito. Kaya noong mabasa niya ang babala sa parking area, hindi siya nagsayang ng sandali. It's possible that they already knew where she was living, kaya lumipat siya agad ng ibang mumurahing transient lodging. She has been doing this ever since she transferred school here in Manila. Hindi siya tumatagal sa tinitirhan. Kahit sina Mang Chito at Aling Pilar ay hindi alam ang current address niya at kung ilang araw na siya sa nirerentahang kuwarto. For her safety, irregular siyang lumilipat. Kaya unpredictable ang ginagawa niya.

Almost ten, basa ng kanyang isipan nang sulyapan ang relo sa bisig. Please... please, don't let this be an uneventful night again.

Tila mabilis na ipinagkaloob ang hiling niya nang may lumitaw na dalawang liwanag mula sa dulo ng lubak na kalsada. May paparating na isang kotse.

Please, let it be Cassandra or Elea—

Natigilan siya! Her body became rigid as she moved her head scanning the area. Bukod sa ingay ng makina ng paparating na sasakyan, alam niyang may narinig siyang iba pa. Then, there it was again. The rustling sound came from her right side. Gamit ang monocular, mabilis niyang itinutok iyon sa makapal at nagtataasang damuhan sa kanan.

Wala.

Damn those vigilantes!

Napahugot tuloy siya ng hininga. They're making her anxious. Baka insekto lamang o maliit na hayop ang may kagagawan ng naturang kaluskos.

But out of nowhere, isang mabigat na nilalang ang dumagan sa kanya sa likod! Maliksing tinakpan ang bibig niyang naka-motorcycle mask!

"Hindi ka rin marunong makinig, 'no?" mahina ngunit madiin na sabi ng dumagan sa kanya. Malalim at medyo robotic pa rin ang timbre ng boses.

Kampilan?! She gasped in alarm!

Pero mabilis at ubod-lakas niyang inalsa ang balakang niya kahit sobrang bigat ng nakadagan. The vigilante failed to keep its balance at naitukod nito ang kanang kamay sa lupa. Siya naman, tuluyan niyang naiarko nang husto ang buong likod. Natanggal tuloy ang pagkakatakip sa bibig niya. Because of this, she was able to place her knees firmly on the ground. Then she quickly grabbed the assailant's right arm na nakatukod sa bandang ulunan niya, saka todong hinatak iyon palapit sa kanyang katawan. While doing it, she put her full weight on her right side upang matumba pakanan ang nasa likuran niya. At nang sumubsob nga ang kanang balikat at tagiliran nito, she quickly rolled over (still holding its right arm) hanggang sa siya na ngayon ang nasa itaas. Though facing upward, she used her left elbow and started hitting the assailant's masked face.

Subalit mabilis na naulian ang vigilante. Sinasangga ng kaliwang kamay nito ang mga patama niya sa mukha. Kaya kaliwang tagiliran naman ang pinuntirya niya. She then again rolled over several times to her right palayo sa assailant. When she was meters away, she promptly stood up anticipating for another fight. Hindi nga siya nagkamali.

How did it get up so quickly?!

Para lang walang nangyari. Papalapit na ito sa kanya ngayon! Malaking bulto at nakaitim!

Imbes na tumakbo palayo, sinalubong niya ito. Napaliligiran na sila ng matataas na damo kaya hindi na sila kita sa ibaba sa gusali. Hindi na niya hahayaang mangyari ang nangyari two nights ago kung saan siya ang talunan.

She tried a couple of punches and kicks, ngunit magaling ang vigilante! Laging nananangga, deflecting her every move. It bothered her na hindi ito gumaganti.

Pero hindi niya inaasahan nang maipilipit nito ang dalawa niyang mga braso sa kanyang likod. She remembered that move! She was sure na ang vigilanteng may puting kinang sa espada ang kalaban niya ngayon, even though hindi niya maaninag ang kulay ng kinang sa espadang nakasukbit sa likod nito, and even though this time, face to face na sila at mahigpit ang pagkakakulong sa kanya sa mga bisig nito.

"'Wag ka nang lumaban pa," mariing sabi ng kaharap.

"Hindi n'yo ako matatakot!" matigas niyang tugon habang pilit niyang inaaninag ang mga mata nito na nakatago sa anino ng ball cap.

Lumapit nang husto ang mukha nito sa kanya. "Gusto mong subukan?"

Aba't nanghahamon!

Sumubok siya ng ibang taktika—mas marahas—upang makawala, subalit humigpit lang lalo ang pagkakayakap sa kanya. On the other hand, she was silently noting to herself na hanggang ngayon ay hindi gumaganti ng suntok ang vigilante. Which only proved na wala itong balak na saktan siya simula pa kanina.

Hindi pa rin siya nagpa-intimidate. "You're not hitting back. Bakit?" Deretso ang pagkakasabi niyang iyon. Ni hindi siya kumurap. She couldn't even believe it herself. Nakalimutan niyang maaaring atakehin siya ng kanyang anxiety sa sobrang lapit ng vigilante.

Hindi sumagot ang kaharap. Tanging paghinga nito na may robotic sound effect ang naririnig niya.

"Napansin mo," anito maya-maya.

"Kanina pa." 'Tapos inulit ni Arabella ang tanong na "Bakit?"

"Dahil hindi ikaw ang kalaban ko."

"Pero inatake mo 'ko two nights ago... Alam kong ikaw ang vigilanteng 'yon."

"Hindi kita inatake. Inilayo kita sa peligro."

"Pero kinuha ninyo ang miniSD card ko."

Iba ang tugon ng vigilante. "Papa'no mo nalaman na ako 'yon?"

"Bukod sa obvious na inamin mong ikaw nga 'yon, sino pa ba rito ang may suot na ball cap at panyo sa ilong?.. Besides, I recognized your moves."

Ilang saglit na hindi umimik ang vigilante. Mukhang na-realize nito ang maling sagot at delivery ng tanong kay Arabella.

"Tulad ng una kong impresyon, magaling ka nga," sabi nito matapos ang sandali.

"So... ano'ng kailangan mo sa 'kin? Since hindi naman pala tayo magkalaban?"

"Pakakawalan kita..." Bahagyang niluwagan nito ang pagkakayakap. "Pero pangalawang babala, 'wag ka nang bumalik dito o sundan ang mga taong 'yon."

"Not gonna happen." Madiin muli ang boses ni Arabella. "It's not your business kung ano man ang gusto kong gawin."

"Kung gano'n, pasens'yahan na lang tayo," madiin ding sabi ng isang vigilante na nasa likuran na pala niya.

Three other companions arrived at the scene. One was holding a piece of cloth at mabilis siyang piniringan. Her arms, which were still pinned on her back, were tied with a tie-wrap.

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Umalis sila roon sa lugar at namalayan na lang niyang nasa loob na siya ng isang malaking sasakyan at ipinaupo sa metal na sahig sa isang sulok. Palagay niya ay isa iyong container van o mas malaki pa. Then, she started to feel uncertain if she could make it out there unharmed or alive. Matagal na ang ibiniyahe nila. Nobody knows what those vigilantes were capable of. Baka isa-salvage na siya kung saan.

I need to find a way out of here.

Kaya habang nakaupo, itinaas niya ang dalawang tuhod saka yumuko. Todo niyang ikiniskis ang piring sa mga tuhod upang matanggal.

"Tigilan mo na 'yan," biglang salita ng kung sino.

Napahinto at napaangat ng ulo si Arabella.

"Sabi ko sa inyo, e. Iba ang tapang at lakas ng loob n'yan," sabad ng pangalawa na may kaunting tawa pa.

May narinig siyang mga yabag. Papalapit sa kanya. Huminto ang nagmamay-ari noon sa harap niya at mukhang yumukod. "'Wag mo nang pagurin ang sarili mo," anito, sabay inabot ang piring. Mas lalo pang hinigpitan. Pagkatapos, bumalik ito sa puwesto papunta sa dalawang kasamahan.

Damn them! Makatakas lang ako rito...

But she knew it will be difficult lalo pa't tatlong vigilantes pala ang nagbabantay sa kanya. And she knew that the one who tightened her blindfold was the same vigilante whom she fought with a while back.

Biglang huminto ang sinasakyan nila at mabilis siyang ibinaba. She used that chance para magpumiglas.

"Gaya ng sinabi ko, nagsasayang ka lang ng pagod," muling babala ng vigilanteng may puting kinang ang espada. Ipinarinig pa nito sa kanya ang paghugot nito sa tabak.

Medyo natigilan siya roon.

Naglakad pa sila nang kaunti. Hanggang sa ipinaupo siya sa isang matigas na silya. Roon ay tinanggal na ang piring niya. Napapikit siya nang husto at ibinaling ang mukha sa kaliwa. Nakasisilaw kasi ang malaking bumbilya ng ilaw sa tapat ng mukha niya.

"Ano 'to?" matapang niyang asik nang unti-unting nasanay ang paningin. "Balak n'yo ba akong i-interrogate?"

"Ano sa tingin mo?" sarkastikong sabi ng vigilanteng may pulang kinang ang espada.

"Obvious ba sa itsura nitong silid?" sarkastiko rin niyang tugon habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng maliit na kuwadradong silid. Dapat ay nag-iingat na siya sa mga sinasabi niya dahil baka iyon ang magiging katapusan niya. Pero kahit siya man ay nagtataka sa sarili kahit kinakabahan. Ilang pagkakataon at sandali pa lang niyang nakaeengkuwentro ang mga vigilante, pero iba ang epekto ng mga ito sa kanya. Tila may isa pa pala siyang katauhan o ugali na lumalabas kapag naririyan ang mga vigilante. Ngunit bakit? Dahil ba sa katotohanang sa mga ito lang siya nasukol at natalo? Na gusto niyang bumawi at ibangon ang natapakan niyang pride? Pride sa pagiging skilled sa pagmamanman?

"Ano ang interes mo sa mga kalalakihang 'yon?" Iba na ang tono ng may pulang kinang ang espada.

Binalewala niya iyon. She focused her eyes on its sword. She could see the red glow of a gem on its handle. Nakasukbit kasi ang tabak sa likod nito at sumisilip ang hawakan sa may batok. Same with the other vigilantes and their sheathed swords. She could make out the different glowing colors. Sa kasuotan, wala pa ring pagbabago. Hindi niya masino sa sobrang pagtatakip. Ang mga boses? Wala ring ipinagbago. Robotic pa rin.

Meaning, lahat sila gumagamit ng portable voice changer device, pag-aanalisa ng utak ni Arabella. Maraming mura sa Amazon at may app pa sa cell phone.

"Kahit alam mong delikado at nakatanggap ka na ng warning mula sa 'min, bumalik ka pa rin?"

Still, she didn't respond.

The vigilante asking questions moved closer to her and leaned forward intending to terrify her. "Bakit mo sinusundan ang grupong 'yon?" anito. "Alam naming ilang araw at gabi ka pa ring pabalik-balik doon."

Nang diretso lang niya itong tiningnan, marahas nitong binunot ang espada!

She inwardly gasped, and trying hard not to show it. Mistulang nag-uunahang mga kabayo kung kumabog ang dibdib niya. She remembered the CCTV footage from the jewelry shop kung saan makikita ang tinamong mga sugat ng babae mula sa espada.

"Isa akong freelance reporter at asset ng pulis," sagot niya sa wakas.

Ibinaba nito ang espada. "Freelance? Asset?" Tila hindi ito naniniwala.

Tumango siya. "Napag-alaman kong may secret meeting at planong operation ang grupong 'yon."

"At pa'no mo nakuha ang impormasyong ito?"

"Dahil asset ako ng pulis?" Umandar na naman ang pagiging sarcastic niya.

Umiling ang vigilante. "Isang estudyante ka lang." Ipinaalala nito sa kanya ang eskuwelahang pinapasukan niya. "Alam namin ang bawat kilos mo. Nagsisinungaling ka. Kung kaya inuulit ko, ano ang interes mo sa grupong 'yon?"

Pero hindi nagpatinag si Arabella. Wala siyang isiniwalat.

Pinakawalan siya ng mga ito nang wala nang makuhang ibang sagot. They dropped her somewhere na hindi matao. Pinutol ang tie wrap sa kamay niya habang nakapiring pa rin. The moment she removed the blindfold, malayo na ang sinasakyan ng mga vigilante. And when she turned around, she couldn't believe na naroroong nakaparke ang motor niya.

"How on earth did they find its hiding place and brought it here?"

On it, was a small note written again inBaybayin text.

Ang sabi, 

Ibig sabihin:

Pangalawang babala.

                    —Kampilan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top