1: Mond Jewelry Shop
CHAPTER 1 - Mond Jewelry Shop
As seven o'clock drew nearer, the guard stood up from his seat. Lumabas siya ng Mond Jewelry Shop upang alamin kung masama pa rin ang panahon sa gabing iyon.
The rain had started in the afternoon. And though it's the month of November, there were still some instances of heavy rain with strong gust of wind. Ayon sa balita, nasa Philippine area of responsibility ang isang low pressure area.
Napaangat ng tingin ang guard sa kalangitan, sabay agad na napabuntonghininga. When a cold wind whipped around him, he lifted up his jacket's collar, then pocketed his hands to keep them warm.
Napagawi ang atensiyon ng mamang guard sa may kanan, partikular sa dulo ng sidewalk na kinatatayuan nito. Right across the T junction, a dance club & bar wouldn't be missed. The queue near its entrance door was getting longer every passing minute. Kahit masama ang panahon, mayroon pa ring mga taong gustong gumimik sa parteng iyon ng Manila. Karamihan ay may bitbit na payong at nakatakip ng hood ng jacket ang ulo upang proteksiyon sa tilamsik ng ulan.
Katabi at kahilera ng club ay isang café. Panaka-naka ay may ilang tumatambay roon. Sa labas, lalo na sa salaming pintuan, may mga nakadekorasyon nang pam-Pasko kahit next month pa ang December. Every street lamp in the area was already decorated with Christmas lights and lanterns.
Ilang saglit pa, isa-isang dumilim ang mga sinding ilaw sa katabi at kahilerang mga establisimyento ng jewelry shop. It meant that business hours had ended. Hudyat na tapos na ang duty ng mama at magsasara na rin ang shop na ginaguwardiyahan.
Napatingin siya sa relo sa bisig at napailing. Wala pa ang kanyang ka-relyebo.
Bumalik ang mama sa loob. At sa pangalawang pagkakataon ay napailing sa isang empleyada roon.
"Malakas pa rin?" sagot ng empleyada sa iling ng mama. "Wala pa naman akong dalang payong ngayon."
"Ako nga rin, e," wika ng isa pang empleyada na nagliligpit ng mga papeles.
Bumalik ang mama sa mesa sa tabi ng pintuan at nagsulat ng kanyang report sa log book.
Suddenly, the shop's glass door swung open and the three looked up almost at the same time. Isang babae ang nakatayo sa paanan noon. Matangkad, nakasuot ng coat (hanggang tuhod ang laylayan) na tinernuhan ng boots, at kapansin-pansin ang kagandahan. Nasa aktong tinitiklop nito ang bitbit na basang payong.
"Sorry, ma'am, sarado na po kami," magalang na wika ng empleyada.
The woman didn't respond. Sa halip ay isinara nito ang pinto, ibinaba ang blind noon, at iginala ang paningin sa naka-display na mga alahas. Pagkatapos, lumapit ito sa counter.
"Ma'am, bumalik na lang ho kayo bukas kasi kanina pa kami sarado," ulit ng empleyada.
"I know," malumanay na tugon ng babae. Sopistikada itong tingnan sa mas malapitan. Pati ang pagkilos ay mahinhin. "That is why nandito ako sa eksaktong oras na sarado na kayo."
"H-ho?"
Mula sa bitbit na bag, parang kidlat sa bilis na may dinampot ang babae roon at in-spray sa ilong ng dalawa. Lumagpak sa sahig ang mga ito sa isang kisapmata lang!
"Ano'ng ginawa mo sa—?" Agad na binunot ng mama ang baril at itinutok sa likod ng babae. "Bitiwan mo 'yang spray bottle at bag! At itaas mo 'yang mga kamay mo!"
Itinaas ng babae ang mga kamay pero bitbit pa rin ang mga dati nang hawak.
"Ilapag mo sa sahig sabi!" sigaw ng mama. Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa baril sa pangambang malalaglag iyon dahil sa panginginig ng mga kamay.
"And what would you do if I won't?" ngising-asong challenge ng babae.
Dahil sa halong tensiyon at nerbiyos, pinilit ng mama na lumapit sa likuran ng babae at dinaklot ang mga hawak nito. Ngunit kahit nakatalikod, mabilis na nahawakan ng babae ang kanyang kamay at braso saka ubod-lakas na siniko sa tagiliran. Tumilapon ang hawak niyang baril sa ilalim ng istante.
Nagpambuno sila. Nanlaki ang mga mata ng mama nang mapagtanto niyang nasaksak siya! Itinaas at ipinakita pa ng nakangising babae ang hawak nitong duguang patalim na ginamit.
Pa'nong may patalim? Gulantang ang isipan ng mama. Nakatago ba sa mahabang sleeve ng damit n'ya?
At muli pa, umamba ang babae ng pangalawa—pangatlong saksak!
Nanghihinang pumadausdos ang mama sa sahig. Ang nanaksak ay nabaling ang atensiyon sa mga alahas. Gamit ang duguang patalim, pinagbabasag nito ang ilang mga salaming istante upang masipat at madama nang maigi ang mga mamahaling laman niyon.
After a while, everything was chaos. Broken glasses were everywhere. Nanggagalaiting nilapitan ng babae ang nakahandusay na guwardiya at pilit itong itinatayo sa pamamagitan ng pagkuyumos sa kuwelyo ng suot na jacket.
"Nasa'n ang iba pang mga alahas?!" gigil na tanong ng babae.
Nang walang sagot, hinayaan nitong lumagapak ang mama sa sahig. Mananaksak muli ito dahil itinaas nito ang kanang kamay sa ere hawak ang patalim.
"Itigil mo na 'yan," wika ng kung sino mula sa likuran. Hindi iyon pasigaw, ngunit maawtoridad ang diin at timbre ng boses.
Nagulat ang babae! Napahinto siya. Siniguro niyang sarado na ang mga bintana at nai-lock niya ang pinto kanina. Papaanong may nakaalam ng nagaganap doon? At may nakapasok pa! Ang lakas ng loob ng nagsalita na bantaan siya nang basta ganoon na lang. Wala yatang kaalam-alam ang nagsalita sa kung ano ang pinasok nito.
Nilingon niya ito na sinamahan ng nanlilisik na tingin. Subalit muli siyang nagulat nang makitang may dalawa pa palang mga kasamahan ito!
Hindi masyadong maaninag ang anyo ng tatlo dahil bukod sa nakasuot ng jacket na nakakubli sa hood o ball cap ang mga mukha, ang mga bibig at ilong ay natatakpan naman ng panyo na nakatali sa likod ng tenga. Kaswal ang pagkakatayo at postura na tila hindi apektado sa tumambad na ayos doon.
Instantly, the woman became concerned. Lalo na sa nasagap niyang enerhiya ng tatlo. Enerhiyang tanging tulad niya lamang ang kayang bumasa at kumilala. Enerhiya na hindi pa niya natagpuan kahit saan at kahit kanino.
"Mga pakialamero!" sigaw niya. Mula sa ere, ang kanang kamay na may patalim ay muling gumalaw upang tapusin na ang guwardiya.
Subalit hindi pa man bumabagsak ang kamay, muli siyang napatda. May tila hanging humampas at dumaan sa kamay niyang nakaangat sa ere, partikular sa may parte ng pulso o galanggalangan. Sumunod ang kakaibang sensasyon. Hapdi ang biglang kumalat mula sa nakataas niyang braso, at dumaloy ang masakit na sensasyon sa iba pang parte ng katawan.
Nahintakutan siya nang husto nang walang ano-ano'y humiwalay ang kamay niya mula sa braso! Nahulog sa sahig ang putol niyang kamao na hawak-hawak pa rin ang duguang patalim.
Kumawala sa kanya ang malakas na atungal at namilipit sa sakit! In fact, she had not experienced this kind of pain before.
"Binalaan ka na," kaswal na sabi ng pangalawang nilalang, "pero wala kang awa at talagang itutuloy mo ang pananaksak." Nakasuot ito ng pulang jacket.
Takot at ninenerbiyos man, pilit niyang hindi ipinakita iyon sa tatlo. Pinuwersa niyang tumayo habang akay-akay ang putol na braso. "Who the hell are you?!" Garalgal ang boses niya pero kasama niyon ang galit.
"It doesn't matter kung sino kami," sagot ng nakaitim na jacket na unang nagsalita kanina. "Mas mabuti kung sumuko ka na sa amin nang maayos at—"
"Susuko?!" mabangis na tugon ng babae. "After severing my hand?!"
Bigla, nagbago ang itsura nito. Ang mga mata ay lalong naging mabalasik nang maging kulay pula ngunit sa anyong tulad sa bayawak. Ang mga ngipin ay lumago nang kaunti at tumalas na parang mga tinik. Ang dila ay bahagyang humaba. Nagkaroon ito ng malaking kulubot sa noo at pagitan ng mga kilay. Ang mga kuko sa natitirang kamay ay humaba at tumalim bilang sandata. Susumahin, ang ibang parte ng katawan nito ay itsurang normal pa rin tulad ng pangkaraniwang tao.
"Kalahating aswang," paismid na sabi ng nakapulang jacket. Ni hindi man lang natakot sa anyo ng babae.
"Leave—this—place!" paangil na babala ng aswang. "And I'll forget what you just did to my hand!" Itinatago nito ang panginginig ng mga kalamnan sa walang kapantay na sakit na nanunuot dulot ng putol na galanggalangan. Nag-iisip na ito katunayan ng mga gamot at ritwal upang muli iyong tumubo.
"Not a chance," madiin na tugon ng nakaitim na jacket.
"Die, you fools!" Sinugod ng babae ang nakapulang jacket na nagkataong nasa unahan.
Maliksi ang nakapula at ginamit nito ang espada bilang panangga sa matatalim na kuko ng kalaban. May kumikinang na kulay puti sa hawakan ng sandata nito.
Espada?! Bakit may espada?! hiyaw ng isipan ng aswang.
Subalit ubod-lakas siyang sinipa ng nakapula at bumagsak siya sa sirang istante.
At habang naglalaban ang nakapula at aswang, ang kasamahang nakaitim na jacket ay binunot ang cell phone at mabilis na nag-type, pagkatapos ay gumilid sa guwardiya at sinubukang bigyan ng first aid. Mayroon na rin itong hawak na espada kung saan ang handle noon ay may kinang na dark blue.
Ang pangatlong kasamahan naman na naka-leather jacket ay gumilid sa dingding at suwabeng hinugot ang sariling espada (na may kinang na dilaw sa handle) kahit pa halos kalahati ng talim noon ay nakabaon sa semento. Espada nito ang pumutol sa kamay ng aswang. Bumaon iyon sa dingding nang lumampas matapos ibato kanina sa kamay ng kalaban. Pinuntahan nito ang dalawang empleyadang wala pa ring ulirat upang suriin.
"You will all regret this, makikita n'yo!" angil ng aswang. Pero ang totoo ay hindi na nito kaya ang sakit. Hindi kasi sumasara o humihilom ang mga sugat na tinamo laban sa nakapula. Dahil ba sa espada? alanganin nitong tanong.
All of a sudden, the front door's knob turned. Iniluwa ang dalawa pang nilalang na may hawak ding sandata na halintulad sa nauna nang tatlo. Nakatakip din ng panyo ang mga ilong at bibig.
"Alerted na ang mga pulis at ambulansiya," kaswal na abiso ng pang-apat na dumating. May kinang na pula ang hawakan ng sandata nito. Ipinaalam agad nito sa mga kinauukulan ang nangyaring panloloob doon nang natanggap nito kanina ang text message ng kasamang nakaitim na jacket.
"Gawan n'yo ng paraan," kaswal na sabi ng nakapulang jacket, sabay turo sa CCTV camera sa kisame.
"Ako na'ng bahala," wika ng panlimang kasama. May kinang na lila naman ang handle ng espada nito.
Dumoble ang takot ng aswang! She needed to escape! Importanteng malaman ng Sanderiana ang tungkol sa mga nilalang. Dahil sa tingin nito, ang kuwento-kuwento ng matatandang aswang noong sinaunang panahon ay totoo!
Sa kabilang banda, umatake ang nakapulang jacket at pang-apat na kasamahan upang malapitan ang kamera. Sa pamamagitan noon, malilihis ang atensiyon ng aswang sa panlimang kasama na kailangang dumaan malapit sa gilid nito.
Sa tulong ng mga silya at mesa na ginawang patungan, pasimpleng nailatag ng panlima ang nadampot nitong scarf (na parte ng uniporme) ng isa sa mga empleyada upang matakpan ang lente ng kamera.
Sa huli, walang nai-record ang camera kung papaanong itinarak ng nakapula at ng pang-apat ang mga espada sa puso ng kalaban.
"Hindi na gagaling 'yang mga sugat mo o makakabangon pa," sabi ng pang-apat.
"'Di ka na rin makakapanakit at makakapinsala pa," dagdag ng nakapula.
Sa labas sa lansangan, maririnig na ang alingawngaw ng sirena ng ambulansiya, at marahil nakabuntot na roon ang mga pulis.
Sabay na nagkatinginan ang lima at matulin nilang nilabas ang shop. Mabilis ang mga hakbang papalayo roon halintulad sa pusa sa liksi at matahimik na paraan. Naglaho na rin ang hawak na mga sandata. Nakatulong ang malakas pa ring ulan dahil wala ni isang taong umaligid sa pook na iyon. Ang mga nakapila naman sa dance club at mga naka-stand by sa café ay walang kaide-ideya sa katatapos lamang na pangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top