11: Exhibit
CHAPTER 11 - Exhibit
"Can I get you something to drink, miss?"
"Just water, please," mahinang sagot ni Arabella sa hotel staff na naka-duty sa lobby ng Trademark Hotel.
Nasa pinakasulok siya, malayo sa ibang naroroon. Malamlam ang ilaw mula sa kisame at may artificial waterfall sa kanyang likuran. Pinapanood niya ang nangyayari sa katabing gusali na parte pa rin ng hotel habang naka-play sa cell phone ang pinakikinggan niyang mga piyesa ni Chopin.
Ngayong gabi magaganap ang pinag-uusapang exhibit. Bali-balita pa na ang ilan sa mga antigong alahas ay unang pagkakataong ipakikita sa publiko.
Naglipana ang media sa magarang red carpet walkway. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pag-cover sa mga kilalang personalidad na bumabagtas doon. Makukulay at glamorosong evening dresses at tuxedos ang matutunghayan.
Mula walkway, dederetso ang mga guest sa magara at guwardiyadong Trademark Hall na kayang mag-accommodate ng hanggang isang libong katao.
Lumakad ang tingin ni Arabella sa mga nakabantay na pulis at ambulansiya sa palibot ng hotel. Mahigpit ang seguridad. Sinumang papasok ng gusaling iyon ay hinihingan ng pass. Balita ring kumontrata ang Top Event—isa sa mga kompanya ni Cassandra Yangco—ng isang security agency para sa karagdagang seguridad. Maliban pa sa CCTV ng mismong hotel, may mga espesyal pang camera at alarm system na idinagdag sa bawat istante ng alahas.
Muling bumaling si Arabella sa red carpet. Hindi niya inaasahang makikita roon si Alexis na kahapon pa niya iniiwasan matapos ang insidente sa overpass. Bagay na bagay rito ang suot na tuxedo at makikita ang confidence sa pagdadala ng damit at sarili.
Sabagay, kilalang modelo, aniya sa isipan.
Mas lalong nagkumpulan ang mga midya rito nang nag-pose ito at ipinakita ang nakakamagnetong ngiti. Sa kaliwang braso nito, nakaangkla ang isang babae na mukha ring modelo. At batay sa maluwang na ngiti ng babae, ito ang latest na ka-date ni Alexis.
Just like the rumors say, ladies' man and rake.
Alam din niyang imposibleng hindi kasama si Seff, pero nasorpresa pa rin siya nang makita ito na naka-tuxedo. Mapagkakamalang modelo rin sa mga hindi nakakikilala. Ni hindi big deal dito na humarap sa mga ilaw ng mga kamera. Game rin itong ngumingiti paminsan-minsan kahit pa tipid lang. At siyempre pa, may kasama rin itong magandang babae.
Hindi tuloy maiwasang maalala ni Arabella ang huling pag-uusap nilang tatlo kahapon pagkatapos ng insidente sa overpass...
"I see. So... what is it, then?" ani Alexis. Marahan at kaswal ang pagkakasabi noon pero tsina-challenge siyang mag-explain.
"I-I don't mean to pry..." naaalangang umpisa niya, "but do you two have a history together or something?" Alam niyang alam nito kung sino ang tinutukoy niya.
She heard Seff's quiet chuckle. Si Alexis naman, napahawak sa batok. Sandaling nag-isip ng isasagot.
"They dated a couple of months ago," supply ni Seff nang matagal sumagot ang kaibigan.
"Briefly dated," paglilinaw ni Alexis.
Nagpigil si Seff na hindi mapangiti. "Alright, briefly dated," makahulugang ulit nito.
Malinaw na may masalimuot pang istorya sa likod noon, sa isip-isip ni Arabella. "Now I see why..."
"See what?" litong tanong ni Alexis.
"Why she would gossip something like that... Or why she would go to that extent... Obviously she hates me, but not just because of the video. She thinks na inaagaw ko 'yong atens'yon mo sa kanya everytime na kinakausap mo 'ko. Just like now. That's why she called me a slut...." tuloy-tuloy niyang sagot.
"Okay..." Hindi sigurado ang anyo ni Alexis. Tumingin muna ito kay Seff bago bumalik sa kausap. "That is the reason why you were trying to avoid me—us earlier?"
Tipid na tango ang isinagot ni Arabella. Sandaling namayani ang katahimikan.
"I think you misunderstood as well..." tugon ni Alexis makaraan ang mahabang sandali. Tumingin muli ito kay Seff wari'y humihingi ng go signal. "Apparently... their group did a lot of digging about you—your transcript and other records here in Monte Carlo. They found out that you declared there as 'self-supporting' and didn't mention parents or relatives. You are not a scholar here and there's no record if you are a working student. So..." Hindi maituloy ni Alexis ang sasabihin.
Napatango muli si Arabella. Naiintindihan niya. "So, they were questioning how I pay my tuition fees in this well-known, private, and expensive school, even though I'm not from a wealthy family."
"Yes, but... that's not really my point." Nasa maamong mukha nito ang simpatya. Muli't muli, sumulyap ito kay Seff dahil 'di ito sigurado sa susunod na sasabihin. Napabuntonghininga muna ito saka sinabing, "One of them—the one with colorful hair style—saw you in a coffee shop yesterday morning before school hours and went with a tsinito guy..."
Bahagyang napaawang ang bibig ni Arabella. Iyon 'yong time na nagkita sila ni Jiao sa coffee shop kung saan may kakaibang nangyari sa kalapit na funeral home. Bakit? Hindi na ba siya puwedeng makipag-mingle sa ibang tao, at pati si Jiao pinagdiskitahan? Presensiya ni Jiao na lang nga ang nato-tolerate niya, e, nadya-judge pa.
"...Then, in the afternoon, they saw you got in an old man's SUV just outside the campus gate and came back after an hour. This morning... one of them spotted you coming out of the president's office..."
Gustong manginig ulit ng mga daliri ni Arabella. Alam niya kung ano ang gustong ipaunawa sa kanya ni Alexis.
"That's how the posting started, Arabella," alanganing patuloy ni Alexis. "We only learned about it this morning. I'm really sorry...."
Uminit ang mga tenga niya sa pagkapahiya. Ganoon lang pala kadali i-tsismis na sa ibang paraan niya tinutustusan ang pag-aaral niya. Pati ang presidente ng Monte Carlo University na si Dr. Edward Nicholson ay hindi pinalampas. Papaano niya i-dya-justify ang sarili sa mga nakabasa ng post? Sa ibang tao? Sa dalawang lalaking kaharap niya ngayon? Hindi naman ganoon kasimple na kapag sinabi niyang "Hindi totoo," ay maniniwala at tatanggapin na 'yon agad.
Isa pang mas ikinahihiya ni Arabella ay ang maling akala niya tungkol sa posting. Feeling ba niya ay ganoon siya kaimportante para pagselosan ni Bernadine? Feeling ba niya ay binibigyan talaga siya ng atensiyon ni Alexis? She wanted to rebuke herself for such absurdity.
"You know, this is the first time I heard you speak in long sentences," basag ni Alexis sa mahabang katahimikan. Iniiba nito ang usapan.
Hindi naman magawang tumingin ni Arabella. Gusto nang umatras ng mga paa niya—gaya kanina—para matakasan ang awkward na sitwasyon.
Ngunit na-distract sila nang may ilang kababaihang estudyante na gustong magpa-picture kay Alexis. Nakalampas na sila ng overpass at nasa kabilang gusali na pala.
"He is fond of you, you know," maya-maya'y wika ni Seff habang pinagmamasdan ang abalang kaibigan at mga fan nito 'di kalayuan sa kinatatayuan nila.
Hindi nakasagot si Arabella. Hindi niya magawang sulyapan ito. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin ngayong silang dalawa na lang ang magkatabi. Kung bakit kasi hindi na lang ito naging katulad ni Alexis na approachable. Hindi, mali pala. Dahil kahit kay Alexis ay uneasy pa rin siyang kakuwentuhan ito.
Nagpatuloy si Seff. "So... you think Bernadine was jealous of you?"
Crap! Akala niya ay iwinaglit na nito ang mali niyang akala kanina.
"T-that's not what I really meant to—I mean, she always gives me that hostile look everytime she sees me and him talking. I didn't mean to imply anything.... " Namula ulit ang mga pisngi niya.
"Actually, what you thought earlier was true..." Nilingon siya ni Seff. "And she noticed it the first time you stepped in our History class."
"Ang alin?" Kumunot ang noo niya. Hindi siya sigurado sa ibig ipakahulugan nito.
"That Alexis was curious about you that morning. Bernadine likes being the center of attention, but then, you came in late and everyone's gaze was on you" —matiim na minasdan pa siya nito— "and Alexis was showing more interest in you than anyone else in that class. Kaya nagseselos nga si Bernadine sa 'yo... How did she phrase it? With your 'quiet, shy, innocent looks,' I'm sure it won't be long before other students will be interested as well—"
"Please, stop," putol ni Arabella. "Napakalayo n'yan kumpara sa tingin nila ngayon sa 'kin dahil sa tsismis. I don't even want any of these—the hate, the gossip, the attention."
Nakamasid lang sa kanya si Seff. Hindi mababasa kung ano man ang nasa isipan nito.
"Talking about attention..." patuloy niya. "You and Alexis—hindi ko alam kung bakit pinagtitiyagaan n'yo akong kausapin."
"Kailangan bang may rason? 'Di ba p'wedeng nakikipag-usap lang?"
Subalit mayroon nang namuong desisyon sa isip ni Arabella. Mas mainam ang umiwas sa gulo. Roon naman siya sanay. Ang umiwas at mapag-isa.
~~~~~~
"Can I get you anything else, miss?" magalang na tanong ng staff matapos ilapag nito ang baso ng tubig sa glass table.
Natigil si Arabella sa kanyang ginugunita. "No, thank you. This will be fine."
Iwinaglit na muna niya ang alaala sa overpass at bumalik sa pag-iisip ng paraan para makapasok sa loob ng exhibit. Hindi niya puwedeng gayahin ang itsura ng pass ng mga imbitado at midya dahil mayroong scanner at database para doon. Awtomatikong malalaman kung nasa listahan ba ang isang pangalan o hindi.
Kung itong hotel sana ang kinuha ng Top Event na caterer, may chance akong makasalisi sa loob bilang waitress.
Maya-maya ay nangiti siya.
Ang housekeeping!
Maingat at pasikreto niyang pinasok ang locker room ng housekeeping staff. Masuwerteng nasa duty na ang lahat maliban sa tatlong babaeng naka-break. Nasa likuran sa may smoking area ang mga ito. Naulinigan niyang pinag-uusapan ang eleganteng kasuotan ng mga babaeng guest sa eksibit na pumapasok ng toilet. Ibig sabihin ay naka-duty ang tatlo sa toilet.
Okay! Mas mabuti na ang toilet kesa sa wala, pakonsuwelo niya sa sarili.
May nakita siyang ID holder na pansamantalang isinabit sa clothes rack. Nang sinuri niya, ID iyon ng naka-break na staff na nasa smoking area. Nandoon din ang access card nito na susi sa ilang automated na pinto, at malamang pati ng katabing gusali. Walang ingay na pumasok siya sa changing room at nagsuot ng kung kaninong uniporme roon. Maingat din niyang pinalitan ng kanyang litrato ang litrato ng nasa ID.
~~~~~~
"How to get in that room?"
Mag-isa siya sa magara at malaking toilet. Hindi siya puwedeng magtagal doon dahil sandali lang ang break ng mga staff. Mahirap na kapag nalamang may nawawalang uniporme at cards; at maalarma ang management ng hotel, pulis, at security agency.
Maya-maya, ilang kababaihan ang pumasok at nag-retouch ng makeup. Mabilis niyang kinuha sa bulsa ng uniporme ang susi ng soap dispenser at tumagilid. Kunwari ay magre-refill siya.
One guest glanced her way. Hindi kasi pangkaraniwang may naaabutang housekeeping staff doon lalo na't nag-umpisa na ang event.
Nang makaalis ang mga ito, isinara niya ang casing ng dispenser at napasulyap sa orasan.
"Ilang segundo na ang nasayang," aniya.
Narinig niyang ilang kababaihan na naman ang papasok doon. Maliksi siyang pumasok sa panggitnang cubicle para makaiwas sa mga weird na tingin. Ini-lock niya ang pinto noon. Naupo siya sa inidoro at muling nag-isip ng panibagong taktika.
Subalit naka-di-distract ang pag-uusap ng mga bagong pasok. Nasa bandang kaliwa niya ang mga ito at pinagtatalunan ang mga item sa eksibit.
Ano raw? Kinutuban siya!
"Just check all the cubicles first before we continue this conversation." May inis sa tonong iyon.
Pamilyar ang boses...
Ang hindi inaasahan ni Arabella ay marinig na isa-isa ngang binubuksan at sinisiyasat ang bawat cubicle mula sa kanan. Papaano na kapag nabuksan ang cubicle niya? Sisigaw ba siya kunwari dahil sa gulat, kasabay ng 'nalapastangang privacy' na reaksiyon?
Kumalabog muli at bumukas ang pinto.
Pangatlong cubicle na yata 'yon!
Nagpalinga-linga siya at nakita ang metal na step trash bin sa tabi. Tiningala niya ang magkabilaang dingding na gawa sa marble tiles at napansing puwedeng tumuntong sa ibabaw noon at lumusot sa kabilang cubicle sa kanyang kanan. Napansin din niyang may ilang pulgadang siwang pala sa ibaba ng pintuan kaya iniangat niya agad ang mga paa. Tumuntong siya sa inidoro at tahimik na pinihit ang lock ng pinto. Sana ay walang nakapansin na mula 'occupied' ay naging 'vacant' ang signage.
Here goes nothing. Naghanda siya.
Narinig niya ang takong ng sapatos ng sumisiyasat at bumukas ang katabing cubicle sa kanan. Medyo pabalibag pa nang isinara iyon.
Nang muling tumunog ang takong, kasimbilis ng kidlat na tumuntong siya sa trash bin na mas mataas kesa sa inidoro. Tinalon niya ang ibabaw ng dingding na nasa kanan. Sa mga sandaling nakasampa siya roon, hindi siya makapaniwalang si Cassandra ang makikita niyang naiinip sa pag-aantay sa kasamang nagsisiyasat. Saktong paglapag niya sa kabilang cubicle sa kanan saka pabalibag na nabuksan ang pinto ng dati niyang cubicle.
Napabuga siya ng hininga at napangiti. Pagkakataon na ang gumagawa ng paraan para pagtagpuin tayo.
Dumapa siya sa sahig at sumilip sa siwang ng pinto sa baba gamit ang kamera ng cell phone dahil mas malawak ang anggulo ng view noon. Pinindot niya ang record.
"There's no one else here," wika ng nagsiyasat.
Nilapitan ni Cassandra ang main door at ini-lock.
Ang babaeng nagsiyasat ay nakatalikod. Kaya tanging boses nitong raspy, mahaba at kulay pulang buhok ang pagkakakilanlan ni Arabella.
"Any result?" wika ni Cassandra.
"None. I need more time in probing."
Probing ng ano? Arabella had to strain her ears.
"Try harder. We might not get another chance like this," sagot ni Cassandra.
"Ano'ng magagawa ko?!" gigil na katwiran ng babae. "Mahigpit ang security. You need to talk to your partner to let me through and near with the rest of the items. Or else, this is imposible."
Items? Ang mga antigong alahas ba?
Napahawak sa sentido si Cassandra.
"And I need more of this." Ikinawag-kawag ng babae ang isang maliit na vial na ¼ na lang ang lamang asul na likido. "Almost empty."
"It's not that simple to get the ingredients again!" Si Cassandra naman ang nanggigil. Kapagdaka'y dinampot nito ang nakalapag na purse sa vanity top at tumungo sa main door. "Just do what you can with what's left of that stuff." Tuluyan itong lumabas.
Ang naiwang babae ay pumasok ng cubicle at doon naglabas ng inis.
Mabilis na lumabas si Arabella sa pinagkukublihan. Binuksan ang naiwang purse ng babae na nasa vanity top. Nakaligtaan yata dahil sa nangyaring tensiyon.
Wala siyang nakitang identification nito. Cell phone lang at vial. Upang walang makuhang finger print niya, ginamit niya ang piraso ng tissue paper at sinubukang buksan ang telepono. Ini-slide niya ang screen. Subalit naka-lock at passworded.
Mayroong maliliit na clear glass vases doon na may lamang tubig at mga violet na bulaklak ng orchid. Dumampot siya ng isa at itinapon ang laman sa trash bin. Doon niya ipinatak ang kaunting likido mula sa vial. Mabilis niyang ibinalik ang vial at mabilis ding lumabas ng toilet.
Ngunit pagpihit niya sa kanto, tiyempong mababangga niya ang isang naka-tuxedo. Napahigpit ang hawak niya sa glass vase sa bulsa ng uniporme.
Ang naka-tuxedo ay maagap. Nagawa nitong huminto at hawakan siya sa braso para hindi mabuwal. "Careful," anito.
"Arabella?" rinig niyang sambit ng isa pang lalaking naka-tuxedo.
"A-Alexis..?" Nasorpresa rin siya.
Nilingon niya si Seff na kabibitiw lang sa braso niya. Napagtanto niyang nanggaling ang mga ito sa katabing panlalaking toilet.
Pati ba naman sa CR magkasama pa ang mga 'to?
Nang makalayo siya at nilingon maya-maya ang dalawa, abala na ang mga ito sa pakikipag-usap sa dalawa pang lalaking napansin niyang kasabayan kanina sa red carpet. Pamilyar sa kanya ang paraan ng ngiti ng mga ito at medyo boisterous na kilos.
Naalala na niya. Sa unang araw niya sa Monte Carlo. Sa History class. Ang dalawang iyon ang may pinakamalakas na tawa noong sinagot niya si Bernadine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top