10: Tsismis, Trip, at Takot
CHAPTER 10 - Tsismis, Trip, at Takot
Arabella knew that she would see demeaning and insulting words once she opened her dummy account (of a guy) on a known social media site. Ang sabi sa news feed:
'She uses her quiet, shy, innocent looks to mask her slutty, bitchy nature.'
'Posted 6 hours ago.'
Medyo nanginginig ang mga daliri niya nang nag-scroll down pa para basahin ang mga comment. Ngunit tumigil siya dahil wala naman siyang mapapala kundi sakit ng loob.
Post iyon ni Bernadine. Kanina, alam niyang may kakaiba base sa mga bulung-bulungan at tingin sa kanya roon sa campus. Oo't three days na siyang pinagtsi-tsismisan dahil sa insidente ng video nila ni Bernadine; isama pa ang pakikipag-usap sa kanya ng popular na si Alexis (kahit hindi siya komportable rito), na mukhang hindi yata normal sa mga estudyante roon na nagiging kaswal ito sa isang komon na estudyanteng gaya niya. Subalit mas lumalala na ang tsismis ngayon.
Sino pa ba'ng iisipin ng mga tao na tinutukoy n'ya sa post n'ya? Napapikit siya. Bakit napunta sa salitang 'slut' ang lahat? Dahil ba kay Alexis?
Noong una pa man ay naaamoy na niyang may nakaraan ang dalawa.
Sometimes she could not figure out why people acted immaturely kahit pa halos nasa kanila na ang lahat. Magkasing-edad lang sila ni Bernadine kung tutuusin. Yet, the woman was behaving like an unfriendly high schooler in Mean Girls movie.
Gusto rin sana niyang puntahan sina Shernahar at Raina, subalit nagdalawang-isip siya. Paano na lang kung negatibo rin ang palagay ng magpinsan sa bagong isyu tungkol sa kanya?
"Ikaw si Arabella, 'di ba?"
Napalingon siya sa lalaking nagtanong. Umunat ito sa kinasasandalang barandilya sa pathway at lumapit sa kanya. Naiwan ang dalawa nitong mga kasamang lalaki.
"Gusto mo bang sumama sa 'min mamaya? We heard that you like parties." Mas lumuwang ang ngiti nito.
Napanganga si Arabella. Hindi sila magkakilala nito pero bakit ganoon agad ang tono nito? Humigpit ang hawak niya sa shoulder straps ng kanyang backpack. "Sorry... m-may iba akong lakad," aniya at tangkang lalayo.
"Hintay—" Nahawakan nito ang kaliwang braso niya. "Ayaw mo bang mag-good time?"
What?!! sigaw ng isipan niya kasabay ng pagsinghap. Resulta 'to ng post ni Bernadine!
Mabilis niyang tinampal ang kamay ng lalaki kaya nabitiwan siya nito. Umatras siya at dumistansiya.
"Whoa!" natatawang sabi ng lalaki. "Kunwari hindi ka interesado, gano'n? 'Di ba lumang tugtugin na 'yan?"
"J-just stay away," mariing sagot niya kahit sobrang kinakabahan.
Instinctively, naiangat niya ang dalawang palad sa harapan upang pangharang. Sa tuwing lalapit ang lalaki, listo siyang umaatras ngunit sa paikot na mosyon. Sa ganoong paraan, may pagkakataon siyang masuri ang kanyang gilid at likuran. Baka may mga kasama pa kasi ito na hindi niya napansin kanina at bigla siyang pagtulungan.
Muli niyang hinampas ang kamay ng lalaki na muntik nang mahawakan ang kanyang damit. Naghiyawan at nangantiyaw ang mga kasama nito sa likod kaya mas lalo itong na-tsa-challenge. Sa muling pagtangka, nahawakan na nito ang mga braso niya.
"Come here." Pilit siyang hinihila.
"Let go." Madiin at mababa ang boses niya habang sumasalungat sa paghila ng lalaki, all the while trying to stop herself from panicking as her anxiety might start to surface.
"Playing hard to get ka ba?"
Maliksing idineretso pababa at pinagsama ni Arabella ang dalawa niyang braso, habang hawak pa rin ang mga iyon ng lalaki. Pinalusot niya ang nakaderetso pa ring mga braso sa ilalim ng kaliwang kilikili nito, isinunod ang buo niyang katawan, hanggang sa makalusot at makatayo sa likuran nito. Sa ginawa niyang iyon, na-twist ang dalawang kamay nito at tuluyan siyang nabitiwan. Ni hindi man lang ito naka-react. Gulat pa itong napalingon sa likuran.
Ngunit muli itong nasorpresa nang ubod-lakas niyang tinapik (na may kasamang malakas na tulak) ang kaliwa nitong balikat mula sa likuran. Sumubsob ito sa damuhan.
"Dammit!" gigil na sabi ng lalaki nang maka-recover at makatayo.
"Back off, Mike," kalmado ngunit may diin na sabi ni Alexis mula sa kung saan.
What—?! Pati si Arabella ay nasorpresa at napalingon kay Alexis. Pa'nong nandito s'ya?
"Just trying to make a conversation with her..." pagdadahilan ng lalaki kahit nagulat. Nasa likod na nito ang dalawang kasamahan kanina.
"She's with me." Seryoso pa rin si Alexis.
"Dude, I was just asking her if we could hook up and—"
"Hook up? Watch your words, Mike," babala ni Seff. Mabagal ang pagkakabigkas noon nang pumuwesto ito sa harapan nina Alexis at Arabella. Kaswal nitong ipinamulsa ang mga kamay sa pantalon wari'y naghihintay ng susunod na gagawin ni Mike.
"Dude, what I was trying to—"
"Walk away, DUDE," putol ni Seff.
"Hey..." Alanganing napangiti ang lalaki. Itinaas pa ang mga palad sa ere. "No harm done. She's all yours." Dahan-dahan itong umatras pati mga kasamahan.
Tumango lang si Seff.
Naibuga ni Arabella ang hanging kanina pa niya pinipigilan dahil sa tensiyon. Hindi niya akalaing mamalas niya ang iba pang katangian ng dalawa. Bukod sa popular, mukhang kinatatakutan at iginagalang din ang mga ito roon—kahit ng mga siga.
"Sorry about that." Alexis looked at her sympathetically.
Awtomatikong naging withdrawn ulit si Arabella. Halatang hindi komportable sa kinatatayuan dahil unconsciously ay mas humigpit ang hawak niya sa kanyang backpack.
Nagtataka man sa ikinikilos ng babae, hindi iyon ipinahalata ni Alexis. "Are you hurt?" tanong nito.
Umiling si Arabella, sabay yuko, struggling to ignore her discomfort. She was desperate to reach for her phone para magpatugtog ng kahit na anong music. "S-salamat sa tulong." Pinilit niyang bigyan ng kiming ngiti ang dalawa.
Bahagya namang umangat ang isang sulok ng bibig ni Seff. Unang pagkakataon kasi nitong nasilayan ang ngiting iyon.
"Don't worry about it. We" —iminuwestra ni Alexis si Seff— "got your back."
"However... it seemed that she can handle Mike pretty well without us," kontra ni Seff. Ang mga mata nitong nakatitig kay Arabella ay nanghahamon ng eksplanasyon.
"Right..." sang-ayon ni Alexis habang napapatango. His eyes narrowed while replaying the incident in his mind. "I saw that, too... Obviously, you know martial art."
Umiling si Arabella nang ilang beses. "It might just be a reflex..." Marahan siyang humakbang paatras.
Umiling din si Seff. "That's not a reflex. That is an adept self defense technique."
Muling humakbang paatras si Arabella.
"Why do I have this feeling that you are purposely avoiding us?" Humalukipkip si Alexis habang naaaliw na nakatingin sa canvas sneakers ng babae.
Napahinto tuloy sa paghakbang si Arabella. Her expression suddenly changed, tila may gusto siyang sabihin at ipaliwanag. But then, as soon as she was about to open her mouth, her features became guarded and slinked back into being wary and cautious.
"It's better this way," tanging eksplanasyon niya.
"Better what?" Naguguluhan ang anyo ni Alexis.
"H-haven't you heard the new gossip about me?"
"Well, yes, I did." Naguguluhan pa rin si Alexis.
Ilang beses na umiling si Arabella. "I need to go—" aniya, at nagmamadaling lumayo.
Naiwang nagkatinginan na lang sa isa't isa ang dalawa.
~~~~~~
Dumeretso si Arabella sa overpass. Gusto na niyang makatawid ng kabilang gusali kahit mamayang hapon pa ang klase niya roon.
Gusto niyang makaiwas sa mga mapanghusgang tingin, sa mga mambabastos, sa mga tsismoso't tsismosa. Subalit malayo pa lang, kita na niya ang grupo ni Bernadine na papatawid din ng overpass.
Nananadya ba ang mga 'to?
Nagdesisyon siyang umiwas sa gulo. Lumihis siya ng daan.
Bumaba siya sa nasabing overpass. Katunayan, bihira nang gamitin ng mga estudyante ang parteng iyon dahil mapapalayo papunta sa kabilang gusali.
Wala ni isang tao roon nang binabagtas niya ang ilang baitang ng hagdan. Nasa kalagitnaan siya nang makaramdam ng negatibong presensiya. Tila gusto siyang tabunan. Kinabahan siya kaya tinakbo niya ang nalalabi pang mga baitang para makalayo.
Ngunit mali siya ng palagay.
Napasinghap siya dahil pagtapak niya sa huling baitang ay tila dinala siya sa ibang lugar at panahon!
"What the—" sambit niya. Kani-kanina lang ay maliwanag at kulay puti ang pader sa paligid. Ngayon ay napakadilim!
Nang masanay ang mga mata, napuna niyang nasa loob siya ng isang bahay dahil sa furnitures at decorations. Iyon nga lang, sira-sira at nakakalat.
Napayakap siya sa lagi niyang nakasukbit na backpack. Madalas, malakas ang loob niyang sumuong sa delikadong sitwasyon lalo na't tungkol kay Cassandra Yangco iyon. Pero ngayon, gusto niyang mag-panic. Hindi niya alam kung papaano makaalis doon.
Inaamin niyang nakararanas siya ng paranormal simula't sapul, pero never pa siyang nakapasok sa ganoong lugar.
Nasa ibang dimensiyon ba ako? naisaloob niya.
Ilang saglit ay mabilis na bumaba ang temperatura sa silid. Kinilabutan siya dahil indikasyon iyon ng presensiya ng kaluluwa o espiritu.
Nakarinig siya ng dagundong. Mukhang nanggaling sa labas. May bintana sa kanyang kanan at lakas-loob siyang sumilip doon upang mang-usisa.
She was shocked by what she saw! Para iyong post-apocalyptic scene pero sa makalumang panahon. Puro sira-sirang gusali, kalsada, vintage na mga sasakyan, at mga kalesa. Nagliliyab sa apoy ang ilan at nababalot sa makapal na usok at alikabok ang ere.
Napaatras siya at napasandal sa dingding. Hindi niya napigilan ang bahagyang pamamasa ng gilid ng mga mata. Sa kaibuturan niya kasi, alam niyang nasa Manila siya noong panahon ng World War II.
Papa'nong napunta ako rito?! nagpa-panic nang tanong ng isipan niya habang masakit sa dibdib ang pagbundol ng kanyang puso dahil sa takot. She was straining herself to maintain a brave, straight face.
Mula sa kung saan, may narinig siyang hagulgol. Parang batang babae. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang pinanggalingan noon. Sinipat niya ang sahig nang may natabig ang paa niya.
"Oh, crap!" hiyaw niya. Katawan ng mga taong wala nang buhay ang naroroon!
Tumakbo siya para makalayo. Pumasok sa isa pang madilim na silid sa pagbabakasakaling gateway iyon para makabalik na sa overpass. Subalit dalawang nakahandusay na mga tao rin ang naroroon at naliligo sa mga sariling dugo! Parang mga hapong sundalo. Mas naagaw ang pansin niya sa batang babaeng nasa ibabaw ng mga nakahandusay. Humahagulgol ito.
S'ya na ba ang batang narinig ko kanina?
Dahan-dahan itong tumayo at humarap sa kanya. May hawak itong makalumang baril at duguan ang braso. Duguan din ang damit nito wari'y may malalalang sugat sa tiyan. Umangat ang tingin ni Arabella at nagtama ang kanilang mga mata.
"Ahhhh!" Nahawakan niya ang kanyang sentido. Sari-saring mga larawan ang biglang nakikita niya. Hindi niya kilala ang mga mukha. Nagpa-flash na parang nagpapalit ng channel sa TV. Magulo.
Napahakbang siya paatras nang unti-unting lumalapit ang bata sa kanya. Subalit bumalandra ang likod niya sa dingding.
"'Wag kang lalapit!" sigaw niya. Bumilis lalo ang pagtahip ng kanyang dibdib.
Alam niyang muli itong magpapahiwatig na hinahanap nito ang mga magulang at kapatid—
Wait! Magulang at kapatid?! ulit ng utak niya. Napatda siya sa reyalisasyong iyon. Memorya iyon ng bata! Ang silid na kinaroroonan niya ay isang memorya. At ang mga senaryong nakita niya sa isipan ay ilan pang mga alaala nito.
Nasaan ang aking ama't ina?.. tanong ng bata. Wala na ito sa paligid pero naririnig niya ito sa isipan.
"Layuan mo ako!" galit na sigaw niya, sabay taklob ng mga palad sa magkabilaang tenga sa pagbabakasakaling matakpan ng mga ito ang naririnig.
...Ang aking kapatid? Kailangan kong mahanap...
"Tigil na!" Napadausdos siya sa sahig habang nakasandal sa dingding. Basa sa luha ang mga mata niya dulot ng frustration, takot, at galit dahil hindi siya makaalis doon.
...Sila'y hindi ko matagpuan...
"Tama na..." aniya na hapong-hapo at durog ang damdamin. Alam niya kung bakit. Na-absorb niya ang sari-saring emosyon ng nagmumultong bata, pati residue ng enerhiyang nakapalibot doon sa lugar.
~~~~~~
"Arabella!" Buo at malakas ang boses na iyon. Boses na nagpatino sa kanya.
Nilingon niya ang tumawag. Kahit pa madilim ang silid na kinaroroonan niya at alam niyang imposibleng may iba pang buhay na tao roon, nabuhayan siya ng loob. Tila may kung anong nagbigay ng init at liwanag sa kanya nang marinig ang tumawag. At bigla, nawala ang madilim na silid at unti-unting naging pamilyar sa kanya ang paligid. Kanina pa siya desperadong nag-iisip kung papaano makaalis sa memoryang iyon. 'Yon pala ay sa isang malakas na boses lang.
"Arabella?" wika ni Seff. Hawak nito ang balikat niya habang nakaluhod ang isang tuhod.
Nakayukyok siya sa isang sulok sa ilalim ng overpass. Doon at sa ganoong posisyon siya natagpuan nina Alexis at Seff.
Nag-angat ng tingin si Arabella at alanganing sinipat ang kaharap. Ito pala ang tumawag sa kanya? Napagtanto niyang puwede palang maging maamo ang mukha nito. Na pati mga mata nito ay puwede ring lumamlam.
"What happened to you?" ani Alexis na inalalayan siyang tumayo. Evident ang concern sa mukha nito lalo pa't halata ang mugto niyang mga mata at tensiyonadong ayos.
Litong nilingon din niya ang paligid. Kahit siya, hindi niya kayang ipaliwanag ang nangyari.
Ako ba ang may kagagawan no'n? Unconsciously ba sinadya kong pasukin ang memoryang 'yon?
"Let's get out of here," suhestiyon ni Seff. Bumalik na naman ang pagka-bossy attitude nito.
Sumang-ayon si Alexis. "This place gives me the chills anyway," anito, at kagyat na pinansin ang goosebumps sa mga braso.
Hindi aware ang mga ito sa mumunting senyales na may paranormal na naganap doon. Mabuti na lang at hindi isinambulat ni Arabella ang dinanas niyang katatakutan.
Dahan-dahan, nare-regain na niya ang self-control niya. Kaso, unti-unti ring lumalawig ang discomfort niya sa presensiya ng dalawang lalaki. Sa isip-isip niya, bakit hindi niya talaga kayang tagalan ang presensiya ng mga ito? Dahil ba sila'y popular? Kaya muling tumugtog ang isa sa mga piyesa ni Chopin sa suot niyang earpiece.
"I-I'm really sorry for what you saw back there... I was trying to avoid everyone and..." Napahugot siya ng hininga. Hindi niya alam ang idadahilan kung bakit naroon siya.
"It's fine, don't worry." Nasa mukha pa rin ni Alexis ang concern. "You were just trying to stay away from all of the buzz," interpretasyon nito sa nakita kanina. Akala nito ay patago niyang iniyak doon ang kumalat na isyu.
"Papa'no n'yo ako natagpuan?" Curious siya dahil sa dinami-rami ng estudyante roon, ang dalawa pa ang nakatagpo sa kanya.
"We were actually looking for you," tugon ni Alexis. "I finally understood what you were trying to say earlier. But I swear, I really had nothing to do with the gossip or the posting."
Napatunganga si Arabella. "N-no, that's not it... You misunderstood what I said..." Inakala ba nito na ito ang pinagdudahan niya sa kumalat na isyu? Na ang isang popular na Alexis ay hinanap siya para lang makapagpaliwanag na wala itong kinalaman sa tsismis?
"I see." Bumalik na naman ang pagiging easygoing ng mestiso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top