Liwanag Sa Gabing Madilim
Ako ang magsisilbing buwan, sa madilim na kalangitan.
Kagaya ng buwan,
handa kitang samahan.
Sa dilim ay sasaluhan,
hinding-hindi ka iiwan.
Sa bawat hikbi,
ikaw ay dadaluhan.
Hindi ako naririto para sabihing "Tahan",
hahayaan kitang lumuha basta ba...maibsan lamang
ang iyong nararamdaman.
Kagaya ng buwan,
bibigyan ko ng ningning ang mapupungay mong mga mata,
pinapangako kong mananatili ang kislap nito hanggang sa umaga.
Dahil katulad ng buwan,
hangad ko lamang...ay ang iyong kaligayahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top