13: Ang Pagtatagpo
CHAPTER 13 - Ang Pagtatagpo
Arabella's instinct kicked in! Naging alerto at listo ang utak niya kung paano makatatakas.
Mabilis siyang hinatak ng nakahuli sa kanya palayo sa butas at bumulong sa tenga niya. "'Wag kang gumawa ng anumang ingay."
Tumayo ang mga balahibo ni Arabella sa batok dahil sa hininga ng sinuman sa likod niya. Ramdam niya ang matigas nitong dibdib kaya alam niyang hindi siya basta-basta makaaalpas dito. Pero—hindi rin siya basta-bastang sumusuko!
Using her free right hand, hinawakan niya ang palad na nakatakip sa kanyang bibig at ubod-lakas na hinatak iyon pababa. Natanggal ang pagkakatakip sa bibig niya at medyo na-distract ang may-hawak sa kanya. Iniangat niya ang kanang paa at malakas iyong itinapak paatras sa paa ng kalaban. Subalit sahig ang nilapagan noon. Maliksing naiiwas ng kalaban ang sariling paa. Sumunod ay umangat ang kanan at libre niyang braso para sikuhin ang mukha ng nasa likod. Pero sinalo lamang iyon ng libreng kanang palad ng kalaban at inipit sa likod niya.
"Tigil," bulong muli ng nasa likuran. "Maaaring kaya mo ngang makipaglaban, pero gusto mo bang gumawa ng ingay at madiskubre tayo ng mga gang? O, sumama ka nang mahinahon sa 'kin."
Instinct na napahinto si Arabella. She was trying not to entertain a cautious voice inside her head. A warning that her anxiety might arise because a somebody was at her back. And very, very near!
Nagpatangay siya sa kung saan man siya dalhin. Maraming mga katanungang nagsisisulputan sa utak niya kung bakit ganoon ang sinabi at naging kilos ng may-hawak sa kanya. Pero isa ang tiyak niya. Hindi ito kasamahan ng mga goon sa ibaba. At maaaring hindi rin kalaban.
Ilang madidilim na silid at hallways ang dinaanan nila upang makalayo. Naging mahigpit pa ang pagkakaipit nito sa dalawa niyang braso sa likod upang hindi siya makapalag. Kaya niyang lusutan iyon, ngunit delikado. Baka marinig sila ng goons.
"Sino ka?" lakas-loob niyang bulong habang hinihila siya.
Naobserbahan niyang sandaling natigilan ang may-hawak sa kanya. Subalit muli siyang ikinabig at nagpatuloy sila sa paglayo.
Na-surprise yata sa boses ko... Inakala ba n'yang lalaki ako? komento ng isipan ni Arabella.
"Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang pinasok mo," malayong sagot maya-maya ng may-hawak sa kanya.
"Alam ko. At obvious na kaya nilang pumatay."
"Mali ka ng akala. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng mga 'yon sa 'yo."
Sasagot pa sana siya ngunit binitiwan na siya nito at inutusang umupo sa damuhan. Nasa labas na pala sila ng gusali. Nasa masukal na lugar. Nang luminga siya, mas lalong kumabog ang dibdib niya nang mamalayang may apat pang kasamahan ito na nakatago rin ang mukha sa hoodie at panyo—at may hawak na espada!
Mga vigilante?! hiyaw ng kanyang utak. Kampilan? Papa'nong nandito rin sila?!
Ibinaba ng kaninang may-hawak sa kanya ang suot niyang motorcycle mask at hindi nakatakas sa paningin niya ang pagkasorpresa ng mga nakapaligid sa kanya.
"Ikaw?" sambit pa ng isa na may kulay lilang kinang ang espada.
Kilala ako?
"Ikaw nga," sabad ng may dilaw na kinang ang espada, "'yong bumalik malapit sa funeral home. Kumuha ka pa ro'n ng ilang litrato."
Nanlaki ang mga mata ni Arabella. Naalala niya ang insidente sa funeral home. Bumalik siya roon nang makaalis si Jiao. Alam niyang naroon din ang mga vigilante, ngunit hindi niya akalaing minatyagan din pala siya noon?!
"Ano'ng gagawin n'yo sa 'kin?" Kunwari ay matapang ang boses niya. Pero dahan-dahan nang nanginginig sa kaba ang mga kalamnan niya. First time kasing may nakadiskubre sa kanya.
"Akin na ang backpack mo," utos ng nagtanggal ng mask niya. Binalewala ang kanyang tanong.
Ayaw sana niyang ibigay iyon pero binunot nito mula sa likod ang espada na may puting kinang sa hawakan. Natigilan siya. Labag sa loob na iniabot niya rito ang backpack. Sa kaloob-looban niya, kaya niyang labanan ang espada nito. Pero hindi niya dapat i-underestimate ang mga ito kahit pa mukhang walang balak na gawan siya ng masama. For her own sake, vigilantes ang mga ito! Pumapatay!
One member quickly searched her backpack. Sinuri ang mga gadget at kinuha ang miniSD card ng monocular.
Ang mga ebidens'ya ko! Napaderetso siya ng upo. "Wala kayong karapatang kunin 'yan!" protesta niya.
Binalewala pa rin siya ng mga vigilante.
Maya-maya, lumapit ang may pulang kinang sa espada. "Hahayaan ka naming makalayo. Pero 'wag ka nang bumalik dito o sundan ang mga kalalakihang 'yon. Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang gagawin namin. Alam naming alam mo kung ano ang kaya naming gawin."
At mabilis na nilamon ng kadiliman ang limang vigilantes.
Siya naman, mangha sa nangyari. Lalo na sa boses ng mga ito na boses-lalaki ngunit may robotic sound effect. Alam niya agad na gumagamit ang mga ito ng gadget na nagpapabago ng tono at timbre ng boses. Ibig sabihin, mahirap masino ang mga ito.
~~~~~~
Nang nagsulat ang propesor sa white board, kinuha ni Seff ang pagkakataong iyon para lumipat ng upuan sa likuran. Sa tabi ni Arabella. Nasa unang aralin sila sa History at pareho pa rin ng seating arrangement. Doon lang ang mga pagkakataong nakakausap nila ito—mostly ni Alexis lang. Nagtatagpo sila minsan sa ibang parte ng unibersidad, pero hindi nagkukusa si Arabella na lumapit at makipag-usap sa kanila. Kahit pa kina Shernahar at Raina, na alam nilang kinagagaanan nito ng loob. 'Tapos noong isang araw ay nagpasya pa itong umiwas sa grupo nila dahil sa pambu-bully nina Bernadine. Withdrawn pa rin ito. Hindi na nga lang gaya noon na halos hindi makatingin sa kausap.
"Find a way to ease the tension when you are around her," Alexis pointed out to him seconds ago habang pinagtutulakan na lumipat ng upuan.
Tama ang kaibigan. Ramdam niya rin na uneasy si Arabella lalo na sa presensiya niya. Ngunit nagkibit na lang siya ng balikat at nagpaubaya sa gusto ni Alexis. Ewan kung bakit siya pa kasi ang kailangang kumausap sa babae.
Samantala, pasikreto namang nahigit ni Arabella ang kanyang paghinga nang pinasadahan siya ng tingin ni Seff habang paakyat. Isang baitang lang ay upuan na niya. She swiftly averted her eyes at na-focus ang mga iyon sa mahahaba nitong legs. Naka-slim na black pants ito at gray snickers. Umangat muli ang tingin niya. Simple rin ang dark gray shirt nito. Casual pero malakas pa rin ang appeal.
She inwardly breathe out at nagpatuloy kunwari sa pagsusulat sa notebook. She couldn't understand herself kung bakit hanggang ngayon ay ilang na ilang siya kay Seff. Ang hirap itong tingnan nang deretso sa mga mata. Dumoble tuloy ang volume ng pinakikinggan niyang musical na 'Chess.'
"You don't look well," halos pabulong na sabi ni Seff nang maupo sa tabi niya.
"J-just tired..." tipid at mahina rin niyang sagot para hindi makagambala ng klase. Hinayaan niya ang sarili na sandali itong sulyapan, pero tumambad sa kanya ang nanunuri nitong mga mata. Mabilis niyang inilipat ulit ang tingin sa kanyang notebook. Crap, Arabella. I thought iiwasan mo na ang mga kagaya nila.
"And pale..." dugtong ni Seff. Concern was noticeable on his face habang malayang pinagmamasdan ang mukha niya. Walang ano-ano ay umangat ang isang sulok ng bibig nito na madalang na nakikita ng karamihan.
He smiled?
Ilang mga kaklase rin ang nakapansin noon. Maging sina Bernadine na nasa unang hilera sa ibaba ay napapalingon sa kanila.
"Yet still attending a class," Seff added, chuckling a bit while maintaining that small smile.
Arabella gently smiled back, a little cautiously. Walang buhay ang maaamong mata. Wala ring kulay ang magkabilang pisngi na minsang namumula lalo kung naaarawan. She focused on her notebook again and said, "M-medyo busy lang kasi."
"And obviously lacking sleep. You might have been staying up late recently."
Mabilis na napasulyap si Arabella. A-ano'ng ibig n'yang sabihin?! Nagitla ang utak niya.
"You need to take it easy," mabilis na dugtong muli ni Seff, "with your studies and—job."
Agad na nakabawi si Arabella at sinabing, "Oo... Mahirap palaging overtime sa part-time job lalo na night shift." Nawala sa isipan niya na nakita siya nito at ni Alexis bilang housekeeping staff sa Trademark Hotel noong exhibit. Ang naisip niya ay ang naging encounter niya sa mga Kampilan kagabi. Akala niya iyon ang ibig sabihin ni Seff.
I'm being unreasonable. Ano ba'ng malay ni Seff sa kakaibang nangyari sa 'kin kagabi?
Hindi siya nakatulog nang maayos nang dahil sa mga vigilante. Inaamin niyang nababahala siya. Hindi pa siya nahuhuli ninuman habang nasa misyon. Lagi siyang maingat at alerto. Pero papaanong nadiskubre siya ng mga ito kagabi, samantalang hindi niya naramdaman ang presensiya ng mga ito? O ang paglapit sa likuran niya ng isang vigilante na may puting kinang ang handle ng espada? Saka na lang siya nakaramdam ng kakaiba nang pinalibutan na siya ng mga ito. Kung kasamahan iyon ng mga mukhang goons kagabi, baka bangkay na siya ngayon.
I didn't expect na ganoon ka-skilled ang mga vigilante na 'yon.
Natigil siya sa iniisip nang mapansin ang katabi na sumesenyas kay Alexis sa unahan.
Bumaling muli sa kanya si Seff. "I had to relay Alexis' message to you."
Bahagyang kumunot ang noo ni Arabella. Message? Kaya ba tumabi s'ya sa 'kin?
"He's reminding me to invite you at a friend's house tonight. For a pool party... again," muling wika ni Seff. "As if hindi uso ang text messaging..." Marahan itong umiling-iling at sumilay muli ang bahagyang ngiti.
"Uhm... wala s'yang phone number ko, actually..."
For a moment, nanatili lang ang mga mata ni Seff sa kanya. Parang inaaral ang kanyang mukha. Marahil ay iniintindi kung bakit nga pala wala silang numero niya, samantalang ilang beses na silang nagkakakuwentuhan kahit pahapyaw-hapyaw lang.
Nagpatuloy sa sinasabi si Seff habang tumatango. "As if hindi ka n'ya p'wedeng kausapin pagkatapos nitong klase, 'di ba? Or, s'ya mismo ang lumipat dito sa upuan." Pagkatapos ay binunot nito ang cell phone at tumipa. "Here's my number." Iniabot iyon sa kanya.
Was he serious? Hindi napigilan ni Arabella na bahagyang mapanganga. Women would fight for his attention. How much more so to have his personal number? And he's just simply giving it to me?
Walang ano-ano'y luminga si Alexis sa kanilang dalawa. May sinasabi.
"What?" sabi ni Seff. Hindi nito naintindihan ang sinasabi ng kaibigan dahil pabulong iyon.
"I said, give her my number as well," Alexis repeated, partly mouthed and in a hushed tone.
Binawi ni Seff ang cell phone at muling tumipa. Idinagdag nito ang numero ni Alexis at pagkatapos ay muling iniabot kay Arabella.
Ang iba—lalo na ang mga kababaihan—napanganga sa namalas na eksena. Alanganin tuloy na inilabas ni Arabella ang cell phone niya at tumipa rin para i-save ang mga numero. Sino ba siya para tumanggi sa magandang pagkakataon?
Wala rin siyang nagawa kundi ibigay ang numero niya kay Seff.
Just great! Now, two of the most popular, sought-after men of Monte Carlo have my number, sarkastikong komento ng isipan niya.
"So," mahinang wika ni Alexis, nakalingon sa kanya, "are you coming later?"
"Later?.. Pool party?.. I-I'll think about it..."
Paniguradong maraming dadalo at gusto niyang matutong makihalubilo. But she couldn't risk being around with people that she's not familiar with.
~~~~~~
Makaraan ang ilang oras, may natanggap na text message si Arabella: 'So, hve u decided yet?'
'I cant come. I have other plans this evening. M really sorry,' reply niya kay Alexis tungkol sa pool party ng kaibigan nito.
'No worries. Maybe some other time.'
"Great, Arabella. I can't believe you rejected their invitation for the second time," sambit niya sa sarili pagkatapos. Sinabayan pa 'yon ng iling. She knew other girls won't think twice kapag naimbitahan ng mga popular na estudyante ng Monte Carlo. But they don't know her situation. May iba pa siyang mas importante at kailangang gawin.
She walked toward the parking area, sa motor niya. Katatapos lamang ng panghuli niyang subject sa umagang iyon at nagdadalawang-isip siya kung manananghalian ba sa Paseo Diner o hindi. Bihira na siyang nagagawi roon. Lately ay sobra siyang abala sa pagmamanman kina Cassandra at Eleanor. Nadagdag pa sa listahan niya si Elmer Dumaran. Isa pa, mas kailangan niyang unahin muna si Jiao para malaman kung may development na ba sa ini-relay niyang mga impormasyong nakuha kagabi.
Kagabi... Bahagyang kumunot ang noo niya. Mabuti na lang at 'di nakumpiska ng vigilantes ang cell phone ko. Kung hindi, wala sana akong visual information at nasayang lang ang hirap ko na makapasok do'n.
Hindi yata napansin na ginamit niya ang cell phone bago siya tinangay ng unang vigilante. O marahil ay natuon lang ang pansin nila sa monocular?
Ano ba kasi'ng habol nila sa videos ng monocular? Papatayin ba nila ang mga kalalakihang 'yon? Ano'ng sadya nila sa mga minamanmanan ko?
She was upset and disappointed. Sobra. Sapilitang kinuha ng mga vigilante ang miniSD card ng monocular niya. Mas malinaw at madetalye pa naman ang quality ng kuha roon.
"Nakakainis!" 'di niya napigilang bulalas. "At kung makapagbanta, wagas!"
Gustong-gusto niyang manlaban kagabi, pero mas pinili niyang maging maayos siya at ligtas. Kaya puro kuhang cell phone lang ang naibigay niya kay Jiao kagabi.
Tumunog ang cell phone niya nang may text message na pumasok. Galing kay Jiao. "Excellent timing," aniya na napangiti.
'Pet, walang result sa mga singsing sa pictures. I did some inquiries to various jewelry stores n companies para ma-trace ang designer or manufacturer, pero wala silang magandang info n wala silang ganoong design. Those rings looked old, so we need to look for more info.'
Arabella replied, 'I can check out some antique shops later.'
'K,' sagot ni Jiao. 'Also, u were right bout that paper wd layout and illustrations. Technical drawing nga to ng malaking building.'
'See? I knw a little about floor plans,' nangingiting tipa niya sa cell phone.
'Di ko lang alam kng anong building at sang lugar, Pet. It will b hard n it will take lots of time to get more info.'
"Arabella, hello!" biglang sigaw ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.
Nang lingunin niya, papalapit ang masayahing si Raina. Nakasunod din si Shernahar. Sa parking area rin ang tungo ng mga ito.
'Gotta go, Jiao. Update me soon. Thanks!' mabilis na tipa niya sa cell phone, pagkatapos ay ibinulsa na. Tumango siya sa dalawang paparating at tumugon ng "Hello."
"Lalabas ka na ba?" ani Shernahar.
Tumango ulit siya.
"Tara, daan tayo sa mall. Do'n na rin tayo mananghalian," wika ni Raina habang isinusuksok nito ang perdible sa inaayos na hijab sa ulo.
Mall?.. Crowded?.. Kakain at mapaliligiran ng mga tao sa fast food?
Umiling si Arabella at maayos na tinanggihan ang alok. Oo, gusto niyang masanay sa crowded na lugar, pero hindi niya sigurado kung kaya na niya. Kung pagmamanman iyon, oo, walang problema. Medyo nakalilimutan niya ang anxiety kahit mapaligiran pa ng mga tao. Naka-focus kasi siya sa misyon niya.
Maliksing nilapitan ni Raina ang motor ni Arabella at dagling dinampot ang isang papel na nakaipit sa may manibela. Kumunot ang noo nito nang hindi naintindihan ang nakasulat.
Nang iniabot iyon kay Arabella, sandali siyang natigilan sa nabasang unang salita. Mabilis niya iyong tiniklop, ngumiti, at sinabing, "Wala 'to. Nakalimutan ko lang kanina nang inipit ko r'yan... Baybayin ang tawag sa mga letrang 'to."
Nang nakaalis na ang dalawa, itinuloy niya ang pagbabasa. Dumilim ang mukha niya sa nakasulat na:
Ibig sabihin:
Babala: Patunay ng aming sinabi.
—Kampilan
Galing sa Kampilan?!
Marahas siyang nagpalinga-linga! Baka nasa paligid lang ang naglagay noon sa motor niya!
Crap... She forced herself to calm down at hindi mag-panic. They knew na nakakaintindi ako ng Baybayin. But how?.. Maybe they figured it out during the funeral home incident, no'ng piniktiyuran ko 'yong nakaukit sa semento?.. At ano 'yong 'patunay' na sinasabi nila sa sulat? Patunay ba sa sinabi nila kagabi sa kung ano ang kaya nilang gawin sa 'kin 'pag 'di ako sumunod? Na kaya nila akong manmanan at gawan ng masama? Crap, I need to watch out more for my safety! Dahil ngayon, natiktikan din nila motor ko pati esk'welahan ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top